You are on page 1of 69

KATUTURAN NG TULA AT

ANG SULYAP SA
KASAYSAYAN NG TULA SA
PILIPINAS
INIHANDA NI: XYNA REA MAE G. BELMONTE
(12-LOSORIAGA)
ANO ANG TULA?
TULA
- ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at
estilo.
- Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit
ng tayutay. Ang mga likhang panulaan ay
tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang
tula sapagkat karaniwan itong may batayan o
pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
KATUTURAN NG TULA BATAY
SA IBA'T IBANG MANUNULAT
Julian Cruz Balmaceda
"Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan
ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan
ang tatlong bagay na magkakatipun-tipon
sa isang kaisipan upang mag-angkin ng
karapatang matawag na tula."
KATUTURAN NG TULA BATAY
SA IBA'T IBANG MANUNULAT
Inigo Ed. Regalado
"Ang tula ay isang kagandahan, dula,
katas, larawan at kabuuan ng tanang
kariktang nakikita sa silong ng alin mang
langit".
KATUTURAN NG TULA BATAY
SA IBA'T IBANG MANUNULAT
Fernando Monleon
"Ang tula ay pangagagad, tula ng pangagagad
ng isang pintor, ng isang manlililok, at isang
asang artista sa tanghalan." Idinagdag din niya
na "ang tula ay higit na malawak kaysa sa
alinman sa nga ibang gagad na mga tinig, kahit
na pagsamasamahin pa ang mga iyon."
Ang panahong ito ay nagsimula
noong unang pagdating ng mga
Negrito o Aeta hanggang sa taong
1521.
Tulad ng maraming dayuhang
kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas
ay nagmula sa mga magkakaibang
lipon ng tao na may panahong
pagkaka-agwat na dumating. Ang
mga unang tao na dumating sa
Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta.
.. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan
ay may sarili nang sistema ng pagsulat
at pasalita. Ang unang ebidensiya na
mayroon nang sariling panitikang
pagsulat ang mga pilipino bago pa
dumating ang mga dayuhang taga-
kanluran ay ang Baybayin na binubuo
ng tatlong patinig at 14 na katinig.
Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa
mga dahon at balat ng mga punong-
kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit
ay ang mga matutulis na bato at kahoy
din.
- Mayroon na ring panitikan na pasalita
ang mga sinaunang tao.

- Ang panitikang pasalita ay may anyong


panulaan, tuluyan, at dula.
Ang panulaan ay binubuo ng mga:
- Bugtong
- Salawikain at kasabihan
- Tanaga
- Tulang pambata
- Bulong
- Awiting bayan
- Epiko
- Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng
dumating ang mga Kastila marami ang sinunog
na mga literatura at saka dahil marami ang
nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay
natunaw pagkalipas ng maraming taon.
- Bagamat magkakaiba ang lenggwaheng gamit
ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay
may isang mensahe at layunin.
BUGTONG
• Ang unang layunin ng bugtong ay
magbigay kasiyahan sa mga
tagapakinig at ng mga manlalaro
Kahit simple ang estraktura dito
nasusukat ang talino at kaalaman
tungkol sa bayan.
SAGUTIN!
Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y
pagala-gala.
SAGOT: SANDOK
SALAWIKAIN AT KASABIHAN
Ito ay nagpapakita ng asal, moralidad, at
pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang
salawikain ay nagbibigay aral at ang
kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga
pang-araw araw na gawain.
TANAGA
Ito ay naglalaman ng pangaral at payak
na pilosopiyang ginagamit ng matatanda
sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito
ay may estrukturang apat na taludtod at
pitong pantig sa iisang saknong
HALIMBAWA NG TANAGA
KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.
TULANG PAMBATA
Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong
kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin
ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa
mga maliligayang karanasan noong sila'y
bata pa.
HALIMBAWA
Maingay na kulisap
sa mataas na sanga,
Aking kinakausap
na tumahimik sana.
BULONG
Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa
mga di nakikitang espirito gaya ng mga
lamang lupang espirito tulad ng mga
duwende. Ang ating mga ninuno ay
humihingi ng ng pasintabi at paumanhin
sa mga ito upang hindi sila mapahamak
sa mga masasamang pangyayari.
Halimbawa ng Bulong:

Tabi, tabi po, Ingkong


Makikiraan po lamang.
Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)
AWITING-BAYAN
Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting
bayan ay may pinakamalawak na paksa
at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay
hayag sa damdamin, kaugalian,
karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang
mga sumusunod ay mga halimbawa ng
ibang uri ng awiting bayan:
• Ang talindaw ay awit sa pamamangka.
• Ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig.
• Kumintang ito ay awit sa pakikidigma,
• Balitaw awit ng pag ibig ginagamit sa
paghaharana ng mga bisaya
• Dalit-awit panrelihiyon o himno ng
pagdakila ng may kapal
• Ang talindaw ay awit sa pamamangka.
• Ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig.
• Kumintang ito ay awit sa pakikidigma,
• Balitaw awit ng pag ibig ginagamit sa
paghaharana ng mga bisaya
• Dalit-awit panrelihiyon o himno ng
pagdakila ng may kapal
• Dung aw-awit sa patay ng mga ilokano
• Kumintang awitin sa pakikidigma o
pakikipaglaban
• Kutang kutang-awitin pakaraniwang inaawit
sa lansangan
• Soliranin-awit sa pamamangka
• Maloway-awit sa sama samang paggawa
• Oyayi o hele awiting panghehele o
pampatulog sa bata
• Pangaluluwa awit sa mga patay sa
Tagalog
• Sambotani-awit ng
pagtatagumpay
Halimbawa ng Awiting Bayan:
"Talindaw"
EPIKO
Ito ay mahabang tula na inaawit o
binibigkas. ito ay tungkol sa mahiwagang
pangyayari at kabayanihan ng isang
mamamayan.
PANAHON NG KASTILA

Ang mga paksa na maaari lamang


talakayin sa panahon ito ay panrelihiyon,
pangmoralidad, etika, panlibangan,
pangwika at panromansa.
MGA NAIAMBAG NG KASTILA
SA PANULAANG FILIPINO

1. TUGMA- ito ay huling salita sa tula na


kung saan magkakasingtunog.
HALIMBAWA
QUINTILLA
(Kastila ang baybay)
Umulan man sa bundoc
Houag sa dacong laot
Aba si casampaloc
Nanao nang dico loob
Ualang bauoanang comot
* Ito'y patungkol sa papanampalataya.
2. PASYON - isang naratibong tula na
nagsasaad ng buhay ni Hesukristo.

Halimbawa:
O Diyos sa kalangitan,
Haring Sangkatauhan,
Mabait, lubhang maalam,
At puno ng karunungan.
3. DALIT-ito ay gaya ng Pasyon ngunit ito'y
nagsasaad ng buhay ng Birheng Maria.

Halimbawa:
Marikit na Rosa Mistika,
Oh Perla Sola!
Mahal na Ina ng Hesukristong sinasalita,
Ikaw po ang katamis tamisan sa tuwina,
Sa bayang may hapis,
Ikaw nga po ang ligaya.
4. AWIT at KORIDO ang mga tulang ito ay may
paksang tungkol sa pangromansa.
- Ang Awit ay sa bawat taludtod, may labing
dalawang pantig, na itinutula/ binigbigkas nang
pasalaysay ngunit may himig na may bagal o
tinatawag na adante, at mayroong
makatotohanan at malapit sa katotohanang
kuwento at mga tauhan and kanilang
pakikipagsapalaran. Ang Sikat na hilambawa ng
isang Awit ay ang Florante at Laura.
Halimbawa ng Awit:

Kung siya mong ibig na ako'y magdusa,


Langit na mataas, aking mababata,
Isagi mo lamang sa puso mo Laura,
Ako'y minsan-minsang mapag-alala.
(Halaw sa Florante at Laura)
Ang Korido naman ay nagmula sa impluwensiyang
Kastila, may walong pantig kada linya at apat na
linya naman sa isang saknong. 'Di tulag ng Awit, ang
Korido ay binibigkas naman nang may kabilisan na
sinusundan ang pattern ng march/martsa. Ang
kilalang halimbawa naman ng isang Korido ay ang
Ibong Adarna.
Halimbawa ng Korido:

"Ako'y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
Mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw." (Mula sa Ibong Adarna)
PANAHON NG PROPAGANDA
AT HIMAGSIKAN
KILOSANG PROPAGANDA isang kilusan na
itinatatag sa Barcelona, Espanya noong
1872-1892. Dahil sa pagbitay ng tatlong pari
(GOMBURZA) naitatag ang kilosang ito. Ang
kilusang Propaganda ay may layunin na
makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
MGA TULANG NAISULAT SA PANAHON
NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN
1. PAHIMAKAS ni DR. JOSE RIZAL-ang huling
tulang isinulat ni Dr. Rizal sa Fort Santiago.
2. SAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG
PILIPINAS ni MARCELO H. DEL PILAR -
hangad ng tula ang paghingi sa mga reporma
ngunit nagsasabi na ang Espanya ay
napakahina upang magbigay ng anumang
tulong sa Pilipinas.
3. PAG IBIG SA TINUBUANG LUPA ni ANDRES
BONIFACIO - para himukin ang mga Pilipino
na maging makabayan.
PANAHON NG AMERIKANO
May tatlong wikang ginamit sa panahon ng
amerikano ito ay ang TAGALOG, KASTILA, at
INGLES. Ang paksa sa panahong ito ay
PAGKAMAKABANSA, DEMOKRASYA,
RELIHIHIYON, SOSYALISDAD at POLITIKA.
AKLATANG BAYAN (1900-1921) yumabong ng
husto ang mga tula at nanaig ang teoryang
pampanitikan na ROMANTISISMO.

ILAW AT PANITIK (1922-1934)-sumikat ang


LIWAYWAY magasin at dito nakalathala ang
ibang mga tula sa panahon ng amerikano.
ALEJANDRO G. ABADILLA "PAGHIHIMAGSIK",
pagsira sa tradiyunal na anyo ng tula na may
sukat at tugma. Nakilala ito bilang malayang
anyo ng tula. Tinagurian din si "AGA" na Ama
ng Malayang Tulang Tagalog.

JOSE CORAZON DE JESUS-kilala sa panulat


ngalan na "Huseng Batute", kampeon ng mga
taong mababa ang kalagayan sa pamayanan.
Sinulat niya ang dalawang kilalang tula na
"Bayan Ko" at "Pamana".
PANAHON NG HAPON 1942-1945
Sa panahong ito sa kasayasayan ng bansa at
ng panitikan tinagurian ito sa tawag na
GINTONG PANAHON NG PANITIKANG
PILIPINO dahil sa pag-utos ng Heneral ng
mga hapones na wikang FILIPINO ang
gagamitin ng mga makata sa pagsulat ng tula
o sa anumang uri ng panitikan. Nakilala
ang dalawang anyo ng tula ito ay ang HAIKU
at TANAGA
Ang Haiku ay binubuo ng tatlong taludtod at
may bilang ng pantig na 5-7-5.

Ang Tanaga ay binubuo ng apat na taludtod


at may bilang ng pantig na 7-7-7-7 sa bawat
taludtod. Naipakilala din ang iba't-ibang
teoriya tulad ng Femenismo.
Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa
sa bansang ito dahil ipinagbabawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng
wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga
katutubong wika ng bansa.
TEMA NG PANITIKAN SA PANAHON NG
HAPON
- Sumesentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka
o pangingisda.
- Ugali ng mga Hapon na masipag magtrabaho.
- Sumesentro sa Pagka-makabayan, Pag-ibig,
kalikasan
- Pananampalataya at sining
- Ugali ng hapon na pagiging tapat sa kanilang
bansa at pagkaroon ng dangal sa sarili at bansa
PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Ang mga manunulat ay malaya ng pumaksa


ng mga pangyayaring panlipunan. Hindi na
din maapoy at mapanuligsa ang mga
inakdang tula. Sa Liwayway at mga
magasing pandalubhasaan nababasa ang
mga tula sa panahong ito.
ISLOGAN isa sa mga bagay na laging maaalala
sa panahong ito.

Halimbawa:
• Programang Pangkabuhayan
Magplano ng pamilya
Nang buhay ay lumigaya
• Programang Pantao
Sa ikauunlad ng bayan,
Disiplina ang kailangan.

Ang pagsunod sa magulang


Tanda ng anak na magalang
SABAYANG PAGBIGKAS - isang masining na
pagpapakahulugan o interpretasyon sa
anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan
sa sabayang pagbabasa nang piyesa.

- Gallan sa Arte at Tula (CAT)


- Gawad Palanca
- Talaang Ginto
- Timpalak Literaryo
SABAYANG PAGBIGKAS - isang masining na
pagpapakahulugan o interpretasyon sa
anumang anyo ng panitikan sa pamamagitan
sa sabayang pagbabasa nang piyesa.

- Gallan sa Arte at Tula (CAT)


- Gawad Palanca
- Talaang Ginto
- Timpalak Literaryo
ANG TULA SA PANAHON NG
INTERNET AT SOCIAL MEDIA
- Ang mga tulang nasulat ay nagpapakita ng
kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa.
- Naranasan na nila ang makilahok sa mga
nagaganap sa paligid na naging dahilan upang
maimpluwensyahan ang kanilang mga tulang
inakda.
- May tulang pagpuri at panunuligsa sa mga
nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang
naganap sa lipunan.
- Bibihira na ang paksa tungkol sa pag ibig ngunit unti
unting nabubuhay ang paksa tungkol sa Kalikasan,
Bihira na ang pagtula sa tanghalan.
- Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng
pag awit.
- Mababatid na sumasabay ang panitikan sa
modernisasiyon ng mundo-sa pabago-bagong aspek
ng teknolohiya at internet.
- Ang modernisasiyon na ito ang nagluwal sa mga
makabagong anyo at pamamaraan ng pagtula,
pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan.
- Nariyan ang lumalagong panitikan ng
spoken word poetry sa bansa kung saan
naging tanyag si Juan Miguel Severo na
pinamagatang "Prinsipe ng Hugot."
- At nariyan din ang battle rap na
pinabantog ng FlipTop Battle League na
itinuturing na makabagong anyo ng
balagtasan. Ang tula sa panahong ito ay
nakulayan at tinangkilik ng mga kabataan
"milinyal".
MARAMING SALAMAT

SA PAKIKINIG

You might also like