You are on page 1of 4

“CONNECTION”

By: Geng Geng groups hahaha

May isang working student na ang pangalan ay si ROAR pinag sabay niya ang pag
tatrabaho at pag-aaral, pero dahil sa pag tatrabaho nya ay napabayaan na nya ang
kanyang pag-aaral at nakakakuha sya ng mababang grades.

(SA SCHOOL)

Tony: Grabe ang hirap ng exam natin pero buti nalang nag review ako kaya
nasagutan ko lahat, kayo ba roar at pepi kamusta exam nyo?
Pepi: Okay lang naman nakapag review naman kase ako e kaya karamihan sa inexam
natin ay alam ko, Ikaw ba roar kamusta exam mo?
Roar: Ah ako ano ang dami ko di nasagutan hindi kase ako nakapag review e.
Pepi: ha bakit naman?
Roar: Nag trabaho pa kase ako e ay pag kakauwi ko naman ng bahay nag papahinga
na ako nun kaya wala na ako masyadong oras na mag aral e.
Pepi: Hala ka roar magagalit nanay mo nyan pag nalaman nya na napapabayaan muna
pag aaral mo, diba kaya lang naman si tita oumayag na mag trabaho ka kase nangako
ka na dimo pababayaan ang pag aaral mo.
Tony: Oo nga roar pano nalang pag ang baba ng nakuha mo sa exam ngayon baka
magalit sayo nanay mo nyan.
Roar: Yun na nga ang iniisip ko e.

(BILANG PUMASOK ANG KANILANG GURO)

Anie: So dahil tapos na ang exam bukas nyo malalaman ang resulta na inyong
nakuhang score sa exam, at sana kayong lahat ay makapasa at wala sanang bumagsak.
Anie: Maaari na kayong mag si uwi, goodbye see you tomorrow!
STUDENTS: Thankyou ma’am goodbye po!!

(AT UMUWI NA SI ROAR SA KANILANG BAHAY)

Roar: Nay andito na po ako


Geng: O anak andyan kana pala, halika na dito kumain ka muna ng makapag pahinga
kana din, wala kaba trabaho ngayon anak?
Roar: Wala po nay bukas pa po .
Geng: Nga pala anak kamusta exam mo?
Roar: Ah nay okay lang po, alam nyo po ba nasagutan ko lahat ng tanong madali lang
po kase nay e at isa pa po bukas po malalaman ang resulta inay.
Geng: Mabuti yan anak tama yan mas pag butihin mo pa pag aaral mo ha.
Roar: Opo nay
Geng: Sya tara na anak kumain na tayo baka lumamig pa pag kain na niluto ko.

( AT KUMAIN NA NGA ANG MAG INA AT PAG KAKAIN AY NAMAHINGA


NA SILANG PAREHAS)

(SA SCHOOL)
Anie: Goodmorning class! Handa na ba kayo malaman ang nakuha nyong score sa
exam?
Strudents: yes ma’am
Anie: Isa sa inyong mag kaklase ang nakakuha ng mataas na score yun ay walang iba
kundi si Pepi, Pepi nakakuha ka ng 49/50
Students: (nag palakpakan)
Anie: ( inannounce ang score at sinabi niya na may isa sa kanila ang bumagsak)
Anie: Isa sa inyo ay nakakuha ng mababang score
Janice: Ma’am sino po?
Anie: Si roar nakakuha sya ng 23/50, roar anong nangyare hindi naman ganan dati
score mo diba?
Roar: Ma’am pasensya po hindi po kase ako nakapag review dahil po nasa trabaho
ako e.
Anie: Nako roar sa susunod wag mo pababayaan pag aaral mo ha sayang magaling
kapa naman na bata.
Anie: Sige maiwan ko muna kayo at may gagawin lang ako sa office.
Pepi: Roar pano kana nyan tiyak na magagalit sayo nanay mo dahil ang baba ng score
na nakuha mo.
Tony: Oo nga roar magagalit sayo si aling geng nyan
Roar: Hindi ko din alam pano sasabihin sa inay na mababa ang score na nakuha ko
tiyak na magagalit talaga sya sakin.
Roar: Pero bahala na hays.

(UWIAN NA)

Roar: Nay mano po


Geng: Kaawaan ka ng diyos
Geng: Kamusta mag hapon mo anak? Diba ngayon malalaman resulta sa exam nyo o
ano kamusta mataas ba anak nakuha mo?
Roar: Nay tungkol po dyan ano po kase e nay mababa po nakuha ko na score sa exam
Geng: Ha bakit? Diba sabi mo sakin kahapon nasagutan mo lahat sabi mo pa madali
lang exam nyo bakit ngayon sinasabi mong mababa nakuha mo.
Roar: Nay nag sinungaling po ako sa inyo sa katunayan po hindi po ako nakapag
review para sa exam namin kase po pagod na ako nun galing trabaho.
Geng: Anak naman diba nangako ka sakin na hindi mo pababayaan ang pag aaral mo,
anong nangyare sa pangako mo?
Roar: Nay nahihirapan po kase ako na pag sabayin ang pag tatrabaho at pag aaral ko
nay.
Roar: Nay gusto ko po muna sana tumigil sa pag aaral at mag tatrabaho po muna ako
para saatin at mag iipon muna po ako at pag may ipon na po ako saka po ulit ako mag
aaral nay, pumayag na kayo nay para sa atin naman po ito inay.
Geng: Pero anak pano naman kinabukasan mo
Roar: Inay mag aaral pa naman po ako pero hindi po muna sa ngayon.
Geng: Sigurado kana ba sa desisyon mo anak?
Roar: Opo nay
Geng: Sige anak papayag ako pero mangako ka sakin na mag aaral ka ulit ha at mag
tatapos ka
Roar: Opo inay pangako po.
( NAG YAKAPAN ANG MAG INA)
(NAG KITA ANG MAG KAKAIBIGAN PARA SABIHIN NI ROAR NA TITIGIL
NA SYA SA PAG AARAL)

Pepi: Roar sigurado kana ba na titigil kana?


Roar: Oo sigurado na ako tutulungan ko muna si inay sa pag tatrabaho.
Tony: Sayang naman naman roar pero kung yan ang desisyon mo susupportahan ka
namin.
Pepi: Pero mangako ka roar na papasok ka ulit ha.
Roar: Oo naman saka ano ba kayo mag kikita kita pa naman tayo para namang lalayo
ako sainyo e
Roar: Sige na uuwi na ako baka hanap narin ako ni inay nakipag kita lang talaga ako
sainyo para sabihin yan.
Tony: Sige roar ingat ka pag uwi
Pepi: Ingat ka roar.
Roar: Oo, Ingat din kayo ha.

(AT UMUWI NA SI ROAR)

AT SIMULA NG TUMIGIL SI ROAR AY SINUBSOB NIYA ANG BUONG ORAS


NYA SA PAG TATRABAHO PARA MAKATULONG SA KANYANG INAY AT
MAKAPAGIPON NG PERA PARA SA PAG AARAL NYA ULIT SA KABILANG
TAON.

MAKALIPAS ANG ISANG TAON MAY ISANG PANG YAYARI NA NAGANAP


AT HINDI ITO INAASAHAN NG LAHAT KAYA ANG LAHAT AY NABIGLA
NAG KAMERON NG PANDEMIC/COVID AT BIGLANG NAG BAGO ANG
LAHAT NA DATI AY F2F ANG PAG PASOK SA PAARALAN NGAYON AY
NAPALITAN NA NG ONLINE CLASS.

(SA BAHAY)

Roar: Inay maitutuloy kuna po pag aaral ko, diba po nabalita na maaari parin mag
aral kahit nasa bahay lang lalo na po at may pandemic na kinahaharap ang ating
bayan.
Geng: Oo nga anak narinig ko rin inay sa ating mga kapitbahay na chismosa
Geng: Kaya mo ba anak na makipag sabayan sa online class na tinatawag anak?
Roar: Opo naman nay may cellphone naman po ako at isa pa nay mas mapapadali po
dahil pag may mga papasagutan po pwede ko nalang isearch ang sagot diba hehe
Geng: Sige anak mag enroll ka ng makapag aral ka ulit at ng makatapos kana din
diba.
Roar: Opo nay

AT NAG ENROLL NA NGA SI ROAR PARA MAKAPAG ARAL ULIT KAHIT


ONLINE CLASS LANG SILA AT NAG UMPISA NA ANG KANILANG UNANG
ARAW SA KLASE SA ONLINE CLASS.

You might also like