You are on page 1of 6

script

Scene 1: LIGAYA (Mika)


( iaangat ang ulo sa binabasa at titingin sa kanyang orasan )
- Aba mag-iikaanim at kalahati na’y wala pa sina Mama, tila sila’y nawili sa
panonood…. Si Fidel naman ay wala rin.
( itutuloy ang pagbasa )

Scene 2: Rosa, Boy, at Nora Marta


( darating sina Rosa, Boy, at kanyang biyenan )
( hahalik ang mga anak )
( magmamano si Ligaya sa matanda )

Boy 1 (Edrich) - (Masigla) - Mommy, ang ganda-ganda po ng napanood naming


bakbakan. Ganito, tsak, tsak, pak, bog! (ilalarawan)

Rosa (Shanna) - Biro mo, Ma, ibig pa ni boy ulitin. Ang bait-bait po niya sa sine,
talaga.

Boy 1 (Edrich) - Pa’no, ibig kong matuto ng karate.

Rosa (Shanna) - Kung di pa kami nag-aya ni lola e, ayaw pa niya.

Marta (Ethan) - Ang totoo’y may kagandahan ang aming napanood, Gay. Mahusay
nang gumanap ang mga artistang Pilipino ngayon…. Buweno makapagbihis nga muna.
Scene 3: Papasok sa pintuang nasa gawing likod, gitna ng tanghalan.
Maiiwan ang mag-iina

Boy (Paulo) - Ma, me pasalubong ako sa’yo. Heto o … (iaabot ang chocolate at
candy sa ina)

Ligaya (Mika) - Salamat, anak, pero tataba ako rito. Ano’ng sabi ng papa nyo? Huwag
akong magkakain ng matatamis para huwag tumaba.

Rosa(Shanna) - (pabiro): Hindi baleng mataba, mommy, basta seksi.

Boy (Paulo) - Isa lang naman, Mommy a. Saka, malapit na’ng pasukan papayat ka
nanaman pag nagturo ka.

Rosa (Shanna) - (dudukot sa kanyang bag): Mommy, pustahan at gustong-gusto


mo’ng dala ko sa iyo. (iaabot ang isang munting supot ina)
Ligaya (Mika) - (matatawa pagkakita ng laman ng supot): manggang
manibalang. At may kasama pang bagoong. Ku, talaga namang maalahanin ng aking
mga anak. (yayakapin ang mga anak)

Rosa (Shanna) - Alam mo, 'Ma. paglabas namin sa sine, e, nag-shopping pa kami sa
Abenida, May binili si Lolang regalo para sa birthday ng Papa bukas.

Ligaya (Mika) - Ano ba yon?

Rosa (Shanna) - Babaruing-Tagalog mommy

Boy (Gab) - Ang ganda ganda po! … Ikaw, Ma, ano ba bang regalo mo sa Papa, ha?

Ligaya (Mika) - Bukas na n'yo malalaman. Baka pa masabi mo sa 'yong Papa ...Saka,
Boy hindi dapat malaman kaagad ng reregaluhan ang ibibigay sa kanya kung di oras ng
pagbibigay

Rosa (Shanna) - S’yanga, Boy, para sorpresa, di ba, Mommy?

Boy (Gab) - Ano bang ibig sabihin ng sorpresa?

Ligaya (Mika) - Pananabik, Boy.

Boy (Gab) - A, ganoon pala! … Ma, tama na ba yong regalo ko ke papa?

Ligaya (Mika) - Oo Natitiyak kong masisiyahan ang inyong Papa sa inyong mga
handog sa kanya bukas, lalo pa't malalaman niyang ang ibinili'y galing sa inyong piggy
bank.

Rosa (Shanna) - Ako'y me sampung piso pa, Mommy. Bukas e magpasyal tayo. sa
Luneta, ha? Magboblow-out ako ng drumstick.

Ligaya (Mika) - Yan ang ibig ko sa king anak, galante.

Rosa (Shanna) - Kasi kayo ng papa e galante rin e.

Boy (Edrich) - (may iniisip): Mommy, asan ba ang amerika?

Ligaya (Mika) - Doon sa ibayong dagat. Malayo. Bakit mo naitanong. Boy?


Boy (Edrich) - Kasi nung sang araw, e, sabi ng Papa “Boy ibig mong sumama sakin sa
Amerika?”

Ligaya (Mika) - Ano’ng isinagot mo?

Boy (Edrich) - Sabi ko kelan? Sabi nya “Hindi magtatagal.” Sabi ko, e di hindi na ko
makapag-aaral?

Ligaya (Mika) - O, ano naman ang wika ng papa?

Boy (Edrich) - Do’n na raw ako mag-aral. Mahusay ba ang mga titser don? Ha ma?

Ligaya (Mika) - Kahit saan, anak ay may mahusay at may mahinang guro. (haharapin
si rosa) Ikaw Rosa, kung isama ka ba ng iyong papa ay sasama ka sa amerika?

Rosa (Shanna) - Sasama ko kung kasama ka at si Lola.

Boy (Paulo) - Sana, Mommy lahat tayo mapunta sa napuntahan ng Papa.

Rosa (Shanna) - Saan-Saan na ba napunta ang Papa mommy?

Ligaya (Mika) - Sa Amerika, na pinagdalubhasaan niya sa panggagamot, sa Biyetnam


at sa laos nang sumama siya sa operasyon brotherhood … sa Hapon, Hongkong,
Thailand, Espanya, Italya, Pranysa, at marami pang iba.

Boy (Paulo) - Talagang sikat si papa! E, di ang dami-daming perang nagastos ng Papa,
ha ma?

Ligaya (Mika) - Kaunti lang kasi’y nakakuha siya ng fellowship grant.

Rosa (Shanna) - Ano ba yon, Mommy?

Ligaya (Mika) - May gumasta para sakanya.

Rosa (Shanna) - Dahil marunong sya?

Ligaya (Mika) - OO

Rosa (Shanna) - Sana magbalediktoryan din ako paris ng papa.


Boy (Gab) - Ako man!

Ligaya (Mika) - Masipag mag aral ang inyong papa. Kayo man at mag aaral ng mabuti
ay malamang magtapos na may karangalan.

Scene 4: Darating si marta ng nakapambahay na.

Marta (Ethan) - Aba’y hindi pa pala nakapagpapalit ng bihisan ang dalawang yan.
Osige mga Apo bihis muna.

Scene 5: Susunod ang dalawang bata. Makikita ang aklat na ibinaba ni ligaya sa sopa.
Dadamputin iyon at babasahin ang pamagat.

Ligaya (Mika) - Iyan, Mama ay tungkol ho sa Central Intelligence Age CIA, ang
pamahalaang hindi nakikita Bilyon-bilyong dolyar ho pala, ang ginagasta niyan. At
laganap pala buong daigdig ang mga ahente niyan.

Marta (Ethan) - Huwag mong sabihung, mayroon niyan dito sa atin.


Ligaya (Mika) - Marami ho.

Marta (Ethan) - Nakapagtataka.

Ligaya (Mika) - Huwag kayong magtaka, Mama, Talagang ginagawa ng Amerika ang
lahat ng paraan upang mapalaganap at mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa lahat
ng dako.

Marta (Ethan) - Pawang mga 'Kano ba ang ahente niyan?

Ligaya (Mika) - Hindi, ho ibat ibang uri ng tao ang mga tauhan nyan. Ngunit mahirap
silang makilala. Marami raw galamay sa Pilipinas ang CIA.

Marta (Ethan) - (ngingiti at isasaad): Katwiran nga ang nagsasabing ang Pilipinas ay
hawak pa ng Amerika. Daang milyon na'ng utang natin sa kanya. Hindi tayo makakilos
nang di muna sasangguni sa Amerika. May suliranin tayo kuha agad ng mga
"ekspertong Kano gayong tayo ang higit na nakauunawa sa ating mga suliranin at ang
mga lunas dito. Anong klaseng bansa tayo?
"Republikang basahan?"... Maiba akó, anak, nasabi mo na ba kay Fidel ang tungkol sa
telegramang galing sa Malakanyang?
Ligaya (Mika) - Pagkabasa ko'y itinawag ko sa kanya ngunit nagkataong okupado ang
linya. Nang ulitin ko ang tawag pagkaraan ng sampung minuto ay wala nang dayalton.
Hayan at hanggang ngayo'y wala pa rin…

Marta (Ethan) - Kakatwa naman talaga ang teleponong 'yan. Mas madalas pang sira
kaysa buo. Dumayal ka ng isang numero at iba ang sasagot. Ulitin mo, iba na naman.
Suwerte mo nang makakonekta ka sa unang dayal. Ku, kung di nga lamang kailangan ay
mabuti pang ipaputol na 'yan. Kunsumisyon lang ang inaabot mo.

Ligaya (Mika) - Palagay kaya nyo mama, may pag asa kaya si fidel na makuha yong
puwesto?

Marta (Ethan) - Kung ganyang pinaghahanda pa siya ng ibang kinakailangang papeles


ay baka sakali.

Ligaya (Mika) - Ano pa kayang papeles ang kulang ni Fidel? Isang basta na ang
naipapadala nya doon ah.

Marta (Ethan) - Alam mo naman, Gay ang ating gobyerno maraming rekutitos na
hinihingi sa mga aplikante.

Ligaya (Mika) - Mama, hindi ho kaya magbago ang loob ni fidel kung sakaling siya
ang palaring mahirang na pangalawang patnugot ng South General Hospital?

Marta (Ethan) - Aywan ko sa taong yan.

Ligaya (Mika) - Ano ho bang napagusapan nyo kahapon?

Marta (Ethan) - Tila nawawalan na raw siya ng interes. Nayayamot na raw siya sa
dami ng red tape. At kailangan pa raw ng padrino. Mas malakas daw ang padrino, mas
madali ang entra.

Ligaya (Mika) - Sakit na yan ng bayan.

Marta (Ethan) - Ke ibigay raw kahit kanino ang puwestong yon ay wala na siyang
pakialam. Itutuloy raw niya’t itutuloy ang pagpunta sa amerika.

Ligaya (Mika) - Talagang napakatindi ng hinanakit ni fidel sa pamahalaan. At suyang


suya na siya. Kaya ibig na niyang layuan ang ayon sa kanyang talamak at palala nang
palalang mga kanser ng lipunan.

You might also like