You are on page 1of 4

ANG SIGAW NG IKATLONG LAHI Seq 1: Bading, bakla, juding, shokla, tomboy, tibo, shiboli at kung anu-ano pa.

Ilan lamang yan sa taguri sa kanilang mga miyembro ng ikatlong kasarian. Karaniwan na sa atin, sa likod o harap man ng kamera na masaksihan ang kanilang masasaya at maiingay na kwentuhan at harutan. Seq 2: Pero iba ang grupo na ito. Seq 3 & 4: Sila ang mga miyembro ng DRP o Deaf Rainbow Philippines, isang organization ng mga LGBTs o lesbians, gays, bisexuals at transgenders. Ang Deaf Rainbow Philippines na dating may pangalang Deaf Pink Club ay ang kauna-unahang grupo ng mga binging LGBTs sa bansa. Naitatag ang nasabing grupo noong Disyembre 5, 2010. Seq 5: Minsan na ring naitampok ang kanilang grupo sa isang kilalang documentary show sa telebisyon. Seq 6: Layunin ng DRP na sumuporta at maglingkod sa karapatan at adhikain ng kapwa nila mga LGBTs. Kung kayat naglunsad sila ng isang seminar na ginanap sa Commission on Human Rights noong March 17, 2012. Isa lamang ito sa maraming programa na kanilang inoorganisa upang makamit ang kanilang mga mithiin. Seq 7: Minabuti ng aming grupo na daluhan ang seminar na ito upang masaksihan ang mga kaganapan. Ang mga nasa likod ng programang Deaf Talks o 1st Philippines Outgames ay samut-saring organisasyon tulad ng Rainbow Rights Project, Wellington 2011 at Outrage Magazine. Suportado rin ito ng Commission on Human Rights at Gabriela. Seq 8: Sa naturang seminar ay aming nakilala ang kasalukuyang presidente ng Deaf Rainbow Philippines na si Henry Perey o mas kilala sa tawag na Bibo. Ibinahagi niya ang ilan pang impormasyon sa kanilang grupo. Seq 9: Interview (VO Aldrin) Seq 10: Hindi lamang siya kilala bilang presidente ng DRP, siya rin ang reigning Miss Deaf Gay Philippines.

Seq 11: Upang mas lalo naming makilala si Bibo ay sinadya namin ang kanilang tahanan sa San Rafael, Bulacan. Seq 12: NATSOT na lang Seq 13: Pagpasok sa kanilang bahay ay makikita kaagad ang mga bunga ng kanyang tagumpay. Seq 14: Buong pagmamalaking ipinakita ni Bibo ang mga alala ng isa sa mga hindi makakakalimutang karanasan niya bilang isang bading na may kapansanan ito ang pagsali at pagpakapanalo sa Miss Gay Deaf Philippines. Seq 15: Humakot siya ng ibat-ibang parangal at pagkilala sa nasabing kompetisyon. Seq 16: Nagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa Philippine School for the Deaf. Tatlo sila sa apat na magkakapatid na ipananganak na bingi. Ngunit hindi ito naging balakid. Dalawa sa kapatid ni Bibo ay may pamilyado ay may trabaho rin tulad niya. Seq 17: Sa kasalukuyan, si Bibo ay naglilingkod bilang board member ng Philippine Federation of the Deaf, aktibong sumusuporta rin siya ng mga NGOs na tumutulong sa mga Pilipinong LGBTs bukod sa pagiging pangulo ng DRP. Seq 18: SOT interview kay Bibo (seminar) Seq 19: Ibat-ibang resource speakers ang naging panauhin upang magbahagi ng kanilang kaalaman at magbigay inspirasyon. (Renante Basas Director IV, CHR) (Angie Umbac Pres, Rainbow Rights Project Inc.) (Michael David Tan Editor, Outrage Magazine) SOT interview with Mam Angie Seq 20: Sitners walang VO, talk nung psychologist

Seq 21: Interview with psychologist, walang VO Seq 22: Isa sa mga isyung tinalakay sa forum ay ang sinasabing kulang na suportang natatanggap ng LGBT community mula sa gobyerno. Unang una na raw ang hirap sa paghahanap ng trabaho, kawalan ng mga interpreters sa mga kompanya at ang diskriminasyon na nararanasan nila. Seq 23: Interview with CHR director, SOT Seq 24: Sa tulad ni Bibo at mga kasapi ng DRP, hindi na bago ang makaranas ng diskriminasyon. (interview ni Bibo, VO Aldrin) Seq 25: Mababakas sa mukha ng mga miyembro ang sinseridad ng suporta at pakikinig sapagkat alam nilang para sa kapakanan at ikabubuti ng lagay ng LGBT community sa bansa ang layunin ng seminar. Ang layunin na ipaglaban at ipagyabong ang kanilang mga karapatan karapatan bilang miyembro ng ikatlong kasarian at karapatan bilang may kapansanan. Seq 26: Isa sa mga tagasuporta ay ang ex-PBB housemate na si Rica Paras na isang transgender. (interview SOT Rica) Seq 27s: Matapos ang isang makabuluhang maghapon ay tinahak nila ang kahabaan ng Commonwealth Avenue. Sumama ang aming grupo at habang sumusunod kami sa kanila ay isang tanong ang namutawi sa aming mga isipan. Sa pagsapit ng gabi, paano nga ba naglilibang at nagsasaya ang mga katulad nila? Sa mga sandaling ito, wala nang interpreter upang tumulong sa aming pakikipag-usap sa kanila. Tanging mga cellphone at senyas na lamang ang nagsilbing tulay sa komunikasyon sa pagitan namin. Seq 28: NATSOT na lang sa Trinoma food court Seq 29: Napagkasunduan na magtungo sa Cubao. Kung saan, hindi pa namin alam. (pagsakay sa bus, jeep, yung mga lights) Pagdating sa Cubao, ito ang mga eksenang bumati sa amin. (lights ng bar)

Sinong mag-aakala na ang mga katulad nilang may kapansanan ay hindi rin pala naiiba sa atin? Katulad ng ibang bading ay nakukuha rin pala nilang magliwaliw. Hindi pa man din nabubuo sa aming isipan ang konseptong hindi naman sila lubusang naiiba sa atin at sa mga katulad nilang bading ay heto ang eksenang sumalubong sa kanila. Sa unang bar na kanilang tinungo ay hindi sila kaagad pumasok. Nagtaka kami kung bakit. Tinanong namin sila kung ano ang dahilan kung bakit hindi sila tumuloy at sinabi nila sa aming They are rude!. Sa pakikipagkwentuhan ay nalaman naming tila pinagkatuwaan sila ng mga bouncers sa bar na iyon. Hindi pa rin pala sila ligtas sa diskriminasyon. NATSOT (Star Lites). Umiiindak at sumasabay din sa saliw ng maingay at masayang tugtugin na sa una ay aming pinagtakhan. Nalaman naming hindi man pala nila naririnig ang tugtugin ay nararamdaman naman nila ang vibration ng musika. Seq 30: Bilang isang organisasyong bago pa lamang ay masasabi nang matatag ang pundasyon ng Deaf Rainbow Philippines. Ang programang kanilang nilahukan at inilunsad ay pawang mga matatagumpay. (Slide show pictures of programs) SOT interview with Bibo (dreams in the future) Seq 31: SOT interview with Mam Angie Seq 32: Sa huli ay babalik tayo sa mga salitang ito na binitiwan ni (insert name here): (SOT seminar talk) Seq 33: Tunay namang napahanga kami nila Bibo at ang mga miyembro ng Deaf Rainbow Philippines na sa kabila nang kanilang hindi pangkaraniwang kalagayan ay buong tapang at buong gilas pa rin nilang itinatayo at iwinawagayway ang bandila ng kanilang samahan. Nakintal sa aming mga isipan na ano man ang iyong kasarian, ano man ang tingin sayo ng lipunan, may kapansanan ka man o wala, lahat tayo ay may mga karapatan. Karapatang matanggap at respetuhin sa kung anong taglay mong kakayahan at kakulangan. Karapatang mamuhay nang matiwasay at maligaya. Karapatang ipaglaban ang katayuan at kalalagayan sa mundong ginagalawan. Kung kaya dapat tayong tratuhin ng pantay-pantay.

You might also like