You are on page 1of 6

Interviewee: Corazon Canete Luardo

Interviewer: Jayson Gudito and Renelyn Tamayo


Date of Interview: November 14, 2023
Location of Interview: Rd 3 Minuyan 2
List of Acronym: JG, RT, CL

RT: Nay ano po, nakapag tapos po ba kayo? Sa pag aaral nyo po? Ano po yung nakuha nyo.
CL: Ay elementary lang ako. Grade 6 lang.
RT: Kamusta naman po nay yung kabataan nyo po? Mga naalala nyo po nung pagkadalaga nyo ganon.
CL: Kabataan ko? 44 nung namatay ang tatay ko. Maliit pa ko tapos sa tita ko nalang ako lumaki non. Maaga
akong nawalan ng magulang tapos ang hirap ko dyan ay hindi dahil sa pagkain, ang hirap ko dyan ay dahil sa
lahat ng ginagawa ko ay ako nalang. Hanggang sa nag kinse at naging dise-sais ako.
RT: Ano po yung mga naranasan nyo non?
CL: Ang dinanas ko ay dahil palo ng palo ang tita ko sakin non kahitv na totoo yung sinabi mo papaluin ka.
Hindi ako papaniwalaan non pero nung nag 16 ako yung tatang nyan andyan pa pero sinagot ko sya, sobrang
selosa non sakanilang magkakapatid, matanda na yung ano asawa nya, yung mama ko pinalayas nya ng gabi, o
diba may gera sa hapon noon,e ako maliit p, sabi ko nalang “saan kaya si mama ko ngayon, san natulog gabi na
ngayon” Tagal na di kami nagkita.
RT: Ano pong nangyari sa mama nyo non?
CL: Wala na ngayon, patay na dahil binugbog ng anak ng asawa Nyang ikadalawa.
RT: Pero nung gabi po na pinalayas ng tiyahin nyo ung mama mo? Bumalik naman po yung mama nyo?
CL: Bumalik sya pero ano na ko, may asawa na ko. Yun ang naranasan ko noon.
RT: Anong taon po kayo nung umalis po kayo dun sa puder ng tita nyo?
CL: Mga 1958
RT: Kung saano naman po, sa usapan ng pag aasawa, saan po ninyo nakilala ang asawa nyo?
CL: Kapitbahay namin
RT: Ah kababata nyo po?
CL: Hindi, taga Cebu yon, dayo sya at may trabaho dito.
RT: Okay lang po ba na magkuwento kayo sa buhay nyo bago kayo mag asawa?
CL: Ay oo. First come at first love ko yon, marami sila pero sya lang ang tinanggap ko.
RT: Kamusta naman po nung mag asawa na kayo?
CL: Nung mag asawa na kami mahirap kami, sampo to bale binubuhay namin ng walang hanap buhay, tanim
tanim lang kami, pero nagpapasalamat ako sa panginoon, namatay sya ng may kanya kanya na silang
pamumuhay ayon nag asawa na.
RT: Nay may iba pa po akong katanungan, ano po yung weakness nyo o yung kahinaan po ninyo ganon yung
hindi po kayo magaling sa bagay na yon?
CL: Dahil mahirap walang hanapbuhay ganon, minsan nagtitinda lang sya ng isda. Tulong mag tanim, mag
uling mag gawa ng asin. Bumili ng pagkain ng mga bata dahil nga mahirap kami, walang hanap buhay.
Kahirapan.
RT: Ano po yung sa tingin nyo kinatatakutan nyo?
CL: Yung nawalan ako ng anak, namatay yung isang kapatid nila. 11 yan sila dati, tas yung isa Nawala kaya
sampo nalang sila. Kahit mahirap kami hindi ko iniwanan ang mga anak ko, hindi ko sila pinamigay, yung sama
sama kami ay okay na.
RT: Sa tingin nyo po ano po yung maipagmamalaki nyo sa buhay na meron kayo?
CL: Yung kahit mahirap kami ay naitaguyod naming ng maayos yung mga anak ko, puno sa pagmamahal. Eh
yung asawa ko nung napatay sya, may mga kanya kanya ng asawa yung mga anak ko kaya nagpapasalamat ako
sa panginoon na Nawala sya pero may kanya kanya ng buhay yung mga anak namin.
RT: Ano po yung mga naging trabaho nyo nung araw?
CL: Nagtatanim lang, nagtitinda ng isda, nag uuling at nag aasin. Dun lang namin binubuhay ang mga anak
namin.
RT: Kung may hihilingin pa kayo nay? Meron po ba kayong hihilingin?
CL: Isa lang naman, yun ay bigyan kami ng buhay ng panginoon nang walang hanggan. Sa lahat, lalo na sa mga
mahal ko sa buhay, ganon din sa kaligtasan nila.
JG: Katoliko po ba kayo nay?
CL: Dati pero ngayon IMC. Adamic, ang adamic ay means Adan, they means the beat. Ang I ay Isaias, ang M
naman ay Moses. C ay Cristo.
RT: Meron pa po ba kayong dinadalang mga hinanakit? Or may mga sakit kayo na dala dala simula noon? Balik
po tayo don sa tita nyo po diba palagi po kayong sinasaktan, galit pa rin po ba kayo sakanya?
CL: Ay hindi na, kung magdasal ako lahat, dinasal ko lahat mula sakin, sa magulang ko, sa lahat lahat at sa
asawa ko at yung mama ko. Maalala ko lang pero wala na kong hinanakit, lahat iyon ay tinaas ko na sa
panginoon. Kung naalala ko minsan may pagtatampo pero hanggang dun nalang yon. Wala na kong hinanakit.
RT JG: Thank you po sa cooperation nyo. Salamat po ng marami.
CL: Tayong lahat ay dinasal ko na tayong lahat ay bigyan tayo ng Magandang kalusugan at buhay na walang
hanggan kahit sino pa tayo ay iisa lang ang may gawa, tayo ay iisa.
Interviewee: Jomarie Dacallos
Interviewer: Roushane Dela Fuente, Elsie Acabal
Date of Interview: November 14, 2023
Location of Interview: Road 3, Minuyan 2
List Of Acronyms: RD, EA, JD

EA: Ano yung mga best accomplishment mo na para sa iba na maliit na bagay pero para sayo ay Malaki na?
JD: Wala pa naman kasi patapos palang si bunso e.
RD: So sa paraan na kapag natapos sya tingin mo yun na yung pinaka malaking achievement sayo?
JD: Oo yun nga.
EA: Ano yung goal mo na gusto mong abutin sa sarili mo makalipas ang limang taon?
JD: Simple lang, magkaroon ng bahay
EA: Saka ano yung bagay na gusto mong i-advice sa ibang tao?
JD: Kailangan lang nilang magsipag sa buhay, wag umasa sa magulang
EA: Ano yung nagiging technique mo sa buhay na naranasan mo na bumuo sa pagkatao mo?
JD: Yung nakapagtapos ako ng pag aaral dahil sa sariling sikap.
RD: Ano yung pinaka mabigat na struggle mo sa buhay nung mga nakaraang taon?
JD: Yung namatay lang si tatay pati yung lolo ko yun lang.
EA: Kuya magkuwento ka simula nung mga teen-age life mo o yung mga pinag daanan mo nung kabataan mo
na best experience.
JD: Best experience ko naging varsity ako ng TRADE.
RD: Baketball?
JD: Hindi atleta ako ng track and field. Nakarating ako ng City meet, ayon lang.
EA: Yung mga ginagawa mo naman kuya, nung kabataan mo o mga punupuntahan mo ganon.
JD: Wala naman kasi akong napupuntahan, hindi naman ako gala kasi nag aaral ako e. Eskwela at bahay lang
ako, dito lang ako sa bakuran, di kasi talaga ko gumagala e, ngayon lang ako natuto gumala page dad ko ng 25.
RD: Regrets kuya meron ka ba? Mga pagsisisi mo dati na sana ginawa mo or sana di mo ginawa?
JD: Wala pa naman kasi halos lahat dahil sakin e. Wala pa naman akong pinagsisisihan ano pa ba
EA: Parang nag sstart palang yung journey mo?
JD: Oo.
RD: Kuntento ka na ba sa buhay mo o may gusto ka pang marating?
JD: Sa sarili ko okay naman sakin, wala naman na kong gusto na marating kasi masaya na ko sa buhay.
EA: Wala ka ng next plan? Mag asawa ganon? Kasi single ka pa rin until now diba?
JD: Oo yun nalang siguro, abala kasi yan sa pag aaral pati sa ano, trabaho.
RD: Sa tingin moa no yung purpose mo sa buhay?
JD: Para ano lang makatulong sa magulang saka sa pamilya. Yun lang.
EA: Kung magkakaroon ka ng pagkakataon na ibahin yung child hood mo meron ka bang iibahin?
JD: Meron
RD: Ano po?
JD: Yung makagraduate ako ng 4 years na course kesa vocational.
EA: Eh yung mga di mo sana ginawa noon?
JD: Yung kinuha ko yung pera ng magulang ko kasi kailangan ko sa project ng walang paalam. Yun lang.
EA: Yung pera na yon nakalaan sana sa?
JD: Pambayad ng tuition ko.
RD: Nakaranas ka na ba ng depression? Ilang taon ka non?
JD: Oo naranasan ko, 10 years yung mga nakaraan. Laging mainit yung ulo ko, yung di ako nakakausap ng
matino, lalo nang hindi ako lumabas ng bahay.
EA: Bakit ka nagkaroon ng depression non?
JD: Kailangan bang sagutin yon?
RD: Hindi naman, kung okay lang naman sayo.
JD: Dahil sa babae, yun.
EA: Pwede bang magkuwento ka ng brief about sa ex mo na yon kung trauma ba
JD: Since highschool kasi kami non hanggang sa mag 20 kami, okay pa kami, mga 21 years old kami ayon,
hindi ko pala alam na niloloko na ko, na may iba syang nagugustuhan kaya nadepress ako sa ganong tao.
RD: Then until now parang andon pa rin yung trauma na yon?
JD: Oo.
Interviewee: Anathalia "Lea"
Interviewer: Rem & Dane
Date of Interview: November 14, 2023
Location of Interview: Rd 3 Minuyan 2
List of Acronym: Lea, Rem & Dane

Rem: Ano pong pangalan nila?


Lea: "Anathalia" Lea na lang. Para saan po ba yan? Documentary?
Dane: Hindi po, For research lang po then ididiscuss sa isang subject.
Lea: Ah okay. Kaso wala namang interesante sa buhay ko eh. Okay lang yun?
Dane: Okay lang po yun ma'am. ^^
*skipped sa profile interrogation *
Rem: How's your social life po?
Lea: Heto, dito lang sa bahay nagbabantay ng bata, nagtitinda.. Mga kumare! Marami akong kumare.
Rem: Ahm, next question po. Meron po ba kayong asawa or boyfriend?
Lea: Mayroon akong asawa, twenty-eight years na kaming kasal.
Rem: Anak?
Lea: Anim, anim ang aming anak.
Rem: Ahm sa twenty-eight years po ninyong pagsasama, paano po ninyo mailalarawan yung experience, o
karanasan po ninyo? Masaya ba o...
Lea: Masaya kasi napagtapos namin yung dalawa naming anak, ito nakakatulong sila. Higit sa lahat "cancer
survivor" ako. Kung baga sa ano, thank you lord!! Nakasurvive ako. Second life ko na to eh.
Rem: Ayy!
Lea: Stage 3 tumor, yun yung experience ko na hindi ko talaga malilimutan, na masaya kasi nakaligtas ako.
Parang second life.
Rem: Ano po yung naramdaman niyo nung nalaman po ninyo na may cancer kayo?
Lea: Depressed, na depressed ako nun, one week ako hindi lumabas ng kwarto. Depressed kasi siyempre yung
baby ko nun three years old lang, nung sabihin ng doktor na may cancer ka, na anytime pwede kang mamatay.
Natakot ako para sa anak ko na maaga silang mauulila sa ina. Pero sabi ng doktor gagaling naman ako kung
lalabanan ko yung sakit ko, hindi ako madedepressed, kaya yun lumaban ako. So after one week, sa tulong ng
mga kaibigan lumakas lalo yung loob ko hanggang sa naoperahan ako at gumaling. ^^
Rem:Wow! Next question po tayo. Sa anong edad po kayo nagstart magsama ng asawa po ninyo?
Lea: Eighteen ako nung nagsama kami.
Rem: Ah high school?
Lea: Hindi, sa work. Pareho kaming mananahi sa isang pabrika.
Rem: Kailan niyo po naramdaman na committed na po kayo sa isa't isa?
Lea: After two years ng pagiging mag boyfriend, girlfriend, naramdaman na namin na gusto na naming
magsama. Nakakasawa na kasi puro gastos.
Dane: Ah after two years po.
Rem: Next question ma'am, nung kabataan niyo po ba may experience po ba kayo na masaya o malungkot o
kahit ano po.
Lea: Ah nung kabataan ko, masaya naman kahit galing ako sa mahirap na pamilya, sampo kaming
magkakapatid, pinalaki kami sa pagmamahal ng mga magulang ko.
Dane: Eh sa pagka dalaga po?
Lea: Wala, puro masaya din, friendly kasi akong tao. Ang motto ko "always choose to be happy," Yun lang
talaga nung nagka cancer ako. Narealize ko na ang buhay, hiram lamang talaga. 11 hours ako sa operating room.
Paglabas ko, sobrang grateful ko sa buhay. Napakasarap mabuhay!!
Dane: *smiling* *inspired* Last question po, Ano pong maipapayo niyo sa aming mga kabataan?
Lea: Ang maipapayo ko lang sa inyo, mga bata; 'wag kayong magmamadali sa buhay, magtapos kayo ng
pagaaral niyo para sa mas magandang kinabukasan na naghihintay sa inyo, gaya ng sa mga anak ko na sobrang
grateful sa' min dahil pinagtapos namin sila ng pagaaral kahit mahirap ang buhay.
Rem:Yun lamang po ma'am, sobrang inspiring po ng kwento niyo. Maraming, maraming salamat po!
Dane: Maraming salamat po ma'am Lea. God bless you po! ^^
Lea: Walang anuman, ikinagagalak kong makatulong sa inyong mga bata. Bye^^
Rem: Bye. ^^
Dane: Bye. ^^

You might also like