You are on page 1of 6

First Scene: Happy Family/Salo-salo sa hapagkainan

Nanay Elena (mitzi): Oh mga anak! Halina na kayo dito, kumain na tayo.

Katrina (rozel): Opo 'nay, papunta na. (Nagsasalita habang isinusuot ang gala)

Nanay Elena (mitzi): Lina at Alexa, halina na kayoooo! Ang kukupag niyo talagang gumalaw, malalate na kayo!
(Sumisigaw habang naghahanda ng pagkain)

Tatay Renato (christian): Mga anak, mag-aral kayo ng mabuti ha para hindi naman sayang ang aming
pinapaaral sainyo.

Lina (bridget): Opo tay, ewan ko lang po kay Katrina balita ko may nanliligaw na sa kanya. (nang-aasar na
tumingin sa kapatid)

Nanay Elena (mitzi): Nakuuuu! Kayong mga bata, wala munang ligaw-ligaw, unahin muna ang pag-aaral mga
anak.

Katrina (rozel): Opo nay! Si ate kasi kung ano-ano pinagsasabi. (sabay irap)

Lina (bridget): Asus! Totoo naman eh. (tatawa)

Nanay Elena (mitzi): Ikaw talagang bata ka! O siya sige na umalis na kayo at malalate kayo sa eskwelahan.

Lina (bridget): Sige po nay alis na po kami, eto kase pakanta kanta pa (tumatawa paalis)

Alexa (myra): Inaaaaay alis na po kami. (sumigaw)

Nanay Elena (mitzi): Mag-iingat kayo mga anak!

2nd Scene: Mag-uusap ang mag-asawa

Nanay Elena (mitzi): (may hawak na bills) ang daming babayarin, jusko! saan na naman tayo hahanap ng mga
pambayad sa mga ito. Kulang na kulang pa ang kita mo sa pagtratrabaho sa construction. (problemado,
habang ang kanyang kamay ay nakalagay sa kanyang noo habang nakayuko)

Tatay Renato (christian): Kaya natin yan! Wag kang mag-alala.

Nanay Elena (mitzi): Paano kaya.... kung mag-abroad na lang ako?

Tatay Renato (christian): (Biglang siyang napatingin sa kanyang asawa) yun lang ba talaga ang paraan?

Nanay Elena (mitzi): Oo, ito ang magandang gawin upang gumanda ang buhay natin at kinabukasanan ng mga
anak natin.

Tatay Renato (christian): (hinawakan ang kamay ng asawa) hindi man ako pabor sa desisyon mo, ngunit kung
yun lang ang paraan, sige.

Third Scene: Mag-uusap silang magpapamilya

Lina (bridget): Nay Tay, bakit niyo po kami pinatawag?

Katrina (rozel): Oo nga nay, bakit po?

Nanay Elena (mitzi): Ah mga anak, may gusto sana kaming sabihin ng tatay niyo sa inyo eh. (Kabado at tingin
ng tingin sa kanyang asawa)
Tatay Renato (christian): Alam ko mahirap ngunit kailangan natin 'to para sa inyong pag-aaral at magiging
kinabukasan. (Hinawakan ang kamay ni Elena at tumingin sa kanyang asawa para sabihin na ang pag-
aabroad)

Nanay Elena (mitzi): (Tinignan isa-isa ang mga anak habang pinipigilan ang luha) Napagdesisyonan namin ng
inyong ama na mag-aabroad ako. Mabilis lang 'yon mga anaaaaa... (Naputol ang sasabihin ng Ina ng sumigaw
si Myra)

Alexa (myra): ANOOOO??? HINDI MAAA, HINDI PWEDE. (sumisigaw na sabi nito)

Tatay Renato (christian): Anak... (Mahinang boses)

Alexa (myra): HINDI AYOKO NAY, TAY! BAKIT KA PUMAYAG?!

Nanay Elena (mitzi): Anak intindihin mo ko, para sa inyo ito. (bumuhos ang luha na kanina pa pinipigilan)

Alexa (myra): AYOKO! (at tumakbo habang umiiyak)

(Napa-upo sa lungkot si Elena sa naging reaksyon ni Alexa)

Lina (bridget): (Tumingin sa ina at lumapit ito) Ma, naiintindihan ko ang desisyon niyo ni Papa… Para naman sa
kinabukasan naming magkakapatid ito eh.. Hayaan mo Ma, kakausapin ko si Alexa.

Alexa (myra): Ate, (humikbi) bakit kailangan mangyari ito? Masaya naman tayo nang sama-sama diba? Bakit
kailangan pang umalis ni nanay?

Lina (bridget): Alexa, sana intindihin mo si nanay ginagawa niya lamang ito upang mapabuti ang pamumuhay
natin.

Alexa (myra): Ate natatakot ako, natatakot akong umalis si nanay, paano na ako pag wala siya, paano na tayo?
(patuloy pa rin sa pag-iyak)

Lina (bridget): Andito naman si Tatay, si Katrina, ako.

4th Scene: Naghahanda ang nanay sa kaganapan bago siya ihatid sa paliparan

Tatay Renato (christian): Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito?

Nanay Elena (mitzi): Sigurado na ako Pa. Para satin naman 'to, sa mga bata para sa kanilang pag-aaral at para
hindi kana rin nahihirapan sa pagtratrabaho, alam ko naman na pagod na pagod kana sa pagtratrabaho kaya
ako naman Pa. (Ngumiti at hinawakan ang mukha ng asawa)

Katrina (rozel): Nay mag-iingat po kayo doon ha tsaka alagaan mo sarili mo ma. (Naiiyak at hinagkan ang ina)

Nanay Elena (mitzi): Oo naman mga anak, mag-aaral kayo ng mabuti ha Katrina at Lina.

Katrina (rozel) at Lina (Bridget): Opo nay! (malakas na tugon ng mga ito)

Nanay Elena (mitzi): (Nakita niya si Alexa na nakaupo at nagcecellphone, lumapit ito sakanya) Alexa anak,
kausapin mo naman ako oh.

Alexa (myra): (tumayo at hindi pinansin ang ina)

(naglalakad si Elena kasabay si Renato nang mapadaan sila sa tindahan ni aling Nena)

Aling Nena (rosalinda): Oh san ang punta Elena?

Nanay Elena (mitzi): Mag-aabroad po Aling Nena.

Aling Marisol (ivy): Mukang nakahanap ata ng bagong asawa. (bumubulong na wika nito sa katabi)

Aling Marites (nica): Nakuu Renato bantayan mo yang si Elena at baka makahanap ng ipapalit sayong kano
HAHAHA. (sabay tawanan ng mga chismosa)
Tatay Renato (christian): Iyang mga sinasabi niyo ay imposibleng magagawa ni Elena.

Nanay Elena (mitzi): Mag-aabroad po ako para sa mga anak ko... (iiling-iling na umalis) sige ho Aling Nena alis
na ho kami.

Tatay Renato (christian): Sa inyo rin ho Aling Marites at Aling Marisol paki-tikom nalang ho ang bibig niyo at
baka pasukan ng langaw.

Makalipas ang isang taon.

Tumawag si Katrina.

Katrina (rozel): (excited at nakangiti) Mamaaaaa, kamusta kana?

Nanay Elena (mitzi): (sinagot ang tawag ng anak kahit ito ay may ginagawa pa) Oh anak! Napatawag ka?
Okay lang naman ako dito anak. Kayo mga anak, kumusta na kayo? Kamusta pag-aaral niyo? (ngumiti)

Katrina (rozel): (napansin ang pasa sa mukha) mama... (mahinang saad na nagtataka) anong nangyari sa
mukha mo? pasa ba yan?

Nanay Elena (mitzi): Ah.... hindi! Hindi anak! Natalsikan lang ako ng mantika. Wala 'to (natataranta) Wala. Ah,
sigeee anaaaaa....

(biglang pumasok ang amo)

Amo (shiela): What are you doing huh? You are not done with what you are doing.

Katrina (rozel): Mama, ano po nangyayari? Mamaa... Maaa (Namatay ang tawag)

Amo (shiela): Did I not tell you that you’re not allowed to use cellphone when you are working?! (Galit na galit
ito at pinaghahampas si Elena)

Nanay Elena (mitzi): (umiiyak habang sinasabunutan siya ng amo) Please madam, give me my passport, I'm
going home. (nagmamakaawa)

Amo (shiela): No! you're not going home. You will work here as long as I want. You get it? (galit na galit at
dinuro niya ang mukha ni Elena)

(Walang nagawa si Elena kundi umiyak na lang ng umiyak)

5th Scene: Nag-away ang tatlong magkakapatid

Katrina (rozel): Ate ano ba, tulungan mo naman ako dito sa gawaing bahay pagod na pagod na ako.

Lina (bridget): (Tinignan ni Leya si Katrina at inirapan niya ito) Kaya mo na yan! Oh ito pa, pakitapon (binato
ang plastic na kanyang pinagkainan)

Katrina (rozel): (padabog na umalis) Isusumbong ko kayo kay mama, ang tatamad niyo.

Alexa (myra): (Dumating si Alexa at umupo sa tabi ni Lina) Ate, kailan ba uuwi si nanay? Namimiss ko na siya.

Lina (bridget): Namimiss ko na din siya pero wala tayong magagawa kasi ginagawa iyon ni nanay para satin.

(niyakap ni Lina si Alexa)

6th Scene: May dinalang kabit ang tatay


FLASHBACK: Pagkalipas ng isang buwan sa pangungulila ni Renato kay Elena nagawa nitong makipag-inuman
sa isang Bar upang ibaling na lang ang kalungkutan sa alak at dito nilapitan siya ng isang babae at nagpakilala
at inalok siya nito ng sayaw ngunit tumanggi si Renato.

Aubrey (jezra): Ano bang Problema mo at nagmumukmuk ka jan? Alam mo, Ang Lugar na ito ay para sa mga
nagsasaya.. kung ano man yan isayaw na lang natin yan! Tara! sayaw tayo!

Tatay Renato (christian): Ayoko nga sabi eh! nalulungkot ako. Hindi ako sanay na wala ang asawa ko.

Aubrey (jezra): Alam mo para mapawi ang kalungkutan mo isayaw na lang natin yan.. (inaaya si Renato
habang sumasayaw) Promise mawawala lahat ng lungkot at problema mo..

After 5 Months ....

Katrina (rozel): Nga pala ate nagpadala na ba si nanay?

Lina (bridget): Hindi ko rin alam, alam mo namang si Tatay lang ang nakakahawak ng mga padala ni mama.

(biglang pumasok si Tatay Renato at Audrey)

Tatay Renato (christian): (Nakikipagharutan sa kabit) Ang sweet sweet mo talaga darling

Aubrey (jezra): Ano ka ba darling! Basta 'yong sinasabi ko ha.

Tatay Renato (christian): Oo naman darling. Ikaw pa ba, malakas ka sakin e.

Lina (Bridget) at Katrina (rozel): (Gulat at hindi makapagsalita dahil sa kanilang nakita)

Tatay Renato (christian): (pumunta sa hapagkainan kasama si aubrey) OH BAKIT WALA PANG PAGKAING
NAKAHAIN DITO?!

Katrina (rozel): (natatakot) Ah pa, wala pa ho kayong inaabot sakin na pamalengke, hindi pa din po
nagpapadala si mama. (di makatingin)

Tatay Renato (christian): ANAK NANG.... KABIBIGAY KO LANG SA INYO NG PERA HA!!

Katrina (rozel): Limang daan lang po iyon tay, kulang pa nga po sa baon namin nila ate.

Tatay Renato (christian): WALANGYANG BUHAY 'TO!..... (naputol ang sasabihin ng magsalita si aubrey)

Aubrey (jezra): Darling kain na lang tayo sa labas..

Tatay Renato (christian): Oh sige darling, gutom ka na ba? Tara na. (Tumingin siya ng masama kay katrina)

(humarap si Lina kay Katrina)

Lina (Bridget): Huwag muna natin sasabihin kay Alexa ha. Mangako ka sakin Katrina.

Katrina (Rozel): Pero ate kailangan niya itong malaman...

Lina (Bridget): Oo kailangan niyang malaman pero huwag muna ngayon Katrina.

7th Scene: Chismosa sa Tindahan ni Aling Nena

Aling Marites (nica): Hoy mga mareeeee! (malakas ang pagkakasabi) Alam niyo ba ang latest ngayon?

Aling Nena (rosalinda): Ano ba 'yon maree? Ikaw talaga kapag usapang chismis nauuna ka. Ano ba 'yon mare?
Chika muna.

Aling
(Habang nagkukumpulan ang mga chismosa hindi nila napansin ang tatlong magkakapatid na huminto
sa kanilang tapat)

Aling Marites (nica): Hindi niyo ba nabalitaan? si kumpareng Renato may inuwing babae. Nakuuuu! Kawawa
talaga si kumareng Elena na nagtratrabaho sa abroad! Magkandakuba kuba sa trabaho at iba naman ang
nakikinabang.

Aling Marisol (ivy): Halla, totoo ba 'yan?

Aling Marites (nica): Totoo mga mare. Kitang kita ng dalawang mata ko ang paglambinit sakanya nong babae.
Jusko! Naawa talaga ako kay kumareng Elena. Tapos alam niyo ba ang bali-balita na iyong babaeng dinala niya,
naging babae rin daw ng kumpare niyaa. Juskooo!

Marietta, Marisol, at Nena: (Bigla silang natameme dahil nakita nila ang tatlong magkapatid sa likod ni
marites Lumalaki-laki na ang kanilang mga mata at sumesenyas-senyas na sila kay marites)

Alexa (myra): Ano bang mga pinagsasabi niyo? WALANG KABIT ANG TATAY KO! (sumigaw ng pagalit) KAYO
TALAGANG MGA CHISMOSA MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY!!

Lina (Bridget) at Katrina (rozel): (Pinapakalma nila si Alexa) Kalma ka lang Alexa.

(tumakbo si Myra at sinundan siya ni Lina at Katrina)

Alexa (myra): (huminto at naluluhang humarap kay Lina) ANO ATE LINA, ALAM MO DIN BA?! (humarap kay
Katrina) IKAW KATRINA ALAM MO DIN? (walang imik na nagtinginan ang dalawa) ANOOO? SUMAGOT
KAYOOO!!

Katrina (Rozel): Kahapon lang namin nalaman nong dinala ni Tatay iyong babae sa bahay pero sasabihin
naman talaga namin ate Lina sayo. Diba ate Lina?

(hindi makatingin si Lina)

Alexa (Myra): Kailan niyo sasabihin? Kung hindi ko pa narinig ang kwentuhan ng mga marites sa labas, hindi ko
pa malalaman. Lihiman tayo? Ganon? Akala ko ba pamilya tayo dito pero bakit naglilihim kayo sakin?

(at pumasok ng bahay si Alexa)

8TH Scene: Pag-uwi ng Ina Galing Abroad

Makalipas ng isang taon.

(May kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Katrina)

Katrina (Rozel): (gulat) Naaaaaay! (tuwang-tuwa)

Nanay Elena (mitzi): (inilapag ang gamit at bilis na hinagkan si Katrina) Anaaaaak! Si Lina at Alexa, asan sila?
(umiiyak)

Katrina (Rozel): Ate Lina, Ate Alexa, andito na si nanaaaaay.

(dumating si Lina kasabay ni Alexa)

Nanay Elena (Mitzi): Halina nga kayo, namiss ko kayo. Musta na kayo? Pag-aaral niyo ha? Nag-aaral ba kayong
mabuti.

Lina (Bridget): Ayos lang po nay, mabuti naman po nakauwi na kayo. Wala man lang kayo pasabing uuwi na
kayo, nasundo man lang sana namin kayo sa airport.

Nanay Elena (Mitzi): Talagang hindi ko ipinaalam anak dahil gusto kong masurpresa kayo. Oh, asan ang tatay
niyo? Talagang matutuwa 'yon at nakauwi na ako.
(hindi makatingin ang tatlong magkakapatid... at sa di inaasahan, biglang iniluwa ng pinto si Renato at
Aubrey).

Aubrey (Jezra): (tumatawa habang buhat siya ni Renato)

(nagulat ang dalawa ng makita si Elena sa loob ng bahay)

Tatay Renato (christian): Elena...

Nanay Elena (mitzi): WALANG HIYA KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO! SINO YAN HA, SINO YAN!!! ANG KAPAL
KAPAL MO. (pinagsasampal si Renato) (at Hinila ang buhok Ni Aubrey at pinagsasabunot niya ito) Malandi
kang babae ka! Nagawa mo pang Pumunta sa pamamahay ko at ibalandra sa mga anak ko ang kalandian at
kakapalan ng mukha mo! Impokrita ka!

Tatay Renato (christian): Magpapaliwanag ako Elena. Tama na yan… (habang pinipigialan si Elena sa
pananakit nito kay Aubrey) (biglang umalis si Aubrey dahil sa kahihiyan)

Nanay Elena (mitzi): Renato, anong ginawa mo? Nagtrabaho ako sa abroad para may maipangpadala sa inyo.
Nagtrabaho ako para guminhawa ang buhay natin. Nagtrabaho ako para mapag-aral ang mga anak natin.
Anong ginawa mo? ANONG GINAWA MO HA!? SINIRA MO ANG PAMILYA NATIN.

Tatay Renato (christian): (nakayuko) humihingi ako ng tawad (paiyak na) natukso ako kaya humihingi ako ng
tawad, please patawarin mo ako (lumuhod sa tapat ng asawa) Inaamin ko ang lahat ng pagkakamali ko.
Napabayaan ko ang ating mga anak, napabayaan ko sila. Pangako, magbabago ako mahal. Isa
pangpagkakataon, magbabago ako. Ibabalik ko sa dati. Ibabalik ko lahat. (nakayuko at umiiyak).

Nanay Elena (Mitzi): ANG SABI KO, ALAGAAN MO ANG MGA ANAK NATIN PERO IBA ANG INAALAGAAN MO.
(umupo at inilagay ang kamay sa ulo) NAGTRATRABAHO ARAW AT GABI PARA MAY MAIPADALA SA INYO,
NGUNIT INUUBOS MO SA BABAE MO! Wala kang Kwenta! Sinira mo lahat ng Plano natin!! (sumigaw)

(nanatiling nakaluhod si Renato habang humihingi ng tawad)

10th Scene: Pagpapatawad

Tatay Renato (christian): Patawad mahal sa ginawa ko. Nasira ko ang tiwala mo lalong lalo na ang pamilya
natin. Patawarin mo sana ako dahil sa ginawa ko napabayaan ko ang mga anak natin. (umiiyak) Nagsisisi na
ako. Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko. Isa pang pagkakataon mahal, magbabago na ako. (lumuhod sa
harapan ni Elena)

Nanay Elena (Mitzi): Sa ginawa mo, binigyan mo ako ng rason para hindi na magtiwala. Nagtrabaho ako sa
ibang bansa para sainyo, sa pag-aaral ng mga anak natin, sa kinabukasan nila at sa ikagiginhawa ng buhay
natin. Nagpapakahirap ako doon (umiiyak) hindi mo alam iyong pagod at hirap ko doon.

Tatay Renato (christian): Isa pang pagkakataon. Magbabago ako. Pangako, magbabago ako. (umiiyak)

Nanay Elena (Mitzi): Alang-alang sa mga anak natin, papatawarin kita.

Tatay Renato (christian): Salamat mahal, salamat. Pangako magbabago ako at bubuoin ko ulit ang pamilyang
nasira ko.

WAKAS 

You might also like