You are on page 1of 1

GREETINGS AND BAKIT GINAWA ANG PROYEKTONG ITO

Gian -Magandang umaga Ms Castro, Magandang Umaga mga Kaklase. Ako nga pala si Gian
Sevilla, ako naman si Ashton Lipana at ako naman si Hannah Olaco, kami ay miyembro ng
Sanguninang Kabataan na gumawa ng proyekto upang makatulong sa mga kabaranggay na
OFW at sa naiwan nilang pamilya. Ginawa ang proyektong ito, para sa ating mga ka-barangay
na nag tra-trabaho sa ibang bansa at para sa kanilang mga naiwang pamilya rito sa pilipinas
na nakakaranas ng lungkot dahil sa pangungulila sa kanilang mahal sa buhay. Isa pa sa mga
rason kung bakit ginawa ang proyekto ito, ay upang maiwasan natin ang mga negatibong
epekto na pwedeng makaapekto sa mga bata o sa kung sino mang may kamaganak na nasa
ibang bansa. Ang proyektong ito ay tinawag namin “BORDERS NO MORE”. Ngasyong tapos
na kami magpakilala at ipaliwanag kung bakit ginawa ang poryektong ito, hayaan natin
magsalita sa Hannah upang ipaalam kung sino ang apektado sa problemang ito at kung ano
ang epekto at magiging resulta nito.
Hannah; Sino nga ba ang apektado sa problemang ito?
-Ang mga taong apektado sa problemang ito ay ang ating mga kabarangay na OFW at ang
pinaka apektado ay ay ang mga anak o kamaganak na naiwan sa pilipinas. Ano nga ba ang
epekto nito sa ating mga kabaranggay na OFW at saknilang mga naiwang pamilya? Ano rin
ang magiging resulta nito?. Ang epekto nito sa mga kabaranggay na OFW ay maari itong
magdulot ng kalungkutan dahil sa pangungulila sa kanilang naiwang pamilya, sa mga
naiwang pamilya naman ay maari rin silang makaramdam ng lungkot dahil sa hindi sanay na
wala ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya at sila rin ay maaring mag alala ng lubos sa
magiging buhay ng lumisan na miyembro ng pamilya. At panghuli, sa mga anak naman na
naiwan ng kanilang nanay o tatay, maaring malayo ang kanilang loob sa kanilang magulang
dahil sa ito ay wala, maari rin silang magkaron ng galit o sama ng loob dahil sila ay iniwan at
hindi sinamahan sa bansa. Maari ring hindi maging maayos ang paglaki ng bata dahil wala
ang isa sa kanilang magulang upang sila ay gabayan at alagaan. Pero paano nga ba ito
maiiwasan? Hayaan nating sagutin ito ni Ashton.
Ashton-Paano nga ba maiiwsan ang mga epektong ito? Upang maiwasan ang problema na
nakakaapekto sa ating mga kabarangay, gumawa kaming mga sangguniang kabataan ng
solusyon, una rito ay ang pagkakaroon ng weekly zoom meeting, nangsaganon maiwasan
ang pagiging malungkot at pagkangulila ng mga bata sa kanilang mga magulang at
makapiling pa rin nila ang kanilang mga magulang o OFW nilang kakilala kahit sa online video
lamang. Kami rin ay mag papagawa ng station halls sa barangay halls, na mayroong mga
laptop at libreng wifi connection dito isasagawa ang weekly zoom meeting ng mga pamilya
na may OFW kamag-anak. At ang panghuli sa mga naisip naming solusyon na makakatulong
upang maiwasan ang mga negatibong epekto sa mga anak at pamilyang naiwan ay ang
pagkakaroon ng libreng pangangamusta at therapy sa mga naiwang pamilya kada buwan.
Upang maliwanagan ang kanilang mga isip at maiwasan ang pagkakaroon ng masamang
relasyon sa kanilang pamilya na nawalay, isa pa ay upang maiwasan ang mga problema sa
mental health ng mga bata o anak na may magulang na nalayo sakanila.
Gian: Bukod sa libreng pangagamusta at therapy sa mga naiwang pamilya, kami rin ay mag
bibigay ng mga Advice at Words of Affirmation sa mga OFW na nalayo sakanilang pamilya,
ganoon na rin sa mga pamilyang naiwanan sa bansa upang hindi masira ang koneksyon at
relasyon ng kanilang pamilya. At ngayong tapos na naming ipahayag ang aming proyekto,
nais kong sabihin sa ating mga kabaranggay na nandito at nasa ibang bansa, Saludo kami
sainyo, saludo kami sainyong katatagan at pagtitiis na mawalay sainyong mga minamahal,
inyong tandaan na kami ay palaging nandito tutulong at susuporta upang masolusyonan ang
inyong mga problema. Huwag sanang mawala sainyong mga isipin na ito ay pansamantala
lamang at hindi pang habang buhay.
Tayong tatlo : At doon po nag tatapos ang aming reporting, maraming salamat po sa inyong
pakikinig!!

You might also like