Sa aking pinakamamahal na guro,Magandang umaga po sa
inyong lahat At sa aking mga kamag-aral. Naway sa maikling sandal ng ating pagsasama ay pakinggan at unawin ang aking ipahahayag tungkol sa aking ideya tungkol sa Kahirapan ng ating Bansa. Tayong lahat ay nakararanas ng kahirapan sa ating bansa kayatsa akin at sa aking pamilya.kailangan nating makatakas sa suliraning ito. Ngunit paano natin ito matatakasan kung tayong lahat ay ayaw gumawa ng paraan upang masolusyonan ang ating problema? Tayoy hindi magkakaroon ng pagkakaisa dahil sa ating mga sariling kagustuhan at opinyon na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng isang pamilya o isang sambayanan. Kailangan nating magtulungan upang makaraos tayo sa buhay. Isang dahilan ng Paghihirap ng ating bansa ay ang katamaran na katangian ng mga Pilipino. Ito ay nagiging dahilan ng Kahirapan sa bansa dahil ang mga Pilipino na walang trabaho ay nagiging sanhi ng pagrami nang ating populasyon. Tayoy hindi nagiging responsable dahil sa katangiang ito.Hindi tayo magkaroon ng magandang kinabukasan kung patuloy natin itong pana-natilihin sa ating sarili.Kung lahat tayo ay isisisi lang sa Gobyerno ang atingproblema ay walang mangyayari sa bansa. Ang pinakamabigat rin na dahilan ng kahirapan ng ating bansa ay dahil sa Korupsyon. Korupsyon,gaano na ba ito kalala? Korupsyon,hindi lang nakaka-apekto,nakakasira pa ng buhay ng tao. Sa tulong ng bawat isa sa atin ay magagamot at mapapawi ang sakit na naidulot nito sa bawat isa. Ang kailangan lang ay magkaisa at magtulungan para sa ikauunlad ng ating bansa.Nasa mga kamay natin ang solusyon sa problemang ito. Ako bilang isang kabatan,ay may layunin rin na kailangan kong gawin upang maiwasan ko ang paghihirap na nadanas ng aking magulang at ng iba pa nating kababayan. Ako ay magsisikap upang makapagtapos ng aking pagaaral ng sa ganon ay ako ay magkaroon ng magandang kinabukasan para sa akin at sa aking pamilya.
Pilipinas,magtulungan tayo.Bumangon at gumising ka!
Mayroon pa tayong pag-asa para sa ating kinabukasan.