You are on page 1of 12

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CLSU Collegian

Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University


Miyembro: College Editors Guild of the Philippines
Tomo LI Blg. 2
Pre-Intrams 2014
LIPAD. Pangungunahan ni 2013 National SCUAA High hurdle gold medalist Archieval Magtalas ang lighting of flame of friendship sa
pagbubukas ng 51st Intramural games bukas. (Litratro mula sa ISPEAR)

CAS at Agri, mas hihigpit ang labanan


ni Paul John Villamor

Kumpara noong nakaraang


taon, mas magiging mahigpit ang
labanan ngayon.
Ito ang sinabi ni Professor Jay
Santos, director ng ISPEAR ng
tanungin kung ano ang kahihinatnan na posisyon ng mga kolehiyo
sa talaan ngayong taon batay sa

naging resulta noong 50th Intramural games.


Ayon kay Santos, ang pagtatangka ng College of Arts and
Sciences (CAS) na makuha ang
ikatlong sunud-sunod nitong
kampeonato ay nakasalalay sa
mga team events.

Ang opisyal na tala ng mga medalya noong 50th golden intramurals


at posisyon ng mga kolehiyo.(mula sa ISPEAR)

Nakikita ang lakas ng CAS


sa mga individual events gaya ng
athletics at swimming noong nakaraang taon, ani Santos. Pagdating sa team events ay pumapangalawa lang sila.
Pinakamalaking bilang ng
ginto para sa CAS ay galing sa
athletics kung saan nakakuha ito
ng 28 at 26 naman sa swimming
noong huling intrams.
Nang tanungin si Santos
kung ano ang maaaring problemang kaharapin pa ng CAS bukod sa team events ay sinabi nito
na mahahati ang bilang ng ginto
na nakuha nito sa athletics at
swimming noong 50th intrams.
Nasa Fisheries na si Aries
Toledo na dating best male athlete sa National SCUAA at middle distance gold medalist na si
Vanessa Laureta, sabi ni Santos.
Binanggit ni Santos na pinakamalaki ang i-aangat ng nasa ikalimang puwesto na College of
sundan sa pahina 9

CAS babalakin
ang grandslam
ni Jessa Rarama

Tatangkain ng Colleg e of Ar ts and Sciences (CAS) na makamit ang


ikatlong sunod-sunod na
titulo sa 51st University Intramural Games sa
Setyembre 10-12.
Nakalikom
ng
82
ginto ang CAS noong
g olden intramurals at
kung sakaling manalo sa
nalalapit na intrams ay
matatapatan nila ang rekord ng Colleg e of Agriculture na natatanging
kolehiyong nag g rand
slam sa intrams.
Malakas tayo sa athletics at swimming, dun
talag a tayo kumukuha
sundan sa pahina 9

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

OPINYON

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

EDITORYAL

Bagong Simula
Ito na ang ikalimaput isang intramural games ng ating unibersidad at una
makaraan ang tinaguriang 50th golden intramural games.
Bagong simulang maituturing upang muling masubok ang husay ng mga
manlalarong atleta na maaring kumatawan sa unibersidad sa mga kompetisyong lalahukan, lalo na ang taunang State Universities and Colleges III (SUC
III) Olympics kung saan sa kabila ng pag uuwi ng mga ginto ay hindi pa din
sapat upang pabagsakin ang naghaharing Bulacan State University(BulSU).
Matatandaang nitong nakaraang SUC III Olympics ay nasa ikalawang puwesto lamang tayo na may 37 na ginto kumpara sa BulSU na may 127 na ginto. Malayo ang diperensya sa numero kung ating ipagkukumpara ngunit kung
ating susuriin karamihan sa mga larong nagdala ng ginto sa ating unibersidad
ay mga individual na kategorya. Kinapos ang karamihan sa koponan natin sa
mga ball games kung saan maraming ginto ang maaring anihin. Kung gayon
kung ating napanatili ang ilan sa mga ginto natin sa mga ball games na meron
tayo noong 2012 ay malaki ang ating tiyansa na agawin na ang titulo sa BulSU.
Isa ring kawalan na maitututring ang hindi paglalaro ng National State
Colleges and Universities Athletic Association (NSCUAA) Best Male Athlete
na si Aries Toledo na sana ay mag-aambag ng mga ginto mula sa track and
field.
Sa kabilang banda ang unibersidad ay umuusad pa rin sa larangan ng palakasan, patunay dito na nabasag natin sa magkasunod na SUC III Olympics
ang rekord ng unibersidad na pinakamadaming medalya na mula noong 1998
na nagtala tayo ng 134 medalya na nabasag noong SUC III 2012 makaraan
tayong umani ng 139 na medalya at nitong SUC III 2013 ay patuloy pang
bumasag ng rekord at itala ang 172, pinakamataas mula noong 1998.
Ngayong ikalimamput isang intramural games, maraming manlalaro ang
masusubok at maihahanda upang maipagpatuloy ang mga pag usad sa palakasan at hindi malabong makaraan ang tagisan ng walong kolehiyo sa ating
unibersidad ay mapipili na ang mga manlalarong kakatawan sa unibersidad.
Ang tanong sapat na nga ba ang mga paghahandang ito upang maging
kampeon sa nalalapit na SUC III Olympics?

CLSU Collegian
Paul John Villamor: Editor-in-chief | Ellaine M. Aquino: Associate editor |Jessa
Rarama: Managing editor | Marc Ren-ren Echanez: Opinion editor| Albert F.
Toin : Sports editor | Josh Ann Marie Aguilar: News editor | Lorelyn Casita:
Features editor | Kristine Joyce Tevez: \Devcomm Editor| Ramon Rarama:
Head cartoonist | Thea Mae Wacas: Circulation manager | Ian Claire Salvador,
Marah Del Rosario, Ruth Camille Monta, Maria Cristina Villamor, Michael Adrian
Pagaduan, Harold Dela Rosa, Eddieboi Ferrer, Dan Ghino Abejon, Glaiza Carrera,
Michaella Del Rosario, Patricia Leuterio, Van Pastor, Jon Paolo Balagtas, Joshua
Ramos, Anthony Matias: Probationary Staff | Ms. Chrysl Avegeil Noble: Adviser

Nagtatanong lang po

Kabi-kabilaan ang mistulang lantaran ng maling


p a g b e b e n t a n g l i b r o n g i l a n g m g a p r o p e s o r. N a r i yan ang mababang kalidad ng libro ngunit mahal
n a p r e s y o n i t o. B a k i t s a k a b i l a n g m g a i r e g u l a r i d a d
ng mga ito ay hang gang sa ngayon ay wala pa ring
aksyon? K ailangan bang palaging may mga taong
magreklamo samantalang lantaran naman na ang
mga paglabag?

Nasa halos patapos na tayo ng semestre ngunit


m a y m g a u n i p o r m e p a r i n n g P. E . a n g h i n d i n a i bibigay sa mga mag-aaral na matagal na nilang
nabayaran. K ailan po ba ibibigay ang mga unipormeng dapat ay matagal ng mayroon?

N o o n g n a k a r a a n g t a o n a y w i n i k a n g d a t i n g V PA A
n a s i D r. S o l e d a d Ro g u e l n a b awa l m a g k l a s e s a
intrams at malamang na hang gang sa ngayon ay ito
pa rin ang umiiral. Hindi na kailangan pa kung tutuusin na sabihin sa mga mag-aaral at mga fakulti.
Hindi po ba kailangan pa rin na ito ay ipaalala
para sa kaalaman ng mga bagong mag-aaral at ng
mapapaalalahan na rin ang mga tagapagturo na
nais sumuway dito upang humabol sa mga klaseng
kanilang naiwan?

Hindi natuloy ang special election na binalak


noong Ag osto para sa mg a posisyon sa University
Supreme Student Council at sa ngayon ay nanatili
ang mga dating nakaupo at ginawang tila job opening ang mga bakanteng posisyon. Hindi po ba tila
mabagal ang galaw ng Congress of Campus leaders
upang sana ay nagkaroon na lamang ng panibagong
special election?

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

OPINYON

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

TAKEDOWN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Ginebra

...akala mo ay nandoon sa oval ang Ginebra


noon pala ay doon nakapuwesto ang may hawak ng mga attendance ang tunay na star ng
Intramural games.

PAUL JOHN P. VILLAMOR


pjpjvillamor@gmail.com / 0916584457

Attendance aabang ang muli ng ayong taon


ng Intramural g ames. Nakalulungkot isipin na sa
g anitong paraan na lamang
nahihikayat ng bawat kolehiyo ang kani-kanilang mg a
estudyante upang dumalo
sa intrams.
Sa ikaapat na taon ko sa
unibersidad, maihahalintulad ko sa Philippine Basketball Association (PBA)

ang intrams sa CLSU kung


saan kapag ang crowd favorite Barang ay Ginebra
Kings ang nakalinyang
lumaro ay hindi magkamayaw ang mg a gustong
makapanuod ng laban,
ngunit kapag walang laro
ang koponan ay dumarami naman ang silyang
mauupuan
sa
Araneta
Coliseum g anito rin sa
CLSU kapag intrams, may
twist ng a lang.
Pinakamaaksyong par te
ng intrams ay ang unang

araw nito (Parang may laban ang Ginebra). Dagsa,


ang libu-libong mg a tagasupor ta hindi ng a lang
ng mg a manlalaro kundi
ng polisiya na ipinatutupad ng bawat kolehiyo na
dapat mag pakita sa nasabing kag anapan at makapag-palagda upang makaiwas sa par usa.
Ang ikalawang araw
naman ng intrams ay
marami-rami pa ring manunuod (May laban pa rin
ang Ginebra ngunit kaunti

Oy, Pikon
Sa gitna ng maiinit na
tunggalian ng bawat larong
nagaganap tuwing Intrams,
madalas na mas kapansin-pansin pa ang labanan ng
cheer at kantyawan ng mga
taga-suporta ng mga manlalaro. Sino pa nga ba ang nakaka-alala ng mga katagang
ipinaghihiyawan ng mga
mag-aaral sa loob ng gymnatorium noong nakaraang
50th Universitty Intramural
Games? Sa kainitan ng laro
ay mas bumabandera pa ang
mga katagang Wala kayong
bigas!, Wala kayong hotel!
Marahil ang mga ganitong
uri ng kantyawan ay maliit lamang na bagay para sa ibang
mga nanonood. Ngunit hindi pala para sa mga taong
maari nating matawag na
masyadong namersonal at

ang iba naman ay napikon,


pumatol! Nakakalungkot lamang isipin na ang ganitong
uri ng aktibidad, nagdudulot
pa ng hidwaan sa pagitan ng
mga estudyante.
Magpahanggang
ngayon, may mga estudyante pa
rin mula sa pwersa ng dalawang grupo na tawagin nating walang bigas at walang
hotel ay may samaan ng loob
hanggang sa nagka-personalan na. Kung susumain ay
napaka-liit na bagay lamang
ng pinagmulan nito, sadyang
may mga tao nga lang sigurong mga pikon at sobra talaga kung mangantyaw.
Sa huli, hindi bat mas masaya pa rin na matapos ang
tatlong araw na pagpapagod
at pagpupursigi ng mga atleta sa isang matamis na hal-

lamang ang mg a nakigulo


dahil kayang-kaya naman
ng koponan). K ampante
na sa araw na ito ang
mg a
nakapag-papir ma
noong unang araw; marahil ay required lamang
sila sa opening day o nakadiskar teng makumpleto
ag ad ang bilang ng pirmang kinakailang an para
hindi na mapar usahan.
Talag ang T hank God
its Friday naman sa huling
sundan sa pahina 4

VIRAGO

akhakan kasama ang lahat ng


sumuporta. May kantyawan,
may tawanan, may panalo,
matalo, pero mas masaya
sana kung walang pikon, hindi ba?
Saang
kolehiyo
man
manggaling ang isang taga-suporta; kolehiyo ng hotel at diet, kolehiyo ng bigas,
kolehiyo ng isda, kolehiyo ng
animalandia, kolehiyo ng tagapag-turo, kolehiyo ng maaarts na may mabahong rest
rooms, kolehiyo ng protractor at ruler o maging kolehiyo man ng formal attire, sa
huli ang pagkakabuklod ng
lahat at pagiging sports ng
mga estudyante ang mahalaga, hindi po ang pagiging
magaling sa pangangantyaw
at pagiging pikon. Paalala,
pikon, talo!

JESSA M. RARAMA
09059383190

Sadyang
may mga
tao nga lang
sigurong
mga pikon

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

UNTIED TOUNGE

OPINYON

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Sa Huling Araw

Dito mo daw talaga mararamdaman ang intrams sa araw


ng championship game.
JOSH ANN MARIE Y. AGUILAR
09463472277

Malapit na ang intrams.


Ito ang panahon kung saan
makikita ang lakas at g al ing ng ating unib ersidad
pagdating sa larang an ng
ispor ts. Dito magkakasubukan kung sino ang magaling sa mag aling at dito
din pipiliin kung sino ang
mg a magiging pambato
natin sa pang rehiyong pa timpalak sa ispor ts.
Nagtanong-tanong ako
sa aking mg a kakilala kung
anu-ano ang kanilang nararamdaman sa nalalapit na
araw na iyon. Ibat-ibang
reaksyon, komento, at ek spresyon ang aking naka lap. May mg a kinakabahan
lalo na sa mg a maglalaro.

Mayroon namang naiinis


dahil kasabay daw ng last
day of dropping kaya ma hirap maghagilap ng guro.
At mayroon din namang
natutuwa dahil ilang araw
ang kanilang magiging
bakasyon upang makauwi
sa kani-kanilang tahanan.
Iyong iba ay dahil mas mahaba ang kanilang pana hon upang kumpletuhin
ang kanilang mg a require ments.
Ngunit may ilan din na
hindi natutuwa at sa halip
ay naboboring daw. Dahil
sa loob ng dalawang araw
ay wala kang g ag awin kun di manood sa mg a larong
hindi mo naman talag a

TAKEDOWN... mula sa pahina 3


araw ng intrams dahil halos
ang mg a nandoon at nanunood na lamang ay mg a
estudyante ng mg a kolehiyong nasa itaas ng overall
rankings. Namahing a na
ang karamihan ng madla sa
araw na ito (Wala na raw
kasing laro ang Ginebra).
Medyo nakalulungkot pa
rin na sa araw na ito, ang
mg a natirang manunuod
na akala mo diehard fans
ay attendance pa rin ang
habol sumunod lamang
pala sa tamang proseso na
makukumpleto ang pir ma
nilang kinakailang an pagdating ng Biyer nes.

Habang panahon ng
kinagigiliwan ang Ginebra
pagdating sa basketbol sa
Pilipinas. Inaabang an ang
bawat laro ng koponan na
ito na pinasikat ni dating
senador Rober t Sonny Jaworski na playing coach
din noon ng nasabing
g r upo sa PBA. Dinadagsa din naman ang intrams
sa CLSU lalo na sa unang
araw na akala mo ay nandoon sa oval ang Ginebra
noon pala ay doon nakapuwesto ang may hawak
ng mg a attendance ang
tunay na star ng intramural
g ames.

gustong panoorin. Ilang


oras kang mauupo, maiini tan at maiing ayan. Napip ilitang manood dahil may
attendance. Ngunit nag-ii ba daw ito sa huling araw.
Dito mo daw talag a
mararamdaman ang in trams sa araw ng cham pionship g ame. Tama ng a
naman. Sa huling araw mo
kadalasang mararamdaman
ang init ng mg a laro. Dito
nila ibibig ay at ibubuhos
ang kanilang natitirang
lakas dahil dito na mag kakaalaman kung sino ang
tatanghaling kampeon.
K asabay nito ay ang
talag ang mainit na pagsu por ta ng mg a mag-aaral sa

kani-kanilang respetadong
kolehiyo. K adalasan pa
ng a ay nagkakainitan ang
mg a mag-aaral dahil sa
pag-cheer.
Punong-pu no ang bawat upuan. Dumadagundong
ang
hi yawan. Lahat ay nakatutok
sa bawat laro. Nag-aabang
kung sino ang makakasungkit ng gintong tropeyo.
Sa huling araw maki kita ang huling hataw ng
mg a mag-aaral, manlalaro
man o mg a tag a-panood.
Ngunit sana, hindi lang
sa huling araw maging g a noon. Sana maging sa simula pa lang ay maging g a noon na kainit ang bawat
eksena.

Bagong mga laro,


ilulunsad sa intrams
ni Ruth Monta

Tatlong laro ang bagong ilulunsad ngayong taon ng Central


Luzon State University (CLSU)
sa taunang intramural games
simula Setyembre 10.
Kabilang dito ang boxing sa
pamamahala ng natalagang boxing coach na si G. Narciso L.
Salazar at tagasanay na si Joper
Marayan.
Habang ang beach volleyball naman ay inaasikaso ng tagasanay na si Dr. Radinal Mendoza.
Ipapakita naman ng pangu-

nang 15 mandirigmang Pilipino


ng Arnis sa pamumuno ni Mrs.
Melane M. Fernandez kung papaano ang galaw sa ating pambansang laro.
Tingin ko ito yung isa
sa mga larong tatatak sa mga
manonood kasi, marami ang curious dun sa bini-build doon(CLSU Field). Ngayon malalaman na nila [kung para saan
yoon], at baka mas magustuhan
pa nila ito kaysa sa regular volleyball, sabi ni Divina Trinidad,
team captain.

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

OPINYON

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

HAYMAKER

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Ipasok mo

ang mga bagay na gusto kong gawin


na patuloy ko pa rin na nagagawa
ang nagbibigay saya sa akin.

ALBERT F. TOLIN

hollykiller15@facebook.com / 09273546439

Ito ang aking unang kolum


sa publikasyong ito at kay sarap
isipin na ito na rin ang ikalawang
taon ko sa publikasyon. Madami
ng nagbago simula ng ako ay pumasok sa publikasyong minsan
ay pinangarap ko lamang.
Agosto noong nakaraang
taon ng ako ay makapasa sa
pagsusulit na hinanda ng publikasyon na nagmistulang rega-

lo sa parating kong kaarawan.


Isang text mula sa patnugot ang
aking natanggap na nagsasabing
ako nga ay nakapasa at dapat ng
magpakita sa kanilang opisina
upang ipahawatig ang interes na
maging kabilang sa kanila.

Ang pagsusulat sa Collegian ay tila isang uri ng laro na
kailangan mo ng lakas, talino,
pagsasanay, pagsisikap, at kung
ano-ano pa na halos kaparehas
ng mga atleta. Iyan ang aking
pananaw sa maikling panahon
ko ngunit sa dami ng karanasan
ko sa intrams masasabing ang ta-

gal ko na nga dito. Mula sa mga


gabing hindi natutulog upang
tapusin ang isyu na dapat ilabas
at hanggang sa kinabukasan na
kailangang ipamahagi sa mga
mag-aaral ang kopya ng dyaryo
na aming ginawa.

Ngunit bakit pa din
ako nanatili sa publikasyong ito
sa kabila ng mga pagod at hirap
na aking naranasan ? Isa lamang
ang aking sagot at dahil sa ito
ang gusto ko. Sa kabila ng mga
bagay na aking hinaharap, ang
mga bagay na gusto kong gawin
na patuloy ko pa rin na nagagawa

Para saan?

Buwan na naman ng
Setyembre, buwan kung saan
ipinagdiriwang ng mga CLSUan
ang university intrams. Kanya-kanya na namang sigaw at
kulay ng mga suot ang makikita,
kanya-kanyang laro na naman
ang sasalihan ng karamihan sa
mga estudyante. Pero bago ka
pa man maglaro, nasubukan
mo nabang tanungin ang sarili
mo kung para saan at kung para
kanino ka naglalaro?
Hindi naman maipagkakaila
na nasasabik na ang bawat isa
sa university intrams. Nasasabik
ang iba sapagkat makababawi
na sila sa kanilang pagkatalo
noong nakaraang taon, nasasabik dahil masusubok nanaman
ang kanilang galing sa mundo
ng palakasan at nasasabik sapagkat may pagkakataon nanaman
silang masungkit ang kampyonato.
Subalit may ilan talagang

Hindi naman masamang


matalo basta maipakita
mo man lang na naglalaro
ka hindi lamang para sa
sarili mo...

nasasabik lang sa university intrams dahil may pagkakataon


silang makatakas ng panandalian sa mga nakabinbin na trabaho sa major at sa mga pa-major na subjects, nasasabik dahil
sa mabibigyan sila ng oras upang umuwi sa kani-kanilang tahanan, nasasabik dahil sa dagdag
points mula kay sir at maam, at
nasasabik dahil sa bago at libre
nanamang pares ng uniform.
Itanggi man natin, hindi
natin maikaiila na may ilan talaga na sumasali at nakikiisa

lamang sa university intrams


dahil sa mga maaaring incentives na makukuha nila sa kanya-kanyang kolehiyo, matuto ka
naman sanang mahiya sa mga
taong naglalaan ng oras para
pagsilbihan at pagkagastusan
ka.
Hindi lahat ay nabibiyayaang
makapaglaro at nabibiyayaang
maging pambato ng kanilang
kolehiyo. Kaya sana matumbasan mo naman ang ibinigay
na tsansa para sa iyo. Hindi
naman masamang matalo bas-

ang nagbibigay saya sa akin.



Ipasok mo ito ang
linyang maipapayo ko hindi lamang sa panahon ng intramural
games at sa mga atleta. Ang mga
bagay na gusto nating gawin ay
dapat nating ipasok sa ating buhay upang wala tayong pagsisihan sa bandang huli.
Minsan sumasagi sa aking
isipan na ang pagsusulat ay isang
uri ng pagpapatiwakal. Benevolent suicide ito ang pagsasakripisyo para sa ikakabuti
ng iba na marahil ay labag sa
sundan sa Pahina 8

STEALER

Lorelyn M. Casita
09261983123

ta maipakita mo man lang na


naglalaro ka hindi lamang para
sa sarili mo kundi para narin
sa kolehiyo at kinabibilangan
mong kuponan.
Pero anot ano pa man, may
ilan paring matatawag na tunay
na manlalaro. Na handang gumugol at magsakripisyo, nakikipag-sabayan sa training umulan
man o umaraw, marunong makinig at makisama at kayangkayang maglaro kahit walang
sundan sa Pahina 6

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

grit

Kristine Joyce D. Tevez

OPINYON

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Tunay na manlalaro

Tama nga ang sinabi ni Mankiw sa


Principles of Economics number four
na People respond to incentives.

09309599071

Magsisimula na naman ang


University
Intramurals.
Magsisimula na naman
ang takbuhan, sipaan at
hiyawan.
Mag paparamihan ng ginto ang bawat
kolehiyo at bibidang muli
ang mg a mag ag aling sa ispor ts, ngunit isang bag ay
lang naman ang gusto
kong malaman ng ayong
intrams, ano ng a ba ang
driving force ng mg a play-

ers para ipanalo ang laban?


Ang mg a manlalaro ang
nag rere presenta sa bawat
kolehiyo at nasa kamay
nila ang pagkapanalo o
pagkatalo ng kanilang koponan. Sila ang asset ng
isang kolehiyo kaya dapat
silang pang alag aan nito.
K apalit
ng
pagsisilbi sa kolehiyo ay ang tumataginting na additional points sa raw score ng

bawat players. Mas mataas na pwesto siyempre


mas mataas na points.
Tama
ng a
ang
sinabi ni Mankiw sa Principles
of
Economics
number four na People
respond to incentives.
Nararapat
lamang
na mabig yan ng incentives ang mg a manlalaro.
Maaaring ang incentives
na ito ang sasalba sa nan-

SABI NILA
Tinanong namin ang palagay ng ilang mag-aaral ng Central Luzon State University noong una nilang marinig ang moniker ng kanilang mga kolehiyong kinabibilangan para sa darating na intrams.
SABI NILA...
Though its a simple word, it connotes a characteristic of CF that other colleges should be in fear
of and that is ang pagiging matinik ng CF.
Jhunell, CF
Maangas. Matapang. Palaban. Nag-iinit. Nag-aalab. [Dahil] iyan ang mga katangian naming mga
Engineering students na magiging susi upang makamit namin ang kampeonato.
Ralf, CEn
Walang dating kasi sobrang simple. Yung mapapa-Ay yun na yun? Ganon.
Marang, CBAA
Parang okay lang naman sa kin pero I expected a little bit more, yung parang nakakapanginig. Parang wala yung flare kapag sinabing unstoppable.
Joy, CAS
Ayaw ko nang maging BA. Manghihiram nalang ako ng ibang college shirt.
Pier, CBAA
Okay lang. Wala akong masabi. Basta suportahan lang ang Educ! Hindi naman mahalaga yun [moniker], mas mahalaga yung maipanalo nila yung games sa Intrams.
Camille, CEd

g ang anib
nilang
g rado
ngunit hindi tama na ito
lamang ang dahilan para
sila ay sumali sa intrams.
Ang pagsali sa intrams
dahil sa pagnanais na iang at ang koponan sa pwesto,
ire presenta ang pamantasan sa SCUAA at ang
pagmamahal sa ispor ts na
hindi iniisip ang anumang
incentives na maaaring
matang g ap ang motibasyon
ng tunay na manlalaro.
Maglaro ng walang kapalit
kaibig an.

STEALER... mula sa pahina 5


uniform at dagdag points na
makukuha.
Panahon na ng pagtutunggali ng bawat kuponan, ano
pa mang kalabasan ng tatlong
araw na paglalaro, ano pa mang
maging resulta, manalo ka man
o matalo ang mahalaga hindi
ka naglalaro dahil sa ginusto
lang ng iba at hindi dahil upang
makapagpasikat kundi sana naglalaro ka upang lumaban para
sa iyong kolehiyo at para narin
maipakita ang tunay na depinisyon ng manlalaro. Tandaan
mo na ang tunay na manlalaro
hindi makikita sa suot-suot na
pares ng uniform kundi makikita sa determinasyon, pagkakaisa, at tamang paraan ng
paglalaro upang manalo. Sana
maging tagumpay at ligtas ang
pagdiriwang natin ngayong
taon ng university intrams.

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

LATHALAIN

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Aabangang mga Atleta sa Intrams

ni Michael Adrian Pagaduan

Central Luzon State University ang tahanang humuhubog sa mga estudyanteng may taglay na katalinuhan at mga kakaibang talento
at kakayahan. Kilala ang ating unibersidad sa pagkakaroon ng mahabang listahan ng mga estudyanteng board examination passers and
topnotchers, magagaling na student-leaders , matatapang na manunulat ng publikasyon, talentadong mang-aawit at swabeng mananayaw.
Ngunit, alam mo rin bang nagkalat din sa apat na sulok ng unibersidad ang mga de-kalidad at malalakas na atleta?
51st University Intramurals! Isa na naman itong kabanata ng paligsahan ng mga manlalaro ng bawat kolehiyo. Magtatagisan na naman ang
kani-kaniyang rivalry ng bawat koponan at manlalaro. Dito makikita sa taunang kompetisyon na ito ang mga maaaring kumatawan sa CLSU
sa mga darating na panahon.
Sino nga ba ang dapat tingnan? Sino nga ba ang dapat abangan? Sino nga ba ang dapat antabayanan? Narito ang munting listahan ng mga
CLSU Athletes na dapat nating bantayan sa parating na intrams ng CLSU.

TOLEDO
Hinirang na Best Male Athlete
ng 2013 National State Colleges
and Universities Athletic
Association (NSCUAA). Isang
manlalarong nagtataglay ng
tala na 22.26 segundo sa 200 m
dash event ng buong rehiyon.
Isang manlalarong nagbubulsa
ng karangalan at titulo. Si Aries
Rondo Toledo, mula sa College
of Fisheries, ay tunay ngang
dapat bigyang-pansin sa parating
na Athletics games. CLSUans at
college players, halinat bantayan
ang paparating na hagupit ni
Bagyong Rondo!

PA L I L I O

Bakit kailangan pang panoorin


sa inyong mga telebisyon
at kompyuters ang gilas sa
pagpana ni Katniss Everdeen ng
pelikulang The Hunger Games?
Andito lang naman at paikotikot sa ating unibersidad si
Christal Palilio na umaarangkada
sa nasabing larangan. Siya lang
naman ang humablot ng tatlong
ginto sa 1st, 2nd at fita ng 30
m. Muli kayang bubulls-eye si
Christal ng College of Arts and
Sciences sa larangan ng womens
archery? Sabay-sabay nating
saksihan.

CABADING
Matapos magwagi ng ikatlong
puwesto sa 2013 NSCUAA at
umangkin ng limang gintong
medalya noong nakaraang taon
sa intrams ng unibersidad,
tunay na kabantay-bantay
ang manlalangoy na ito mula
sa College of Fisheries. May
magtatangka kayang sumisid sa
mga gintong medalya sa tagisan
ng paglangoy mamamayani na
naman ang lakas ng splash at
strokes ni Jonard? Abangan.

WA I N G
Si Orlando Waing ay isa sa mga
pinakadapat nating abangan
sa badminton tournament
ngayong taon. Noong 2013,
siya ang naging gold medalist
at namayagpag sa nasabing
isports sa ating University
Intrams. Kung ikaw ay avid
fan ng badminton, sundan
ang pakikipagpukpukan at
pakikipagpaluan ni Waing
ng smashes sa darating na
paligsahan.

C ATA B AY

Killer spikes at mala-pader na


blocks ilan lamang iyan sa
mga naging puhunan ni Dann
Giovani Catabay ng College of
Agriculture sa nagdaang Mens
Volleyball Championship noong
nakaraang taon. Gamit ang
mga puhunan na ito, nasungkit
ng CAg Spikers ang unang
pwesto sa larangan ng volleyball.
Hindi lang iyan, siya rin ay isa
sa mga malalakas ng spikers sa
nagdaang tune-up volleyball
match ng CLSU kontra ang
prestihiyosong Polytechnic
University of the Philippines.
Oh, saan ka pa? Babaon na
naman ang mga malakidlat na
palo ni Catabay, kasama ang
CAg Spikers sa parating na laro
ng volleyball.

ng ating
pamantasan ay
tunay na inuulan
inuulan ng mga brainy
na estudyante, board
passers, leaders, writers,
pageant titlists, golden
singers, dancers at artists.
Ngunit huwag nating
kakaligtaan na parang
baha kung rumagasa
ang mga atleta ng
CLSU sa larangan ng
palakasan at isports.

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

BALITA

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

Maikling proseso

Pagpili sa Miss Intrams 2014 nakalatag na


ni Glaiza Carrera

Kung paano patatakbuhin ng 15 minutes ang


pageant na usually 30-45
minutes? Yun ang aabangan
nyo!
Ito ang mga katagang
binanggit ni Prof. Adonis
Voltaire Villanueva tungkol
sa Miss Intramural Games
na gaganapin sa ika-10 ng
Setyembre.
Ito ay balak idaos sa University field kung hindi uulan at sa gymnatorium kung
sakaling umulan.
Ito ay inorganisa sa
pamumuno nina Villanueva,

gurong-tagapayo ng Gintong
Ani Philippines at John Carlo
Tecson, guro mula San Sebastian College, Science City
of Munoz.
Ang magiging pamantayan ng naturang patimpalak
ay nahati sa apat na bahagdan, 35% para sa poise, 25%
body proportion, 25% ganda at personalidad, at 15%
para sa sports attire na may
kabuuang isangdaang porsyento.
Samantalang ang Mr. Intramural games ay hindi idadaos ngayong taon.

CAg nagsagawa ng mini intrams


ni Lorelyn Casita

Buwan pa lamang ng
Hulyo ginanap na ng College of Ag riculture (CAg)
ang kanilang mini intrams
bilang
paghahanda
sa
nalalapit na 51st University
Intramural games.
Plano ng naturang kolehiyo na angkinin mula sa
College of Ar ts and Sciences ang kampyonato kaya
maaga pa lamang ay humanap na sila ng mga manlalaro.
Sa tingin ko kami ang
mangunguna ngayon, well
trained na kasi ang mga
manlalaro namin lalo na
sa mga ball games saad ni

Nar Emiel Abenales, presidente ng student g over nment.


Samantala,
tumatayo
bilang athletic manager ng
CAg si Mr. Jason Juan na
namahala sa pagsasanay sa
mga manlalaro.
Napili naman ng CAg
ang monicker name na
Mighty Ag gies na iginawa
pa ng t-shir t upang gamitin
ng mga mag-aaral ng CAg
bilang pagkakakilanlan sa
intrams at supor ta sa kanilang manlalaro.
Buo ang supor ta ng lahat para sa college namin
dagdag pa ni Abenales.

HAYMAKER... mula sa pahina 5


kalooban marami pero kung
iisipin ay napakasaya ng pakiramdam lalo na pagnakakatulong ka sa ibang tao at
may nagagawa ka. Kaya nga
siguro ako nahilig na maging isang aktibong mag-aaral
hindi lang sa mundo ng akademiko at dyornalismo kundi
maging sa student politics na

kasalukuyan akong pangulo ng isang course council.


Idagdag pa dito ang pagiging
miyembro ko ng CFC-Youth
for Christ.
At bilang bagong patnugot
ng isports sa publikasyong ito
ang intramurals ay maituturing na isang malaking hamon
sa aking kakayahan sa pag-

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

CBAA kasado na para sa intrams


ni Kristine Joyce Teves

Napili na ang mga manlalarong kakatawan sa College of Business Administration and Accountancy
(CBAA) sa darating na intramural games sa Setyembre 10-12.
Ang pag pili ng mga manlalaro ay ginawa sa pamamagitan ng pagdaraos ng
mini-intrams nitong Ag osto 2.
Pinangunahan ng CBAA
Student Council at ni Jeremy Lumibao, CBAA spor ts
coordinator ang pamamahala sa mga laro noong
mini-intrams.
K apag intrams hindi lang
basta laro lang tsaka malalakas ang kalaban. Dapat
handa ang puso at isip.
Anyway, basta safe ang
lahat. I-avoid ang pagkakaroon ng injur y kasi last

year may nainjur y sa players


naming, so yun siguro ang
dapat paghandaan, sabi
ni Jeremy Lumibao, Spor ts
Coordinator ng CBAA.
Actually nung mga nakaraang intrams competitive naman talaga ang
CBAA. Nasa dug o naman
ng BA yun, it r uns in the
veins. Basta competitiveness ang labanan meron
ang CBAA nun, dagdag ni
Lumibao.
Sabi ni Aldous Roy L. Ventanilla, SC Auditor, kung
maaari halos lahat ng game
dapat may makuha ang BA
kahit hindi man mag-overall
champion, atleast umangat
man lang sa pwesto.
Samantala ang mga itinalagang student coach ang pumapatnubay sa mga training
at pagpapalakas ng koponan.

Fisheries nagdaos ng tryouts


ni Lorelyn Casita

College of Fisheries (CF)


nagdaos ng mini intrams bilang
paghahanda sa gaganaping 51st
University Intramural games sa
ika 10-12 ng Setyembre.
Nagsagawa rin sila ng try
out at screening sa ibat-ibang
laro upang piliin ang pinaka
magagaling na manlalaro.
Sa tingin ko sa ginawa
naming screening nakapag
handa ng husto ang mga official players namin. Sabin
i Trazarah Hanoof Argarin,
president ng student governor
ng nasabing kolehiyo.

Hangad nila na pataasin pa


ang puwesto ng CF na nasa ika
apat na posisyon lamang noong
nakaraang taon.
Nagtalaga rin ang student
governors ng mga magiging
coach sa bawat laro upang
lalong matutukan ang mga
manlalaro.
Makikita na malakas ang
team naming ngayon kasi
maraming nadagdag na magagaling na manlalaro sa CF, kahit
kakaunti makikipagsabayan parin kami. Dagdag pa ni Argarin.

susulat at pamumuno bilang


ako ang nakatalang manguna sa mga isyung ilalabas ng
publikasyon. Kailangan kong
ipasok ang galing at sipag
upang mapagtagumpayan ang
hamong ito katulad ng bawat

manlalaro na kailangang ipasok ang kanilang mga baong karanasan at natutunan


sa kanilang mga pagsasanay
upang manalo. Kaya sa umpisa ng ikalimamput isang intramural games, Ipasok mo.

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

BALITA

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

Sa ikalawang taon

CHSI nais ang mas mataas na posisyon


ni Maria Cristina Villamor

Sasabak na ang Col leg e of Home Science and


Industr y (CHSI) Blazing
Phoenix sa kanilang ika lawang intramural g ames
bilang isang unit na na kahiwalay sa dati nilang
kasang g ang Colleg e of
Engineering sa 51st intrams mula Setyembre 1012.

Phoenix
ang
g amit
ng ayon
ng
C HSI
na
pinakahulug an nilang a
bird raising from the bot tom, simbolo ng g ag awing
pag-ang at nila sa intramu rals.
W hen you are at the
bottom theres no other
way but up, wika ni Mr.
Joel Juvinal athletic man -

CEd patuloy ang pagsasanay


ni Harold Dela Rosa

Patuloy ang pagsasanay ng


College of Education (CED)
Fighting Lynx para sa nalalapit
na CLSU Intramural games na
gaganapin ng Setyembre 1012.
Mas
pinaunlad
at
pinaghandaan
ng
aming
mga best athletes ang kanilang strength at weakness sa
games, ani CED Student

Council Governor Emmanuel


Del Castillo.
Mas nagtuon ng sapat
na oras ang mga coaches para
matutukan at mabigyan ang
aming mga athletes, dagdag
pa ni Del Castillo.
Matatandaang nasa ika-apat na pwesto ang CEd noong
50th intramurals na may 30
gold, 72 silver at 39 bronze.

CAS at Agri... mula sa pahina 1


Fisheries (CF) sa overall rankings
ngayong taon.
Aangat sa Top 3 ang Fisheries
pero hindi pa magcha-champion,
saad ni Santos.
Sinabi rin ni Santos na sa
mangyayaring paghahati ng CAS
at CF sa bilang ng gintong nakataya sa athletics at swimming ay
kinakailangan na lang ng College
of Agriculture (CAg) na maghari
pa sa ibang mga team events upang maagaw ang titulo.
Nanatili sa ikalawang puwesto
ang CAg matapos dominahin ang
mga team events kabilang ang basketball men, volleyball men, football, futsal men at sepak takraw.
Huling natikman ng Agriculture ang pagiging kampeon sa intrams noong 2008 at 2009 bago
ito agawin ng CAS.

Mula naman sa ikalimang puwesto noong 2012 ay umakyat


sa pangatlo ang College of Engineering (CEn) kipkip ang 50
ginto.
Nasiguro ng CEn ang pagtaas
nito sa overall rankings matapos
maibulsa ang ginto sa baseball at
softball men noong huling araw
ng 2013 intrams.
Lumikod lamang sa Engineering ang 2011 intrams champion
College of Education na may 30
ginto, habang mayroong 82 ginto
naman ang CAS at 63 ginto ang
Agri para sa una at ikalawang puwesto noong nakaraang taon.
Samantala, binanggit rin ni
Santos na mananatili pa rin sa
ibaba ng rankings ang CBAA,
VetMed at CHSI ngayong 2014
intrams.

ag er ng CHSI.
Samantalang ang nais
ng Blazing Phoenix ay
masungkit kahit ang ika4 na pwesto.
Nagbir uan ng a kami
ni Sir Jay (Jay Santos,
Ispear
director)
ti nanong nya ko kung
pang-ilang pwesto kami
ng ayon sabi ko pang 4th

po,sabi ni Jefferson Ruz,


g over nor ng CHSI.
Syempre kahit biro
lang yun gusto talag a nam ing umang at,dagdag pa ni
Ruz.
Maging mg a faculty
at teachers ay naging mg a
coaches na kahit di sila g a nung ka-aware dun, saad
ni Ruz.

CAS... mula sa pahina 1


ng g i n t o, m a r a m i n g p l a y ers sa athletics na noong
high school sila ay nakap a g - l a r o n a s a Pa l a r o n g
Pa m b a n s a , m a l a k i a n g
tyansa na makuha natin
ang championship kung
walang mag re-raise na
problema, sabi ni Hans
Hernan De Guzman, CAS
Central Council (CASCC) president.
Kasama sa paghahanda na ginawa ng kolehiyo
ay ang pagdaraos ng Mini
Intrams kung saan ang
mga nagwagi sa bawat
laro ang kinuha upang lumaban sa univers i t y i n t r a m s, p u s p u s a n g
pag-eensayo ng mga atleta, pagbili ng mga sports
equipment at medical
k i t s, a t p a g p a p a g a w a n g
mg a unipor me.
Nagmula naman ang
pondo sa pinagsama-samang intrams fee na
binayaran ng mga estudyante, nalikom sa nakaraang CAS Exhibition
Games at Student Development Fund (SDF).
We ( m g a r e g u l a r n a
guro sa kolehiyo) contributed 1% of our salary at yung mga part-time r s a y 1 0 0 p e s o s, b i l a n g

suporta sa ating mga


a t h l e t e s , s a b i n i D r.
Edilberto Lina, atheletic
m a n a g e r n g C A S.
Samantala, bilang suporta ay nag pamahagi
a n g I n s t i t u t e o f S p o r t s,
Phisycal Education and
Recreation (ISPEAR) ng
d a l a w a n g k a b a n g b i g a s,
200 pirasong itlog at 30
kilong karne sa bawat
k o l e h i y o.
Support our student
a t h l e t e s, b e t h e r e a t t h e
g r a n d s t a n d , d o nt s t a y a t
your office, suportahan
ang activity ng mga estudyante, ito naman ang
p a n a w a g a n n i D r. L i n a s a
m g a g u r o n g k o l e h i y o.
Ang pagiging maputik naman ng mga lugar kung saan idadaos
ang mga outdoor games
ang karaniwang nagiging
problema sa pag-eensayo
ng mga atleta.
Ayon pa kay De Guzman, ang paglalabas ng
SDF ang naging pinakamalaking problema ng
CAS sa preparasyon para
sa Intrams dahil nahirapan silang maglabas ng
pondo na kanilang ni-request pa noong buwan ng
H u l y o.

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

LATHALAIN

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

10

MOnikers: aarangkada
sa 51st Intramural Games

nina Patricia Leuterio at Michael Adrian Pagaduan

a nalalapit na Intramurals season, painit na ng painit ang tensyon at suportang namumuo sa mga estudyante sa bawat kolehiyong kanilang kinabibilangan. Ngunit di tulad
ng Intramurals noong nakaraang taon kung saan ang ginagamit na pananda sa mga
kolehiyo ay ang bilang ng kanilang unit, ngayong taon ay nagkaroon ng isang mas madaling
paraan sa pagkilala sa inyong mga team, at ito ay ang mga college monikers na ginawa upang
mas madaling makilala ang mga koponan. Pero, paano nga ba ito nabuo at bakit nga ba ito ang
napiling moniker ng bawat kolehiyo?

CEd Golden Fighting Lynx


Ginto kulay ng mga medalya, tropeyo at
tagumpay. Pinili naman ng Unit 1, o ng College of Education ang moniker na ito sapagkat ito ay nagrerepresenta sa kagalingan
at pagsusumikap ng CEd sa pagtatagumpay.
Ang lynx naman ay isang misteryosong
pusang makikita sa Hilagang Amerika; ang
lynx ay mabilis at matinik, at ang mga ito
ay naninirahan sa lupa, ngunit marunong
din silang lumangoy upang makuha ang
kanilang pain. Tulad ng isang lynx, gagawin
ng CEd ang lahat upang makuha ang panalo
sa nalalapit na intrams; ipapakita nila ang
kanilang lakas at bilis sa mga laro, pero
magiging patas pa rin sa kanilang paglalaro
at pakikipaglaban.

CF Red Spines
Kilala ang College of Fisheries sa may
pinaka-kaunting bilang na kolehiyo sa
walo na mayroon ang ating unibersidad.
Sa kabila ng maliit na bilang, lalaban pa
rin sila sa huli at hindi magpapatalo. Ang
salitang spines ay isang Ingles na salita na
ang ibig sabihin ay tinik ng isda. Mula sa
tinik, ang mga manlalaro ng kolehiyong
ito at ang mga taong kinabibilangan nito
ay mga matitinik pagdating sa larangan ng
isports. Gagamitin nila ang kanilang lakas
ng pangangatawan at pagkamatinik sa
bawat laban na kanilang haharapin.

CEn Raging Dragons


We would like to be superior. ito
ang sabi ng mga atleta at mga miyembro ng College of Engineering.
Mula sa pagiging superior o dominante, napili ng nasabing kolehiyo
na ang mag rerepresenta sa kanila ay
ang hayop na drag on. Ang drag on
ay kilala nga bilang isang magiting
na mythical na hayop na nagtataglay
ng supremacy. Ang koponan ng mga
inhinyero ay nag-aasam na makasali
pa rin sa Top 3 Colleges sa parating
na Intramurals.
sundan sa pahina 11

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

LATHALAIN

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

11

Monickers... mula sa pahina 10

CVSM Unbreakable Antlers


Mula sa kolehiyo ng mga topnotchers,
pinili ng College of Veterinary Science
and Medicine (CVSM)
ang moniker
na Unbreakable Antlers. Ang antlers ay
mga bahagi ng isang lalaking usang nakausli
sa ulo nito na ginagamit nila sa pakikipagsagupaan tuwing tagsibol. Sinisimbulo nito
ang hindi mabubuwag na pagsugod nila
tungo sa tagumpay na sinisimbulo naman ng
isang araw. Sinisimbulo rin ng antlers ang
pagkakaisa ng buong kolehiyo, magmula sa
kanilang dekano na kanilang pundasyon, ang
sanga na siyang kumakatawan sa faculty ng
CVSM at ang mga dulo na sumisimbulo sa
mga estudyante at manlalaro nila na siyang
susugod sa mga kalaban sa panahon ng
intrams.

CHSI Blazing Phoenix


Ang phoenix ay isang mahiwagang nilalang, isang ibon
na di lamang nabubuhay
muli, kundi nakakapagpagaling din ng mga sugat at
sakit ang luha nito. Nagmula
ang inspirasyon ng College
of Home Science and Industry (CHSI) mula sa librong

CBAA Blue Chips


Ibinase ang moniker na Blue Chips mula
sa kahulugan nito na highly-valued stocks.
Kabilang ang mga kumpanya na Jollibee
Foods, SM at San Miguel sa mga matatawag
na blue chip companies. Ang mga tinatawag
na blue chips ay mga kumpanyang minamahal ng masa at kumpiyansa ang mga tao
na mag-invest dito dahil sa mabulusok na
stocks. Tulad ng mga blue chip na kumpanya, ang pangkat ng College of Business
Administration and Accountancy ay hindi
basta-basta tutumba. Maglaglagan man ang
mga ibang kumpanya sa kanilang paligid, matayog pa rin sila at nakatayong may
paninindigan at kumpiyansa.

isinapelikulang Harry Potter,


kung saan ang nasabing
phoenix ay alaga ng headmaster ng paaralan sa pelikula.
Tulad ng phoenix, ang CHSI
ay matulungin sa iba, at kahit
na sila ay ang tinaguriang
underdog ng intrams, sila ay
masaya pa rin sapagkat sila ay
nagkakaisa sa bawat laban.

CAS Unstoppable Hawks


Ang kasalukuyang defending champions
ng intrams noong nakaraang taon. Pinili ng
College of Arts and Sciences (CAS) ang
moniker na Unstoppable Hawks sapagkat
ninanais nila ang patuloy na paglipad ng
CAS sa Intrams ngayong taon. Sa kabila ng
mga problemang kinakaharap ng kolehiyo
sa kasalukuyan, at kahit na muntik nang
hindi makasali ang kolehiyo dahil sa mga ito,
itinulak pa rin ng CAS na makasali sa intramurals. Sinisimbolo naman ng hawk o lawin
ang matayog na pangagangarap ng mga
taga-CAS at mga manlalaro nito na manalo
at muling mag-kampeon ngayong taon.

CAg Mighty Aggies


Naisyu ang College of Agriculture
(CAg) noon dahil sa kanilang di
umanoy paggamit ng salitang
mighty para sa kanilang koponan.
May kolehiyo na raw na mas
naunang gumamit ng salitang
ito para sa pangalan ng kanilang
pangkat. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat na limang taon na
ang nakalipas, ayon sa mga alumni

ng College of Agriculture, nauna


nang ginamit ng CAg ang salitang
mighty.
Dahil sa mga palaban na agriculturists ng nasabing kolehiyo, ang
Aggies ay ang tawag para sa mga
warrior ng kolehiyo. Sa kabila ng
mga isyu na kinaharap ng kolehiyo,
ang Mighty Aggies ay mananatiling
palaban at kanilang ipaglalaban
ang kolehiyo upang makamit ang
tagumpay.

KOMIKS

CLSU
Collegian
CLSU
COLLEGIAN

www.facebook.com/CLSUCollegian.Official

12

Attendance
ramram rarama

Kulot
Gino Abejon

Diary ng Papansin
Harold Dela Rosa

Pre-Intrams - Intrams Isyu 2014

Sabi namin...

Sabi namin...

Akala ko ay mabibitin pa kami sa isyu na ito buti na lang at kinaya. Binabati ko si Jhoanna Keith Santiago na nagpapasensya sa kakulitan ko, salamat
sa lahat ! Sa mga kapatid ko kay Tin at Berto mag-aral lang kayo ng mabuti at wag kalilimutan na magdasal palagi. sa ABDC4 family, sa tinutuluyan
naming boarding house na sobrang miss na kami dahil sobrang busy, ilang araw na lang po at uuwi na ako, sa USSC maraming thank you, sa ISPEAR, sa
lahat ng naniniwala at sumusoporta sa akin na kaya kong labanan ang antok at procastination,manalig kayo at kaya ko to, abangan ninyo ang magazine
namin - PJ, Hindi ko man maharap ang lahat ng aking obligasyon at mga ibang grupo ganun pa man ay binabati ko ang bawat isa mula sa ABLL at sa
CFC Youth For Christ. LEt us unite all things through CHrist GOd bless.- ALBERT ikaw, oo ikaw na nagbabasa nitong dyaryong to na pinagpuyatan
at mamaya ay itatapon mo rin naman, saka yang katabi mo, kung mayroon man, sa mga kapwa ko BSIT na wala pang tulog, mga brad at sis ko sa AC,
PnF, sa kanya na mahal ko :3(alam na this), friend ko sa fb, kakilala, nakakikilala(please lang wag nyo kong kamuhian, tao rin ako) at kaaway(kung
mayroon man., peace! :)), ... kamusta, have a nice day, ingat palagi :) - Ram..hindi ko nman cnasabi na bumabati ako ha...ang gusto ko lng nman
eh mag.hi at mag hello sa lahat ng mga kakilala ko...sa mga fisheries na anu at sa mga boarmate ko .....di nman sa nananamantala ako pero alam nya
kung sino ako at alam nya kung sino sya...kya sabi nga ni ram,sa kanya na mahal ko..sisigaw pa ba ako ng wooo,,nasa dyaryo na ako!!!...-Gino.
Hi kina Clarissa, Zara, Janille, Arminda, Allan, Bianca, Mark mga chokpik kayo gala tayo pag may oras ako ayy tayo :)) Yrra, at Jemabols
mga balakangan! :)))) at binabati ko nga pala ung mga AB5 lalong lalo na kina Sheila, Jona, Angelica mag-aral kayo mabuti :))) at salamat
nga pala kay Jinky na tumutulong sakin kapag wala akong maisagot sa quiz at exam :D Hi kay EM ng Ladies Dorm 1, kamusta? -Dboi

You might also like