You are on page 1of 3

Makakapaghintay ang Amerika

UNANG YUGTO

PAGBUKAS NG TABING DAGAT AY MAKIKITA ANG SALAS NG INUUPUHANG AKSESORYA NG


MGA CORTEZ SA STA.CRUZ, MAYNILA MALUWAG ANG SALAS NA KAKIKIKITAAN NG MGA
MAMAHALIT MAKABAGONG MUWEBLES TELEBISYON BIFI ATB. KAAGAD MAHIHINUHANG
MABUTING PANLASA ANG MGA NAKATIRA RITO.

Si ligiya, na nakadamit pambahay ay nakasandal sa sopa at bumabasa ng isang pocketbook,


propesor siya sa isang malaking pamantasan sa maynila may 35 taon na siya, kaaqkit akit at
mukhang matalino.

Ligaya: (iaangat ang ulo sa binabasa at titingin sa kanyang orasan);

Aba, mag-iikaanim at kalahati na wala pa sina mama, tila sila nawili sa panonood Si
Fidel naman at wala rin.(itutuloy ang pagbasa)

(Sa darating sina Rosa,boy,at kanyang biyenan, Si Nora Marta. Si Rosa ay may 9 na taon;
si Boy naman ay magmamanao sa may 66 na taong matanda)

Boy (masigla): Mommy,ang ganda-ganda po ng napanood naming bakbakan.


Ganito,tsak,tsak,pak,bog!(Ilalalrawan ang labanang napanood.)

Rosa: Biro mo,Ma, ibig pa ni boy ulitin. Ang bait-bait po nya sa sine,talaga.

Boy: Pano, ibig kong matuto ng karate.

Rosa:Kung di pa kami nag-aya ng Lola e, ayaw pa niya.

Marta:Ang totooy may kagandahan an gaming napanood,Gray.Mahusay nang gumanap ang


mga artistang Pilipino ngayon. Makapagbihis nga muna.

(papasok sa pintuang nasa gawing likod, gitna ng tanghalan maiiwan ang magina.)

Boy: ma me pasalubong ako sa iyo heto o.. ( aabutan ng isang chocolate candy ang ina.)
Ligaya: salamat, anak, pero tataba ako rito anong sabi ng papa nyo? Huwag akong masyadong
magkakain ng matamis para huwag tumaba.

Rosa: (pabiro) hindi baling mataba, mommy basta seksi

Boy: isa lang naman mommy, a saka malapit na ang pasukan papaya kananaman pag nagturo
kana

Rosa: (dudukot sa kanyang bag): mommy pustahan at gusting gusto mong dala ko sa iyo( iabut
ang munting supot sa nilalagyan ng ina) o heto

Ligaya: (matatawa pagkakita sa laman ng supot) manggang manibalang. At may kasama pang
bagoong. Ku, talaga naming napakamaalalahanin ng aking mga anak (yayakapit hahagkan ang
mga anak.)

Rosa: alam mo ma paglabas naming sa sine, e, nag-shopping pa kami sa abenida. May binili si
lolang regalo para sa birthday ng papa bukas.

Ligaya: ano ba yon?

Rosa babaruing-tagalog, mommy

Boy: ang ganda-ganda po!.... ikaw ma ano bang regalo mo sa papa ha?

Ligaya: bukas na nyo malalaman. Baka pa masabi mo sa iyong papa. Saka boy hindi dapat
malaman kaagad ng regagaluhan ang ibibigay sa kanya kung di oras ng pagbigay

Rosa: sanga, boy, para sorpresa diba, mommy?

Boy: ano bang ibig sabihin ng sorpresa ?

Ligaya: pananabik boy

Boy: a ganoon pala! Ma, tama na ba yong regalo ko ke papa?

Ligaya: oo. Natitiyak kong masisiyahan ang inyong papa sa inyong mga handog sa kanya, bukas,
lalo pat malalaman niyang ang ibinili galing sa inyong piggy bank

Rosa: ako me sampung piso pa, mommy. Bukas e magpasyal tayo sa luneta ha? Magboblow
out ako ng drumstick

Ligaya: yang ang ibig ko sa aking anak galante.

You might also like