Professional Documents
Culture Documents
Ang Diwata NG Ilog
Ang Diwata NG Ilog
PASIG
Kuwento ni Percival Campoamor Cruz
May awitin na hindi mawawala sa alaala ng mga Tagalog sapagkat ang magandang
himig at titik ay nakahuhumaling, at ang pag-iibigan ng taong-bayan at ng Ilog-Pasig
ay hindi magmamaliw.
(MUTYA NG PASIG,
Music by Nicanor Abelardo,
Lyrics by Deogracias del Rosario,
http://www.youtube.com/watch?v=wF6-i-ROnXU)
Sa Ilog-Pasig nagkakaroon ng kabuhayan ang mga taga-nayon, at ganoon din ang mga
taga-lungsod. Ang Ilog-Pasig ang tampisawan at paliguan sa madaling araw ng mga
nag-gagandahang dilag na sa oras na iyon ay maaari pang ikubli sa kadiliman ang
kanilang pagpapasariwa sa katawan. Sa bandang tanghali naman ay sa Ilog-Pasig
naglalaba ng damit ang mga maybahay, sa pook na batuhin, na maaaring gamitan ng
palu-palo ang mga damit. Ito rin ang lagusan ng mga maginoo ng bukid at mga
mangingisda na naghahangad na mabilis na marating ang bukid o dagat.
Sa Ilog-Pasig naglalaro ang mga bata. Sa tuwing Tag-init, dito lumulundag ang mga
nagmumurang binata, matapos na maisagawa ng arbolaryo ang pagpapatunay sa
kanilang pagka-lalaki. Tuwing Mayo, dito dumaraan ang prusisyon ng mga kasko at
lunday na ang sakay ay mga peregrinos a papuntang Antipolo upang doon ay
magbigay dangal sa Birhen ng Kapayapaan at atiwasay na Paglalakbay. (Ang Birhen
na maitim ang kulay, sinasabing dinala sa ilipinas ng isang galyon na nagmula sa
Mehico. Dumaan ang galyon sa isang napakalakas na bagyo ngunit hindi nasalanta
ang mga sakay at matiwasay na nakarating sa pampangin ng Maynila. Ang
pagkakaligtas ng mg biyahero ay ipinalalagay na bunga ng pagtangkilik ng Birhen.)
Ang Ilog-Pasig ang daanan ng kalakal dito namamangka ang mga negosyante na
inihahatid ang kanilang kalakal sa ibat ibang panig ng malaking lalawigan na kung
tawagin noon ay Montalban; kabilang na dito ang mga Intsik at Bombay na
matagumpay sa ikinabubuhay nila. Silay nagtatamasa ng mabuting pagtatangkilik ng
mga taong-bayan at sanhi nito ay itinuring nang bayan na rin nila ang Bayan na Nasa
Biyaya ng Ilog-Pasig. Nagdadala sila mula sa Tsina ng mga pinggang porselana, mga
alahas na yari sa mga pambihirang bato, at sari-saring gamot na galing sa mga
halaman; at mula sa Bombay ay inilalako ang payong, mga telang pangbestida o pang-
barong Tagalog, at mga pabango.
May anak na dalaga si Don Ramon na nagngangalang, Clarita. Nang bata pa ay laging
kasama sa kasko ni Don Ramon si Clarita sapagkat inihahatid siya sa isang kolehiyo
ng mga madre sa may Quiapo. Nakikita siyang naglalaro sa kasko habang ito ay
mabagal na umuusad sa tubig. Nakamasid sa kanya nang palagian ang ama at ang
inang si, Donya Josefa, at pati na ang isang yaya na laging puti ang suot na bestida.
Bagamat bawal ang magkita ang babae at lalaki sa loob ng eskwela ay nakahahanap
ng paraan ang dalawa upang sila ay magkaroon ng kahit na maiigsing panahon ng
pagkakadaupang-palad. Malimit silang nagtatagpo sa ibaba ng burol sa likod ng
eskwela na kung saan may lilim ang isang malaking punong mangga.
Minsan ay may dala-dalang alaala si Clarita para kay Ruben na isang umuusbong pa
lamang na tanim na sampaguita na ipinunla sa isang maliit na paso. Ruben,sabi
niya, ito ang paborito kong bulaklak. Itanim mo sa inyong bakuran at palaguin.
Masisiyahan ka sa kanyang halimuyak at sa tuwing makikita mo ito at malalanghap
ang bango ay maaalala mo ako.
Bukod kay Ruben ay may iba pang mga binata ang naghahangad sa pansin man
lamang ng magandang dilag. Katulad nina Joselito at Mariano.
Sa tuwing daraan sa Ilog-Pasig ang kasko ni Don Ramon na sakay ang magandang
binibini ay nagpapakitang gilas si Joselito at si Mariano. Sa dako ng Ilog-Pasig sa may
lupa ni Joselito ay maririning ang napakatamis na himig ng sonata na nagmumula sa
mga teklada ng piyano at malalantik na daliri ng mahusay na piyanista.
Nagpaligsahan din ang dalawa sa pagpapadla sa bahay na bato ni Don Ramon ng mga
tula, liham, bulaklak, prutas, pagkain, mamahaling tela, at kahi't na maliit na hiyas -
alay na lahat kay Clarita.
Pangarap ni Clarita na siyay maging guro sa musika at nang maturuan niya ang mga
bata sa Taytay at Binangonan na umawit o tumugtog ng alin mang instrumento ng
musika. Ang ama at ina naman ay nangangarap na si Clarita ang magmamana sa
bahay na bato at sa negosyo nila, ang makapagpapatuloy sa pagtatangkilik ng mga
kawani at sa pagpapaunlad ng kanilang kalakal.
Araw-araw ay naghihintay sa may tulay ang lalaking wagas ang pag-ibig kay Clarita.
Sa tuwing dadaan ang kasko ay nakikita nina Joselito at Mariano si Clarita at
ipinatutungkol sa dilag ang sari-saring handog, mapansin lamang sila. Datapuwat
sino ang nakikita nilang nakaupo sa kanyang silyon sa kasko na nakasuot ng puting
damit na manipis ang kayo at sa panahong umiihip ang hangin ay nakikita nilang
nililipad ng hangin ang kanyang nakalugay na buhok? Gayong, wala na si Clarita sa
mundong ito, at ang tanging naiwan niya ay ang alaala ng Diwata ng Pasig.
Killjoy si Al Saymer
Maikling kuwento ni Percival Campoamor Cruz
May isa siyang anak na lalaki na bihira na niyang makita. Siyay sa East Coast
naninirahan at abala sa trabaho at sa pag-aasikaso sa kanyang sariling familia. Kung
masusunod ang anak, ang makabubuti ay manirahan ang ama sa isang retirement
home, at nang siya ay may makakasamang ibang tao. Doon ay may mga caregivers na
titingin sa kanyang pangangailangan. Ngunit ang ibig ni Alberto ay mamuhay nang
malaya at batay sa kanyang paniniwalang kaya niyang magsarili.
Noong buhay pa ang asawa, malimit na nababahala ang asawa sapagkat maraming
nalilimutan si Alberto.
Hindi naman sila masyadong nagkakaiba ng asawa. Ang asawa ay malilimutin din.
Ang pagiging malilimutin ay kapuwa nila itinuring na bahagi ng pagtanda, natural
lamang na mangyari, at di maiiwasan.
Malimit ay sinasabi ng babae Ay, Alberto, kung hindi nakakabit iyang sa iyo,
malamang ay malilimutan mo rin kung saan mo inilagay.
Abogado si Alberto noong araw, bago siya mag-retire. Matalas ang kanyang isip at
mahusay siya sa pagsasalita at pagpapaliwanag. Karamihan ng kaso niya sa korte ay
panalo.
Siya si Tara, tatlumput walong taong gulang, isang dibursiyada, real estate ang
profesion, maganda, at mahilig sa baseball.
Sabi ng radio announcer: Hey, Alberto, arent you a very lucky man. This lady on the
phone, who will be your date on baseball night, described herself as voluptuous. Are
you excited?
Sagot ni Alberto, Well, who wouldnt be? Im a fun person, she's a fun person. Well
see what happens.
Sabi naman ni Tara, Alberto, you sound like a very interesting man. Im excited to
meet you at the baseball game and the dinner date.
Karaniwan ay makinis ang kalsada at mabilis ang daloy ng traffic sa freeway. Noong
oras na iyon, biglang naging baku-bako ang daan. May nagaganap na road
construction. Hindi inaasahan ni Alberto na madaraanan niya ang isang road
construction. May mga cones o harang sa daan kung kayat kinailangang bumago siya
ng lane. Mabilis pa rin ang takbo ng awto niya at ng ibang awto. Hinihintay niya na
magpakita ang sign na ibinabalita ang exit patungo sa Dodgers Stadium. Walang sign
na lumilitaw. Alam niya na malayo na siya. Lagpas na sa Dodgers exit. Ngunit
kinailangang sumunod siya sa daloy ng traffic.
May nakita siyang mahihintuan. Huminto siya at bumaba sa awto. Tila siya nalilito at
kinakabahan. Umupo siya sa isang upuang bakal na nasa gilid ng daan.
Umupo siya roon nang kung ilang minuto na tila nakatingin sa malayo at wala sa
sarili.
Naliligaw ako.
Di ko matandaan.
Hindi ko matandaan.
"Ha, ha, ha. Nasisira yata ang ulo ni Nestor!" ang nasabing tatawa-tawa.
Ngunit noo'y mga batang musmos pa lamang sila halos. Marami ng araw at taon ang
nakalipas. Nang kanyang lisanin ang kolehiyo ay magdadalaga na siya. Sa dahon ng
kanyang alaala ay malabo na ang titik ng panahon. Nagdaan ang masayang kabataan
nila ni Nestor na hindi na niya ganoon nagugunita. Nang magkita sila ng kanyang
pinsang binata, pagkaraan ng isang mahabang panahon ng pagkakahiwalay, ay
nagkahiyaan sila, kung bakit, at hindi nakuhang magbatian. Si Nestor ay nasilaw sa
kanyang kisig at ganda, samantalang siya naman ay nanibago kay Nestor. Binata na
pala ito! Ang nasabi sa kanyang sarili. Buhat noon, kung sila'y magkasalubong ay
tumutungo siya upang mailagan ang mata ng kanyang pinsang binata at si Nestor
naman ay lumilihis ng daan dahil sa malaking pagkaumid at pag-aalang-alang sa
kanyang pinsang dalaga.
Kaya ganoon na lamang ang panggilalas ni Ligaya ng tanggapin niya ang sulat ni
Nestor.
"Marunong na palang lumigaw ang pilyong yaon," ang wika pang nakangiti.
Nguni't ano ang kanyang gagawin? Siya ay lalaki at lalaking may puso. Ang tibok ng
puso ay makapangyarihan. At hindi maaaring pigilin, lalong mahirap at hindi
mangyayaring limutin niya si Ligaya. Si Ligaya ay inibig na niya at minahal,
sinundan-sundan ng paningin at pinintuho ng buong kaluluwa mula pa sa kanilang
kabataaan. Ang isang bagay na naukit sa diwa at napunla sa puso sa panahon ng
kamusmusan, ay hindi na malilimot at mamamatay sa habang panahon. Ang mga
alaala ng ating kabataan ay siyang matamis sa lahat, sariwa sa lahat at mahal sa
lahat. Talagang si Nestor ay hindi nakalimot kay Ligaya. Ewan nga lamang niya
kung bakit naparam na sa isip ng dalagang yaon ang kanilang kahapong lipus sa
kaningningan ng mga murang guni-guni at masamyo sa pabango ng kawalang-
malay. Wala nang masakit na alalahanin na gaya ng mga alaalang nagbabalik sa
gunam-gunam ni Nestor. Ngayon siya'y nasa gitna ng luha at lungkot.
Nang hindi nagtamo ng tugon ang ikalimang sulat ni Nestor kay Ligaya, ay niyari sa
loob ng binata na hindi na siya muli pang susulat sa pinsang walang puso. Naisip
niyang sayang lamang ang panahon at pagod nang magpakabaliw sa isang bagay na
tila hindi matatamo. Ang pag-ibig ay may dalawang hanggahan: luwalhati at
pagtitiis. Yamang sa pagtitiis siya itinalaga ng tadhana ay tila kabaitan ang sumang-
ayon sa gunita ng palad. May araw ding mabibihis ang kanyang pagdurusa. Sadyang
ang alin mang pangarap na mahalaga at dakila ay hindi natutupad sa iisang
gabi. Kinakailangang maglamay at magpakasakit, magbata at lumuha.
"Oo, gagaling ka, pagagalingin kita, aalagaan kita," ang masuyong sagot ni Nestor.
Isang matamlay na ngiti ang itinugon ng dalaga. May apat na buwan na si Ligaya sa
kanyang cottage sa mataas na siyudad ng Baguio . Ang sariwa at malinis na simoy ng
hangin, ang mabibiyaya at katangi-tanging singaw na nagmumula sa pusod ng mga
bundok at ang mabuting paraan ng panggagamot ni Nestor ay siyang nagkatulong-
tulong upang lubusang bumuti ang karamdaman ng paralumang maysakit. May
dalawang buwan pa lamang si Ligaya sa itaas ng Baguio ay tumigil na ang paglura ng
dugo, sumunod ang pagkapawi ng ubo sa gabi at sa umaga. Nanumbalik din ang
dating mapulang kulay sa kanyang mukha at nanauli ang bulas ng kanyang katawan.
"Salamat sa iyo, Nestor," anang binibiro, "utang ko sa iyo ang aking buhay. Ano kaya
ang maibabayad ko sa iyong kagandahang-loob?"
"Kailan man ay hindi! Ang aking pag-ibig ay malala kaysa dati, Ligaya, lalong
malubha."
"Sa pagsinta ay walang magpinsan, " ang putol ni Nestor. "Lalong mabuti sapagka't
iisa ang dugong nananalaytay sa ating mga ugat, iisa ang ating damdamin, iisa ang
ating puso. At bakit natin pakikinggan ang sasabihin ng tao? Ang dila ng tao'y
talagang makasalanan at hindi marunong humatol. Alalahanin mo ang ating kabataan,
ang pagmamahalan natin noong tayo'y mga batang musmos. Hindi ka ba
nanghihinayang sa lahat ng yaon kung ikaw o ako, ngayong kita'y may gulang nang
ganap, ay mapasaibang kamay at mapasaibang dibdib?"
"Ngunit".
Bago sila naghiwalay ng gabing yaon ay pinabaunan muna niya si Nestor ng isang
matamis na halik at inabutan ng isang bulaklak ngeverlasting.
Saranggola
Ni Efren R. Abueg
Rading, Paquito, Nelson pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki,
walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
Madali yan. Tuturuan kita, sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati
na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang
ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan
ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos
siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-
sama sa mga kaibigan.
Anak dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira,
saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi
madaling kitain ang salapi, pagunita ng kanyang ama.
Kawawa nga ako, Tatay, katwiran ng bata. Anak ako ng tanging may-ari ng
istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko parang anak
ng pobre.
Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at
husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang
kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid.
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito.
Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at
madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw
na walang klase.
Hindi totoo ang sinabi mo, anak, malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman,
hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.
Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko.engineering nga
ang bagay sa iyo. May machine shop tayosino ba ang magmamana niyon kundi
ikaw?
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. Napag-
isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na hinanakit kundi
paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
Ayoko nang mag-aral, Inay, sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa
dormitoryo. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako
ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?
Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti
sa iyong hinaharap.
Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi bat ipamamana ninyo sa akin ni Itay
ang ating kabuhayan?
Totoo iyan, anakpero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo
alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang
makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa
pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.
Namangha siya.
Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko,
magpundar ka ng sariling negosyo.
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng tirahan
sa mga magulang.
Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong isaisip
mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang
ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang
pinagsadya ng kanyang ama.
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na
machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na
malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito.
Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales.
Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit.
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga magulang.
Dumabog siya sa harap ng ama.
Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba
ninyong makitang nahihirapan ako?
Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi madali ang
mabuhay sa mundo, anak.
Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?
Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito.
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang
nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang
pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit
na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler
at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop
niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad
nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa
tatlong apong lalaki.
Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw dahil sa
hinanakit mo, sabi ng kanyang ina.
Kung gayon baka hindi na kayo magkita, anak! nawika nito bago umalis.
May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong
matanda.
Huwag kang umiyak namatay siyang walang hinanakit sa iyo. Anas ng kanyang
ina.
Wa-walang hinanakit?
Oo, anak dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa
akin, pati sa asawa mo nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang
lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita
na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.