You are on page 1of 1

BUKAS NA LIHAM

Para sa mga kapwa kong Pilipino,

Ako’y magku-kwento ng aking pananaw sa isang komersiyal na napanood ko sa telebisyon.


Ito ay nagbigay ng aral sa akin at tinulungan akong mag-isip nang mature.

Tumatak sa aking isipan ang isang lumang komersiyal ng Tang na ipinubliko noong taong
2016. Tungkol ito sa mga taong mabilis manghusga ng tao kahit hindi naman alam ang totoong
ugali o nangyayari sa mismong hinuhusgahan. Kapag ba nakakita ka ng batang hindi maayos ang
pagkakasuot ng damit, burara agad ang magulang? Kapag ba nakitang madungis ang isang bata,
pinababayaan na agad ang anak? Kapag ba puro pambatang makeup ang ginagawa ng batang
babae, e puro kaartehan na agad ang itinuturo? Hindi mo puwedeng sabihing oo hangga’t hindi
mo nalalaman ang kanilang pagpapalaki sa anak at ang mga nangyayari sa kani-kanilang bahay.

Ika nga nila, “It’s easy to judge families by what we see…” At iyon ay isang totoong pahayag.
Halos lahat ng mga naghuhusga ay ibinabase sa panlabas na anyo. Sa mukha man yan, sa
katawan o sa mga salitang binibigkas niya.

Ang pahayag na inihayag ko sa taas ay may kadugtong pa, “But what we don’t see, is those
genuine moments at home, that define who we are and what we can be.” Hindi natin alam kung
ano-ano ang mga pinagdadaanan nilang kasiyahan at kalungkutan. At alam kong ginagawa ng
mga magulang natin ang kanilang makakaya para mapalaki tayo nang maayos.

Hindi lang ito para sa mga nanghuhusga ng pamilya, kung hindi pati rin sa mga normal na tao
lang. Kapag hindi mo alam ang totoong nangyayari, mas Mabuti na lang na huwag nang
magsalita. Sa huli mo na lang malalaman na may nasasaktan ka nang tao sa mga pinagsasabi at
pinaggagawa mo.

You might also like