You are on page 1of 18

“Nasaan Ang Ginto?


LEGENDS ::

Ma/mama = nanay ni bida


B = bida
Bff = kaibigan ni bida
A = ate ni bida
G = guro
RC = Random Cleaner
R1-7 = classmates
D= doctor
K= anak ni kapitbahay
NK= nanay ng kapitbahay
VO = voice over
T = transition

CHARACTERS:
Jedrick - Kendrick Tuazon (RICK)
Trix - Sarathiel Uno Silvan (UNO)
Mikay - Tala
Kyle - Police Chief Inspector Konrad Tuazon (RAD)
Mitzi- Journey Tuazon (ATE JOURNEY)
Dannica- Josephine Tuazon (Josie)
Marcus- Cauis Ace Villiafuente (ACE)

[RING RING]

MAMA: Anaaaak! Malalate ka na sa school, Bumaba ka na riyan at mag


almusal!!!
Bida : (nagmamadali pababa tas kukuha lang ng tinapay)
MAMA: (papagalitan na pabiro) Huy kumain ka muna dito at sayang
naman ang pagkaing inihanda ko, ay sya ka magtatampo na ako
Bida: Toh naman si Mama magtatampo pa H’wag na po mamaya na
lang po ako babawi ng kain sa tanghalian, Mauna na po ako
(magmamano)
MAMA: O sya sige mag-iingat ka.
T=(next scene) baba stage

BFF: Uy himala nagkasabay tayo pumasok , Bat ang late mo ata ngayon
pre
Bida: Nalate lang ako ng gising (tatakbo at mauunahan si bff)
BFF: Teka Laaaaang, Oy
Bida: Good Morning po (sa guard)

T=(classroom)

After pagtaas

BG= magulo classroom ex: daldalan, bangayan (mild)

G: Good Morning class


Students=matamlay (Good Morning po)
BFF: (up ng hands), Mam/Ser hindi po ba may quiz tayo ngayon
S: haharap kay bff galit kunot noo
V: (tatayo) palihim na ngingiti/giggle
S: Quiz acting

T=(bell)(uwian)

BFF: Pustahan tayo perfect tayo sa quiz, Kaya dapat lang na ilibre mo
ako ngayon
Hawak kay B sa balikat*
RC: Hoy B pinapatawag ka raw ni mam/ser
B: *tanggal kamay ni bff sa shoulder* Paano ba yaaan, tawag daw ako
(nang-aasar na ngiti) (aalis bff na nagtatampo uwu)
B: lalapit B kay RC* Uy! Salamat dun ah, nakalayo na rin yung lamok na
yun. Mauna na ako ha! Salamat Ulit! (pabiro)
RC: *nagwawalis paalis ng stage* (VO: heleeee enebeeeeee go
crushieee be free, I’m elweys herrrree)

T=(bahay ni B)
*kakauwi lang ni B, nagaaral sa study table bihis pambahay
Ate: *shout= B tulungan mo muna ako dito, baka dumating na si Mama
at Papa hindi pa tayo nakakapaghanda ng hapag-kainan
B: Hihilahin table pagitna ng stage* acting= nagaayos plato *papasok
magulang*
Ma,Pa: Ibaba gamit na dala sa trabaho* *magmamano*
Ma: Oh, kumusta naman kayo mga anak.
A: Okay lang nman po, Ito naman si B aral na ata ang dumadaloy sa
dugo niya like pump pump pump (ruffa mae go go go accent funny)
P: Hay nako eto talagang ate mo palaging nangaasar hindi tulad mo
laging seryoso (tawa lahat)
(kakain lahat) (tatayo yung ate para sumuka sa sink) (mapapatayo rin
lahat *worried face* )
Ma: oh anyare sayo A Anak? (himatay)
Pa: B! Kunin mo yung susi ng sasakyan daliiii (takbo bida then buhat)

T=papasok mga chikadora (umagang nakatambay sa labas)

C1: Huy mga mare, Naku alam niyo ba yung nangyari kagabi?
C2: Ano yun tungkol saan?
C3: Yun ba yung nawalan daw ng trabaho si mang karding?
C4: Baka naman yung may inuwing lalaki raw si mareng luisa? Jusko
mga tao nga naman ngayon, tsktsk (iling iling)
C1: Ano ba?! Hindi iyan! yung ano tungkol sa anak ni M. Balita ko’y
nagsuka raw at isinugod sa ospital!
C2: Hala siguro buntis yan? (gulat)
C3: sayang naman akala ko pa naman matalino yang si A tapos
mabubuntis lang agad. (mag-aagree ang ibang mariteas)
BFF: (dadaan) hello po mga tita, chismis na naman ang almusal natin
ah!
C4: Tse! Ikaw talagang bata ka nakikisali ka sa usapang matatanda.

T=ospital nxt (hati stage)

Ma&Pa: acting kausap ang doctor pero no sound


B: Ano kayang nangyari kay ate bakit bigla bigla na lang siya
nagsusuka? Wala naman siguro siyang sakit ah? T-teka buntis ba siya?
Ay teka nga lang! Wala nga pala siyang boyfriend HAHAHAHA (voice
over)
(papasok yung magulang sa room)
Ma: Anak sumama ka na muna sa papa mo, magpahinga ka na muna sa
bahay tutal may pasok ka pa bukas. (tatango na lang yung anak)

T= papasok sa school

BFF: Huy Pre anong nangyari kay ate A? Kumusta na siya? Okay na ba
siya? May sakit ba siya? Ano—
B: Teka nga lang isa isa lang bat ba andami mong tanong? Boy Abunda
yarn? Type mo ba yung ate ko ha?! (inis na tingin)
BFF: Hala masyado na ba akong halata? No Bawal Mali Hindi, hindi niya
pwedeng mahalata (VO) Luh siya nagbibiro ka ba pre? syempre hindi no
baka study first to
B: Asa ka eh kumokopya ka nga lang sakin *(dadating teacher)
G: Magandang tanghali, bago natin simulan ang ating aralin. May activity
muna tayo, Bakit hindi niyo ilarawan ang isang tao rito sa loob ng klase?
Rand: (taas ng kamay) ma’am mam mam ako po ako po
G: osige ikaw na ang mauna.
Rand: Ma’am ako po, gwapo (may ilang tatawa at mandidiri)
G: hays ikaw talaga, oh siya sinong gustong sumunod?
R2: Nais ko pong ilarawan si Kuya B, sobrang maasahan niya po at
laging masasandalan.
R3: Mam ako rin po, Si B po ay isang mapagkakatiwalaang kaibigan at
masasabihan ng mga problema sa buhay.
RC: Mam dagdag ko lang din po, Ang ganda po ng mga ngiti at mata
niya. (habang nakatingin kay B) (asaran yiee)
G: oh ikaw naman r4 sinong gusto mong ilarawan?
R4: Si kuya B din po. Hanga po kasi ako sa pagiging malikhain niya.
BFF: (sisigaw) matalino rin po yang si B!!!
R5: Kaya mo lang ata kinaibigan yan para kumopya e (tawanan)
G: Oh siya si B naman ang tanungin natin kung sinong gusto niyang
ilarawan? Naku sa susunod sarili niyo naman ipapalarawan ko para
malaman kung kilala niyo ba talaga ang totoong kayo
B: Si V po dahil naniniwala akong kahit mahilig siyang gumala at varsity
player pa, hindi niya pa rin napapabayaan yung pagiging top1 niya,
napakaraming babae rin po ang nababaliw sa kanya (tawanan)
V: (tatayo) Huy Hindi naman ano ba

T= adlib / musical while inaalis sa stage yung mga upuan (happy theme)

(hati stage pero focus muna kay b spotlight)


B: Ate kumusta ka na po?
A: May pagkain sa lamesa natin magmeryenda ka muna at mukhang
napagod ka

(focus sa magulang)
Ma: Pa, anong balak mo sa mga ipon natin?
Pa: Gamitin muna kaya natin yung pang tuition ni B para sa
pagpapagamot ni A.
Ma: Siguro mas mabuti nga yan kaysa mangutang tayo, saka na lang ulit
natin yan pag-ipunan medyo matagal tagal pa naman bago magkolehiyo
si B.
Pa: Bakit kasi nangyari ito sa pamilya natin.
(Ibalik kay B ang spotlight)

B: (naglalaptop) VO
:Hays ang bagal naman nito, gusto ko ng malaman kung ano at para
saan yung napakaraming gamot na iniinom ni ate.
: It may also harm fetus and infertility? okay so hindi siya buntis… ba’t
may ganito siyang gamot?

T=(black fade) school


R6: B, alam mo ba kung pano sagutan tong equation na to?
B: (Tulala)VO
: Ang Captopril daw ay para sa mga mayhypertension? eh para saan
naman itong Ferrous sulfate? akala ko ba sabi nina mama okay lang
siya? Ano ba talagang sakit niya?

(RINGGGGGGG…)
(Tatawag magulang ni B)
B: (hindi papansinin yung kaklase at tatakbo palabas)
R6: Luh, anyare kay B?
(phone na prop tapos VO)
B: Hello po Ma? Bakit po kayo napatawag?
Mama: Anak, sinugod na naman naming ang ate mo sa ospital. Pwede
ka ba munang umuwi at kumuha ng mga gamit at sumunod dito sa
ospital. Hindi lang kami nakauwi.
B: Sige po Ma, sunod na po ako.
(end call)

T=(ospital, madaming dalang bag si B, aakyat sa hagdan)

Maaabutan ni B ang Doktor at yung magulang.


D: Didiretsuhin ko na ho kayo Mr and Mrs. Apilyedo, maaaring umabot
ng 200 thousand pesos ang magagastos ng inyong anak. estimated
price pa lang ‘yon para sa pagpapadialysis dahil nga sa Chronic Kidney
Disease na nararanasan ng anak niyo.
B: Ha?! Doc parang grabe naman po ang presyong sinabi niyo! Bakit
yung ate ko pa ang nakaranas nito? (gulat na may kasamang galit)
Ma: A-anak anong ginagawa mo rito?
B: M-ma ano to? Anong meron kay ate?
D: Maiwan ko po muna kayo (sabay alis)
Ma: Pasensya na anak kung itinago namin sayo na may sakit sa kidney
ang ate mo ayoko lang na mag-alala ka (iyak)
Pa: Bastos pa rin yung inasal mo sa harap ng doctor ayoko ng ganyan
anak nakakahiya ka
B:( tatakbo papalabas ng ospital at yuyuko)

T= musical solo spotlight then balik yuko ulit

RC: Huy B! Anyare sayo? Naka tulog ka na ba rito sa bodega ng mga


panglinis?
B: (lutang na kakagising lang) huh? bakit ako andito? nananaginip ba
ako?
RC: ewan ko talaga sayo crush tara na nga at hinahanap ka na sa room
B: huh? anong sabi mo?
RC: wala sabi ko tara na’t malalate na tayo (abot kamay para tulungan
tumayo at tatakbo sa room kilig bgm)
T= nasa room na sila nito

BFF: Pre! San ka galing? Kanina pa kitang hinahanap ah


B: Ah wala sinamahan ko lang si RC na magsauli ng walis
BFF: Kayo ah HAHAHAHHA de bali may sasabihin ako sayo
B: Ano na naman ba yan hays
BFF: Balita ko top 2 ka raw ah naks talino talaga ng bespren ko
B: (matatawa) Huy di ah salamat hehe tawagan ko muna sila mama
(tinawagan 2 times di sumasagot cannot be reached)
: (VO) Saka ko na nga lang sasabihin pag-uwi
R6: Uy pansin ko namamayayat ka B ah. Wala na ba kayong pangkain?
charot HAHAHAHA
B: huh?
R6: wala wala sabi ko paborito ka lang naman ng teacher (tatawa at
aalis)
B: (mapapatingin sa sarili niya)
BFF: Huy ang tagal mo tara na umuwi!

T: baba ng stage

B: (magmamano sa magulang)
Ma: oh kamusta naman ang bigayan niyo ng grades?
B: Top 2 po ako ma (ngingiti)
Pa: Bakit top 2 lang nak?
Ma: Oo nga naman hindi ka gumaya sa ate mo laging nangunguna sa
klase
Pa: Palibhasa kasi pinapayagan mo na laging maglaro pagbawalan mo
na nga muna yan
Ma: Hay nako tigil tigilan mo na muna yan Kendrick ah seryosohin mo
yang pag-aaral mo ayokong pangalawa ka lang sa klase nakaka
disappoint ka
B: S-sige po ma…

T: aakyat sa kwarto

(riiing ringgg)
B: Bat ka napatawag ha?
BFF: ano ba yan ampangit ng bunga ha ganito kasi, Iniimbitahan tayo ni
Vale mamayang gabi may pa birthday party raw siya at himala nga eh
gustong gusto niyang sumama ka eh nag-uunahan nga kayong magtop
1. At saka pre parang ang tamlay mo nung mga nakaraan may problema
ka ba?
B: Uy wala ah (fake laugh) Tinatamad ako pumunta sa party hays
BFF: Minsan lang to pre sumama ka naaaaaa para na rin
makapagpahinga yang utak mo kahit saglit
B: (VO) Hmmm, may punto naman si BFF. Deserve ko ba talagang
magpahinga kahit saglit or… hays bahala na nga
: sige na nga pagbibigyan na kita (salita na legit)

T= party tugs tugs tugs tugs

V: Wow wow wow look who’s here? Himala tol ngayon lang kita nakitang
pumarty.
B: Eto kasing si BFF pinagbigyan ko lang e
BFF: huy teka teka excuse me, si vale kaya tong nakiusap sakin na
ayain ka
V: (tatawa) hays basta nagpapasalamat akong dumating ka dito tol. mag
enjoy muna kayo diyan at may aasikasuhin lang ako (lalakad papalapit
sa isang waiter or basta parang caterer ganern tas may ibubulong)
BFF: Alam mo pre may kakaiba talaga akong narararamdaman, Bakit
parang feeling close sayo tong si Vale eh hindi naman kayo gaano nag
uusap sa school
B: Kung ano ano talagang iniisip mo Bff hindi ba pwedeng gusto lang
makipag kaibigan ng tao.
W: Excuse me po baka po gusto niyong itry itong best seller drink namin
BFF: ay hindi na po, pupunta na lang po kami sa dancefloor pasensiya
na po. (hihilahin na sana si b pero mapapatigil ito)
B: Teka subukan muna natin to mukha namang juice lang to pre (hihigot
once)
BFF: tigil tigilan mo nga ako B hindi tayo pumunta rito para maglasing
(hihilahin at sasayaw sa dancefloor)

B: Tol maga-alas 10 na pala una na ako ah, happy birthday nga pala
V: ano ba yan ang aga mo naman tol, huwag mo sana ito masamain ha
pero sana mas maging close pa tayo soon
B: Oo naman tol bawi na lang ako next time ah
V: tatango at tatapikin ang balikat at pasimpleng may ipapasok sa bulsa

T= taas ng hagdan sign of nasa kwarto na

B: aalisin yung relo then aalisin laman ng bulsa ng jacket


: huh? ano to? For drinking? Bahala na bukas ko na titingnan inaantok
na ako (hihiga)

(Tiktalaoookkk)

B: Himala walang tao sa bahay ah nasaan kaya sila? (maghahanda na


lang ng almusal para sa sarili) after kumain– Muntikan ko na malimutan?
Para saan nga ba itong nasa bulsa ko? For Drinking? Subukan ko nga
ito. (inumin at maga act naa nasarapan)
: (VO) uy ang parang kakaiba ang lasa nito isa pa nga

(uupo sa sofa para magrelax)

(ting) = text msg


V: Free ka bukas?
B: Bakit?
V: Kumusta? nasarapan ka ba?
B: Ikaw yung naglagay sa bulsa ko? Ano yun?
V: hmm galing lang din yun sa friend ko, basta kita tayo bukas sa likod
ng school 5 pm bye :)

Narration: Kinabukasan, dahil sa kuryusidad ni B ay pumunta siya sa


likod ng kanilang paaralan para tagpuin si V.

T=(naglalakad si B papunta sa likod ng school) (balisa)


V: Hello there my friend! Nag-enjoy ka ba kagabi?
B:(hindi sasagot)
V: Base sa nakita ko mukhang nag enjoy ka naman, hindi naman
masamang magsaya B.
: Siya nga pala nagustuhan mo ba yung iniligay ko sa bulsa mo
kagabi?
B: Para saan at ano ba yun?
V: Hindi na mahalaga kung ano yun, ang mahalaga ay nagustuhan mo.
Hindi ka naman pupunta rito kung hindi diba?
B: (blank expression)
V: (iaabot ang sachet nung ______) (nakasmirk)
: Oh eto, ilang balot na yan ha, pagnaubos mo yan at gusto mo pa wag
na wag kang mahihiyang magsabi sakin.

Narration: Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagiging kinagawian na


nilang magkita pagkatapos ng klase. Ang gamot na ibinibigay ni V ang
tanging nagbibigay kasiyahan sa buhay ni B sa kabila ng mga problema.

T= school

(papasok si B ng pula ang mata tapos parang may kakaiba sa kaniya)


R7: Hindi ba kaya naninibago sa mga kinikilos ni B?
R8: Napansin ko nga rin yan, parang may kakaiba sa kaniya.
R9: Tama kayo, hindi na rin siya palasagot ngayon sa klase at hindi na
siya nakakagawa ng ibang activities.
R10: Oh ayun si BFF oh. BFF!
BFF: Bakit? May kailangan ba kayo?
R7: Hindi naman sa nanghihimasok kami pero hindi mo ba napapansin
na parang nag iiba na si B?
BFF: (pause ng kaunti) Kayo talaga kung ano ano napapansin niyo,
tuloy niyo na lang yang pagsasagot sa assignments niyo. (pabiro)
BFF: (VO) Hays B, ano ba nangyayari sayo, hindi lang pala ako ang
nakakahalata. Palagi na rin kayong magkasama ni V, sana naman wala
kang itinatago sa akin (lakad pababa ng stage)

V: (paakyat ng stage) (May kausap sa phone)


magulang ni V: Ano anak nagawa mo na ba ang ipinapagawa namin sa
iyo?
v: Opo
m: kung gayon ay hindi ka na dapat mag-alala pa, ikaw na muli ang
mangunguna sa klase niyo.
V: pero papa kailangan ko po ba talagang gawin to–
m: wag ka nang magreklamo! para rin ito sa ikabubuti mo,
magpasalamat ka nga at tinutulungan kita
V: (end call) tooot tooot tooot

T= lalabas si bff from backstage at uupo sa sofa sa gitna

BFF: pre wag kang sisilip may naka headglitch sa A (sigaw sa phone
nagcocodm)
BFF: (medyo magdadabog) Ano ba yan talo na naman bakit kasi hindi
na ako kinakalaro ni B para may taga buhat ako… ay teka may
tumatawag..

(RINGGGG RINGGG…)
BFF: Hello po Tita, napatawag po kayo
Ma: Hello hijo, may ginagawa ba kayo ngayon? pasensya na sa abala
ha.
BFF: Hindi naman po kayo abala at saka wala naman po akong
ginagawa ngayon bakit nga po pala kayo napatawag?
Ma: Ah ganun ba, may gusto lang kase sana akong itanong.
BFF: Tungkol sa saan po ba iyon?
Ma: Tungkol ito kay B, palagi kasi siyang malalim na sa gabi o umaga na
kung umuwi, marami ba kayong gawain sa school o kaya naglalaro lang
kayo?
BFF: Hindi naman po ganoon karami ang mga takdang aralin namin tita.
Ma: Sinasabi niya kase na magkapartner kayo sa isang subject kaya
siya palaging pumupunta sa inyo. Nahahalata ko rin na pulang pula
palagi ang kaniyang mata, tapos sinasabi niya samin na nagkakataon na
pagkatapos niyo maggawa ay nanonood kayo ng nakakaiyak na movie
at kapag naaalala niya iyon ay hindi niya maiwasan na maiyak muli.
BFF: Ahhhhhhh
Ma: Gusto ko lang sana malaman kung totoo ito, nag-aalala na rin kasi
ako sa kaniya.
BFF: Nag-aalala na rin po ako kay B Tita. At tungkol po sa sinabi niyo
hindi po totoo na nagpupunta siya sa amin at mas lalong hindi po totoo
na nanonood po kami ng movie ni B.
: Hindi ko na rin po siya madalas nakakasama dahil ang palagi niya
na pong kasama ay si V.
: Pasensya na po kayo Tita kung wala po ako masyadong
maitutulong sa inyo. Subukan niyo na lamang po siya kausapin.
Ma: Sige hijo, maraming salamat!

T= bahay
Ma: Sobrang nag-aalala na ako sa anak natin.
Pa: Ano bang nangyayari sa batang iyon? Sa oras na malaman ko na
may ginawang kabalastugan yang anak mo, malilintikan talaga siya sa
akin!!
(RINGGGG RINGGG…..)
R8: Magandang gabi po Chief Police ____. May nakapagsabi po sa akin
na nakita niya ang inyong anak sa isang bar sa labas ng bayan. Huwag
po kayong mag-alala hindi po ito makakalabas.
Pa: Maraming salamat!
Ma: Sino yang tumawag?
Pa: Kasamahan kong pulis, may nakakita raw kay B sa isang bar.
Humanda talaga yang batang yan sa akin pag-uwi!

(uuwi na siya B): asa sofa ang mga magulang


B: Ma…, Pa…. (gulat)
Pa: Saan ka galing?!!
B: Tinapos po nam—
Ma: Tinapos ang alin ha? Ang project niyo ni BFF? (sarcasm)
B: (tatango)
Pa: Aba at magsisinungaling ka pa. Hindi kami uto uto B, alam na namin
na sa bar ka pumupunta gabi gabi at wala ka naman talagang
ginagawang activity kasama si BFF. (galit)
: Alam mo naman na kalat sa balitang maraming adik at mga may bisyo
roon?! Siguro naman hindi mo nakakalimutang ayon sa Batas Republika
9165 ang pagbabawal sa paggamit ng mga party drugs!
Ma: Ano bang nangyayari sa iyo ha?
: Napakarami na naming isipin at dumagdag ka pa!
: Alalang-ala kami sayo tapos ganito lamang mababalitaan namin!
B: Alalang-alala? (mapapataas ang boses)
Pa: Hindi ko gusto yang tono ng pananalita mo B.
B: Ni hindi ko nga maramdaman yang pag-aalala nyo e.
Pa: Abat sumasabat ka pang bata ka!
B: Totoo naman eh, mula ng magkasakit si ate nakalimutan niyo ng may
isa pa kayong anak. Kinamusta niyo man lang ba ako? Kung ano
nararamdaman ko? Kung kamusta ako sa school? Kung kaya ko pa ba?
Kung pagod na ba ako? Kung okay lang ba ang anak niyo? HINDI
DIBA!!
Ma: Hindi ko alam kung anong nangyari sayong bata ka at sumasagot
ka na sa amin ngayon ng Papa mo.
B: Hindi niyo talaga malalaman kasi puro sarili niyo na lamang naman
ang iniisip niyo.
: Aral dito, aral doon. Tama kayo, para sa akin ito, pero kahit minsan
ba hinayaan niyo akong maging masaya sa kung ano gusto kong gawin.
Bawat utos niyo sinusunod ko, kayo ang nagdedesisyon sa kung paano
iikot ang mundo ko.
: Tungkol dun sa bar, hindi ko na po itatanggi iyon. Bakit? Kasi doon,
nakakalimutan ko ang mga problema ko! Kasi lagi na lang naman ako rin
yung pagbubuntungan niyo ng galit kada may problema kayo kahit wala
naman akong kasalanan.
:Iyon na nga lang yung paraan para mawala mga nararamdaman ko.
Miski kaunting ngiti bahagya ko na maipawari sa aking sarili. Pero kahit
na ano pang gawin ko, mga achievements ko mga paghihirap at
sakripisyo ko hindi niyo man lang bigyan ng pansin, mahala lang sa inyo
na mataas ang marka ko at hindi yung nararamdaman ko!
Pa: Sandale, anong sakripisyo ang sinasabi mo ha? Sakripisyo ba ‘yang
ginagawa mo? Simpleng pag-aaral na lang yang ginagawa mo B, di biro
yung ginawa naming pagpapalaki sayo ng Mama mo. Nagtatrabaho
kami, ni wala na nga kaming pahinga eh para may maipakain at mailaan
kami para sa pag-aaral mo. Kaya wala kang karapatang magreklamo at
isumbat samin ang lahat.
B: Wala rin po kayong karapatan na isumbat sa akin ang lahat Pa. Anak
niyo po ako, at responsibilidad niyo po bilang magulang ang pakainin at
palakihin kami. Aware at naaappreciate ko po ang mga sakripisyo niyo
Ma, Pa, pero sana ganun din po kayo sakin.
(hindi na mapipigilan nung nanay na masampal yung anak dahil sa mga
narinig) silence…
—----------------------------MUSICAL—-------------------------------------------
(kakanta si B)

T= (papunta sa school si B, matamlay, tas may naglilipat ng bahay)


B: ( after umupo sa upaan sa room; VO)
: Ibang iba na ang buhay ko ngayon, napakagulo. Hindi ko na alam ang
gagawin ko. Napakaraming problema, sa school, sa bahay, at pati na rin
sa aking sarili Gulong- gulo at pagod na pagod na po ako. Hindi ko na
kaya pang ihandle ang mga nangyayari sa akin. Gusto ko na pong
magpahinga para matigil na to)

T= bahay
B: (matamlay na papasok sa bahay at walang maaabutang tao)
(mayroong makikitang tali at pupulutin)
: (VO) Ito na ba ang oras?
(mag aattempt ng suicide)
: Ma, Pa, Ate, mahal na mahal ko po kayo!

(KNOCK KNOCK KNOCK)


(hindi muna papansinin ni B ang nakatok)
(KNOCK KNOCK KNOCK)
B: Kainis, sino ba kasi yun? (pupunta sa may pinto)
K: Hello po kuya, ako nga po pala si K, bagong lipat po kami diyan sa
tabi ng bahay niyo.
B: Anong kailangan mo dito?
K: Ibibigay ko lang po sana itong spaghetti po na niluto ni Mama,
masarap po yan. (smile)
B: Ah ganun ba, sige salamat!
K: Wait lang po kuya, bakit po may tali na nakasabit at upuan doon?
B: Wala yun, wag mo na pansinin.
K: Akala ko po kase ay gagawin niyo rin ang ginawa ng ate ko.
B: Bakit ano ba ginawa ng ate mo?
K: Nung bata po ako, nakita ko po si ate gumawa niyan at wala na po
siya ngayon. (luha)
B: (malulungkot ang expression ng mukha)
: Wag ka mag-alala di ko yun gagawin (ngingiti)
K: Promise po yan ha?
B: P-promise.
NK: K anak!, nabigay mo na ba? Halika na rito at gabi na.
K: Opo nay, wait lang po. Bye bye kuya.

(papasok si B sa bahay tas doon bubuhos ang luha, tatagtagin yung


lubid at upuan) (maaabutan ng tatay ni B na naiyak)

Pa: Oh, bakit ka umiiyak ka na naman diyan ha? Kalalaki mong tao ang
hina hina mo!
B: (magugulat dahil sa ama kaya mabibitawan yung plato)
Ma: Ano na namang nangyayari dito? Ang gulo gulo na ng bahay tapos
nag-aaway pa kayo diyan! At ano yang kalat na yan? Puro sakit na lang
sa ulo.
( lilinisin ni B yung kalat) (tatakbo papuntang backstage)

—--- musical ng parents —------

T= taas ng school ay room at ang baba ay bahay

B: (maagang aalis ng bahay para pumasok sa school at pagbubulungan


ng mg chismosa kasi paga yung mata)
Ma: (VO) huh? bakit parang napaka-aga naman umalis ni B ngayon?
Dahil ba sa nangyari kagabi? bahala na marami pa akong dapat
asikasuhin. (lalabas ng bahay)
Kapitbahay : M-mare okay ka lang ba?
Ma: (punas luha) Uy mare kayo ba yung bagong lipat?
K: ah oo, narinig ko kasi kayo na parang may nabasag kagabi. Nakita ko
rin na mukhang matamlay ang anak mo kanina, nais sana kitang bigyan
payo… (tatapikin sa shoulders)
Ma: Sige lang mare, hindi ko na rin kasi alam kung anong gagawin ko
gulong gulo na ako,,, dagdag pa ang mga problema sa trabaho (punas
luha)
—-- musical advice kung paano maging mabuting magulang at kung
paano intindihin ang mga kabataan dahil nga kasama sa pagbibinata
ang mga pagbabago — (hugging)

(kriiing kriiing -= lunch na) (taas ng stage to)

BFF: Pre tama na yan, tara na sa canteen gutom na’ko


B: Sige umuna ka na mamaya na lang ako maglunch (Busy sa mga
hinahabol na activities) (after ilang segundo)
RC: oh eto tinapay kumain ka muna
B: Uy salamat ah tapusin ko muna to (babalik na muna sa upuan si rc)

(dadating na yung teacher)


B: (ibibigay yung project) Pasensiya na po ma’am kung nahuli kong
ipasa to marami lang pong problema ang—
G: (tatapikin) wag kang mag-alala, Jed. Okay lang naman at ang
mahalaga ay naka pag pasa ka pa rin
B: (babalik sa kinakaupuan)
G: Okay class dahil ako ang last subject niyo pagbibigyan ko muna
kayo. Maaari na kayong umuwi pero wag niyong kakalimutan na may
quiz tayo bukas ah.
Students: Opo mam (tatango)
B: Uy bff, pasensiya na ah, thank you rin pala
BFF: huh para saan?
B: sa lahat
BFF: wag ka ngang gnyan ano ba
B: Basta alam mo na yun. Ngayon nga lang ulit tayo nagkasabay eh
(tatapikin ang likod at lalabas ng room)
T= bahay sa hapagkainan

Ma: P-pa sa tingin mo okay na kaya to? Mapapatawad na kaya tayo ng


anak natin?
Pa: Hindi ko rin alam ma, pero sa tingin ko matutuwa siya rito at
magiging okay na ang pamilya natin
(papasok si b)
B: M-ma at Pa ano po ito?
Pa: Eto yung matagal mo ng hinihiling na laptop di ba?
B: O-oo nga po pero hindi ko naman birthday
Ma: Hay naku tanggapin mo na lang ito anak
B: Pero ma at papa parang ilang araw ko na napapansin na binibigay
niyo lahat ng gusto ko, hindi ko po maintindihan.
Pa: Anong hindi mo maintindihan?
B: Hindi naman po kayo ganito dati ah? Pasensya na po hindi lang ako
s-sanay…
Ma: (mapapaluha) Pasensya ka na anak, sa lahat ng pagkukulang
namin ng papa mo. Akala namin makakabawi na kami sayo sa ganitong
paraan pero hindi pala…
Pa: Pasensya ka na anak hindi talaga namin sinasadya ng mama mo
sana mapatawad mo kami…
B: Ano ba nman kayo ma at pa nagd dramahan na naman tayo halika
nga kayo rito (natatawang naluluha at magyayakap)

Pa: Congrats nga pala ‘nak tumawag samin ang iyong guro inaasahan
daw nilang mag talumpati ka sa darating niyong pagtatapos.
Ma: Proud na proud kami sa iyo anak
Ate: hays ang drama talaga nitong bunso ko oh eto regalo ko sayo
(lalapit)
B: A-ate ano po ito?
A: Basta tingnan mo na lang (hug ulit) (guluhin buhok ni b)

Narrator : Hays sa wakas Ito po si Charo santos nagpapaalalang,


magkaroon ng mabuting komunikasyon sa labas at higit sa lahat ay sa
loob ng ating tahanan. Ikaw ay isang ginto kaya huwag mong hayaang
husgahan ka ng mundong ito. CHAROOOT HAHAHA Anong akala niyo
dito na nagtatapos ang kwento? Huy hindi! Simula palang ito, ng
pagbabago sa buhay ni B.

T= may naga act habang nagbubuklat ng photoalbum


B: (VO) grabe napakadami ko na palang mga bagay na
napagtagumpayan simula noong bata pa lamang ako, hindi ko man lang
ito napapansin. Sobrang sarap sa pakiramdam na makitang muling
naging masaya ang aming pamilya. Laking pasalamat ko na rin sa
kaibigan kong si Ace at lagi siyang diyan. Grabe mahigit sampong taon
na pala kaming magkasama ng baliw na yun HAHAHA. T-teka ano to
bat may resibo dito? Magaling na si ate?! HALAA MAGALING NA SI
ATEE!!! SA WAKAAAS!! Maraming Salamat po Lord dahil hindi niyo
ipinahamak si Ate Journey (close album) (lights off)
T = faded na ingay and random sa bgsounds
B: Tara Bff recess na libre ko!
BFF: t-teka ikaw ba talaga yan b? hindi ata ito ang tropa ko?
B: Ano baaaa nang aasar ka na naman ayaw mo bang nililibre ka? edi
wag!
BFF: Syempre joke lang no, tara na nga bago pa magbago isip mo

(Habang nasa canteen)


B: Uy Hi RC!
RC: U-uy hello B
B: Ano yang binili mo? Ako na magbabayad libre ko kayo ni Bff
RC: Hala naku wag na
Bff: Masamang tumanggi sa grasya sis go na (tawanan lahat)

T: (after umalis sa stage iayos agad ang podium para sa next scene)

B: Kung minsan ay pinakikinggan natin ang dikta ng lipunan, kung


paano tayo dapat na ihulma. May mga pagkakataong hinahanap natin
sa ibang tao ang ating halaga, subalit ang pinaka natutunan ko sa aking
buhay, we should never allow anyone or anything to determine our
worth. Tayo ang higit na nakakakilala sa ating sarili kaya sa mga
panahon na tayo’y nagdududa ang kailangan nating gawin ay pakinggan
ang ating puso at isip. Dahil sa kaibuturan nito, doon natin matatagpuan
ang ating tunay na sarili at totoong halaga. Ako po si Kendrick Tuazon,
nag iiwan ng katagang, “Hindi ka nag-iisa at marami kang karamay. Sa
mundong puno ng katanungan, mayroong liwanag na laging
naghihintay” Yun lamang po at maraming salamat.

V: (palakpak) (VO) Pasensya na talaga sa lahat ng nagawa ko sa iyo B.


Talagang karapat dapat sayo ang maging valedictorian ng ating klase.
(lalapit kay B at magyayakap)

THE END..

You might also like