You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay I ng Pangasinan
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG MAPANDAN
Mapandan, Pangasinan

ULAT-PASALAYSAY TUNGKOL SA PAGDARAOS NG


NATATANGING KASUOTANG PILIPINO 2015

Ang pambansang kasuotan ng mga Pilipino ay makabuluhang bagay


bilang tanda ng kakanyahan at pagkakakilalan. Upang ipakita ang simbolo at
tatak ng pagka-Pilipino, ang Pambansang Mataas na Paaralang Mapandan ay
nakiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kasuotang Pilipino noong Setyembre 18,
2015, alauna ng hapon sa bulwagan ng PMPM sa pangunguna ng mga guro
mula sa Departamento ng Filipino.

Itinampok sa pagdiriwang ang paligsahan sa natatanging kasuotang


Pilipino kung saan ipinakita ng mga kalahok na mag-aaral ang ibat ibang
disenyo ng Filipiniana o barot saya, barong Tagalog at iba pang uri ng
kasuotan.

Inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang


Hinirang kasunod ang pagbibigay-pasasalamat at papuri sa Maykapal sa
pamamagitan ng doksolohiyang pinangunahan ng mga piling mag-aaral ng
PMPM. Nanatiling nakatayo ang lahat para sa pagpapakita pa rin ng
pagkamakabayan sa pamamagitan ng pag-awit ng Himno ng Mapandan.

Sumunod sa palatuntunan ang pagbibigay ng pambungad na mensahe


ni Gng. Gloria F. Soriano, Ulongguro III bilang kinatawan ng Punongguro IV na
si Gng. Elvira O. Velasquez na nooy nasa isang pagsasanay.

Unang nasulyapan ang kakisigan at kagandahan ng mga kalahok sa


naturang paligsahan nang sila ay nagpakita ng isang Production Number sa
saliw ng awiting PIliin Mo ang Pilipinas.

Bago sinimulan ang patimpalak ay ipinakilala muna ang mga hurado


na sina Gng. Romeo A. Valerio, Jr, Ulongguro I ng MAPEH Department, Gng.
Marie Joy T. Visperas, Ulongguro III ng Science & Technology Department at
Gng. Melani E. Prado, Guro I ng TLE Department. Isinunod naman agad ang
pagbasa ng kriterya para sa paligsahan na inilahad ni Gng. Shella R. Tangol,
Guro III ng Filipino Department at Tserman sa pagdiriwang Linggo ng
Kasuotang Pilipino.

Sa pangalawang bahagi ng programa ay isinagawa na ang patimpalak


kung saan isa-isang rumampa ang mga kalahok at ipinakilala nila ang kani-
kanilang mga kasuotan. Nagpatalbugan sa kasuotan ang labintatlong lalaki
at tatlumpong babaeng kalahok mula Baitang 7 hanggang Baitang 10.

Bilang resulta ay nakamit ng mga sumusunod ang mga espesyal na


parangal na:

Pinakamagaling sa Pagpresenta ng Kasuotan Jonna Tiozon, Baitang


10 SSC
John Cyrelle Cerame, Baitang
9 SSC
Pinakamagandang Disenyo Kiana Suratos, Baitang 9
Shakespeare
Fil Medrano, Baitang 10 Athena

Pinakamagaling sa Pagrampa Rosela Prestoza , Baitang 10


Ceres
Fil Medrano, Baitang 10 Athena

Paborito ng Madla Kiana Suratos, Baitang 9


Shakespeare
Patrick Morales, Baitang 9
Shakespeare

Samantala, sumunod na inihayag naman ni Gng. Melanie Prado ang


faynal na resulta ng paligsahan at iginawad sa mga nagwagi ang mga
sumusunod na parangal:

Kasuotang Pilipino 3rd Runner up Kimberly Batiancila, Baitang


10 Ceres
Mark Limuel Bronuela, Baitang 10 -
Nike

Kasuotang Pilipino 2nd Runner up Carmina Matamis, Baitang 10


Ceres
John Cyrelle Cerame, Baitang 9
SSC

Kasuotang Pilipino 1st Runner up Rosela Prestoza, Baitang 10


Ceres
Patrick Morales, Baitang 9
Shakespeare

Natatanging Kasuotang Pilipino 2015 Keana Suratos, Baitang 9


Shakespeare
Fil Medrano, Baitang 10 Athena

Nagtapos ang palatuntunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng


pangwakas na mensahe si Gng. Myrna S. Aromin at pagbibigay ng
pasasalamat sa lahat ng nagwagi sa nasabing paligsahan.

Natapos nang mapayapa at matiwasay ang pagdaraos ng Linggo ng


Kasuotang Pilipino 2015.

Iniulat ni:

SHELLA R. TANGOL
Guro III/ Tserman, Linggo ng Kasuotang Pilipino 2015
Binigyang-pansin ni:

GLORIA F. SORIANO
Ulongguro III, Departamento ng Filipino

ELVIRA O. VELASQUEZ
Ulongguro IV

You might also like