You are on page 1of 2

QUARTER 4

FILIPINO 10 – WEEK 5
WORKSHEET
(Asynchronous)

Pangalan: __________________________________ Iskor: _____________________


Baitang at Pangkat: _______________________ Guro: _____________________

EL FILIBUSTERISMO
Aralin 4.5: Kabanata 30 – Si Huli
Learning Activity Sheet 5

I. PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat bilang.

Hermana Bali Padre Camorra Basilio

Huli Kabesang Tales Tandang Selo

1. Ang prayle na may lihim na pagnanasa sa dalagang si Huli.


2. Ang mag-aaral na nanatili sa bilangguan .
3. Ang babaeng kasama ni Huli sa pagtungo sa kumbento.
4. Ang ama ni Huli na dinukot ng mga Tulisan.
5. Ang babaeng tumalon mula sa bintana ng kumbento.

II. PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari, gamitin ang A,B,C,D at E.


1. Kinabukasan ay nawala na si Tandang Selo sa nayon, bitbit ang gamit sa pangangaso.
2. Lumapit si Hermana Bali sa Kawani dala ang salaping nalikom para kay Basilio.
3. Kinagabihan ay pinag-usapan sa nayon ang pagkamatay ng isang dalaga na tumalon
mula sa bintana ng kumbento.
4. Nakarating kay Huli ang balita na tanging si Basilio na lamang ang naiwang
nakabilanggo.
5. Nagtulong-tulong ang mga maralita at kamag-anak ni Basilio upang makalikom ng
salaping pantubos sa kanya sa bilangguan.

III. PANUTO: Sagutin ang mga katanungan batay sa binasang kabanata tungkol kay
Huli.
1. Bakit binalak ni Huli na magpatiwakal?
2. Isa-isahin ang mga ginawa ni Huli upang matulungang makalaya si Basilio.
3. Bakit nagdadalawang-isip si Huli na lumapit kay Padre Camorra?
4. Ilahad ang kinahinatnan ni Huli.
5. Sa iyong palagay,tama ba na isuong ni Huli sa panganib ang kaniyang buhay para kay
Basilio? Bakit?

IV. PANUTO: Piliin ang angkop na salita/pahayag na naghahambing upang mabuo ang
pangungusap.
1. ( Parehong, Higit ) nabigo sa pag-ibig sina Basilio at Crisostomo Ibarra.
2. Sina Huli at Paulita Gomez ay ( kapwa, di-gaanong ) magandang dalaga kaya’t marami
ang humahanga.
3. ( Labis, Higit ) na takot ang naramdaman ni Huli nang malamang ipapapatay si Basilio.
4. Si Huli ay pinagnasaan din ng prayle ( di-tulad, tulad ) ni Maria Clara.
5. ( Di-gaano, Lalong) malulungkot si Kabesang Tales kapag nalaman niya ang sinapit ng
anak na si Huli.

Inihanda ni:
Grace G. Torres
Inihanda ni:
Grace G. Torres

You might also like