You are on page 1of 1

Pamantayan sa pagtataya ng mga impormasyon nakalap

BAGO: Pagiging bago ng impormasyon at umaakma sa panahon.

• Kailan sinulat ang impormasyon, inilathala o ipinost?


• Ang impormasyon ba ay nirebisa o ina-update?
• Ang paksa ba ay nangangailangan ng kasalukuyang impormasyon or maari ring gumamit ng
mga sangguniang matagal na?
• Maari pa rin bang maakses ang mga link na ginamit?

KAHALAGAHAN: Kahalagahan ng impormasyon sa iyong pangangailangan.

• Ang impormasyon ba ay may kaugnayan sa iyong paksa o sumasagot ba ito sa iyong tanong?
• Sino ang inaasahang awdyens/ babasa ng iyong pananaliksik?
• Angkop ba sa iyong anta sang impormasyong iyong nakalap? ( hindi ba pang-elementarya o
kaya ay masyadong mataas para sa iyong antas? )
• Naghanap ka ba ng iba’t ibang sanggunian bago mo piliin/gamitin ang nasabing sanggunian?
• Komportable ka bang banggitin ang sanggunian sa iyong pananaliksik?

AWTORITI: Ang pinanggalingan ng impormasyon

• Sino ang awtor/ pablisyer/pinagmulan?


• Ano –ano ang kwalipikasyon (credential) o kinasasapiang organisasyon ng awtor?
• Ang awtor ba ay kwalipikadong sulatin ang paksa?
• Mayroon bang impormasyon kung saan maaring makontak ang awtor?
• Ang url ba ng pinagkuhanang impormasyon ay nagbibigay ng impormasyon ukol awtor o
sanggunian? Hal: .com (commercial) .edu (education) .gov (government) .org (organization)
.net (network)

KAWASTUHAN: Pagiging mapagkakatiwalaan, pagiging totoo at katumpakan ng nilalaman

• Saan nanggaling ang impormasyon?


• Gumamit ban g sapat na ebidensya ang impormasyong nakalap?
• Ang impormasyon ba ay nirebyu o tinaya?
• Mabeberipika mo ba ang impormasyon sa iba pang sanggnian o mula sa personal mong
kaalaman?
• Ang tono ng wikang ginamit ba ay walang pagkiling at walang emosyong nangingibabaw?
• May mga pagkakamali bas a ispeling, grammar o kaya ay sa pagkakatayp

LAYUNIN: Ang dahilan kung bakit mayroong impormasyon

• Ano ang layunin ng nakalap na impormasyon?


• Naging malinaw ba ang intension o layunin ng awtor?
• Ang impormasyon bang iyong nakalap ay katotohanan, opinyon o isang propaganda? Ang
pananaw ba ang awtor ay obhektibo
• Mayroon bang pagkiling na politikal, ideyolohikal, kultural, panrelihiyon o personal?

Sanggunian: Evaluating Sources: The CRAAP Test (n.d.). Benedictine University Library. bit.ly/2Yu4Gngbit.l

You might also like