You are on page 1of 7

UCSP

ROLEPLAY (society)

SCENE 1
(Classroom)

Narrator: Isang araw sa isang paaralang na nagngangalang “University of Mindanao”, may


apat na batang muslim na gustong mapalawak ang kanilang mga kaalaman sa buhay at sa
mundong kanilang kinatatayuan.
(habang nagsasalita si narrator papasok na yung apat at uupo sa upuan)

Cristal: Ui mangunay alam mo na ba yung didiscuss ni Ma’am Catenza?


Mangunay: Hindi eh, tanungin natin si Ezekiel baka may idea siya.
Cristal: Sige-sige, Ikaw Ezekiel may alam ka na ba na pwede i topic ni maam ngayon?
Ezekiel: Teka lang tanungin ko din si Sophia (then bigla na darating si maam Morante)
Sophia: Ui ui anjan na si Maám tahimik na….
Maam Catenza: Good Morning class!
ALL: Good Morning Maám Catenza, It’s nice to see you.
Maam Catenza: Thank you mga anak, pls take your seats.
Maam Catenza: Okay class attendance muna tayo.
Maam Catenza:Cristal
Cristal: Present
Maam Catenza: Ezekiel
Ezekiel: Present po
Maam Catenza: Sophia
Sophia: Present po maam
Maam Catenza: Mangunay
Mangunay: Andito po maam
Maam Catenza: Ok mukhang andito naman kayo lahat, magsisimula na tayo.
Maam Catenza: May mga idea ba kayo sa magiging lesson natin for today?
ikaw Francheska mayroon ka bang idea?
Mangunay: wala po.
Sophia: (mag raise hand)
Maam Catenza: ok sige ikaw Sophia
Sophia: try ko lang po maam, siguro po ang topic po natin ngayon is about sa society?
Maam Catenza: yes tama, so mayroon akong iku kwento sa inyo patungkol sa magiging
lesson natin ngayong araw.
Maam Catenza: ang titulo nito ay “Ang pamilya ng magsasakang muslim”
(mag transition na parang nasa imagination)

SCENE 2
“Point of view or the Imagination of the students”
(Farm)
Narrator
{Maam Catenza}: Sa lupain ng mga zafar, may isang pamilyang muslim na ang kabuhayan ay
pagsasaka, ganoon man ang kanilang kabuhayan masaya at kuntento na sila sa pagmamahalan ng
isa’t isa. (habang nagsasalita dito gumagalaw galaw na tayo “ act like
a happy family”)

Zain: Anak lalabas lang si tatay, para matapos ko ang sakahin ng maaga.
Amirah: Sige po tay.
Sidra: Zain wag ka mag papatuyo ng pawis ah, baka magkasakit ka…
(Sasabihin mo yan bago umalis si Zain)
Zain: Oo wag ka mag alala mahal, ako pa ba. ( lalabas si Zain)

Narrator
{Maam Catenza}: Pumunta na si Zain sa sakahan upang magtanim ng mga palay.

Zain: Aray ko… (habang humahawak sa likod at balikat)


Zain: Ang sakit na ng katawan ko, pero kailangan ko ito ituloy para maitaguyod ko ang pamilya
ko.

Narrator
{Maam Catenza}: Habang nasa sakahan si Zain, ang mag ina ay nag mimiryenda naman
habang nakikinig sa radyo. Hanggang sa narinig nila na magkakaroon ng bagyo at tatama
sa lugar nila.

Radyo
{Cheska}: Ayon sa PAG-ASA report may isang low pressure area ang namataan dito po
sa silangan ng mindanao and as of 6 in the morning nabuo ito sa loob ng ating Philippine
Area of responsibility. Patuloy nitong pinalalakas ang hanging habagat at hinihila
papasok papuntang Mindanao at muling namataan ang bagyo sa layong 330 km sa
silangan ng davao city. Within the next 24 hours or hanggang bukas po ay inaaasahan ang
malakas na hangin at bugso. yan ang latest mula sa PAG-ASA report. Ako po si
Francheska Mangunay, magplano para sigurado,mag ingat po tayong lahat.

Amirah: Nay may papasok na bagyo sa lugar natin paano na tayo niyan nila tatay.
Sidra: Kailangan nating sabihan agad ang tatay mo, tara't puntahan natin ang tatay mo
upang malaman niya agad ang patungkol dito.
Amirah: sige po inay, mabuti pa nga po.
(dali daling pagpunta sa tatay)
Zain: Oh bakit naparito kayo ng nanay mo? may kailangan ba kayo? may nangyari ba?
(nag aalalang face)
Sidra: naparito kami dahil habang nagmimiryenda kami at nakikinig sa radyo, nabalitaan
namin na magkakaroon ng malakas na bagyong papasok dito sa atin.
Zain: Nako papaano na ang ating palayan, siguradong masisira lahat ng ito.
Sidra: Tara na Zain halina’t umuwi na tayo mas importante ang ating kalusugan kaysa sa kahit
na anong bagay, baka ano pa ang mangyari satin pag hindi pa tayo umuwi.
(nag mamadaling umuwi)

Narrator
{Maam Catenza}: makalipas ang araw ay nagsisimula ng umulan ulan at nakatutok sa balita
ang pamilyang muslim upang malaman nila kung ano na ang nangyayari.

Reporter
{Catenza}: Lalo pang lumakas bilang super typhoon ang bagyong "Francheska" nakataas na
ang
signal no. 4 sa manay davao
Signal no. 3 sa Caraga davao, mati davao, at agusan del sur
Nakataas naman ang signal 2 sa ilang bahagi ng surigao del sur (tandag city, lingig, san agustin)
signal no.1 naman sa davao del norte.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layo ng 170 km sa silangan ng davao oriental Taglay
nito ang lakas ng hanging nasa 195 kph at bugsong aabot sa 240 kph patuloy ang pagkilos nito
pasilangan sa bilis ng 20 kph. Ayon sa PAGASA inaasahan itong magla landfall o tatama sa
eastern portion ng davao del norte ngayong hapon o gabi saka tatawid ng zamboanga peninsula.
Pinalalakas din ng bagyo ang hanging habagat ng magdudulot ng matintinding pag ulan at
matinding alon sa karagatan.
Zain: Naku nagsisimula na ang ulan at ang malakas na hangin, siguradong sira na at wala
na namang aanihin. Yun na nga lang hanapbuhay natin, mawawala pa.
Sidra: Nako Mahal iniisip mo nanaman iyan, isipin mo nalang ang bawat sarili natin
kailangan nating maging ligtas, lalo nat malakas ang bagyo. Ang Allah na ang bahala sa
atin.
Amirah: Tay tama si Inay, kaya po magdasal nalang po tayo na gabayan tayo ni Allah.
Alam kong hindi tayo pababayaan ng diyos Allah natin.
Zain: Mabuti pa nga at magdasal na tayo (pupwesto na nagdadasal pang muslim)

Narrator
{Maam Catenza}: Nakapasok na ang malakas na bagyo sa lugar ng davao at kina
hapunan ay nakaalis na din ang bagyo, ng tumila na ang ulan ay dali daling lumabas ng
kanilang bahay si mang Zain at mayroong nag aalalang mukha upang puntahan ang
sakahan at ng madatnan niya ito ay sira sira na.
Maiyak iyak na si Mang Zain sa nakita niya at hindi na alam ang gagawin sa buhay.

Zain: Halos lahat ng aking pinaghirapan ay nawala sa isang iglap at kakaunti lang ang
naligtas mula sa pinsalang ito. (Umiiyak na sinasabi ni Zain)
Zain: Di ko na alam ang aking gagawin sapagkat ito lang ang aming pangkabuhayan.

Narrator
{Maam Catenza}: Napa upo nalang si Zain sa lungkot at lalim ng kanyang iniisip.
Habang nagluluksa si Zain sumunod ang maginang si Amirah at Sidra upang tingnan ang
kalagayan nito at ng kanilang palayan. (dahan dahan lalapit kay zain then hahawakan
ang balikat nito.)

Amirah: Tay tahan na po ayos lang po ito tay, ang mahalaga po ay ligtas po tayo at
magkakasama parin po.
Sidra: Tama ang anak natin Zain, Alam ko din na magagawan natin ito ng paraan. Tsaka
may mga natira parin namang mga tanim na ating pedeng ibenta.
Zain: Sige pumasok na kayo sa loob at pupulutin ko na ang mga natira dito. (malungkot
parin)
Amirah: Tay tulungan kana po namin ni nanay. (nakangiting pagsabi)

Narrator
{Maam Catenza}: Habang nag pupulot ang pamilya, nagpaalam si Sidra upang ayusin
ang paglalagyan ng mga tinda at ayusin ang magiging presyo ng mga natitirang tanim.

Sidra: Zain at Amirah teka lang at ihahanda ko na ang ating tindahan at mga paglalagyan
ng tinda.
Amirah: Sige po nay, kami na muna po ni tatay ang bahala dito.
Sidra: Salamat anak. Zain ikaw na muna mag bantay kay Amirah. (dahan dahan aalis)
Zain: Wag ka mag alala ako na ang bahala dito.
Sidra dahan dahan lang, madulas ang putik dito sa bukirin.(sasabihin habang umaalis si
Sidra)
Amirah: Tay dadalhin po ba natin ito lahat kay nanay?
Zain: Oo anak, tara na’t dalhin na natin ang mga ito. (nagsasalita habang nag aayo)
Narrator
{Maam Catenza}: Habang nag aayos ng mga paninda si Sidra ay may dumating na, na
isang mamimili.

Sidra: hi ate ganda bili ka na!


Cheska: Magkano po ang kilo ng bigas ate? (Mataray na pagtatanong)
Sidra: 80 po ang kilo
Cheska: (dito na magrarant si cheska about sa presyo)(gigil) (bawal mag mura)
Sidra: Nako ate pasensya kana, nagkaroon po kasi ng bagyo at pahirapan ang ani ngayon
sa sakahan ng asawa ko kaya’t nag taas ang presyo ng bigas, pasensya na po ulit.
Cheska: Hay nako kayo talagang mga muslim! hindi na sana kayo nagtinda
apakamamahal ng benta mo sa bigas! (galit) (walk out)

Narrator
{Maam Catenza}:Madami na ang mga taong nagagalit at nagrereklamo sa lugar ng
davao dahil sa pag taas ng mga bilihin pati narin ang bigas.

Reporter
{Catenza}:Ang Bagyong "francheska" ay tumawid sa isang lugar na halos kasing laki ng
Portugal sa mga bahagi ng mindanao na nagbubunga ng dalawang ani ng palay sa isang
taon, noong Marso/Abril at Septyebre, at nagbibigay ng higit sa isang-kapat ng kabuuang
produksyon ng bigas ng bansa. Ayon sa ulat, 77 percent of farmers have lost their
primary source of income, and more than 850,000 people working in agriculture, many of
whom are basic living rice farmers, have been affected. Sidra Zafar's, a 40 year old
farmer was greatly affected by the typhoon, she saw her husband’s 1.3 hectare destroyed
in October _____ and knows all too well the impact of the typhoon on their family's
livelihood. Narito ngayon si Aling Sidra ang asawa ni Mang Zain upang ibahagi sa inyo
ang kanyang nararamdaman ukol sa epekto ng nabagyong mga ani nito sa kanyang
pamilya (iinterview hin si Sidra)

Reporter
{Catenza}: Hello po magandang umaga po Aling Sidra, kamusta po kayo?

Sidra: Magandang umaga din po, malaki po ang naging epekto ng bagyo sa aming
pamilya, kami po ay ganap ng umaasa sa pagsasaka at wala man lang mapagkukunan ng
mga binhing itatanim, ngunit hindi ito ang magiging dahilan upang mawalan kami ng
pag-asa. Kami po ay nagsisikap na magtrabaho upang makabangon muli, malaki po ang
naging epekto saaming pamilya at negosyo ng asawa ko ang bagyo na tumama dito po
saaming lugar.
Reporter
{Catenza}: madami daw nagereklamo sainyong mga nagbebenta ng bigas patungkol sa pagtaas
ng presyo ng bigas?

Sidra: Opo mam, hindi naman po naming mga magsasakang gustuhin na taasan ang
presyo ng bigas kaso po ay binagyo at ang mga palay na naitanim ay nasira lahat.

Reporter
{Catenza}: Maraming salamat po aling sidra. Ngayon ay iinterview hin naman natin ang mga
mamimili ng bigas.
(pupunta kay Cheska)

Reporter
{Catenza}: Hello po aling Cheska, Magandang umaga po.

Cheska: Magandang umaga din po. Hello mga anak at mga pinsan ko pala dyan, nasa tv akoo
guys, artista na ko!! woohhh!!

Reporter
{Catenza}: (tatawa mahinhin lang)😂
Aling Cheska konting katanungan lang po, bilang isang mamimili at bilang isang kasapi ng
mamamayan ano po ang masasabi nyo sa mga pagtaas ng presyo ng bilihin katulad ng bigas?

Cheska: Naku yung mga muslim nayan paka abusado sa mga presyo, palibhasa mga mukang
pera. pare-parehas tayong binagyo dito aba! ayus ayusin nyo din mga pananamit nyo at akoy
naaalibadbaran sainyo. Kung mag presyo sa bigas ay akala mong ginto ang binibenta.

Reporter
{Catenza}: ay haha (tawang awkward)
ok na po maraming salamat po Aling Cheska sa inyong pagsagot sa aking katangungan. Ngayon
at nalaman na natin ang mga naging epekto ng bagyo sa lugar ng davao ay maaari din po kayong
magbigay ng donasyon. itawag lang sa number ng 1234567890. Maraming salamat po. Ito ang
TV NEWS (uhm kuya pa cut nalang)(sabay baba ng cam)

behind the scene:

{Catenza}: Aling Cheska, 'wag naman po tayong ganon magsalita sa kapwa. Kahit iba po ang
Relihiyon nila ay pare pareho parin po tayo. Huwag po tayong mangmaliit ng iba dahil may ibat
iba din po tayong sitwasyon o problema sa ating mga buhay, matuto nalang po tayo rumespeto
ng buhay ng bawat tao.

Cheska: pasensya na po sa mga nasabi ko lalo na sa pamilya nila Sidra.

{Catenza}: Aling Cheska basta po ay hindi na mauulit ang ganito.


(then magsosorry ulit si cheska kay sidra)

Cheska: Aling Sidra pasensya na po sa aking naging reaksyon kanina. nabigla lang po ako sa
pagbabago ng presyo, sana po mapatawad niyo ako.

Sidra: Nako ayos lang yun, naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo, lahat tayo ay
alam kong naghihirap dahil sa bagyo na nangyari.

Narrator
{Maam Catenza}: Napatawad naman agad ni aling Sidra si Aling Cheska at makalipas
ang isang buwan ay bumalik na muli sa tamang presyo ang mga bilihin at unti unti na
muling nakakaahon ang pamilya ni Zain sa hirap.

SCENE 3
(Back to Classroom)
Teacher
{Maam Catenza}: At doon na nga nagtatapos ang aking kuwento. Nagustuhan nyo ba?

Students: Opo

Teacher
{Maam Catenza }: At dahil nagustuhan ninyo ang kuwento ay magpaparecitation ako
sainyo para naman malaman ko kung nakikinig ba talaga kayo.

Students: (tahimik)

Teacher
{Maam Catenza}: Okay cheska. (tatayo si Cheska)
Ang tanong ko sayo is, Ano ang natutunan mo sa kuwento na binasa ko sainyo?

Cheska: uhmm (ngingiti ngiti lang)

Teacher
{Maam Catenza}: Nako mukang di nakinig si Cheska sige call a friend (Cristal)

Cheska: si Cristal po.

Cristal: uhm ang natutunan ko po is huwag po tayong manlait ng kapwa, kahit ano man
ang iyong relihiyon o katayuan sa buhay. Lahat po tayo ay pantay-pantay.

Teacher
{Maam Catenza}: Tama, sige ikaw Ezekiel ano natutunan mo?

Ezekiel: Ang natutunan ko po ay kahit ano mang problema ang dumating matuto po
tayong magtulungan o tumulong at magkaisa upang malampasan nating lahat ang mga
ganitong sitwasyon sa buhay.

Teacher
{Maam Catenza}: tama at ngayong may natutuhan kayo is sana ay tumatak sa mga isip
nyo ang salitang RESPECT sapagkat kahit saang bansa ka pumunta ay kailangan ng
bawat isa yan. Each and everyone of us should learn the way to recognize our neighbors
who have largely been ignored, whose voices have been silenced by the cultural norms.
Love your recognition that the gift of a diverse community is for few people, if only we
find a way to be open to it. It is high time for us all to recognize the value we each hold
and stop the divisive and discrimination and instead come together in solidarity for
human values.

the end. (bow na lahat)

GROUP (SOCIETY)
Script writers
: All
Ideas
: All

Members and Characters:


Jon Ezekiel F. Morales = Zain Zafar, Student (Ezekiel), Camera man
Sophia Mariz Y. Morante = Sidra Zafar, Student (Sophia)
Ritzel Joy D. Catenza = Narrator, Teacher, Reporter
Cristal A. Azores = Amirah Zafar, Student (Cristal)
Francheska U. Mangunay = Costumer, Student (Mangunay), Radyo

Explain konti kung paano nangyari and your roles…

You might also like