You are on page 1of 1

Name: Wharen M.

Morillo
Sex: Male
Age: 18
Birthday: Nov. 10, 2001
Testimony:
Lumaki ako na broken family simula ng akoy 8 years old palang at sa lolo at lola ko lang
ako nakatira. Nung akoy nag aaral ng elementary palaging tinatanong ng mga teacher kung
anong gusto mo paglaki, akoy walang masagot at hindi ko alam kung bakit dahil parang kung
anong course na kunin ko ay okay lang ngunit sa kasamahang palad ay tumigil ako ng high
school dahil hindi nako kayang pag aralin ng aking lolo’t lola.
Nuon may nagsabi sakin na bagay mo mag pastor! Sagot ko na naman sumasagi na sa
isip ko yan pero akoy makasalanan at isa pa wala akong pera! haha. Pero naisip ko na hindi
bagay sakin yun, hindi para sakin yun dahil sa kawalan ko ng magulang maaga akong nalulong
sa bisyo. Pumapasok ako sa simbahan! Ako’y miyembro ng music team naming ngunit ako’y
nagkakasala dahil sa mga bisyong hindi ko maiwan iwan. Minsan inisip ko hanggang dito nalang
ba ako?! Ganito nalang ba ako?! Hanggang sa mapag desisyonan ko na na baguhin ang buhay
ko. Sinabi ko sa sarili ko last year bago mag 2020 hindi na ako iinom! Hindi na ako
maninigarilyo! At Praise God natanggal ko na ang paninigarilyo at pag inom ng alak at pag iwas
sa barkada at Praise God dahil napagtagumpayan ko yun hanggang ngayon.
Gusto kong maka inspire ng ibang tao lalo na yung nawawala sa landas! Gusto kong
makatulong sa iba na baguhin ang sarili at maling gawain nila na iniisip nila na mahirap ng
makawala, mahirap ng tangggalin! Ngunit sa kawalan ng pera pumunta ako nagtrabaho sa tito
ko sa Pampanga oo masasabi kong maginhawa dahil kahit papano may pera ngunit hindi ako
masaya! May hinahanap hanap ako na hindi ko maramdaman kahit may pera may hinahanap
ako na hindi ko alam kung ano ito! Hanggang sa nangusap na ako sa Panginoon na kung ano
ang plano sa buhay ko ay susunod ako. Dun din iiisip ko dahil ba wala akong maisip na maging
paglaki ko dahil ito yung plano mo sakin? May halong kaba, sobrang kaba dahil sobrang
mahiyain ko, pero sige Lord susunod ako sayo. Ikaw na ang bahala sakin.
Dun din ay umuwi ako at ito ring year 2020 hindi ko alam na ako’y makakapasok sa
SBTC na kahit wala akong pera ni wala akong pambayad sa tuition pero sinabi ko sa Diyos kayo
napo ang bahala sakin. Nung nag test kami ng 2nd sem dahil 2nd sem na kami pumasok, ang akala
ko hindi na ako makakatest, hindi ako mapakali, hindi ako maka pag isip ng maayos dahil nga
wala akong pang down ngunit sinabi ni Pastor Lorenz Salazar hayaan moa ng Diyos na
mamroblema ng tuition mo dahil Siya ang nagpapunta sayo dito. Ngayon ginagawa ko ang part
ko at ang lahat ng hindi ko kaya ay pinapasaDiyos ko at alam kong hindi NIya ako pababayaan.
Alam ko na tunay ang Diyos na pinagsisilbihan ko at alam kong kahit kailan hindi Niya ako iiwan
at tatalikuran.

You might also like