You are on page 1of 2

RIZAL’S DAY | FLOWER OFFERING CEREMONY

S’Jem & M’Tere: Isang magandang araw po sa ating lahat!


S’Jem: Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang ika-158 kaarawan ng ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Protacio Rizal.
M’Tere: Tunay ngang isang napakalaking karangalan para sa atin dahil siya ay
ipinanganak dito sa lungsod ng Calamba. Isang bayaning pinatunayan ang kaniyang
pagmamahal sa Pilipinas at ipinaglaban ang kasarinlan sa pamamagitan ng kaniyang
talino at pagsulat.
S’Jem: Inaanyayahan po ang lahat na tumayo bilang paggalang at pag awit sa
Pambansang Awit ng Pilipinas na kukumpasan ni Gng. Rosalie L. Monterozo. Susundan
naman ng isang panalangin sa pangunguna ni Bb. Carmelita D. Son.
M’Tere: Ngayon naman ay ating masasaksihan ang isang pampasiglang bilang na
ihahandog sa atin ng mga masisipag, at magagaling na guro ng Turbina Elementary
School.
S’Jem: Wow! Tunay na napaka talentado ng mga gurong Calambeno katulad ng ating
pambansang bayani. Ngayon naman ay ating pakinggan ang mensahe ng ating masipag,
mahusay at butihing Ulong Guro III, Gng. Merlita M. Lastimosa.
M’Tere: Maraming salamat po ma’am Merly sa inyong mensahe. Upang samahan tayo sa
pagbabalik tanaw sa ilang mga mahahalagang bagay at kaganapan tungkol sa ating
pambansang bayani, atin pong pakinggan si Gng. Jasmin P. Medalla, Dalubguro II.
S’Jem: Maraming salamat po Gng. Jasmin, tunay nga na… (ADLIB based on the balik
tanaw)
Upang bigyan tayo ng mensahe, tawagin natin si :

 G. Alfredo Esguerra (Pangulo ng PTA)


 Kon. Reynaldo C. De Leon (Komite ng Edukasyon
 Kap. Rodel V. Manalo (Punong Barangay)
 Dr. Thelma G. Calatin (Tagamasid Pampurok Silangan IV)
 Panauhin
 Rizalista
M’Tere: Upang bigyan tayo ng pangwakas na pananalita, tawagin po natin si Gng. Judith
B. Arjona (Pangulo, Samahan ng mga Guro).
S’Jem: Tayo po ay dadako na ikalawang bahagi ng ating pagdiriwang, ang pag-aalay ng
mga bulaklak sa bantayog ni Gat. Jose Rizal.
 Mga babaeng iskawt
 Asurion
 Alpha Kappa rho
 BJMP Toda
 Sangguniang Barangay
 Samahan ng mga Magulang
 Mga Lalaking Iskawt
 Advantek
 Tau Gamma Phi
 BJMP Regional Office
 Sangguniang Kabataan at Samahan ng mga Guro

You might also like