Professional Documents
Culture Documents
• Duplo - isang patulang laro. Ito ay tagisan ng galing sa pagpapahayag sa pamamagitan ng tula at
kaalaman sa mga bagay na napapatungkol sa kultura.
• Sapatya - Ang pangalan nito ay mula sa salitang “tapatio” na tumutukoy sa isang Mehikanong
sayaw. Ito ay isinasayaw habang inaawit . Ito rin ay tagisan sa pagtula.
• Kurido o Corridor - nagsimula ang anyong ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga corrido ng
Español sa Kapampangan. Ang mga corrido ay hango sa mga banyagang alamat at tula. Hindi ito
inaawit o sinasayaw . Nakatanggap ng labis na kritisismo ang anyong ito sapagkat ito raw ay
pawang panggagaya lamang ng mga banyagang akda. Gayunpaman, sinasabi na mas malaki ang
naging impluwensiya nito sa mga tao kaysa sa mga akdang panrelihiyon . Halimbawa nito ay ang
mga akdang “Conde Irlos” at “Aring Palmarin”.
• Moro-moro - ay isang melodrama na kinatatampukan ng mga Muslim at Kristiyanong tauhan. Ito ay
pataludtod at may musika.
Panitikang Kapampangan
• Cumidya o Kumidya - nagmula sa kastilang “comedia”
• Kuriru - Hango sa kastilang “corrido”. Mayroon itong 12 o mas mababa sa 12 pantig bawat linya.
Isang halimbawa nito ay ang “Corrido King Bye nang Keralanan ning Prinsipe king Imperio Francia
ila ning Princesa Adriana king Kayaria’ning Antioquia” (Corrido tungkol sa Buhay ni Prinsipe Felix
ng Kaharian ng Espanya at ng Emperatris Valeriana ng Kaharian ng Persia).
• Pasion - Ito ay kilala rin sa tawag na “pabasa” . Isang akda ng pasion ang itinuturing na kauna-
unahang gawang naisalin sa Kapampangan. Ang pagsasalin ito ay ginawa ni Rev. P. Banda. Puni
naman ang tawag kung ang pasion ay ginagawa bilang isang pampublikong aktibidad.
• Cenaculo - ay itinuturing na mas mahalaga kaysa sa moro-moro. Binibigyang diin nito ang
makasaysayan at pangheograpiyang katotohan na taglay ng isang gawang pampanitikan. Ito ang
nagbigay-daan sa pagkakalikha ng zarzuelas dahil sa makukulay na kasuotang ginagamit dito.
Panitikang Kapampangan
• Salubong - Isa pang mahalagang palabas na kaugnay sa cenaculo. Itinatampok nito ang kuwento ng
pagkikita ni Kristo at ni Inang Maria matapos ang muling pagkabuhay ng una. Tulad ng cenaculo, ito
rin ay makatotohanan.
• Liham- Hindi ito isang talaarawan o talambuhay . Maraming uri ng Kapampangang liham subalit
masasabi na hindi ito orihinal sa kanila.
• Dalit - tumutukoy sa mga pangkaraniwang awitin . Awit naman ang tawag sa isang metrikong akda
na hango sa mga kabalyerong romansa ng mga Español . Mga halimbawa nito ay ang “Kasulatang
Gintu” at “Napun Ngeni at Bukas” (Kahapon, Ngayon at Bukas) ni A. Tolentino.
• Potei o kikimut - Ito ay isang dulang gumagamit ng anino ng mga tauhang kahoy (“shadow play”).
Goso- ito ay inaawit kasabay ng biyolin at tamburin tuwing gabi
bago ang araw ng Todos Los Santos (All Saint’s Day). Ito ay
nagtataglay ng tiyak na aral sa buhay at mabagal na tempo.
• ATSING ROSING- Isa pang harana na kanta, kung saan itinaas ng mang-aawit ang 'Atsing Rosing'
sa pamamagitan ng pag-alok sa kanya ng kamangha-manghang iba't ibang mga regalo: isang
kuwintas ng mga bituin, isang kalahating buwan na korona, isang duyan na gawa sa mga ulap na
hawak ng isang asul na lubid na bahaghari. Ipinatawag ng mang-aawit ang mga bayaning sina Rizal
at Bonifacio upang bantayan ang magandang Rosing.
• DALUMDUM NING BENGI - Ang kantang harana na ito ay naiiba dahil ang mang-aawit ay hindi
tumutukoy sa pagnanais ng kanyang puso, ngunit sa halip, inilalarawan sa patula na mga termino ang
matinding sandali ng kanilang pagtatagpo sa gabi—ang pagbagsak ng ulan, maulap, walang bituin na
kalangitan—ang tanging liwanag ay ang ng kidlat.
Panitikang Kapampangan: Awiting Bayan
• INYANG MALATI KU- Ang napakasikat na ‘basultu’ na ito ay napakaraming bersyon, lyrics-wise
—mula sa romantiko hanggang sa komiks (“Inyang malati ku, linub kung kutseru, sira ya'ing kalesa,
pile ya'ing kabayu”) . Maging ang beat ay kinakanta sa iba't ibang paraan—mula sa mabagal at
malungkot, hanggang sa patalbog at pagtaas. Ang bersyon na ito ay may mas nostalhik na
pakiramdam dito.
• O KAKA, O KAKA- Isa pang "basultu" na perpekto para sa pagsasayaw. Marami ring lola ang
kumanta nito bilang oyayi para patulugin ang kanilang mga ‘apos’. Tinatawag ng mang-aawit ang
atensyon ng isang kaibigan ("kaka") at pagkatapos ay nagpapatuloy na kantahin ang kanyang mga
obserbasyon sa kanya at sa mga bagay sa paligid niya, sa isang magaan, mapaglaro at mapanuksong
paraan.
• O YAN NA ING PAPEL- Ang “Oyan na ing Papel” ay may paulit-ulit na himig at maikling liriko na
nagbibigay ng direktiba kay Maring na mahuli ang isang pirasong papel na tinatangay ng hangin.
Ang papel na tinatangay ng hangin na naglalaman ng mga detalye ng kasal ni Pepings, kabilang ang
pagsakay sa isang hindi pa naayos na cart sa seremonya.
Panitikang Kapampangan: Awiting Bayan
• ONE DAY, MISAN A ALDO (one day, isang araw) - Ang aming pag-iibigan sa mga bagay na
Amerikano ay nagsimula kaagad-ang wika ay hindi hadlang. Nagsisimula ang narrative song na ito
sa fractured English, na agad na isinalin nang literal sa Kapampangan—sa mga nakakatuwang
epekto.
• SISINGLE, SISINGLE- isang dulang awit na inaawit kaayon ng larong may parehong pamagat, ang
pagkakaiba-iba ng 'talanan dutung'.
Panitikang Kapampangan: Tulang Bayan
Pinaparangalan ang mga pinakamagagaling na makata na siyang nagbibigay inspirasyon sa iba pang
mamamayan na tangkain ang pagsulat sa lokal na wika.
Sa panahong ito sumikat ang zarzuela, ito ay isang dulang inaawit na may halong diyalogo.
1902 - lumaganap ito at pagdating ng halos lahat na ng bayan sa Pampanga ay may lokal na
grupong nagpapalabas ng zarzuela.
Mga kilalang manunulat sa panahong ito ay sina J.C. Soto, M.P. Byron, F.N. Galura, lahat ay
mula sa bayan ng Bacolor.
1907 at 1916 - ang simula ng peryodismo sa Pampanga. Ang mga kilalang peryodista noong
mga panahong ito ay sina J.C. Soto, F.N. Galura, Liongson, A. Tolentino, Z. Hilario, P.
Gozun at J.G. David.
1910 – 1930 - namayagpag sina Bacolor gaya nina Jose Gutierrez David, Eduardo Gutierrez
David, Z. Hilario, I. Gomez, at E. Joven na nagmula sa bayan ng Bacolor.
Sina Brigido Sibug, F. Bautista, Urbano Macapagal, S. Navarro Jr., C. Gwekoh, Agustin
Bustos-Zabala, C. Pineda, at E. Cunanan ay maibibilang din sa grupong ito.
PANGATLONG GRUPO NG
MGA MANUNULAT
Dekada 1940 - Mga tanyag na manunulat tulag nina Amado Yuzon, S. Punsalan, P.
Macapagal, R. Reyes, B. Navarro, S. Tumang, F. de Castro, at R. Talavera at pati na rin mga
manunulat ng zarzuela gaya nina J. Yonzon, B. Talao, S. Talao, at J. Gallardo.
Sa maikling kuwento, nangunguna diyan si J.F. Sanchez. Mayroon ding mga sanaysay kung
saan tanyag naman si S. M. Punsalan.
1942 - 1982 - kapansin-pansin ang pagkawala ang mga lirikong tula. Sa panahon ding ito,
ang zarzuela ay higit na itinuring bilang isang anyo ng libangan.
1977 - 1979 - kinakitaan ng muling pagkabuhay sa Panitikang Kapampangan.
1921 - 1941 - maraming mga panulaang samahan din ang napasiyanan tulad ng “Munag-
Munag” (Bukang-liwayway), “Tagimpan Ning Talasulat” (Panaginip ng Manunulat),
“Sulu at Panyulat” (Liwanag at Panulat) – ang mga nabanggit ay nakabase sa Magalang,
Pampanga – “Aslag” (Sinag ng Araw) at “Lira Pampangueña” (Kapampangang Lira) – na
nakabase naman sa Tarlac. Nariyan din ang “Akademya ning Amanung Kapampangan”
(Academia Pampangueña de Artes y Letra).
Maraming
Salamat!