You are on page 1of 6

Characters:

B1 = Joshua
B2 = Kennethdine
B3 = Francis
B4 = Alexandra
B5 = Stephen

DJ/Narrator = Melissa
Emcee = Jessa
Newscaster = Dianne
Police 1 = Jomar
Police 2= Shailla
Soud Effects = Edison
SOUNDS: DEAR MOR INTRO NUMBER 1

NARRATOR:
MAGANDANG HAPON MORKADA!! ANG ORAS NATIN NGAYON AY SAMPUNG
MINUTO MAKALIPAS ANG ALAS DOS NG HAPON, ARAW NG BIYERNES, IKA-
LABING TATLO NG NOBYEMBRE TAONG DALAWANG LIBO’T DALAWANG PU.

ISA NA NAMANG ISTORYA ANG ATING TUTUNGHAYAN, KAYA’T TUTOK LANG


DITO SA DEAR MOR, MORE DRAMA NG BUHAY, MORE KWENTO NA TUNAY,
MORAMING PASABOG, DITO LANG YAN SA M-O-R 101.9, MY ONLY RADIO FOR LIFE

SOUNDS: DEAR MOR INTRO NUMBER 2 + BACKGROUND MUSIC

Dear MOR,
Magandang hapon po DJ Melai pati na rin po sa inyong masusugid na tagapakinig.
Nakagawian ko na po ang makinig sa inyong programa habang ako ay nananghalian. Isa pong
malaking karangalan ang maibahagi at maitampok sa inyong programa ang aking kwento. Tawagin
niyo na lamang po ako sa pangalang ALEX. Panganay po ako sa tatlong magkakapatid at namulat
po ako sa isang mahirap na pamilya kung kaya’t bata pa lamang ay natuto na kaming tumayo sa
sarili naming mga paa. Lumipas ang mga taon at nakapagtapos ako sa kursong inhenyerong sibil,
nakapagtake at pumasa ng licensure exam. Ngunit, sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari,
nabago ang aking pananaw sa buhay:

SOUNDS: (tenennen tenenen tenenenen) tunog ng group call sa messenger

JOHN JOSHUA: Ano na naman kayang kailangan neto? Bat kaya to napatawag? (nagjoin sa
call)
JOHN JOSHUA: Oh, anong meron?
KENNETHDINE: STEPHEN, JOSHUA, ALEX, FRANCIS, MGA PRE! Nakita niyo na ba ung
result sa board exam?
FRANCIS: Whaaat?! Meron na ba?!
ALEXANDRA: The heck! Totoo nga! Meron na guys!!!
KENNETHDINE: ha ha ha ha Guessed what? Pasado lang naman tayong lahat!
STEPHEN: Putek!! OCHINANG, STEPHEN RUSSEL _. PASSED!!! Syeteeeee! Tara shottt!!
JOHN JOSHUA: I’m so speechless right now. Guys, … Please …. I couldn’t take this…. THIS
IS SO LIT! ENGINEERS NA TAYO MGA HANGAAAAAAALL!!!

NARRATOR:
Nagpatuloy ang masasayang pag-uusap ng mga magbabarkada sa group call. Makalipas ang isang
buwan, naganap na ang pinakaaasam-asam na oath-taking ceremony para sa mga nakapasa ng
Civil Engineering Licensure Exam.
EMCEE: (Closing Remarks) Engineers! Now is the time to redefine development – to change our
way of thinking and our way of doing, and give nothing less than our wholehearted commitment
to a safer world, a more resilient human society for many generations to come.

Again, congratulations, and thank you very much.

SOUNDS: CLAP

Narrator: Matapos ang ilang oras na programa, agad na nagsama ang mga magbabarkada.

FRANCIS: Nice mga pre! Congrats satin!!!


KENNETHDINE: Teka…. ‘Pre?!’ ….. Ayoko ng ‘pre’... Dapat, ‘Engineer’!
JOHN JOSHUA: Dami niyong alam. Anong plano guys? Hanap na ba tayo ng trabaho? San ang
prospect?
ALEXANDRA: Teka nga muna Joshua. Huminga ka naman! Chill muna tayo mga pre. What if,
mag-outing tayo? Like, out-of the town? Any comment or what?
STEPHEN: I agree with Alex. Tara let’s chill!! Let’s go to Baguio!!

NARRATOR:
Upang ipagdiwang ang kanilang pag pasa sa board exam, nagtungo ang mga inhinyerong
magkakaibigan sa Baguio. Habang binabaybay nila ang madilim na daan, may hindi inaasahang
pangyayari…

SOUNDS: BOOOOGHGSGDHS (CRASH)


(Napasigaw ang mga magkakaibigan dahil may nabangga sila)

NARRATOR: Agad na lumabas si Joshua na siyang nagmamananeho sa sasakyan

JOHN JOSHUA: Oh god!!


JOHN JOSHUA: anong gaagawin natin?
KENNETHDINE: tumawag na tayo ng police o ambulansya (natataranta)
FRANCIS: kakapasa palang natin! Tapos ganito na??!!(galit)
JOHN JOSHUA: ayoko din makulong no! U-u -umalis na lang tayo wala naman nakakita tsaka
di pa natin nakukuha lisensya natin ! Ganto pa naangyari.
KENNETHDINE: Naababaliw ka na ba? (Galit na natatakot)
ALEXANDRA: Guys! Kumalma muna kayo wala tayo magpapala kung nagsisishan at kung
tatakbuhan natin to.
KENNETHDINE: Tama si Alex! Wag tayo basta basta nagdedesisyon. Wag kayo magpatangay
sa emotion niyo. Gagawin natin ang tama. Irereport natin to sa pulis.
FRANCIS: Oops teka lang naman pre! Pulis kagad? Sino ba nakabangga ha?
STEPHEN: Kaya nga, sino ba yung nakabangga? Malay mo hindi naman natin kilala. Wag
tayong umamin mga tol.
KENNETHDINE: Regardless kung sinung nakabangga, dawit tayong lahat dito! LINTIK
NAMANG BUHAY TO!
FRANCIS: Icheck nyo kung humihinga pa!
ALEXANDRA: Wala nang pulso! Tumawag na tayo ng ambulansya!!!
STEPHEN: BA’T KA TATAWAG!? NAHIHIBANG KA NA BA?! GUSTO MO BANG
MAKULONG TAYO! KUNG WALA KANG PANGARAP SA BUHAY, PWES AKO
MARAMI PA!
JOHN JOSHUA: Tumigil nga kayo! Hindi kayo nakakatulong. Walang may gusto ng nangyari!
Gawan nalang natin to ng paraan!
FRANCIS: Ilagay nalang natin dyan sa mga damuhan at umalis na kaagad dito. Wala naman
sigurong CCTV sa lugar na to at bibihirang huminto ang mga sasakyan. Maaaring matagalan pa
bago nila makita yan sa damuhan.
JOHN JOSHUA: FRANCIS, STEPHEN, bilisan nyo. Tumulong kayo. Buhatin na natin to.

NARRATOR:
Agad na binuhat ang bangkay at niligay sa medyo malayong parte ng damuhan. Agad naman
silang bumalik at sumakay sa sasakyan.

JOHN JOSHUA: Walang babanggit o magchachat ng tungkol dito! Hindi to pwedeng ma-trace
satin.
STEPHEN: We need to delete the recordings on the dashcam as well. TARA NA! BAKA MAY
MAKAKITA PA SA ATIN!!

SOUNDS: TV PATROL INTRO

DIANE:
Nitong Huwebes lang, ika-5 ng Nobyembre, isang motorista ang na-hit and run ng van na
Mitsubishi L200 sa Kenon Road. Ito ay nagngangalang Rolly, 22 taong gulang. Kalunos lunos
ang inabot ng binatilyo dahil kahit protektado ito ay mabilis ang patakbo ng van. Naisugod pa
ang binata sa ospital ngunit binawian rin ng buhay. Nahagip naman ng CCTV ang plate number
ng sasakyan at kasalukuyang tinitrace. Kaya't paalala sa lahat ng driver na magdoble ingat upang
makaiwas sa aksidente. Diane Alvarado, nag-uulat.

KENNETHDINE: Mga pre tara suko na tayo, hindi kakayanin ng konsensya ko


ALEXANDRA: Kaya nga! ako rin, kahit anong tago natin lalabas at lalabas tong maling nagawa
natin at walang nakakaligtas sa batas!!
STEPHEN: Ayoko mga tol, hinding hindi ako susuko, hindi ko kakayaning mapunta ng
bilangguan at ayokong maging isang kahihiyan sa pamilya namin
KENNETHDINE: Hindi ba yan kahihiyan para sa sarili mo?
FRANCIS: Pero paano ang pamilya natin? Pano naman yung pamilya kong umaasa sakin?
Kapapasa lang natin, magtratrabaho pa tayo.
KENNETHDINE: Paano yung pamilya ng namatayan!!?
STEPHEN: Pag isipan niyo kung gusto niyong sumuko. Isipin niyo yung mga taong umaasa sa
atin!
KENNETHDINE: guys, kahit anong gawin natin mali ang ginawa natin may kasalanan tayo at
dapat mapanagutan natun yun sa ngalan ng batas
FRANCIS: pero..
KENNETHDINE: Mas lalo lang tayong masisira sa ginawa natin mas lalong bibigat ang kaso
natin.
FRANCIS: O sige, susuko tayo pagbalik natin sa probinsya.
JOHN JOSHUA: alam ko ako ang may kasalanan ako ang nagmamaneho ng sasakyan,
pasensya nadamay pa kayo. Ako nalang ang aako nito.
STEPHEN: Hindi joshua, sama sama tayo pumunta dito kaya di tayo mag iiwanan.
KENNETHDINE: pag uwi natin sa probinsya mag rereport na tayo agad.

NARRATOR:
Makalipas ang ilang oras na pagtatalo, napagdesisyunan nilang magtungo sa presinto at tuluyan
nang sumuko.

KENNETHDINE: Magandang hapon po! May impormasyon po kaming sasabihin about sa na


hit and run sa Kenon Road.
JOMAR: Magandang hapon din. Sige, maupo po kayo.
SHAILLA: Ano pong impormasyon ang maibibigay niyo?
FRANCIS: Nais po sana namin sumuko.
JOMAR: Bakit kayo susuko?
JOHN JOSHUA: May kinalaman po kami sa nangyaring aksidente sa Kenon Road netong
nakaraang huwebes.
FRANCIS: Hindi po naman namin sinasadya.
STEPHEN: Hindi rin po namin alam ang gagawin kaya umalis na lang po kami.
JOMAR: Sinong nagmamaneho ng sasakyan? Kayo ba ay nasa impluwensya ng alak o droga?
KENNETHDINE: Si Joshua po yung nagmamaneho at hindi po kami nakainom o gumagamit
ng droga
SHAILLA: Maaari mo bang isalaysay ang nangyari?

NARRATOR: Matapos isalaysay ng magbabarkada ang nangyari ay agad na silang hinuli ng


awtoridad at pinatawan ng karampatang parusa.

SHAILLA: Kung ganon, you are under arrest according to Article 275 of the Revised Penal
code—punished with imprisonment. A “hit and run” is a crime on top of the reckless imprudence
resulting in injury or death to person and damage to property.

NARRATOR:

Matapos ang hiring sa kaso, napatawan kami ng 10-15 years imprisonment ngunit kami ay
nakalaya ng maaga dahil na rin sa tulong ng parole. Napatawan kami ng parole dahil sa
pagkakaroon ng good conduct sa loob ng kulungan. Matapos ang 5-7 taon sa kulungan ay
nakalabas kami mag kakaibigan.

Hindi naging madali ang pagbabagong buhay naming, lalo na’t, nawalan na kami ng pribilehiyo
sa aming CE license. Pinilit at nagpursigi kaming maghanap ng iba’t ibang trabaho upang
makapag simula muli. Ilang taon ang nakalipas ay nagkaroon narin kami ng kanya kanyang
pamilya at maayos na trabaho. Ako ay isang sekretarya sa isang pribadong kompanya at may
maayos na ring pamilya.

Minsan sa buhay, darating talaga tayo sa point na mahihirapan tayong timbangin kung ano ang
ating magiging desisyon. Siguro, dahil na rin sa mga nakapaligid na mga responsibilidad na ating
gagampanan. Ngunit, lagi nating tatandaan na mas masayang mamuhay na mayroong malinis
ang kalooban, walang bahid ng konsensya at may dignidad. Maraming maraming salamat DJ
Melai sa pagbasa ng sulat kong ito. Sana kahit papaano ay nakapagbigay ng inspirasyon ang
kwento ko sa marami. May God bless you and more power pa sa Dear MOR. Lubos na
gumagalang, ALEX.

Ayan na nga mga MORkada, ating natunghayan ang buhay ni Alex na talaga namang
nakapagbigay ng mga aral sa atin. Kung ako siguro ay naroon rin sa pangyayaring iyon, hindi ko
rin alam ang gagawin ko. Syempre, kung iisipin natin ang ating pamilya, kawawa nga naman
sila. Ngunit kung titignan natin, ang isang pagkakamali ay maaaring masundan pa ulit ng isang
pagkakamali, hanggang sa puro mali na lamang ang ginagawa nating desisyon sa buhay. Kaya't
habang maaga pa at habang may pagkakataong ayusin ang mga maling eto, aba eh, kilos na mga
MORkada!

_____ minutes makalipas ang alas dos ng hapon. Maraming maraming salamat po sa mga
tumutok sa kwento ngayong araw. Ako po si DJ Melai ang inyong lingkod at magsama-sama
muli tayo bukas para sa isang nakakatawa, nakakakilig at nakakaiyak na kwentong tunay dito
lang yan sa DEAR MOR.

You might also like