You are on page 1of 6

" Makakapaghintay ng Amerika"

Dionisio S. Salazar

Group 2

Sittie Aiza- (Ligaya)

Macabangon (Nona Marta)

Nabel- Fidel

(Bora)- Boy

Ampatua- Rosa

Tinig Ng babae - Zaina

Abdulmalik- Tinig Ng lalaki

Hariz- Police

Narrator - Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila .Pagbukas ng tabing ay makikita ang salas ng
inuupahang aksesorya ng mga Cortez sa Sta. Cruz, Maynila. Maluwang ang salas na kakikitaan ng mga
mamamahali‟t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, at iba pa.kaagad na mahihinuhang may
mabuting panlasa ang mga nakatira rito.Si Ligaya, na nakadamit pambahay, ay nakasandal sa sopa at
bumabasang isang pocketbook. Propesor siya sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Habang
nagbabasa ay naiinip sya sa kahihintay sa byenan at mga anak nya nanood sa sine.

Ligaya (Iaangat ang ulo sa binabasa at titingnan ang kanyang orasan)Aba, maiikaanim at kalahati na‟y
wala pa sina Mama. Tila sila nawili sa panonood. Si Fidel man ay wala pa rin. (Itutuloy ang pagbasa .)

Narrator -Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na rin kaniyang byenan at mga anak .na galing sa sine

Hahalik sa kanya ang dalawang anak. Siya nama‟y magmamano sa may Limapu't anim taong matanda.)

Bora (BOY): (Masigla) Mommy, ang ganda ganda ng napanood naming. Ganito

“tsak, tsak, pak, bog!” (Ilalarawan ang labanang napanood.

ROSA: Biro mo, Ma, ibig pa ni Boy na ulitin. Ang bait–bait po niyan sasine, talaga.

Boy : Pa‟no ibig kong matuto ng karate.

Rosa : Kundi pa kami nag–aya ng lolo e ayaw pa niya.

Marta: Ang totoo‟y may kagandahan an gaming napanood, Gay.


Mahusay nang gumanap ang mga artistang Pilipino ngayon… Buweno,

makapagbihis nga muna. ( Papasok sa pintuang nasa gawing likod, gitnang tanghalan. Maiiwan ang mag-
iina.)

Narrator: At nagpasiya si Marta na iwan muna ang magina upang sila ay makapag usap at habang sila
ay nag uusap sa darating na kaarawan ni fidel ay biglang may sumagi sa isip ni Boy

Boy: ( May maiisip) Mommy, asan bang Amerika?

Ligaya: Doon sa ibayong dagat. Malayo… bakit mo naitanong , Boy?

Boy: Kasi nu‟ng sang araw e sabi ng Papa, “ibig mong sumama sa akin sa Amerika?

Ligayq: Ano'ng isinagot mo ?

Boy : Sabi ko kelan? Sabi n'ya"Hindi magtatagal."Sabi ko,e,di Hindi na'ko makapag- aaral?

Ligaya: O ano naman Ang wika ng papa?

Boy: Do'n na raw ako mag-aral. Mahusay ba'ng titser Do'n, ha, Ma?

Ligaya: Kahit saan,anak,ay may mahusay at may mahinang guro.

(Haharapin si Rosa )Ikaw, Rosa, kung isasama ka ba ng iyong papa ay sasama ka sa amerika?

Rosa: Sasama 'ko kung Kasama ka, at si Lola.

Boy : Sana, Mommy,lahat tayo mapunta sa napuntahan ng Papa.

Narrator: At habang sila ay nag uusap tungkol sa napuntahan ng kanilang papa ay Dumating si Marta na
nakadamit pambahay na.

Marta: Aba'y hinid pa pala nakapagpapalit ng bihisan ang dalawang'yan. O,sige,mag apo, bihis muna.

Narrator: Tuloyan nga sumunod ang dalawang bata habang naiwan naman sa sala ang mag byenan

Ligaya(ibabalik ang paksa sa dati): Palagay kaya n'yo ,Mama, ay may pag -asa si Fidel na makuha 'yong
puwesto?

Marta: Kung ganyang pinaghahanda pa siya Ng ibang kinakailangang papeles ay baka sakali

Ligaya: Ano pa kayang papeles Ang kulang ni Fidel ? Isang Basta na Ang naipadala niya doon,a

Marta: Alam mo naman, Gay, ang ating gobyerno,,maraming rekutitos na hinihingi sa nga aplikante..
Ligaya; Mama.,Hindi ho kaya magbago ang loob ni Fidel kung sakaling siya Ang palaring mahirang na
pangalawang patnugot Ng South General Hospital?

Marta : Aywan ko sa taong' yan

Ligaya: Ano ho ba ng napagusapan n'yo kahapon?

Marta:Tila nawawalan na raw siya ng interes.Nayayamot na raw siya sa dami ng red tape .At kailangan
pa raw ng padrino,mas madali ang entra.

Narrator : Nagkwentuhan ang sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng amerika at ang mga
suliranin sa lipunan ay biglang tumunog ang telepono

Ligaya: Ayan,umandarna naman ang sumupunging telepono.(Matatawa silang magbiyenan. Tutunguhin


niya't iaangat Ang awditibo ng telepono.) Hello..Oo ,itong nga...Oy,Ched,Ikaw pala..kailan ka
dumating?..O, Kumusta ang biyahe?..

Ched:.Mabuti naman...

Ligaya; Wala,Wala pang liwanag ng lakad ni Fidel...Oo, tatlong buwan na ngayong nakabitin sa wika
nga'y"abalag ngalinlangan at papanabik"

Ched : Tatlo pa rin silang nagmimithi sa puwesto ,Si Fidel nga Ang "most qualified"sa tatlong kandidato
ngunit siya Ang bukod tanging walang padrino.Humahawak siya sa kanyang sariling
kakayahan ...Oo,Ched ,malakas Ang padrino ni Dr.Loban ,dalawang "cabinet members"

Ligaya : Yung Inaanak Ng Pangulo?

Ched: ,Inutil daw,ngunit alam mo na sa ating gobyerno,"Hindi sino ka kung di kung sino Ang kinakapitan
mo,"di ba?

Ligaya: Mabuti nga Siyanga Pala, dine ka na mananghali bukas. Birthday ni Fidel...

Ched:Makakarating

Ligaya: Asahan ka namin bukas ...(Haharapin Ang biyenan) Si Ched ,Mama.Kakarating lang niya buhat sa
paglilibot sa amerika at Europa.Sabi ko'y pumarito siya bukas.

Narrator: At habang nag uusap ang mag biyanan ay biglang silang na gambalain silid tunog Ng "doorbell"

Ligaya: Bubuksan niya ang pintuan.Lilitaw Ang kabiyak , Si Dr .Fidel Cortez.at tapos nag mano sa ina.)

Marta : ( sa gawing silid nakatingin):Rosa ! Boy ! Narito na'ng inyong papa

(Patakbo namang lilitaw ang mag tinawag.Mag uunahan silang magmamamano sa kanilang ama.)
Narrator : At dumating ang si fidel at kinakamusta nya ang kaniyang pamilya, at si Marta naman ay
nagpasiya nya iwan muna ang mag asawa para ito makapag usapan

Marta: O Tena laying dalawa s aloob .(Aakbayan Ang dalawang apo at sila'y papasok

Ligaya: Hindi ka muna magpapalit Ng damit, Del

Fidel:(matapos tabihan at akbayan ang kabiyak)Alam mo, Gay,mayro'b na kaming bagong assistant
director.

Ligaya: (mabibigla):Ha! Sino? I -ikaw?

Fidel :Hindi Si Dr loban,

Ligaya: Hindi ka ba nagbibiro,Del?

Fidel: Nanumpa na siya ngayong hapon. Bukas ay tiyak na nasa pahayagan Ang Balita. Huwag' kang
malungkot,Gay...Ganyan lang talaga ang buhay.

Ligaya; Ngunit bakit tinelegramahan ka pa Ng Malacanang?

Fidel: Kailan? Nahan?

Ligaya: Kanina.Heto( Sabay dukot sa bulsa at abot sa Asawa Ng telegrama.)

( Basahin nang malakas):" Please come to Malacañang soonest with necessary papers and position
applied for"...Alam mo, ling ,maging sa Malakanyang ay walang koordinasyon,kung Minsan.

Ligaya : Bigla naman yata Ang pagkakakahirang Kay Dr.Loban, ha?

Fidel: Mangyayari'y nabigla raw Ang pangulo .Bukod daw sa dalawang miyembro ng gabinete ay Isang
malaking delegasyon ng mga lider ng partido Ang isinama ni Dr.Loban sa Malakanyang at, nagsama pa
rin daw ng maraming reporters .Alam mo na,malapot na naman Ang eleksiyon.

Narrator :Tuluyan nga napagusapan ng mag asawa Hindi patas na pag talaga sa posisyon at gaano
marungis na mukha ng politika at tsaka biglang silang gugulantangin ng mga sigaw at pagpapagibik na
Mula sa anaki'y nangaghahabulang tao .Mapapatindig Sila at sisilip sa bintana...Lahat ng salitang
maririnig nila ay magmumula sa likod ng tabing- mula sa kaliwa,pakanan.)

Mga Tinig -Lalaki: Harangin! Harangin! Harangin ang isnatser na 'yan!

Tinig -Babae (halos papa na):Magnanakaw!..Magnanakaw!.Saklolo...Pulis!..Pulis!..Ang asking bag,inagaw


! ...Puliss!..

Isang Tinig -Lalaki: Hayun! Hayun ang walanghiya! Bilisan n'yong tugis!

Tinig -Babae: Dali kayo,Mamang Pulis!...


Tinig-Pulis: Sa'n? Sa'n nagsuot?..

Isang Tinig Lalaki : Lumiko sa eskinita ! Hayun! ...Harangin n'yooo!...(Makaririnig Ang mag-asawa ng
tatlong sunod-sunod na putok ng baril.Magpapalitan silid ng tingin.)

Fidel(sa tabi pa rin ng bintana.):Nakita mo na, Gay...Pasasaan ka sa Buhay na ito ? ... Nakawan at
patayan kabi-kabila...Lubhang Malala na Ang kasamaan!...

Ligaya: kung tayo ba'y may sarili ng bahay sa U.P Village.

Fidel: Tingnan mo,'ling Labindalawang taon na tayong nagsasama,subalit nakaipon ba tayo ng sukat
ipagpatayo ng sariling buhay? Mangyari'y palaki nang palaki ang ating mga gugugulin -pataas nang
pataas at parami nang parami ang ating pinagbabayarang buwis.

Ligaya: Kung nakinig ka sa'kin ,naka-utang na tayo sa GSIS,o sa SSS,nakapagpatayo ng Isang bungalow

Fidel: Ang kikitain ko sa Amerika sa loob ng Isang taon lamang ay sapat nang makapagpatayo ng Isang
bungalow at gaano pa kung aabutin ako roon ng tatlo o apat na taon?

You might also like