You are on page 1of 2

EL TORO FESTIVAL

Nagpasya ang guro sa Baitang V ng Polanco Central School na samahan ang mga
mag-aaral na magmasid sa mga Gawain tungkol sa El Toro Festival. Pinuntahan nila ang
naatasang punong-abala.

Chairperson ng Komite sa Pagdiriwang: "Magandang Araw Madam at mga Mag-aaral!


Samahan ninyo ako at obserbahan natin ang mahahalagang preparasyon ng ating
selebrasyon

Guro: Naku! Kanina pa sabik ang mga iyan!

Tsernan: Iyan ang mga barangay at mga paaralan na nag-eensayo ng sayaw, at banda,
nagdedekorasyon ng mga karosa at nagpapraktis ng kasali sa Mr. at Miss El Toro at
Mutya ng Polanco para sa parada, patimpalak,at sa mga tanghalang panggabi.

Michael:Nakatutuwa po ang kanilang pakikiisa at paglalaan ng panahon.

Tsernan: Malayo na rin ang narating ng Polanco mula noong naging ganap na bayan.
Kaya kasamang ipinagdiriwang ang "Founding Anniversary". Diyan nagkakabuklod ang
lahat tungo sa kaunlaran.

Mary Joy: Pangarap ko pong sumali sa patimpalak pagdating ng panahon.

Guro: Kayang- kaya mo iyan. Sa ganda, talino, at talento, tiyak ko ang panalo mo!

Tsernan: Nais ba ninyong maging tanyag na athleta? Tingnan ninyo sila at hinaharap nila
ng seryoso ang palarong-bayan.

Rafael: Sabi nga po ni Ma'am, "Ang matalas na isipan ay palaging bunga ng malusog na
pangangatawan!"

Tserman: Tumpak!
Alam ba ninyong ang kasayahang ito ay nagsisilbing pasasalamat sa kalikasan dahil sa
masaganang ani?
Guro: Hayaan ninyo Tserman, at tatangkilikin namin ang mga yamang bukid na
nakaDisplay sa Agricultural Fair!

Tserman: Maraming Salamat! Hayun ang mga kalabaw! Marangyang binibihisan para sa
palabas at paligsahan! Kapag kayo ang inatasan balang-araw sa ganyang tungkulin, may
naiisip na ba kayong kakaibang
disenyo?

Camille: Gagawin ko pong "Kumikislap na 'rainbow' ang kanyang kasuotan at


papatungan ng gintong korona!"

Sal: Dapat lang na maging "Hari ang

Kalabaw" dahil siya ang dahilan, kahulugan, at sentro ng "El Toro Festival!"

Akda ni : Gng.Marilisa Eguia- Malagueno, Polanco Central School


February 9, 2019

You might also like