You are on page 1of 4

SCRIPT FOR DRAMA

Narrator: bilang mga magulang, alam na ba natin ang ating mga responsibilidad sa
ating mga anak? Nabigay ba natin sa kanila ang karapatang dapat ay sa kanila? Ano
ba ang hangarin natin nang atin silang ipinanganak? Kailangan ba natin silang
alagaan o palakihin dahil yun ang ating responsibilidad? O di kaya kailangan natin
silang palakihin dahil balang araw umaasa tayo na sila ang mag aahon sa atin ng
kahirapan? Ano kaya ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat tao? Upang
masagot ang lahat ng mga katanungang ito, atin tunghayan ang ikalabing isang
baitang, na magpapakita ng kanilang galling sa pag acting. Ang dramang ito ay
pinamagatang “Magulang! Mag-isip ka!”

Narrator: may mag asawang Rolding at Tresia, sila ay may tatlong anak panganay
na anak si Loriza, Grade 6 lang ang natapos, nahinto sya dahil hindi nya kayang
pagsabayin ang pag aaral at gawaing bahay, pangalawa ay si Gretchen, isang
napakapursigeng bata, sya ay Grade 11 ngayon, lagi syang pinapagalitan ng nanay
dahil hindi na makatulong sa mga gawaing bahay at laging pag aaral ang inaatupag,
bunso ay si Eron kasalukuyang nag-aaral ng grade 9, lagi din itong umaabsent dahil
laging iunuutusan ng mga magulang na tumulong sa pagharvest ng abaka at sa
kahit na anong trabaho ginagawa upang magkapera lang, makabili ng bigas at iba
pang pangangailangan sa bahay. Sa paaralan,

Rolding: Congratulations Gretchen, ikw ang top 1 ngayong 3rd quarter!

Gretchen: Ano?! Paanong……

Rolding:: Paano mo nagawa yun? Alam mo, hindi ako magtataka bakit ikw ang top
1, napakapursige mo kasing bata ka, nakikita ko kung paano mo pinagtatrabahuhan
lahat ng mga ito. Alam mo, nakikita ko sayong mga kilos at gawa, malayo ang
mararating mo. Patuloy ka lang mangarap at alam kong makakamtan mo lahat yun.

Gretchen: Maraming salamat po sir!

Narrator: napakasipag kasi mag-aral nitong si Gretchen at kahit oras na ng


pagtulog, libro at kwaderno pa rin ang hawak. At kahit paggising, lessons pa rin ang
nasa isip at pinoproblema.

Tresia: Ano baya yan Gretchen? Lagi na lang bang ganito? Alam mo wala ka nang
nagawa ditto sa bahay, puro pag-aaral yang ginagawa mo, magsaing ka nga dun!

Gretchen: ah, nay may exam po kasi kami ngayon, kailangan kong magreview kasi
kailangan kong maging consistent sa pagiging top 1.

Tresia: Wow! Talaga? ano ba sa palagay mo? Natutuwa ako na nagging top 1 ka?
Alam mo, wala ka na ngang naitulong ditto sa mga gawaing bahay, nag iilusyon ka
pa dyan. Bakit, mabubusog ka ba dyan sa mga libro at papel na yan? Alam mo,
nagdadahilan ka lang para matakasan mo ang mga gawaing bahay dito
Gretchen: hindi naman po sa ganun nay, kaya lang po…

Tresia: Aba! Sumasagot ka pa. anong pinagmamalaki mo? Yang pagiging top 1 mo?
Okay lang sana kung may perang papremyo dyan atleast man lang makakatulong
ditto sa mga gastusin, bakit hindi mo gayahin ang ate Loriza mo? Mas pinili nyang
pagsilbihan ang pamilya kaysa sa pag-aaral na yan? Walang araw na hindi nag-abot
sakin ng pera, kahit anong labada, tinatanggap. Pero ikaw? Palamunin ka na nga
ditto, hindi ka pa makatulong.

Gretchen: Nay para rin naman sa inyo ang lahat ng mga ito ah, balang araw pag
makatapos ako, hindi nyo napo kailangang magtrabaho para kumita.

Tresia: wow! Ikaw? Makatapos? Hahaha, milagro na lang pag nangyari yun. Alam
mo, mas mabuti pa mag-asawa ka na lang nang mapakinabangan pa kita.

Gretchen: Ano po?

Rolding: ano ba ito hah? Kay aga-aga,

Tresia: Rolding, pagsabihan mo nga itong anak mo. Lagi na lang pabigat dito

Gretchen: tay, gusto ko lang naman pong makatapos, bakit nyo po ginagawa sakin
to? Bakit nyo ako pinapahirapan ng ganito?

Rolding: anak kasi, mahirap lang tayo, hindi namin kayang pag aralin ka pa lalo na
sa kolehiyo. Kahit nga bigas eh, nangungutang pa tayo para makakain lang

Gretchen: tay, magsusumikap naman po ako. Gagawin kopo lahat makatapos lang

Tresia: kung gusto mong makatapos , magtapos ka na walang pinuperwisyo at


binubwesit dito sa bahay ko.

Narrator: naiparamdam kay Gretchen na hindi sya kayang suportahan at tulungan


ng kanyang mga magulang. dahil sa sama ng loob niya, umalis sya ng bahay.sa
kabila ng lahat, hindi pa rin sya tumigil mangarap. Ikanga, may kasabihang, kung
ayaw mo may dahilan at kung gusto mo palaging may paraan . Naghanap sya ng
mapapasukang trabaho, at duun natanggap sya bilang cashier sa isang convenience
store. Nagpa schedule sya ng night shift dahil nga , papasok sya sa klase tuwing
araw. mahirap ang kalagayan nya, sino ba naman sa atin ang kayang pagsabayin
ang dalawa, todo sikap kahit nahihirapan na ay hindi pa rin napapagod. Sa awa ng
Dios, nakatapos sya ng Senior High school. Plano nyang kunin sana ang abogasya.
Dahil hindi sapat ang sweldo sa convenience store, nag isip pa sya ng paraan kung
paano matutustusan ang kanyang pag aaral sa kolehiyo. Dahil sa academic
excellence award na natanggap nya ng Senior High School, merong inooffer na
scholarship grant sa isang law school. Doon, isa syang recipient sa scholarship na
yun. Ayun, dahil dun nakapag enroll sya sa school na yun ng wala kahit piso na
binabayaran. Isang araw,
Jurdge: Ay naku sorry!

Gretchen: okay lang,

Jurdge: Freshmen ka ba? Ngayon lang kita nakita ditto ah,

Gretchen: ahh, oo.

Jurdge: kaya pala. Ako nga pala si Jurdge, 2nd year. Ikaw, anong pangalan mo?

Gretchen: Gretchen nga pala.

Narrator: nagging kaibigan ni Gretchen si Jurdge. Lagi silang magkasama pag free
time, kay Jurdge naikwento ni Gretchen lahat ng pangyayari sa buhay nya mula
noon hanggang sa kasalukuyan. After 1 year of friendhip,

Jurdge: Ah, Chen, may sasabihin sana ako sayo eh.

Gretrchen: ano ba yun?

Jurdge: pwede ba kitang ligawan?

Gretchen: naku! Jurdge, alam mo naman ang pinagdaanan ko. hindi pa ako handa
sa mga bagay na yan. Kailangan kong makatapos dahil ito ang pangarap ko.

Jurdge: alam mo 2nd year college ka na, kailangan mo ng mag experience nang
magka nobyo.

Gretchen: alam mo, hwag mo akong pinapangunahan, buhay ko to at wala kang


karapatang diktahan ako kung ano ang ang gusto at hindi ko gustong gawin sa
buhay ko. Gusto mo ba akong magaya sa mga kabataan ngayon?, kay bata bata
abay eh, pag aasawa na ang inaatupag? Tingnan mo sila, kahit hindi nakatapos ng
high school, ayun buntis na? kaya walang narating sa buhay at hanggang ngayon,
nagsusumikap pa rin para makakain. Ayoko ng ganung buhay. Akala kasi nila ang
pag aasawa ay masaya, hindi ganun yun! Masaya lang sa umpisa, kalaunan
magsisisi din. Iba pa rin yung nakatapos, kahit saan ka pupunta, walang tatangging
trabaho sayo dahil nga may diploma!

Jurdge: sobra ka naman, nililigawan lang kita ang dami mo nang sinasabi. Pati
buhay ng ibang tao, dinadamay mo pa.

Gretchen: bakit. Totoo naman ah!

Jurdge: ligaw lang, buntis agad?

Gretchen: dun din naman ang punta nun! Dyan nagsismula sa ligaw ligaw na yan.
Mas mabuti pa, maghanap ka na lang ng babaeng mauuto mo.

Jurdge: hahay naku sayo, oo na di na kita liligawan. Stay friends na lang, pwede?
Gretchen: oo ba,

Narrator: naging magkaibigan na lang ang dalawa hanggang sa grumaduate si


Jurdge at kasunod si Gretchen. Isang taon ang ginugol ni Jurdge para mag review,
sabay hintay kay Gretchen dahil balak nilang sabay silang magtake ng law exam. Sa
awa ng Dios, sabay din silang nakapasa. At sabay din silang natanggap sa isang
private law firm. Napakagaling na abogada ni Grecthen, lahat ng kasong
hinahawaan nya ay laging panalo, dahil dito, nakabili sya ng house and lot at lahat
ng kailangan at gusto nyang bilhin ay nabibili nya. Isang araw, napagdesisyunan
nyang bisitahin ang kanyang pamilya.. sa bahay, pagdating nya ay tulala silang
lahat.

Gretchen: nay, tay, ate kuya (umiiyak)

Rolding&Tresia: (umiiyak)… a—a---anak,! Ikaw ba yan?

Gretchen: opo nay, tay, kumusta napo kayo?

Tresia: ikaw na ba yan anak? Napakalaki ng pagbabago mo.

Rolding: kumusta ka na anak?

Gretchen: abogada na po ang anak nyo.

Tresia: Wow! (umiiyak).. anak, wala akong mukhang maihaharap. napakalaki ng


kasalanan ko sayo .

Gretchen: nay, tay, kalimutan na po natin ang mga nangyari noon. Ang importante
ay ang ngayon. Mula ngayon, hindi na tayo titira dito. May bago na tayong bahay . at
lahat ng gusto nyo, ibibgay ko po. Ate, mag hire ako ng tutor sayo para cope up mo
lahat ng mga lessons. Magpapatuloy kayo ng pag-aaral pati si Eron. Mga kapatid
ko, gagawin ko ang lahat makatapos lang kayo, iba pa rin kasi pag may natapos
tayo.

Nagyayakapan ang pamilya

Narrator: “Education “ ika nga. Kaya, bilang mga magulang, wag nating ipagkait sa
ating mga anak ang karapatang dapat ay sa kanila.wag natin silang gamitin para
makaahon, kundi tayo mismo ang aahon sa kanila sa pamamagitan ng suporta
ibibigay natin lalong lalo na ang pag aaral. Ito lang ang regalong maiiwan natin sa
kanila na kahit kalian at saan, hindi nila makakalimutan. Mga mag-aaral, magsikap at
gawin ang lahat para makatapos. Wag hayaang madala sa mga mapaglinlang na
mga bagay dito sa mundo. Wag isipin ang hirap na mararanasan kasi sa buhay
talaga ng tao “meron laging liwanag pagkatapos ng dilim”. muli, ito ang ika labing
isang baitang. Maraming salamat po.

You might also like