You are on page 1of 7

PAGSULAT NG ISKRIP PANRADYO/TELEBISYON

1. Mahalagang pangangailangan sa iskrip panradyo at telebisyon ang maka-communicate,


ang madama, marinig, maranasan at manatili sa isipan ng nakikinig o nanonod ang
mensaheng nais ipaabot sa kanila.
2. Dapat isaisip ng sumulat ng iskrip panradyo na kailangan marinig ng mga tagapakinig
kung ano-ano ang isinasagawa ng mga tauhan ng dula. Halimbawa ay ganito.
“bubuksan ko ang sulat at babasahin ko kung ano ang nilalaman.” Tapos makakarinig
pa ng tunog ng pagbubukas ng sulat. Kailangan mailarawan sa isipan ng mga
tagapakinig kung ano-ano ang gnagawa ng mga gumaganap. Mahalaga rin ang angkop
ng tinig ng mga artista. Importante rin ang tinatawag na tagapagpatunog o sound
effects at musika.
3. Sa T.V. iskrip, dapat isaisip ng sumulat ang video (nakikita) at ang audio (naririnig)
dapat ding isaalang-alang ang pagpasok ng komersyal at pagpopokus ng kamera.
4. May sinusunod na pormat ang iskrip panradyo at pantelebisyon. Kailangang sa
malalaking titik ang mga sumusunod:
PAMAGAT NG DULA
PANGALAN NG SUMULAT
TAGPUAN
PINAPAKSA
ANG PAGLABAS
ANG PAGPASOK
GABI
ARAW
PANGALAN NG TAUHAN
LAHAT NG TUNOG
DIREKSYON NG KAMERA
PAGKUHA NG KAMERA

Pagsulat ng iskrip panradyo https://www.youtube.com/watch?v=pMh30aXR1F0


Dulang Panradyo

ITO ANG PALAD KO


ni Rustico Jhune Cristobal Fernadez

MGA TAUHAN ANDRO – A LIBERATED MAN, WHO IS SO AMBITIOS IN LIFE: A


DREAMER AND AN ACHIEVER AT 27.
CHONA – ANDRO’S 25 YEAR OLD LIVE –IN PARTNER, LIBERATED
AND EQUALLY AMBITIOUS.
ELMA – CHONA’S FRIEND. CONSERVATIVE BUT KIND HEARTED
ELMER – ANDRO’S FRIEND/OFFICE MATE, DIGNIFIED AND OLD
FASHIONED.

BIZ : STATION ID
BIZ : STANDARD INTRO
MUSIC : UP AND UNDER FOR
BIZ : COMMERCIAL 1
MUSIC : UP AND UNDER FOR

ANDRO : (NARR)...ANDRO GODINEZ ANG AKING PANGALAN, PRESENTLY


RESIDING HERE AT DAGAT-DAGATAN, PHASE 1. I AM A FAITHFUL
LOVER, AND AN AMBITIOUS DREAMER. NAGKATAONG ANG PAG-IBIG NA
ITO, AT PANGARAP, AY SABAY NA DUMATING SA AKING BUHAY. NOON
AY BENTE-SIYETE ANYOS NA AKO, AT KARANIWANG EMPLEYADO PA
LAMANG SA AMING OPISINA NANG DUMATING ANG ISANG BIYAYA NG
DIYOS SA AKING BUHAY-MAY ASAWA NA ITINURING KONG ISANG
MALAKING HADLANG SA AKING... TAGUMPAY. KAILANGAN KONG MAMILI
NOON: ANG AKIN BANG MAGIGING ANAK SA AKING
ASAWA, OR THE SUCCESSI'VE BEEN WORKING HARD FOR. GANITO KO
NILUTAS ANG BAGAY NA ITO NOON, MAY ANIM NA TAON NA ANG
NAKARAAN. PAGLUTAS
NA MULI LANG PALANG BABALIK SA ISANG MALAKING PROBLEMA.
TANDANG-TANDA KO PA ANG LAHAT.

BIZ : THE ETHEREAL EFFECT


BIZ : NIGHT-EFFECT

ELMA : (STUNNED) Ano kamo, Chona?


CHONA: (LAUGHS) Sabi ko, I'm pregnant, pero, hindi ako magiging...isang, INA!
ELMA :(CONFUSED) Paano kang hindi magiging isang Ina...e, ang sabi mo,
buntis ka!
CHONA: (HEAVES A SIGH) Sinabi ko nga (PAUSE) Hindi ko naman ikinakaila e!
ELMA: (HEAVES A CONFUSED SIGH) E, paano nangyari iyon, e.di ba, lahat ng
pagbubuntis nagwawakas sa (PAUSE) pagi-ging INA, ha?
CHONA : (LAUGHS) Magwawakas sa pagiging ina kung pangangatawanan. E,
kung hindi..e, di sa pagiging dalaga pa rin, di ba! (LAUGHS)
ELMA : (MORE CONFUSED) Ha! Aba'y (PAUSE, SIGHS THEN) tukuyin mo na
nga!
CHONA : (FRANKLY) Buntis ako, ipalalaglag ko.
ELMA :(ABACK) Ha! Ipa-Ipalalaglag mo?
CHONA : (CUTS IN LAUGHINGLY) Iyan ang uso ngayon! Abortion...para sa hindi
pa handa. Abortion na gagawin para kay Andro...para sa kanyang
ambisyon!

MUSIC: BRIDGE
OFFICE/SOUND OF TYPEWRITERS, ETC.

ELMER : (ABACK/STOPS TYPING)...Ano kamo? Napapayag mo ang Mrs. mo?


ANDRO : (LAUGHS)... Pards, hindi hastle si Esmi! Alam niyang we' re not yet
prepared so...bakit? (PAUSE), SIGHS, THEN) Bakit itutuloy ang paglobo ng
tiyan kung ang lalabas naman doon ay maghihirap lang, di ba?
ELMER : (IN DEAD TONE) Ewan ko sa inyo! Siguro nga, bagay kayo ng esposa
mong talaga!
ANDRO : (CUTS IN PROUDLY) Talaga!
ELMER :(CONTINUES SERIOUSLY) Noong una, Live-in, ngayon abortion..(PAUSE,
THEN)... What is next? Andro, ano pa ang isusunod ninyong dalawa ni
Chona doon?
ANDRO : (SIGHS THEN DREAMILY) Tagumpay, Pards! Tagumpay para sa aming
dalawa, ang magiging kasunod noon!

MUSIC : BRIDGE
BIZ : NIGHT EFFECT

ANDRO : (LOVINGLY) Nahirapan ka ba, Sweetheart, kanina, doon sa doktor?


CHONA :(SIGHS, THEN) Siyempre! Biruin mo, para na rin akong nanganak!
ANDRO : But you're happy, huh?
CHONA :(LAUGHS) Of course, tama ka, hindi lang naman ang batang inilaglag ko
kanina ang darating sa ating buhay e. Marami pa tayong magagawa, at
mas maganda, kung sa pagdating niyan...o, nila, ay, asensado ka na. Star
na sa kumpanya, burgis pa ang bulsa, di ba?

BIZ : COMMERCIAL 2
SOUND :SOUND EFFECT OF A DOOR THAT OPENS/CLOSES

ANDRO :(AFAR/HAPPILY) Hi, love!


CHONA : Hi, sweet!.
ANDRO :(WALKS TOWARDS CHONA) Sweet lang ang sasabihin mo?
CHONA :(LAUGHS) Dinner is ready too. Puwede ka nang tsumibog!
ANDRO :(LAUGHS) Iyan lang?
CHONA : (CUTS IN LAUGHINGLY) Ano pa ba ang gusto mong marinig,ha?
ANDRO :(LAUGHS, PAUSE, THEN, EXcITEDLY) Okey, ako na lang ang magsasabi
sa iyo, Love. Hindi mo masakyan, e!
CHONA : (LAUGHS, TEASES) Ulol! Nasakyan kita! Nahulog nga lang ako!
ANDRO :(LAUGHS, THEN, LOVINGLY) Iniistir mo ako, ha? Pwes, may sasabihin
naman ako sa iyong totoo!
CHONA : (EXCITEDLY) Ano iyon!
ANDRO :(LAUGHS, THEN) Chona (PAUSE, THEN PROUDLY) CONGRATULATIONS,
Mrs. Godinez
CHONA : (CUTS IN) Para kang doktor. Hindi ako buntis, ah!
ANDRO : (LAUGHS THEN PROUDLY) Congratulations, Mrs. Godinez, your live-in
husband is now the operation manager of the company! Hindi na ngayon,
Mr. ang tawag nila sa akin sa opisina kung hindi...Sir!
CHONA : (HAPPILY) E, di ang ibig sabihin noon...kapag dumalaw ako sa opisina
mo...ang magiging tawag nila sa akin ay.. Ma am
ANDRO :(PROUDLY) Yap! You're the Ma'am, because, I'm the Boss! I'm the Boss!

SOUND : OF LAUGHTERS FROM THE TWO


MUSIC: BRIDGE
BIZ : NIGHT EFFECT

ANDRO : Ngayong, I'm the boss.. ano ang una mong gagawin?
CHONA :(HAPPILY) Mag-shopping, dahil kailangan ko ng mga bagong get-up, ng
mga damit!
ANDRO :(JOKES) Bakit dadalaw ka na ba agad sa opisina bukas?
CHONA : (LOVINGLY) Oo, pagkatapos kong magpunta sa opisina ko.dati!
ANDRO :(PUZZLES) Opisina dati, bakit?
CHONA :(TENDERLY) Come on, Andro! Hindi naman masama, kung gusto ko ring
magtagumpay! Babalik ako doon. Magtatrabaho ulit at sasabayan kita sa
asenso, sa tagumpay!
ANDRO : (LOVINGLY) Kailangan pa ba iyon?
CHONA : (CUTS IN) Kailangan. Gusto kitang pantayan. E.. kailangan, may
ipagmalaki din si Babae kay lalake, di ba? Kailangan, pumantay kami sa
inyo, di ba?
ANDRO :Womans lib...?
CHONA : Woman's dream iyon, iyon!

MUSIC :BRIDGE
BIZ: RESTAURANT EFFECT
ELMA : (REACTS QUESTIONINGLY) Pinayagan ka naman niyang bumalik sa
office?
CHONA : Bakit ang hindi, doon naman ako galing ah... bago kami nagsama!
ELMA : (REACTS) E, kung itinuloy mo ba ang pagbubuntis noon.. e...di sana
nasa bahay ka na lang di ba?
CHONA : (CUTS IN) Elma, hindi porke't, chikas ka, kailangang nasa bahay ka na
lang.
ELMA :(HESITANTLY) Siguro, isa yan sa... sa dahilan, kung bakit mo inilaglag
ang anak mo noon ano?
CHONA : (CUTS IN DIGNIFIEDLY) Hindi! Nagpa-abort ako noon dahil hindi pa
umaasenso ang ka-live-in ko! Isa pa, talaga naming wala pa akong balak
magkaanak 'no (PAUSE, THEN) But come to think of it. Sa isang banda,
maganda rin din ba? Umasenso si Mr. ko dahil walang sagabal. Ang ibig
sabihin noon, asenso rin ako dahil wala ring sasagabal sa akin, di ba? Di
ba, Elma?

MUSIC: SEMI-CURTAIN
BIZ: COMMERCIAL 3
BIZ NIGHT EFFECT

CHONA : (TIREDLY) Madalas akong mahilo ngayon, Andro!


ANDRO :(CONCERNS) Baka dahil sa trabaho ah! Huminto ka na kaya?
CHONA : (REACTS) Hindi. Hindi dahil sa trabaho ko, e!
ANDRO : Paano mong natiyak.
CHONA : E, paano, ganitung-ganito rin ang una kong naramdaman nang una
akong ma-tesbun!
ANDRO : (HAPPILY) Ang ibig sabihin buntis ka na naman? Buntis ka ulit!
CHONA : Ano ang nakakatawa roon? Nagtatalik naman tayo, ah!
ANDRO :(LAUGHS) Ang ibig kong sabihin...ngayong dumating na ang pangalawa
mong pagbubuntis, huwag na nating palampasin iyan. Ituloy mo na!
(LAUGHS) Asenso na ako. Kaya ko na. Kaya na natin!
CHONA : (STUNNED) Andro!
ANDRO :(CUTS IN, HAPPILY) Tama ka! Andro! Andro ang kanyang magiging
pangalan kapag naging lalaki iyan! Junior Andro! Maganda, di ba? Junior
Andro!

MUSIC :BRIDGE
BIZ:SOUND EFFECT

ELMER : (PUZZLED) Ano bang, Pare..pare ang pinagsasabi mo diyan, hah?


ANDRO : (LAUGHS) Pare na ang tawag ko sa iyo, dahil, bombo na ulit ngayon si,
Esmi! at sa pagkakataong ito, itutuloy na naming So, ang ibig sabihin
magiging magkumpare na tayo!
ELMER : (SIGHSHAPPILY) Hay, salamat naman, kung ganoon! Akala ko e ang
ambisyon mo lange tumaas ang suweldo, at lumundag pwesto e...iyon
pala, balak mo rin palang maging triple
kayong mamamahay..ikaw...si Chona...at saka...
ANDRO : (CUTS IN HAPPILY) si Junior Andro! Si Junior Andro, pare, ang aanakin
mong ipinaglilihi pa lang sa kasalukuyan.

BRIDGE:MUSIC
BIZ:PARK-EFFECT

CHONA : (TO HERSELF) Paano ko sasabihin kay Andro na ayokong ituloy ang
pagbubuntis ko sa sa batang ito? Paano? (HEAVES OF SIGHS, THEN,
CONFUSEDLY) Ngayon pa lang napapansin ng aming Boss ang mga
performance ko sa office. At papaano, paano darating sa akin ang iniintay
kong promotion kung hahadlangan naman ako ng pagbubuntis kong ito?
Naguguluhan ako! Naguguluhan ako! (PAUSE, SIGHS HEAVILY, THEN)
Gusto na ni, Androng magkababy kami gusto ko rin namang umasenso na
nang walang magiging sagabal. (PAUSE, THEN) Gagawin ko ba ulit ang
minsan ko nang ginawa noon? Minsan ko nang nagawa, kaya ko pa ulit
dahil, this time, para naman sa akin..para naman sa akin ang tagumpay na
ito!

MUSIC: SEMI-CURTAIN
BIZ : COMMERCIAL 4
BIZ : NIGHT EFFECT
SOUND : EFFECT OF A DOOR THAT OPENS, CLOSES THEN...

ANDRO : (TIREDLY/ON TO MIKE) Love! Yuhuuu! Love!


ELMA : (WALKS IN) Ikaw pala, Andro. Nasa kuwarto ninyo si Chona,
namamahinga!
ANDRO :(IN FEAR) Bakit! Napaano ba siya?
ELMA : (PUZZLED) Naku, ewan ko ba diyan! Tinawagan ako, kanina sa opisina,
masama raw ang pakiramdam niya. Samahan ko raw siya rito!
ANDRO : (CONCERNS) Ganoon ba? A, Elma iyang mga gamot na dala m0, ako na
ang magpapasok sa kanya.
ELMA : (REACTs) Sige, heto,o..
ANDRO : (TAKES THE MEDICINE, THEN ABACK) Hu! (TO SELF) Ang mga tabletas
na ito...ito ang unang ininom ni Chona noong una siyang magpalaglag,
ah. Ito ngang mga tabletas na ito!

MUSIC: BRIDGE
BIZ: COMERCIAL 5
BIZ QUARELLING EFFECT
CHONA : C'mon, Andro. Minsan ko nang nagawa...hindi naman delikado
e...kaya...kaya...
ANDRO :(CUTS IN FURIOUSLY) Hindi ang minsang hindi nagbunga ng masama sa
iyo ang ating pinag-uusapan, kung hindi, ang minsang inulit mo na
naman!
CHONA : (CUTS IN/IRKED) Minsan ko pang ginawa para naman sa akin..para
naman sa asenso kong...gusto kong magkaroon ng katuparan..ng walang
sagabal!
ANDRO : (STRESSED ANGRILY) Pero Chona...pangalawang anak na natin iyan!
CHONA :(CUTS INARKED) Maaari pa tayong magkaroon ng pangatlo.
ANDRO :(ANGRILY) Anong klase kang ina!
CHONA :(ANGRILY) Huwag mo akong insultuhin! Kung para sa tagumpay mo,
nagawa ko...ngayon pa kayang...para sa akin naman...ha.. Andro?

BIZ : PARK WITH CHILDREN EFFECT


SOUND : OF CHILDREN LAUGHING, PLAYING, ETC..

ANDRO (TO SELF) Napakasasayang tingnan ang mga batang iyon. Naglalarong parang
walang hustle! (HEAVES A HEAVY SIGH) lyong dalawang batang iyon...
(BITTER) Siguro ganoon na kalalaki at kaku-cute ang mga anak ko kung
hindi ito parehong ipinalaglag ni Chona. Bakit kung kailan ako naghangad
ng isang anak saka pa dumating naman ang paghahangad ni Chona sa
tagumpay? (FAINTLY) Bakit? Bakit kung kailan maaari pa ulit ay hindi na
rin puwede dahil hiwalay na kami ni Chona? Bakit...? Bakit...?

MUSIC:CURTAIN
BIZ : COMERCIAL 6

ANDRO ;(NARR) Mga pagtatawanan at paglalaro ng mga batang nagsisilbing


bagabag sa konsensya ko. Aanhin ko ang tagumpay kung wala naman
akong hahandugan nito/ kung wala naman akong paglalaanan nito/
marahil ay ito ang kapalit ng tagumpay para sa akin. Tagumpay ang
mangarap sa iyo’y maihahambing na rin sa isang sinapit kong magandang
kapalarang ito, dahil… wala naming makikinabang. Marahil ay sadyang
ito… sadyang ito ang palad ko…

NOTE: MAAARING PALITAN ANG MUSIKA NA ILALAPAT

You might also like