Professional Documents
Culture Documents
GROUP 5 Script
GROUP 5 Script
(Setting: Studio)
Charo: Ang kulturang Pilipino ay paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino na nagpapakita ng kaugalian,
tradisyon, at paniniwala na nagmula pa sa mga ninuno at magulang. Ang kultura ang humuhubog sa
isang pagkatao. Datapwat, sa paglipas ng panahon, ito ay unti-unti ng nagbabago ng henerasyon.
Masasabi bang ang kulturang minsang humubog sa pagkatao ng mga ninuno, ay ang kultura na
magdidikta sa pagiging tama at mali ng isang kabataan ng bagong henerasyon?
Charo: Si Robbie ay isang batang ulila na naiwan sa pangangalaga ng kanyang lola Goreng, isang 50’s na
madaming kultura. Sa gayon, sa murang edad namulat na si Robbie sa isang pamumuhay na puno ng
kultura.
Scene 1 (Bahay)
Lola Goreng: Apo, Robbie, Maligayang Pasko! Aba’y gising na! Tilaok na ang manok nakahilata ka pa
riyan! Gumayak ka na at tayo ay mamimili para sa noche buena mamaya at magsisimba na din tayo.
Robbie: Maligayang Pasko din po lola. Mahal na mahal po kita. (Niyakap si lola). Opo lola gagayak na po
ako. (mag-aayos ng sarili, nagsuot ng crop top)
Scene 2 (Kusina)
Robbie: Eh lola ayoko po. Ang ganda po ng damit na ito, pampasko ko po ito e.
Lola: Ala, hindi pwede ang ganyang suot. Noong kapanahunan namin laging mahaba ang suot namin para
hindi kami mabastos, hindi yang parang damit ng baby sa sobrang igsi. Sulong na at magpalit.
***nagpalit na ng damit****
Lola: Ayan mas presentable. Halika ka na at kakain na tayo, baka lumamig pa ang pagkain.
Robbie: Ang sarap-sarap naman po ng mga pagkain lola! Parang ang sarap po kumain ng naka sakol.
(kumain agad)
Lola: (tinapik yung kamay ni Robbie) Nakalimutan mo na ba? Magdadasal muna tayo bago kumain.
Rob: Ay sorry po lola! Gutom na po kasi ako at natakam na po ako sa hinanda ninyong pagkain.
Lola: Tapos ka na ba kumain? Tara na sa misa para maabutan pa natin si Fr. Mikoy.
Lola: (makikita ang mga kaibigan nya) Aba’y narito na pala ang mga amiga ko. Maligayang Pasko. Ito nga
pala ang nag-iisa kong apo na si Robbie. Oh, Robbie mag mano ka muna sa mga lola mo.
Robbie: (nagmano)
Fr. Mikoy: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu, Santo, Amen. Naipagdiwang na natin ang ating banal
na misa, humayo kayo at magpakarami.
*****Pagkatapos ng misa. Habang nasa simbahan pa ang maglola, nakakita si Robbie ng mga batang
lansangan na kasing edad lamang niya ****
Robbie: Lola tingnan niyo po yung mga bata, halatang gutom na sila tapos ang dudumi po nila. Pwede ko
po ba sila bigyan nitong tinapay?
Lola: Oo naman apo. Ibigay mo iyan sa kanila para kahit papaano makatulong ka at maging maligaya ang
pasko nila.
Lola: Oo, apo tara na at ng makapagpahinga na tayo. Maghahanda na din tayo para sa noche buena.
****naglakad na pauwi sa ang mag lola sa bahay, sila ay maghawak kamay at nagtatawanan na
umuwi****
Charo: Ganito si Robbie noon, palaging sumusunod sa mga kultura na kinagisnan ng kanyang lola. Ngunit,
habang lumalaki, napagtanto ni Robbie na hindi na niya gusto ang mga ginagawa niya. Para sa kanya,
nasa bagong henerasyon na siya, ngunit tila nakakulong pa rin siya sa makalumang panahon dahil sa
kanyang lola. Buhat dito, unti-unti siyang sumuway sa mga kultura na naging dahilan ng hidwaan sa
pagitan ni Robbie at ni lola Goreng.