You are on page 1of 3

“ANG BAGONG SIMULA” GROUP 2

DJ JANNA : magandang hapon, Luzon ,visayas at Mindanao. Andito na naman po ang inyong programang lagging inaabangan.

DJ CHRISTIAN : isang kwento na naming mag papaantig sa inyong puso ngayong araw!

DJ JANNA : sa tingin mo ba dj CHRISTIAN maganda ang istoryang ito?

DJ CHRISTIAN : ABA! Oo naman , kaya naman DJ JANNA wag na natin patagalin umpisahan na natin ang kwento.

DJ JANNA : Ang kwentong ito ay pinamagatang “ ANG BAGONG SIMULA”

MUSIC__________....

THEA : O, Ate SANDRA, bakit ka andito? Hindi ba’t sabi may sakit ka? Halos ‘di ka na nga makapagsalita kagabi sa telepono
kagabi ah.

SANDRA : THEA naman. Alam mo namang di ko matitiis ang hindi pumasok. Napakalaking kawalan ang isang araw na pagtigil ko
sa bahay. (Uubo nang sunod-sunod). Alam mo rin naming kulang pa rin ang sweldo ko at ni RAYJOHN sa pabrika para makaraos
kami e. Kaya bawat araw na kita e mahalaga. Alam mo iyan. Maiintindihan mo rin ako pag nagkapamilya ka.
THEA : Hay naku. E papatayin mo naman iyang sarili mo! Ano ka ba. Tignan mo nga ‘yang itsura mo? Nanlalalim na yung mata
mo. Nagpatingin ka na ba sa doktor?

SANDRA : Hindi pa. (ubo) Ordinaryong ubo lang naman ito. Tsaka, pinag-iipunan pa namin ngayon ni Rayjohn yung pambayad sa
loan ni GIAN. Malapit na matapos ang sem. Nanghihinayang ako sa perang magagastos sa pagpapatingin sa doktor tapos
reresetahan lang ako ng mga mamahaling gamot. Lalo lang ako magkakasakit no’n e. Lalo pa ngayon, di naman dumating yung
bigas natin. Dagdag pa iyon sa gastos. Hay. (ubo)

THEA : Hay naku. Ewan ko sa ‘yo. Masyado mo nang inaabuso iyang katawan mo. Hay. Kung ibinibigay na kasi sana sa atin
yung 10-day sick leave, e di sana makakapagpahinga ka ng kahit isang araw nang walang iniisip na mababawas sa sahod mo.

SANDRA : Umasa na lang tayo na sana nga (ubo) ibigay na sa atin yun.

HERSHEY : SANDRA, i-type mo ito tapos isend mo dito. Kailangan iyan ngayong tanghali. Pakibilis na lang. Tapos pakidala na rin
ng projector sa class ko after 30 minutes. Okay? Wag mo kalimutan iyan. Importante yan

SANDRA : Okey po ma’am. (Ubo)


HERSHEY : at yung lunch ko pala mamaya ha, alam mo naman kung saan bibilhin. May meeting lang ako kay ANDREA.

THEA : (pabulong) grabe naman makapag-utos. Parang di nakikitang may sakit yung tao.

SANDRA : Hayaan mo na. (ubo) sige, sisimulan ko na ‘to. At bumalik ka na rin dun sa pwesto mo.

THEA : Ate SAN—DRA! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Ate SANDRA! Gumising ka!

DR. JHONBERT : Bakit ngayon ninyo lang siya dinala? She’s been suffering from her illness for quite some time.

RAYJOHN : Dok, ano po bang sakit niya?

DR. JHONBERT : She has lung cancer. Stage 3 na at kumakalat na rin yun sa mga katabi pang organ. Pwede nating subukang
operahan siya pero hindi natin sigurado kung kakayanin niya, lalo na ng puso niya na medyo apektado na rin ng cancer.
RAYJOHN : (Nanginginig ang boses) Dok, pakiusap. Gawin ni’yo po ang magagawa ni’yo para iligtas ang asawa ko. Nakikiusap
po ako.

DR. JHONBERT : Ipinapaalala ko lang na ang operasyong ito ay walang kasiguraduhan. Maaari po nating subukan but I cannot
assure you na maililigtas natin siya.

DR. JHONBERT : Mister, ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo na hindi kami nagtagumpay. Hindi na niya kinaya. Pasensiya na
po.

RAYJOHN : Hindi totoo yan. Hindi! SANDRA!

CLEMENTE : Ako po si CLEMENTE mula sa STAND-UP. Nakikiramay po ako at ang aming samahan sa sinapit ni Ate SANDRA.
Nakita ko po ang naging kontribusyon niya sa aming departamento kaya naman malaki ang pagpapasalamat naming sa kaniya.

RAYJOHN : Salamat iho. Natutuwa ako na makarinig ng mga salitang ganyan tungkol sa aking asawa. Naniniwala akong hindi
naman nasayang ang sampung taon niyang pamamalagi sa unibersidad dahil kahit paano’y natulungan niya kayo.

CLEMENTE : Opo. Sobra. Sayang nga lamang at wala na siya.

GIAN : Kahit masakit para sa amin, natutunan na rin naming ang maging masaya para sa kaniya. Nakita rin naming ang naging
paghihirap niya. At least ngayon, okey na si mama. Nakakapagpahinga na siya.

ADRIAN EMIL : Papa, andiyan po si Tita THEA.

RAYJOHN : O THEA. Halika dito. May isang estudyante dito na galing daw sa department ninyo. Si CLEMENTE.

THEA : Ah oo, parang nakikita nga kita. Buti napadalaw ka?

CLEMENTE : Nang marinig po kasi naming yung nangyari kay Ate SANDRA, nalungkot po kami. Bilang miyembro po ng
STAND-UP, malaki po ang pagkilala naming sa mga kawani at sinusuportahan naming ang laban ninyo para inyong mga
benepisyo. Alam po namin ang mga hinaing ninyo at mga karapatang di nakukuha. Kaya naman alam namin ang hirap ng
sitwasyon ninyo at lubos po ang aming pakikiramay sa pagkawala ni Ate SANDRA.

THEA : Salamat sa mga estudyanteng gaya mo na may pakialam sa aming di naman itinuturing na mahalaga ang
papel sa unibersidad. Nakakatuwang isipin na isa ka sa mga kabataang sumusuporta sa amin. Hay. Kung sana lang nakukuha
naming ang mga benepisyo namin, hindi siguro masyadong mabigat ang buhay para sa amin, lalo na sa mga gaya ni Ate SANDRA
na may pamilyang binubuhay. Kaso wala. Umaasa na lang kami sa kakarampot na sweldo tuwing kinsenas at katapusan para
mabuhay. Yung mga benepisyong inaasahan naming makuha e ‘di dumarating.

RAYJOHN : Gano’n naman ang sistema dito sa atin. Kapag maliit ka, binabalewala ka lang. Mahirap na nga, lalo
pang pinapahirapan.

CLEMENTE : Naiintindihan po naming kayo. Kaya naman po patuloy ang pakikiisa ng grupo naming sa All UP
Workers Union sa pagsusulong ng pantay na karapatan para sa mga kawani.

RAYJOHN : Talaga? Naku, salamat nang marami. Hindi ko akalaing may mga katulad ninyo pa lang
nagmamalasakit sa mga gaya ng asawa ko. Maari ba akong sumama? Sabi nga nila, lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan.
At ang pagkawala siguro ni SANDRA ang hudyat na dapat na rin akong makialam at ipaglaban ang aking karapatan.

CLEMENTE : Aba, oo naman po! Malugod naming tatanggapin ang inyong pakikiisa! Sama-sama po nating
ipaglalaban ang ating mga karapatan.
THEA : Hoy, RAYJOHN, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?

RAYJOHN : Oo, THEA. Dahil kay SANDRA, gusto ko na ring makiisa sa laban ninyo para sa inyong mga karapatan.
Nakita mo ang hirap ni SANDRA. At alam kong marami pang kagaya niya, kagaya ninyo. Kaya ito na siguro ang pagkakataon ko
para palitan ang mga sakripisyo ni SANDRA noon. Para ‘to sa kaniya. At sa inyo na rin.

THEA : Kung gano’n.. sasama ako! Sasali na rin ako!

CLEMENTE : Naku, maganda po iyan. Asahan po ninyo ang aming suporta’t pakikiisa. Sama-sama nating igigiit ang
ating mga karapatan. At ipagdarasal rin po namin ang inyong pamilya, Mang RAYJOHN.

RAYJOHN : Salamat iho.

DJ JANNA : Humaba ang gabi para sa tatlo. Pinag-usapan nila ang mga alaala ni SANDRA, gayon na rin ang kanilang mga
plano. Tunay ngang nakahanap sila ng kakampi sa bawat isa. At napatunayan nilang ang bawat pagtatapos ay isang panibagong
simula at ang bawat pamamaalam, hatid ay bagong pag-asa.

You might also like