You are on page 1of 4

Isang magandang ‘Bagong Pilipinas’.

Ngayon ay Huwebes, February 15, 2024 diretsahang


usapan sa mahahalagang isyu sa bansa kasama ang mga kinatawan ng mga ahensiya ng
pamahalaan - ako po si Niña Corpuz.

PCO ASEC. HIDALGO: Mula sa Presidential Communications Office, ako po si Assistant


Secretary Wheng Hidalgo – ihahatid namin ang mga programa at serbisyo para sa taumbayan.

CORPUZ: Tutok lang, narito na ang Bagong Pilipinas Ngayon!

Magandang tanghali po sa inyong lahat at good afternoon sa iyo, Asec. Wheng.

PCO ASEC. HIDALGO: Good afternoon, Nins.

CORPUZ: ‘Ayan. Bago tayo magpatuloy sa mga balita at talakayan, siyempre hingi muna kami
ng update mula sa inyo diyan sa PCO, Asec.

PCO ASEC. HIDALGO: Tayo ay busy pa rin para sa coverage ng ating Pangulo sa mga
pinupuntahan niya at iyong isang pinagkakaabalahan talaga namin ngayon ay iyong Campus
Caravan sa susunod na linggo, diyan po sa Visayas at Mindanao. So, from February 19 to 22 ang
Campus Caravan ng PCO ay pupunta po diyan sa Leyte. Abangan ninyo po sa social media
pages ng PCO lalo na po sa Facebook page iyong eksaktong lugar kasi mayroon pa tayong ina-
arrange na mga state universities kaya…

CORPUZ: Tatanong ko sana kung anong state university. Puro state university ang pupuntahan
ninyo?

PCO ASEC. HIDALGO: Oo. So ayan, karamihan ay mga communications students ang ating
target. Pero kahit naman sino puwedeng mag-join basta abangan lang po ninyo iyong eksaktong
lugar.

CORPUZ: ‘Ayan. Abangan ninyo po ang PCO diyan kasama siyempre si Assistant Secretary
Wheng, abangan ninyo ang kaniyang presentation at PowerPoint ‘di ba, at mga tips and advice
para naman mayroon tayong matututunan mula sa inyo sa PCO at makaiwas po tayo sa fake
news at misinformation.

PCO ASEC. HIDALGO: Gusto ko iyong mga hindi natututunan sa school na nasa tunay na
buhay na kapag ikaw ay nagtrabaho.

CORPUZ: Oo, iba rin talaga kapag galing po sa mga may experience na at saka may mga
nararanasan natin, marami talagang fake news eh so kailangan talagang labanan natin ito. So
maraming salamat, Asec. Wheng.

Ngayon naman, inatasan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang lahat ng military camp
commander na magtipid sa paggamit ng tubig. Ito ay pakikiisa ng kagawaran sa hakbang ng
gobyerno na maibsan ang posibleng epekto ng El Niño sa bansa. At bilang pagtugon sa direktiba
ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nagbigay ng direktiba ang kalihim sa mga camp
commander na siguruhing maayos ang mga sirang tubo sa mga pasilidad ng militar para walang
masayang na tubig. Dapat din aniya na kausapin ang kanilang dependents na naninirahan sa
military camp na gawin ang kanilang parte sa pakikiisa sa whole-of-government approach para
maibsan ang epekto ng El Niño.

Pagdiriwang ng Safer Internet Day ating alamin kasama si Department of Justice Undersecretary
Nicholas Felix Ty, Undersecretary in charge ng Inter-Agency Council Against Trafficking. Usec,
magandang tanghali po.

DOJ USEC. TY: Magandang tanghali, Niña. Magandang tanghali, Asec. Wheng. Thank you
once again sa pag-invite sa programa ninyo, Niña.

CORPUZ: Maraming salamat, sir. Ngayon, kumusta naman ang pagdiriwang natin nitong Safer
Internet Day? Kailan po ito ginanap at ano po ang naging sentro ng selebrasyong ito ngayong
taon?

DOJ USEC. TY: Naganap ito noong Feb. 13 and Feb. 14; it was a two-day event na ang venue
nito ay ang SMX Center dito sa Pasay. Napaka-successful noong event na ito, nag-imbita tayo ng
napakaraming stakeholders sa laban kontra online sexual abuse and exploitation of children. So
may mga representatives tayo mula sa mga sari-saring NGOs, sa mga sari-saring komunidad –
may mga bata nga ‘no, may mga kabataan na nag-attend sa iba-ibang parte ng Pilipinas pa sila
nanggaling; may mga representatives tayo galing sa telcos at galing sa mga internet
intermediaries; at siyempre, may mga representatives tayo galing sa mga nakatakdang
government agencies tulad ng DOJ, ng DSWD, Commission on Human Rights at iba-iba pa.

PCO ASEC. HIDALGO: Usec, ano po ba itong Safer Internet Day? Bakit po tayo may ganito
at saka mas maganda yata kung everyday is a Safer Internet Day?

DOJ USEC. TY: Tama po iyon, Asec. Wheng, ‘no. Isa sa mga na-identify namin na areas where
we can tackle iyong counter-trafficking at counter-OSAEC is awareness at kinu-commemorate
natin ang Safer Internet Day upang ma-foster ang awareness. Ang Safer Internet Day, hindi lang
naman ‘to sa Pilipinas – sa buong mundo may ganito ‘no. Sini-celebrate ito sa buong mundo at
nag-umpisa ito sa Pilipinas noong 2018 ‘no under Presidential Proclamation 417 na in-enact ni
then President Rodrigo Duterte sa every second Tuesday of February sini-celebrate natin dito sa
Pilipinas ang Safer Internet Day.

CORPUZ: So, hindi lang pala Valentine’s Day ang ating sini-celebrate ‘no kapag February 14 –
mas importante yata itong Safer Internet Day. At kasabay nga po ng pagdiriwang na ito,
inanunsiyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang all-out war laban sa mga cyber
predators. Can you give us more details about this announcement, sir?

DOJ USEC. TY: Oh, yes. Eh kung maalala natin, very early on sa Marcos administration, I
think that was September 2022 – nagdeklara na si Secretary Boying Remulla ng all-out war
against OSAEC. Alam naman natin ang laban sa OSAEC, hindi ito natatapos ‘no dahil hangga’t
mayroong mga taong vulnerable at may mga taong sadly mabibiktima. So dapat ituloy lang natin
ang laban natin against OSAEC, at ang laban natin against OSAEC ay multi-pronged ito, multi-
faceted. Hindi lang naman ito simple sa law enforcement ngunit mayroon din tayong mga dapat
na preventive measures na ie-enact ‘no, unang-una sa level ng mga communities, sa level ng mga
pamilya at sa level ng mga kabataan – maganda na may awareness tayo ‘no on how to use the
internet safety.

At bukod pa doon, dapat iyong mga pribadong entities tulad ng mga internet service providers at
mga internet intermediaries ay dapat sumama din sila sa laban na ito dahil sila ang may hawak
ng mga plataporma at ng mga tools na sadly nagagamit ng mga predators laban sa mga kabataan
so karapat-dapat lang na kasama sila sa laban na ito. At doon sa batas natin o iyong RA 11930
which is the Anti-OSAEC and CSAEM law, may mga obligasyon doon ang mga ISPs (Internet
Service Providers) at ang mga internet intermediaries na kung hindi nila matupad ang mga
obligasyon na ito ay mayroon silang mga parusa na criminal at administratibo.

PCO ASEC. HIDALGO: So, Usec, ano po ba iyong kahalagahan ng parental monitoring sa
pagprotekta sa mga kabataan mula sa online sexual abuse at para mas maiwasan o mas maging
ligtas pa ang ating mga kabataan sa paggamit ng internet?

DOJ USEC. TY: Napakahalaga ang parental monitoring. Sabi nga nila eh it starts at home ‘no,
everything starts at home so ang mga magulang dapat hindi natin i-take for granted ang mga
peligro na nandiyan sa internet. So iyong mga parental controls as much as possible ma-
implement natin sana iyan at kasama din doon ang pag-monitor ‘no – huwag nating pabayaan
ang mga anak natin na gumamit-gamit lang ng internet.

On the flip side ‘no, ito ‘yung napakalungkot na lagi naming sinasabi – madaming mga biktima
ng online sexual abuse and exploitation of children, ang nagpa-facilitate pa ng kanilang
victimization ay kanilang mga magulang. So iyong mga magulang, sila ay nagbebenta ng mga
video or mga pictures ng kanilang mga anak sa mga foreign predators abroad. So sana naman
‘no, itong practice na ito ay matigil na; sana maging mas aware ang mga magulang na huwag
gawin ito ‘no. Bukod sa kriminal ito, ito ay nakakasama talaga sa mga kabataan.

CORPUZ: All right. So, sa lawak po ng scope ng internet ‘no, paano po bibigyan ng
pamahalaan ng sapat na proteksiyon ang mga kabataan laban ho sa mga challenges ng digital
world at ano po ba sa tingin ninyo ang dapat tutukan sa ngayon? You mentioned already iyong
parents na minsan kasabwat kasi kapag chinarge ninyo naman sila at makulong naman iyong
magulang, eh magulang po iyan. Ano po ba iyong iba pa nating ginagawa para siguro ma-
educate itong mga magulang na ito?

DOJ USEC. TY: Tama po iyon ano, mahirap naman na puro law enforcement lang ang ating
approach. Kaya may mga preventive measures tayo at unang-una na doon ay ang awareness;
kaya nga mayroon tayong ganitong activities tulad ng Safer Internet Day dahil hopefully ma-
foster niyan ang awareness.

Tama si Asec. Wheng ‘no, dapat nga everyday eh, dapat every day we make the internet safe for
children. But ang kagandahan sa mga events tulad ng kahapon at saka noong Feb. 13 ay talagang
malagay sa spotlight ang Safer Internet Day. At alam mo naramdaman namin iyon ‘no, sobra
kaming nagpapasalamat sa ating mga kaibigan sa media, both public and private, media for
giving DOJ, IACAT and the NCC-OSAEC-CSAEM the opportunity to put this concern on a
spotlight dahil nga malaking tulong ito sa pag-create ng awareness sa problema na ito.

PCO ASEC. HIDALGO: Oo. Kasi ngayon wala na po talagang hindi gumagamit ng internet ‘di
ba – lahat nasa internet, lahat ng gusto mong malaman isang click lang iyan. Dati may
encyclopedia, ngayon nandiyan na si Google ‘di ba so ang bilis. So, ano naman po iyong
hakbang ng justice department sa napakamurang subscriptions ng exploitation and pornography
online? May mga consultations and dialogues po ba tayo tungkol dito, sir?

DOJ USEC. TY: Mayroon tayo, mayroon tayong mga consultations at dialogue. Every so often
nag-iikot kami sa iba-ibang mga probinsiya, lalawigan at siyudad sa Pilipinas at kinakausap
namin iyong mga iba-ibang mga barangay officials doon na matulungan kami na mapa-trickle
down ang impormasyon na ito sa mga grassroots. Bukod doon, iyong law enforcement malaking
tulong din ito dahil makita ng mga nambibiktima, ng mga perpetrators na mayroon talaga tayong
aksiyon ay ma-disincentivize sila ‘no, magkaroon ng deterrent effect sa kanila na ituloy ito.
Bukod pa doon, isang napakaimportanteng hakbang ay ang koordinasyon sa mga foreign
counterparts natin – kasi ang online kalaswaan o ang OSAEC kadalasan cross border crime ito.
Ang typical modus nga dito ay may foreign sexual predator o may foreign na pedophile na nais
maghanap ng mabibiktima at ang nakokontak nila ay iyong magulang o kamag-anak ng mga
kabataang Pilipino.

So, malaking tulong dito ang coordination sa foreign law enforcement dahil ang foreign law
enforcement sila ang nagbibigay ng referral sa atin ng mga potential kaso dito ‘no at dahil nga sa
koordinasyon sa foreign law enforcement madami na tayong mga nasalbang bata at madami na
tayong napasagot na mga perpetrators dito sa Pilipinas.

CORPUZ: All right. So, mensahe ninyo na lang po sa ating mga kababayan lalo na po sa mga
magulang na patuloy na gumagabay sa kanilang mga anak sa paggamit ng digital devices and
platforms.

DOJ USEC. TY: Uulitin ko lang ‘no, napakaganda ng point kanina ni Asec. Wheng tungkol sa
dapat every day we make the internet safe ‘no. So, sana ang mga magulang ay maging aware
doon sa dangers ng internet na madaming peligro sa mga kabataan natin na nandiyan, minsan
hindi natin nakikita, iniisip natin napakainosente pero maaaring mangyari iyan ‘no.

So, let’s encourage our children to be safe users of the internet by being more aware of the
dangers out there. At ulitin ko lang iyong sa mga magulang naman na talagang nag-iisip ‘no na
ibiktima ang sarili nilang anak – huwag na nating gawin ito ‘no dahil talagang mapapasagot kayo
at nakikita naman natin na madami na kaming mga magulang na napakulong dahil sa krimen na
ito, so huwag ninyong iisipin na magbi-benefit kayo dito dahil in the long run ay mapapasama
kayo at mapapasama ang mga minamahal ninyo sa buhay.

CORPUZ: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty,
Undersecretary in Charge ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

You might also like