You are on page 1of 3

RADIO BROAD

INTRO

BOTH: Nagbabagang Balita!

DJ 1: Psychosocial support, ibinigay sa mga batang na-trauma sa lindol sa Cotabato

DJ 2: Iba't ibang stunts, paandar ng mga koponan sa UAAPCDC 2019

DJ 1: Mga Aetang apektado ng lindol binigyan ng maagang pamasko

DJ 2: Matagal na pagproseso sa terminal pay inireklamo ng ex-city hall employee

DJ 1: Mula sa bulwayagan ng mga nag-aapoy

DJ 2: nagliliyab,

BOTH: at naglalagablab na balita sa 102.7 POWER Radio

DJ 1: magandang (3x) araw sa inyong lahat. Narito pa rin kayo nakikinig sa 102.7 POWER Radio heto ang
inyong pinakamagandang dj sa balat ng lupa, dj cha cha!

DJ 2: hindi naman magpapatalo ang sexy niyong dj, dj jani

DJ 1: so since alas tres na ng hapon, oras na para tayo’y magbukas at magbasa ng mga sulat na galing sa
mga beloved madlang people natin diyan.

DJ 2: welcome sa programa kung saan ang mga madling listeners natin diyan ay magpapadala ng sulat
at, malayang maibabahagi ang kanilang mga istorya sa buhay ng walang alinglangan. Welcome sa iyong
kaistoryahan sa alas-tres ng hapon, ang ALASTRESORYA with dj cha cha and dj Jani.

DJ 1: so simulan natin ang sulat na galing kay jane. Isa siyang labing walong taong gulang na dalaga na
nagpadala at handang ibahagi ang kanyang mga problema. Hayan simulan mo na basahin sis.

DJ 2: Dear dj cha cha at dj jani,

Pananampalataya ang salita na kung saan kahit anong pagkakabigo ang mangyari sayo, Kahit anong gulo
man ang haharapin mo ay tatayo at tatayo ka pa rin ng matibay at matatag kasama ang panginoon. Pero
asaan ka nung mga panahon na kinailangan kita?

DJ 1: Naalala ko pa kung gaano pa kami kasaya noon, ng Buo. Yung mga araw na may kinakaya pa kami.

insert lines 1

DJ 2: Oh diba? ang saya. Hindi ko nga rin alam kung paano kami humantong sa ganito. Yung parang, bigla
nalang nawala ang lahat sa isang iglap. Ewan ko, naibigay ko naman ang lahat ng gusto niyo? Naging
mabait naman ako?! Kulang pa baa ng mga iyon? Nagising nalang bigla nang…

insert lines 2
DJ 1:Sobrang nabigla kami sa nangyari. Napahinto nalang ako at hindi na naming alam kung anong
gagawin at sasabihin. Tulalang-tulala.

insert lines 3

DJ 2:Hindi pa nagtatapos an gaming mga problema naming jan. Pagkatapos ng isang problema may
susunod nanaman. Dahil sa patong-patong lahat ng problema ay pati sarili kong katawan di na kinaya.

insert lines 4

Dj 1:Kahit ilang beses ko pang ulitin na kaya pa namin aya wala talaga. Napilitan kaming umutang sa
kung sino-sino, pero wala talaga kulang pa rin. Tuluyan kaming nabaon sa utang

insert lines 5

DJ 2:Naawa na ako sa pamilya ko na kung dati Sweet and Sour Fillet, Grilled Salmon, at Buttered Shrimp
ang kinakain pati isangkilong bigas di naming kaya pati tuyo pinaghahatian pa. Hanggang sa nawalan na
ako ng pag-asa lagi ko nalang sinisisi ang sarli ko sa mga nangyari. Na kung dati masaya pa kami ngayon
di na kami nagkikibuan sa isat isa.

Minsan ay dahil siguro sa pagod at stress ko sa buhay ay pati asawa ko ay nasigawan ko na. Hindi ko
sinasadya ang mga nangyayari. Alam ko namang wala naman siyang gusting isipin kundi an gaming
kaligtasan.

*insert lines 6 *

DJ 1:hanggang sa… Naatake ako sa puso na kinailangan nang operahan agad kundi mamatay na ako.

insert lines 7

DJ 2:Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko inaakalang mabubuhay pa pala ako. Dahil
nakikita ko ang liwanag na tumatawag sa pangalan ko at hindi kayo maniniwala pero nakausap ko ang
panginoon totoo siya, oo.

DJ 1:Doon ko nalaman lahat ng pagkakamali ko at pagkukulang sa buhay na humatak saakin na


kailangan ko nang magbago. Buti nalang mabait ang panginoon at binigyan pa ako ng isa pang buhay.

insert lines 8
SCRIPT

ENDING:

DJ 2: Ayan, narinig na po natin ang makabalaghang istorya na galing kay jane at ang kanyang pamilya
ayan.

DJ 1: Iba na talaga ang mga pagsubok na dumarating sa atin ano? Pati na mga kabataan ay nadadamay
na rin sa mga problema na hindi pa nila kakayanin.

DJ 2: kaya nga, at sa sobra pang haba ay nag overtime na tayo kaya baka pagalitan tayo ulit kaya mag
goodbye na tayo.

DJ 1: maraming salamat sa pakikinig sa ALASTRESORYA at sana ay marami kayong natutununan sa iyong


pagtututok

DJ 2: muli ako si dj Jani

DJ 1: At ako naman si DJ Cha cha,

BOTH: muli, magandang hapon sa inyong lahat.

SOUND EFFECTS

You might also like