Professional Documents
Culture Documents
Jerico: Brex!!! (sabay tapik sa binte) gising na parang wala kang pasok
ah...
Brex: kuya naman, ang aga pa naman eh… (halatang sarap na sarap pa
sa tulog)
Jerico: Gising na at gisingin mo na din si Rica dahil mag sasaing pa ako…
(sabay alis papuntang kusina)
Brex: Opo kuya… (at bumangon naman agad si Brex para gisingin na din
si Rica ang kanilang bunsong kapatid.)
Brex: Rⅈca2x (kumakatok) gising na, magtatanghali na…
“ngunit hindi man lang sumagot si Rica”
Brex: Ano ba Rica… wag mong antayin na si kuya pa ang gigising sayo…
(nang marinig yon ni Rica ay biglang)
Rica: Eto na… para ka naming timang kuya, ang lakas-lakas mong
kumatok… may plano kabang sirain ang pinto ng kwarto ko?... (pagtataray
nito kay Brex)
Brex: (binatukan) gising kana pala ang tagal pang lumabas (sabay pisel sa
pisnge) ang kulit kulit mo talagang bata ka…
Rica: Bleh…. (pang-aasar nito sabay takbo)
Brex: (napatawa na lang) maligo kana para di tayo ma late…
Ama: (Tindak ng malakas ang pinto…. Pumasok ito na may bitbit na isang
bote ng alak) ( at biglang….”tunog na bote”)
Jerico: Oh! Tay… (gulat na sambit ni Jerico) tumabi po muna kayo baka
maapakan moa ng basag na bote. (sabay alalay sa Ama)
(Matapos paupuin ni Jerico ang ama, nilinis niya ang bubog na nagkalat sa
sahig at biglang nagsalita ang kanyang ama at sinubukang tumayo.)
Ama: Hoy Jerico! (Pasumbat na pagsambit habang papalapit. Asan na ang
mga kapatid mo?
Jerico: Tay, huwag na muna kayong tumayo. (Akmang hahawakan ang
ama ngunit tinulak siya nito)
Ama: Ang sabi ko, nasan ang mga kapatid mo?
Jerico
Nandyan po Itay, nagbibihis para pumasok sa paaralan.
Ama: Ano?! Hindi pa sila nakaalis?! Anong oras na ah. Diba sabi ko sayo
na asikasuhin mo ang mga kapatid mo?! (Papaling-paling ang tayo sabay
turo sa noo ni Jerico.) (Nakita ito ni Brex at Rica.)
Brex: Tay, tama na po iyan! (Sinubukang awatin ang ama.)
Ama: Bitawan mo ako Brex. (Pilit kumawala sa pagkahawak ni Brex)
Rica: Tay, tama na po. Lasing na naman po kayo e. (Namumuo ang luha
sa kanyang mga mata.)
Ama: Anong sabi mo?! (Akmang sasapakin si Rica ngunit pinigilan ni
Jerico)
Jerico: Tay! (Hinawakan ang kamay ng ama.) (Sinuntok ng ama.)
Brex: Tay, ano ba! (Inawat ang ama)
Ama: Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo. (Galit na galit)
Brex: Tay, Bakit mo ba sinisisi si Kuya sa pag-alis ni Nanay? Ginawa lang
naman ni Nanay yon para matustusan ang pag-aaral nami.
Rica: Tama na yan Brex. (Inalalayan si Jerico)
Ama: Magkampi-kampi kayong lahat. (Umalis sa bahay)
Brex: Kuya, ayos ka lang?
Jerico: Okay lang ako. Sige pumasok na kayo. Baka ma late pa kayo.
Rica: Pero kuya...
Jerico: Sige na. Ayos lang ako. Sige na Brex, tumungo na kayo.
Brex : Sigurado ka kuya?
Jerico: Oo naman. Sige na.
Brex: O sige kuya, sabi mo e. Rica tayo na. (Umalis kasama si Rica.)
---Flashback---
(Habang pauwi si Jerico galing sa eskwela, may Napansin siyang sasakyan
sa tapat ng kanilang bahay, kaya binilisan niya ang paglalakad para
malaman kung ano ito.)
Jerico: Nay, nay. (Hinanap ang ina sa loob ng bahay.) O, Nay! (Nagulat
nang makitang nag-iimpake ang ina.) Nay, bakit po kayo nag-iimpake?
Ina: Jerico, anak. (Nag-iisip) Ganito kasi anak. Nag-usap na kami ng Itay
mo noong nakaraang gabiat sabi niya hindi niya raw kayang pagsabayin
ang pag-aaral niyong magkakapatid. Alam ko namang gustong-gusto mong
makapagtapos kaya tinanggap ko na lang yong trabaho sa abroad.
Jerico: Pero nay, alam na ba ito ni tatay? (Nag-aalala)
Ina: Hindi anak dahil alam Kong Hindi siya papayag
Jerico: Talagang Hindi papayag yon nay. Kahit nga ako nay, Hindi ako
papayag dahil kung problema niyo ang pag-aaral namin, pwede naman
akong huminto at tumulong muna sa inyo para makapag-aral sina Brex at
Rica.
Ina: Nak. (Hinawakan ang pisngi.) Iyan ang huwag na huwag mong
gagawin dahil responsibilidad namin na patapusin kayo ng pag-aaral. Hindi
mo kailangang tumigil. (Maluha-luha.)
Jerico: Pero nay, malalayo ka sa amin. Paano si Brex at Rica. (Mangiyak-
ngiyak.)
Ina: Jerico, anak, sana mintindihan mo ako. Ginagawa ko ito para sa
inyong tatlo. (Niyakap ang anak.) Ikaw na sana ang bahala sa mga kapatid
mo. Wag na wag mo silang pababayaan ha. (Hinawakan ang mukha ng
anak.)
Jerico: Pero nay paano ka naman? Mag-isa ka lang doon.
Ina: Wag mo akong intindihin, kaya ko ang sarili ko. Saka susulat ako
palagi. (Kinuha ang bagahe.)
Jerico: Nay ingat ka po doon ha? Sulat ka po palagi. (Nagyakapan ang
mag-ina, umiyak.)
Ina: Ingat kayo dito ha. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo, Jerico.
(Umalis)
(Yaon ang huling beses na nakausap ni Jerico ang kanyang ina. Labag man
sa loob, walang magagawa si Jerico dahil para naman sa kanila ang ginawa
ng kanyang ina.)
(Matapos makapag-isip-isip, naisipan ni Jerico na maglakad-lakad para
magpahangin. Habang naglalakad papunta sa kung saan, biglang...)
Dave: Pare. (Sigaw ng kaibigan habang papalapit)
Jerico: (Napatigil. Niingon si Dave.) Oh, ikaw pala Dave. (Ngumiti na
parang walang problema.)
Dave: (Napansin na may iba kay Jerico.) Mukhang may pinagdadaanan ka
yata pare ah.
Jerico: Wala. Pagod lang. (Pagsisinungaling nito at naglakad ulit kasabay
si Dave.)
Dave: Sus ako pang niloloko mo. (Sabay tapik sa balikat)
Diego: Uy, hintayin niyo ako. (Niingon Nina Jerico at Dave ang kung sino
ang sumisigaw.) Sali niyo naman ako sa usapan niyo.
Jerico: Sus, dumagdag ka pa.
Dave: Ito kasing kaibigan natin Mukhang may pinagdadaanan.
Jerico: Wala naman akong problema ah. Itong si Dave kung ano-anong
pinagsasabi. (Binatukan si Dave at tumawa.)
Dave: Wala daw. Nagkunwari pa to.
Diego: Sus siguro iniisip mo na naman si Vivian ano?
Dave: Wala tayong magagawa dyan Diego. Torpe itong kaibigan natin e.
(Tumawa)
Jerico: Tigilan nyo nga akong dalawa. (Sabay akbay sa kanila)
Diego
Ok lang yan Jerico. Nasa iisang barangay lang naman tayo e, kaya
paniguradong magkikita pa kayo ulit. Yeei. (Manunukso ang dalawa.)
Jerico: Tama na nga yan. Pinagtitripan niyo naman ako. Tara't maglaro na
lang tayo. Mukhang maraming naglalaro ngayon o.
Diego: Oo nga no. Mukhang nangangamiy meryenda na naman to.
Dave: Tara. (Nagsitawanan ang tatlo.)
Dave: Pare matanong lang?? Anong nangyari?? May problema ba?? (pag-
aalalang tanong ng kaibigan.)
Jerico: Wala yun pare, wag mon a lang pansinin.
Dave: Pero pare… (Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng mapansin ni
Dave na namumula na ang mga mata ng kaibigan)
Jerico: Pare may pakiusap lang ako… Kung pwede satin-satin na lang to??
(pagmamakaawa)
Dave: Sige pare… makakaasa ka… (mabilis namang naintindihan ni Dave
ang gusto ni Jerico)
“Nang makauwi ay agad nilapag ni Jerico sa higaan ang kanyang Ama para
makapag-pahinga)
“At ilang oras lang ay dumating na ang mga kapatid ni Jerico”
“Matapos ang gabing iyon, biglang nag iba ang kilos ni Jerico hindi na
siya mapakali, balisang-balisa at kung saan-saan lumilipad ang isip. Mag-
aalas 3 na ng hapon at mag-isa lang si Jerico sa kanilang bahay dahil
malamang naglalasing na naman ang kanyang Ama.”
Dave: Pare?? Nandyan ka ba?? Tao po?? (kumakatok) wala ata dito…
Diego: Nandyan lang yan… Pare… Jerico laro ulit tayo… (ngunit wala pa
ding sumasagot…)