You are on page 1of 10

BASAHIN AT UNAWAIN ANG TEKSTO.

Tulad ni Juan ang taong tamad kadalasa’y salat. Ngunit


nakatutuwang malaman na gaya ng mga ninuno natin na may
prinsipyo kaya’t salita’y panunumpa. Hihintayin ang pagbagsak ng
bayabas at di gagawa ng masama sa kapwa.
Karapat-dapat na itulad sa kasoy na di man hari ay nakaupo sa
trono ng paninindigan. Kapwa nagtataglay ng katangiang di takot
sumugal sa buhay.
Palibhasa’y sing giting ng mga ninuno na ang nais gawin
ngayon ay di na pinagpapabukas pa. Di-hamak na makatotohanan na
may pakpak ang balita at may tainga ang lupang patunay sa
pagsasalindila ng mga karunungang-bayan gabay ng mga Pilipino sa
ngayon.
ay isang paraan ng paglalahad. Nagbibigay-linaw sa isang paksa sa
pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang bagay na
pinaghahambing.

Hindi natin namamalayan,ngunit kung papansinin, ang


paghahambing ay bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Sa
pagpili ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na ating
kakainin, sa sasakyang ating sasakyan o sa lugar na ating
pupuntahan, kadalasan ang mga ito ay naisasagawa natin kung
mayroon tayong paghahambingan.
1. Magkatulad na Paghahambing-ang paghahambing kung
patas na katangian ang pinagtutulad. Ginagamit ang mga
panlapi at katagang hambingan tulad ng mga ss:
1.1. Ka- nangangahulugang kaisa o katulad
Halimbawa: Kadugo ni Samuela si Lapu-lapu.
1.2.Magka- nangangahulugan din ng kaisahan at pagtutulad.
Halimbawa: Magkapareho kaming nagsunog ng kilay sa pag-aaral.
1.3.Sing(sin-/sim-) gaya rin ng KA-, nagagamit ito sa lahat ng
pagkakatulad.
Halimbawa: Singhinhin ng birhen kaya’t matiyagang nanalangin.
1.4. Kasing- (kasin-/kasim-)
Hal: Kasing kulay ng pulang rosas ang dugo ng kanilang
kabayanihan.
1.5. Magsing-(magkasin-/magkasim-)ang pagtutulad ay
napipisan o nagkasama sa paksa ng pangungusap.
Hal: Magkasingkulay baro naming ni Amor.
1.6. Ga- nangangahulugan ng gaya,tulad, paris,para
Hal: Gamais ang bato ng singsing ni Darna.
1.7. Pareho at Kapwa ay maaari ring maghambing na magkatulad.
Hal: Kapwa kaming mataba ng aking ina.
2. Di-Magkatulad na Paghahambing-
ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng
pagtanggi,pagkakait o pagsalungat sa nais patunayan ng
pahayag. May dalawang uri nito, pasahol at palamang

2.1. Hambingang Pasahol- may higit o nakalalamang na


katangian ang pinaghahambingan.
2.1.1. Lalo- nangangahulugang pagpapahigit sa “kulang”
ng katangian.
Hal: Lalong mutain ang batang iyakin.
2.1.2. Di- gasino- ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng
tao.
Hal: Di-gasinong tanyag si Adarna gaya ni Darna.
2.1.3.Di-gaano- ginagamit lamang sa mga hambingang bagay.
Hal: Di-gaanong matalino ang mag-aaral na pabaya sa kaniyang
talino.
2.1.4.Di-totoo- nangangahulugan ng pagbabawas sa karaniwang uri.
Hal: Hindi totoong mahirap biruin ang lasing huwag lang sa
bagong gising.
2. Hambingang palamang- may higit na katangian ang
inihahambing.
2.1.1.Lalo- paghahambing na may kalamangan
Hal: Lalong masarap biruin ang lasing huwag lang ang sa bagong gising.
2.1.2. Higit/Mas- kaysa/kaysa sa/kay
Hal: Higit na mabuti’y gawin ang magagawa ngayon at di na ipagpabukas
pa.
2.1.3. Labis-tulad din ng higit/mas
Hal: Labis na mapili si Clara sa mapapangasawa kaya’t napili’y bungi.
2.1.4.Di-hamak- karaniwang isinusunod na pang-uri.
Hal: Malupit na di hamak ang mga sundalong Hapon kaysa sa sundalong
Amerikano.
1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay
ngayon.
2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon sa paaralan
kompara sa dati.
3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.
4. Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay ang kabataan
ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.
5. Parehong maganda ang aking nanay at lola dahil magkamukha
sila.

You might also like