You are on page 1of 8

(INTRO)

Doraemon: Tinapay na pampatalas ng memorya para sa exam! (pasigaw)

(FIRST SCENE)
NOBITA: ahhh! Pa'no ba 'to? Pa'no ba 'to? Argh... Pa'no 'to ngayon! Naku po! (Doraemon:
hmm... (2X) Hay naku!) Pa'no 'to! (4X) Naku po! Lagot ako nito! (aligaga si Nobita)
DORAEMON: hmm... Di ko maintindihan kung anong nangyayari.
NOBITA: Arghhhh! (Aligaga pa rin)
DORAEMON: Ano bang nangyayari sa'yo huh Nobita?
NOBITA: Ahh! Doraemon, tulungan mo ako! May exam ako bukas, nagkasabay pa ang English
at Math!
DORAEMON: Ah gano'n ba, eh anong kinalaman ng takuri at unan du'n?
NOBITA: Wala 'yang kinalaman! Halata namang gulong-gulo na ang isip ko eh! Ano na'ng
gagawin ko?! (2x) Huhuhu...
DORAEMON: Bahala ka sa buhay mo!
NOBITA: Ahhh?! Wahhhh! Hoy! Argh! Hindi mo ba ako tutulungan? Hindi mo ba nakikitang
hirap na hirap na ako?! 'Pag ganito ng ganito, babagsak nanaman ako sa exam ko!
DORAEMON: hmm... Sige na nga ito na!
NOBITA: Tutulungan mo na ako, Doraemon?! Maaasahan talaga kita kahit kailan!
DORAEMON: Ang ipu-ipong electric fan! Gamitin mo 'to para tangayin ang buong eskwelahan
para di ka na makapag exam!
NOBITA: Masyadong delikado 'yan, 'wag 'yan!
DORAEMON: Oh ito na lang! Ang pang-ilaw para maging hayop! Itutok mo sa teacher mo para
maging gorilla s'ya! (Magsisigawan)
NOBITA: Ano ba, magseryoso ka nga kahit sandali!
DORAEMON: Hm... Bakit kasi hindi ka na lang nakinig at nag-aral nang maayos? Hindi mo
tuloy alam ngayon kung anong gagawin mo!
NOBITA: Tama ka, hindi kasi ako nag-aral nang mabuti. Pero mag-aaral na'ko nang mabuti
simula ngayon. Pangako! Basta tulungan mo lang ako ngayon!
DORAEMON: Ano bang problema?! Palagi ka namang bumabagsak sa exam. Ba't ka ganyan?!
NOBITA: Ano kasi...
DORAEMON: Ano?! Bumagsak ka nanaman kanina 'no?!
DORAEMON: Hmm...
NOBITA: Anong gagawin ko 'pag nalaman ni mama ang score ko?
DORAEMON: Hm...
NOBITA: Doraemon..?!
DORAEMON: Pambihira 'to!
NOBITA: Hindi naman Pambihira ang bumagsak sa exam. Ang dali nga lang eh.
DORAEMON: Hindi 'yun. Ang exam na 'to ay may dalawampung tanong ng tama o mali. Tama
ba ako?
NOBITA: Gano'n nga!
DORAEMON: Kahit pa hindi mo alam ang mga sagot sa ganitong klase ng exam, pwede ka pa
rin makakuha ng kahit ilang tama!
NOBITA: Tapos?
DORAEMON: Ga'no ba kalaki ang posibilidad na mamali mo ang lahat ng tanong sa tama o
mali?
NOBITA: Hm...
DORAEMON: Isang porsyento lang ang posibilidad. Kung lagi kang makakakuha ng zero sa
exam na tulad nito, hindi na'ko makapaniwala sa gano'n. Hindi ko alam kung pa'no nangyayari
ang gano'ng bagay.
NOBITA: Ahmm... Hindi ba talaga 'yan kapani-paniwala?!
DORAEMON: Hindi lang 'yan! Ang kakaiba pa rito, nahulaaan mo lahat ng maling sagot. Ibig
sabihin 'pag hinulaan mo ang kabaliktaran ng mga sagot sa exam na 'yan, siguradong...
NOBITA: 100% 'yung tama!
DORAEMON: oum...
NOBITA: Alam ko na! Bumabalik na 'uli ang lakas ng loob ko! Ang galing! Hindi na'ko
makakakuha ng zero! Makaka-perfect na'ko!
DORAEMON: Ngeyyahhh...
NOBITA: Ano yun?!
DORAEMON: Ahhhh... Sa likod mo!
NOBITA: huh...?!
DORAEMON & NOBITA: Ngeyyahhh...
MAMQ: Nobita?! Narinig ko naka-zero ka nanaman sa exam! Totoo ba 'yun?
NOBITA: ahehehe... Ehehe...
MAMA: Ahm... Argh...! Nobitaaaa!
NOBITA: Ahhh...!

NOBITA: Hm... (2x)


MAMA: amh...! (2x) Bakit ganito kababa ang marka mo?!
NOBITA: Ah... Mama, kung babaliktarin lang, magiging tama ang lahat ng sagot ko.
MAMA: Bakit ba palagi na lang gan'yan ang sinasabi mo?! Imposible namang wala kang
naitamang sagot sa exam na tama o mali!
NOBITA: Hmmm...
PAPA: Sige na, tama na 'yan, mama. Palagpasin mo na 'yan sa ngayon. 'Wag ka na magalit.
MAMA: Hmm... (Galit)
PAPA: yayyyyy..!
MAMA: Makinig ka mabuti, Nobita. 'Pag bumagsak ka pa ulit sa susunod mong exam, wala
kang matatanggap na baon sa isang buong buwan!
NOBITA: Ahuhuhu...
NOBITA: Wala-walang baon...!?

DORAEMON: Hmmm...
NOBITA: Pa'no 'to?! Hindi pwede 'to! Zero! Ayukong maka-zero ulit sa exam! Mawawalan ako
ng baon sa loob ng isang buwan! Ahuhuhu...
DORAEMON: Oh sige na... Alam ko na... Hmm... Tinapay na pampatalas ng memorya!
(pasigaw)
NOBITA: Ano 'yan, cheese bread?
DORAEMON: 'Wag ka mag-alala, ilabas mo ang notebook mo!
NOBITA: Ahmm... Oh Ito!
DORAEMON: Hmm... Kailangan mo lang idikit ang tinapay sa notebook mo! Makukopya na na
nito ang naksulat! Ngayon, kainin mo!
NOBITA: Ahm... Ahm...
DORAEMON: Ano, masarap naman diba?
NOBITA: Ahm... Ahmmm... Ubos na.
DORAEMON: Ngayon, natatandaan mo na lahat ng nakopya ng tinapay na nakasulat sa page na
'to.
NOBITA: Huh?! Talaga?!
DORAEMON: Subukan nga natin! Anong tawag sa diretsong linya mula sa gitna ng sukat ng
bilog.
NOBITA: Ah... Radius!
DORAEMON: Tama ka! Ano naman ang tawag sa tatsulok na may dalawang pantay na gilid.
NOBITA: Isosceles triangle!
DORAEMON: Tama ulit!
Nobita: Hahahaha ang galing naman, isa na kong henyo ngayon
Doraemon: Pag nakabisado mo na ang math at english notebook mo, libro at assignment,
siguradong makakapasa ka na sa exam mo bukas.
Nobita: *eating* ligtas na ko... Nakupooo!
Doraemon: Anong problema?
nobita: kulang ng isang page ang notebook ko!
Doraemon: ano?!?!
Nobita: Ah! naalala ko na! Sinisipon ako kaya...
Doraemon: Pinamunas mo?
Nobita: Hmmmm
Doraemon: Bakit mo naman ginawa yun?
Nobita: Hayaan mo na, gagawa nalang ako ng paraan.
Doraemon: Ano namang paraan?
Nobita: May naisip akong magandang ideya... Babye! aalis muna ako!
Doraemon: San ka ba pupunta nobita?
Nobita: Mangongopya nalang ako sa notebook ng iba. babye!

Soneyo: Ha? Mangongopya ka?


Damulag: Bakit gusto mong hiramin ang notebook niya?
Nobita: gagamitin ko ang tinapay na pangmemorya
Damulag: Wow! Mukhang masarap yan ha. Kainan na!
Nobita: Aaaaaaaaaa (Soneyo: hehehehe)(Nobita: Haaaaaaaa)
Nobita:Hayyy wala ka namang ginawa basta mo nalang kinain. Sayang naman
Damulag: Haaa, HAAAAA?
Nobita: Soneyo pahiram muna ako ng notebook mo
Soneyo: para saan ba kasi?
Nobita: Haaa! Ang dumi naman ng notebook mo!
Soneyo: Haa! Sobra ka naman! Ganyan Yan dahil lagi Kong ginagamit. Nag aaral kasi ako Hindi
tulad mo.
Nobita: Haaa. Di ako kakain Ng kahit Anong galing Dito. Pasensya na pero ibabalik ko na.
Soneyo & Damulag: Huh? Hindi mo na kailangan?
Soneyo: Huh?
Damulag: Kahit na iba Ang kinikilos mo, salamat pa rin sa tinapay. ha
Nobita: Walang anuman

Nobita: Sabi ko na nga ba malinis at maganda Ang mga notebook mo shizuka. Makakabisado ko
agad Ang lahat Ng nakasulat Dito.
Shizuka: Sana nga Ganyan lang kadaling magkabisa Ng mga Bagay no?
Nobita: Malaki Ang tiwala ko sa galing ko magkabisa!
Shizuka: Ikaw na pinakamakakalimutin sa klase Nobita. Hihihihihi
Nobita: Oh Sige papakita ko nalang Sayo. Hmm. Halimbawa sa librong to Ng mga tula. Pumili
Tayo Ng isang page na nakalagay. Babasahin ko lang saglit Ang isang pahina gaya nito, Ayus
na! Kabisado ko na Ang lahat Ng nandito.
Shizuka: Huh? Talaga?
Nobita: Tanungin mo ako Ng kahit ano.
Shizuka: Sige nga Sabihin mo kung ano Ang Artichoke?
Nobita: Halaman na galing Europa na tinatanim dahil sa Malaki nitong bulaklak.
Shizuka: Tama ka. Eh ano Naman Ang ayda?
Nobita: Isa iyong obra na gawa ni Verdi Ng may apat na yugto.
Shizuka: Ang galing Tama lahat.
Nobita: hahaha Madali lang namang makakuha ng perfect score sa exam bukas.
Shizuka: Ah talaga?

Nobita: Ang sarap sarap naman ng pagkain na to.


Shizuka: Nobita di ka ba talaga mag-aaral?
Nobita: Sige na nga, sisimulan ko na ang pag aaral. Eto na eto na.
Nobita: Ididikit ko lang ang tinapay sa notebook ni Shizuka tapos kakainin ko.
Nobita: Sakit ng tiyan ko di ko na kayang kumain ng tinapay. Shizuka pasensya ka na, pwede ko
bang iuwi ang mga notebook mo?
Shizuka: O sige
Nobita: hmm

Nobita enters the door


Nobita: Nandito na ko
Father of Nobita: Oh aba sakto, Nobita kakain palang kami ng hapunan.
Nobita: Pero papa…
Father of Nobita: Matutuwa ka nagluto ako ng napakaraming spare ribs, niluto ko talaga yon
para sayo anak.
Nobita: Para sakin papa?
Father of Nobita: Oo naman! kumain ka ng spare ribs para pumasa ka sa exam bukas ha.
Nobita: ahhh
Father of Nobita: Pag nakakuha ka ng zero at nawalan ka ng baon malaking problema yon anak,
kaya galingan mo sa exam.
Nobita (thinking): Papano ba ‘to busog na busog na ko e.
Mother of Nobita: Ang sarap naman nitong spare ribs mo.
Father of Nobita: Kahit minsan lang ako magluto masarap parin ano? Nobita kumain ka lang ng
marami ha.
Nobita: Sige po
Doraemon (thinking): Nako po.
Father of Nobita: Oh ano? anong lasa masarap ba?
Nobita: Masarap po.

Doraemon: hmmm
Nobita: (tummy aches) hmm aaa
Doraemon: Ano nakain mo na ba lahat ng tinapay na kailangan mo para sa exam bukas?
Nobita: Marami pang natira di ko na kayang ubusin.
Doraemon: Kundi mo yan kakainin babagsak ka sa exam bukas kaya kailangan mo na yan kainin
ngayon!
Nobita: Ah oo tama ka.
Nobita: Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang kumain.
Doraemon: Kaya mo yan! Pilitin mong kainin!
Nobita: (forced to eat) hmm aaaa.
Doraemon: Pag bumagsak ka alam mo na ang mangyayari, isang buwan ka walang baon!
Nobita: Alam ko yon.
Doraemon: Edi kumain ka pa! Uminom ka ng tubig tas kumain ka ulit! Isa pang page dali!
Uminom ka ng tubig isa pang page oh! Eto kainin mo! Kain pa! Basta uminom ka lang!

In the morning
Father of Nobita: Nobita tapos ka na ba?
Nobita: Hindi pa po..
Father of Nobita: Hay nobita, bilisan mo naman dyan!
Doraemon: Anong problema?
Father of Nobita: Lagpas isang oras na nasa banyo si Nobita at di parin sya tapos hanggang
ngayon.
Doraemon (screams): Halaaaa!
Father of Nobita: Nako po hindi ko na to kayang pigilin sa parke nalang ako mag babanyo!
Doraemon: hmm… Hay nasira ata ang tiyan ni Nobita dahil sa dami ng kinain nyang tinapay.
Nobita: aaaa
Doraemon: Nako po lagot! nilabas mo na lahat ng kinabisado mo kahapon!
Nobita (screams): Ano?!
Mother of Nobita: Nobita mahuhuli ka na.

Music
Doraemon: Kailangan natin simulan uli sa umpisa.
Mother of Nobita: Anong ginagawa mo? Mahuhuli ka na!
Nobita: Ang hirap-hirap namang mag-aral.

You might also like