You are on page 1of 3

SULYAP SA YAMAN NG SUDIPEN

Sulat ni: BAKEKANG

Lumaki si Mario sa Maynila, ngunit ang kanyang mga magulang at


mga kamag anak ay taga Sudipen, La Union. Matagl tagal na ring hindi
nakakauwi ang kanilang pamilya dito kaya naisipan nila na magbakasyon at
dalawin ang kanilang mga kamag anak dito. Ang Sudipen matatagpuan sa
pinakahilagang bahagi ng lalawigan ng La Union. Para marating nila ito,
kailangan nilang sumakay ng bus patungong Ilocos, na karaniwang inaabot ng
anim hanggang pitong oras na beyahe. Habang nakaupo sa bus inalala ni Mario
ang mga kuwento ng kanyang lolo at lola tungkol sa Sudipen. At sa pag-usad
ng sasakyan, siya ay nakatulog at nanaginip na kasama daw siya sa kapanahon
ng kanyang mga ninuno.

“Lolo Jose saan po kayo pupunta?” “Sa bundok apo mamumutol ng


kawayan, gusto mong sumama?” “Sige po lolo para makita ko rin po ang ating
bukirin.” “Bakit po kawayan lang kukunin natin? Aanhin po ninyo ito? “Apo
alam mo ba na marami kang magagawang produkto at kasangkapan mula sa
kawayan?. Ang bahay natin halos lahat ay yari sa kawayan, ang mga kagamitan
sa loob ng tahanan natin ay nagmula sa halamang ito. Hindi lang sa loob ng
tahanan natin na makikita ang mga produkto at kagamitan mula sa kawayan,
pagpumunta ka sa bayan makikita mo ang mga dekorasyon at palamuti na gawa
ng mga kabababyan natin mula sa halamang kawayan”. “Gagawa tayo apo ng
“Yakayak”, “Baki”, “alat”, “kuribot”, “Labba” at ang tanyag na Pasiking
natin.” “Sige po Lolo Jose gusto kong makita ang mga gagawin mo.” Masusing
pinapanood ni Mario ang paraan ng kanyang lolo sa paghahanda ng kawayan na
gagamitin, mula sa paglilinis, pagkakayas at paghahabi gamit ang mga kamay.
“Pag-aralan mo apo ang paggawa ng mga ito dahil pinapakita nito ang
pagpapanatili ng ating pinagmulan na sumasalamin sa mayamang kultura at
tradisyon ng Sudipenians”.
Biglang naalimpungatan si Mario at nagising sa sigaw ng konduktor
“Tarlac! Tarlac na po tayo, Sino pong bababa dyan?” “Parang totoo ang
panaginip ko,” sambit nito sa sarili. Dahil kalaliman pa ng gabi, at tila siyang
idinuduyan ng usad ng sasakyan, muli nakatulog si Mario, at sa pangalawang
pagkakataon, nanaginip siyang kasama niya ang kanyang Lola Maria. “Lola
Maria bakit ang bango dito sa kusina? Ano ba yang pinagkakaabalahan mo?”
“Ikaw pala Apo halika tikman mo tong niluluto ko.” “Ano pong tawag sa mga
ito, ang sarap po lola.” “Ito ang mga kakanin na gawa sa ating bayan, tinatawag
naming itong “Inkiwar,” “Sinuman-ipos,” “Tupig,” at iyong sikat na
“Tinungbo.” “ Asan po lola yong tinungbo?” “Sa likod apo iluluto iyon sa ipa
ng palay, na inilalagay sa bolo, yon ang naaamoy mo.” “Ang galing lola! ang
sasarap po ng mga niluto nyo!” “Pagkatapos nito tuturuan kita kung paano
gawin ang “Tapuey”, ito yong alak-bigas na ginagamitan rin ng malagkit.
Marami pa apong mga pagkaing ipagmalaki sa ating bayan”.

Nagising at napatayo na si Mario ng sumigaw ang konduktor ng salitang


“Sudipen!, Sudipen na po tayo, yong bababa ng Sudipen andito na po tayo!”
Bumaba na ang pamilya ni Mario sa tapat ng Puno ng Narra na di kalayuan sa
munisipyo. Hindi maikaila ang kagalakan sa mukha ni Mariolalo na ng
masulyapan niya ang mga produktong yari sa kawayan sa Agri-Trade ng
Sudipen katabi lang ng kanilang binabaan.

Sinabi ni Mario sa kanyang nanay na gusto niyang pasyalan ang mga


nakita niya sa kanyang panaginip. “Oo naman anak tamang tama piyesta natin
bukas makikita mo kung paano natin ipagdiriwang ang ating kultura at
tradisyon”. Sagot ng kanyang nanay. Ang Kawayan Festival, ibat-ibang mga
produktong mula sa kawayan. Makikita mo ang parada ng float na gawa rin sa
kawayan. Matitikman mo ang mga ibat-ibang klase ng kakanin sa ating
pinagmamalaking Tinubong Festival. Mapapanood mo ang mga katutubong
awit at sayaw, at sigurado ring may mga booth ang bawat barangay na doon mo
makikita ang iba’t-ibang produkto ng ating bayan.” Yeheeey!!! Sulit ang
bakasyon ko!, ang saya akala ko sa kuwento at panaginip ko lang makikita, pero
totoo pala ang yaman at kagandahan ng Sudipen na dapat ipagmalaki ko sa
lahat.” Ang Bayan ko! na tinaguriang “NASUDI A SUDIPEN”.

You might also like