You are on page 1of 2

CALAMBA DOCTORS’ COLLEGE

Km. 49 National Highway Brgy. Parian, Calamba City, Laguna 4027


Tel. Nos. (049) 545-9921 / 545-9922

PAGMAMAHAL SA BAYAN

Iligtas ang Bayan, ipaglaban ang karapatan, paalisin ang mga Tsino. Ayan ay ilan lamang sa mga katagang
maririnig mo mula sa mga taong nagpo-protesta. Bakit nga ba nila ito ginagawa? Ano ang kanilang layunin? Isa
lamang, dahil mahal nila ang ating Bayan.

Ang ating mundo ay patuloy sa pag-ikot. Mabilis lumipas ang bawat oras, segundo at minuto. Ang ating
kalendaryo ay unti-unting nagbabago sa paglipas ng panahon at gayon din ang ating Bayan. Kung noon ay
handang ibuwis ng mga Pilipino ang kanilang buhay para sa Bayan, ngayon kaya, ganoon ka rin ba? O baka
naman ikaw yung Pilipino na walang pakialam sa mga nangyayari sa ating Bayan?

Mga kaibigan, ang usapin tungkol sa pagmamahal ng Bayan ay hindi nagbago, ngunit tumatak na mula
no’ng masilayan natin ang liwanag ng paghahangad ng ating kalayaan. Kaguluhan, pagdurusa, sakit at kabiguan
ang bumabalot sa ating Bayan. Walang hanggan ang iyong pagdaing ngunit gumawa ka na ba ng paraan?

BAYAN – isang salita, limang letra. Pero bilang isang kabataan, paano mo pinahahalagahan?
Paano mo maiaangat ang kulturang Pilipino at kaunlaran ng Bansa?
Paano mo maipamamalas ang iyong pagmamahal sa Bayan?

Una, sundin mo ang mga batas na ipinatupad dito sa ating Bayan. Sa simpleng pagsunod lamang sa mga
batas, maipakikita na natin ang ating pagmamahal sa Bayan. Pagtawid sa tamang tawiran, pagsunod sa batas
trapiko, at pagboto nang mabuti tuwing eleksyon.

Ikalawa, tangkilikin mo ang sariling atin at pahalagahan mo ang ating kultura. Sa pamamagitan nito,
ipinakikita natin na mahal natin ang ating Bayan. Makadadagdag ito sa kaban ng ating Bayan at makatutulong
din tayo sa ating mga kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagtangkilik ng kanilang produkto. Ang kultura ang
siyang sumisimbolo sa ating paraan ng pamumuhay kaya nararapat lamang na pahalagahan natin ito.

Huli, gamitin mo ang sarili mong wika. Ang wikang Filipino ang naging daan upang tayo’y magkaisa. Ito
ay ang kayamanang kaagapay natin tungo sa kaunlaran. Kaya ikaw, oo ikaw! Mayroon kang sariling wika, bakit
kaya hindi ito ang iyong ginagamit?

Simulan natin ang paghubog sa magandang kinabukasan. Maputi o maitim, matangkad o pandak, matangos
ang ilong o pango, tayo ay parehas lamang ng pinagmulan at ito ay ang Bansang Pilipinas. Sabi nila, kapag
mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat. Sigurado ako, oo sigurado ako na mahal mo ang Inang Bayan at
alam ko na may gagawin kang paraan upang ito ay umunlad at makamit ang kapayapaan. Sapagkat ang
pagmamahal mo sa Bayan ay paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa kultura, paniniwala, at
pagkakakilanlan ng ating minamahal na Bayan – at ito ay ang Bayang Pilipinas.

PL - Elyka Jane Palopalo


Grade 12- ABM Meyer
CALAMBA DOCTORS’ COLLEGE
Km. 49 National Highway Brgy. Parian, Calamba City, Laguna 4027
Tel. Nos. (049) 545-9921 / 545-9922

PL - Elyka Jane Palopalo


Grade 12- ABM Meyer

You might also like