Professional Documents
Culture Documents
CHAPTER 2
Written by
Mars Hilario
2017
CASTS
SARAH as SARAH
Cj as Kapatid niSARAH
JEROME as Panganay anak sa Unang asawa ni Dolores
Mae as Pinsan niSARAH
Ella As Nanay ni Mae at Tyahin ni SARAH
ADDITIONAL CAST
CYNTHIA (Teens)
ABBY
ALMEDA (Teens)
BETONG
BARBIE
TEYA Thalia
BOY HAMOG
BRUNO
TINGKAY
GANDARA PAK Sir Jun
TOMMY
SASHA
YOYOY
ALLIYAH Mia Mina
Bata 1
Bata 2
Bata 3
Bata 4
Bata 5
Bata 6
Magsasaka 1
Magsasaka 2
Magsasaka 3
Mga Police
Mga DSWD Worker
Mga Mangingisda
Tricycle Driver
Pasahero
SEQ.30 SA BAHAY NILA SARAH / DAY SHOOT
CJ: Ate huwag nyo po akong iiwan sa kanila (nagmamakaawa ito, nakayakap sa kapatid.)
SARAH: Mabuting tao naman ang Tiyahin natin CJ, kaya mas maaalagaan ka nila, makakapag-
aral ka pa. Di ba gusto mo, ang makapag-aral?
SARAH: CJ, panandalIANlang ang paghihiwalay natin. At huwag kang mag-alala, palagi ka pa
ring bibisitahin ni ate.
TIYA LINDA: Halika na CJ, huwag kang mag-alala, magkikita pa rin kayo ng ate mo.
CYNTHIA: Huwag ka mag-alala SARAH Pinsan mo ako at promise hindi ko sya pababayaan, alam
mo naman na matagal ko nang pangarap na magkaroon ng kapatid na lalaki diba?
TIYA LINDA: SARAH, Aalagaan ko si CJ na parang tunay kong anak. Basta alagaan mo rin ang
sarili mo ha?
SARAH: Opo, maraming-maraming salamat po.
CYNTHIA: Cj TARAna kanina pa naghihintay ang sasakyan natin.
MAE: Tahan naSARAH, isipin mo na lang na magiging maganda ang kalagayan ni CJ kina Tiya
Linda, mas maaalagaan sya doon.
SARAH: Isasama na ako ng Tiya Ella ko. Kaya gusto kong magpaalam sayo.
JEROME: Saan ka naman pupunta?
SARAH: Sa General Santos City.
JEROME: Di ba sa Mindanao ‘yon? Ang layo non SARAH. (malungkot ang boses nito)
SARAH: Mag-aaral ulit ako.
JEROME: Masaya ako para sa’yo, SARAH.
SARAH: Salamat JEROME! nandito ka palagi sa tabi ko bilang isang kaibigan.
JEROME: Nandito lang ako para sa’yo, SARAH. Ikaw yata ang bestfriend ko. Basta huwag mo
akong makakalimutan kahit magkakalayo na tayo ha?
Napatingin pa ito sa tsinelas na suot ni JEROME, na bigay ni Margareth sa kanila. Katulad nya,
suot-suot nya pa rin ang tsinelas na bigay rin ni Margareth.
Camera to bracelet.
Masuyong hinawakan ni JEROME ang kanang braso ni SARAH at isinuot ang bracelet dito.May
nakaukit na BFF sa bracelet. Napangiti si SARAH.
At nakipag-fist bump pa ito sa kaibigan, bilang tanda rin ng kanilang friendship sign. Tumugon si
SARAH. Napatitig sya kay JEROME, pinipigilan ang maluha.
SARAH: Nay, aalis na po ako papuntang Gensan. Alam mo ‘Nay, sobrang miss ko na po kayo.
Maraming salamat po sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nyo sa amin ni CJ. Lagi po kayong
nasa puso ko. Mahal po namin kayo ni CJ. Hinding-hindi po namin kayo makakalimutan.
At muling naalala niSARAH ang mga sandaling kasama nito ang ina, ang paglalako nila ng
tinapa, at ang pag-aalaga nito sa kanila ni CJ.
Kinabukasan, bumiyahe na sina SARAH, Mae at ang Tiya Ella nito papuntang Gensan.
TIYA ELLA: May isang importanteng tao akong ipapakilala sa’yo, SARAH.
SARAH: Talaga po? Sino po siya?
TIYA ELLA: Halika, naroon sya sa may bangka.
RALPH: Ate Ella? Nakabisita ka? Ni hindi ka man lang nagpasabi (gulat ito at napatingin sya kay
SARAH)
Cut.
ELLA: Nong nakaraang buwan lang. Inatake sya sa sakit sa puso. Kaya ako nandito para ihabilin
sa’yo ang anak mong si SARAH.
ELLA: Oo, at kaylangan nya ng isang magulang ngayon. Si CJ napunta na kina Linda at sila na raw
ang bahala sa bata.
ELLA: Hindi ka rin matatandaan ni CJ kasi sanggol palang sya noong iniwan mo. Hindi ko nga
alam kung matatandaan ka pa ni SARAH dahil tatlong taong gulang pa lamang sya nong umalis
ka.
RALPH: Ate, alam mo naman ang dahilan di ba? Hindi ko kayang iwan ang pamilya ko dito.
ELLA: Anak mo rin ang batang yan (sabay lingon kay SARAH) kaya responsibilidad mo na si
SARAH ngayon.
Cut.
ELLA: SARAH?
SARAH: (Haharap kay Tiya Ella)
ELLA: Siya nga pala si RALPH, ang kapatid ko. Huwag ka magugulat sa sasabihin ko sayo.
SARAH: Hindi po kayo ang tatay ko, kasi matagal na po patay ang tatay ko. Hindi maaaring kayo
ang Tatay ko! Hindi!
RALPH: Patawarin nyo ako anak. Nagsinungaling ako sa nanay nyo, pero ang totoo’y buhay ako.
Marami akong dapat ipaliwanag sa’yo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
SARAH: (may hinanakit ang tinig nito na humarap ito sa ama) Ano po bang nangyari sa inyo?
Bakit nyo kami iniwan?
RALPH: Anak, sa ngayon hindi mo pa mauunawaan pero gusto ko lang malaman mo na may iba
akong pamilya bago ko pa nakilala ang Nanay mo.
Natahimik si SARAH.
RALPH: May asawa’t mga anak ako bago ko nakilala ang Nanay mo. Nagawa ko kayong iwan
para sa kanila.
RALPH: Dahil naduwag ako. Dahil hindi ko kayo kayang panagutan. Kaya pinili kong tumakbo at
magtago, Kasalanan ko lahat anak! Kasalanan ko.
Napaluha si SARAH. Pero mas nanaig ang galit na nararamdaman para sa ama.
RALPH: Anak, hindi ko hinihiling na mapatawad mo ako agad, pero sana maunawaan mo ang
Tatay.
SARAH: Hindi ko po alam kung kaylan ko kayo mapapatawad. Dahil sobrang sakit ang ginawa
nyo sa amin nina Nanay. Iniwan nyo kami. Pinabayaan nyo kami.
Nangingilid ang mga luha niSARAH.
RALPH: Sa ngayon, ikaw muna ang priority ko anak. Sa susunod kapag handa na ang tatay,
kukunin ko na rin si CJ at pinapangako ko na makakasama mo na sya ulit.
RALPH: Anak, ito si Tita Sabel mo, ang asawa ko. (pagpapakilala nito sabay akbay sa asawa na
tipid lang na ngumiti sa kanya) Sabel, siya si SARAH ang anak ko.
Tumangu-tango lamang si Sabel, halata sa mukha nito ang hindi pagka-gusto sa kanya pero
sinikap pa rin ni SARAH ang maging magalang.
SABEL: O sya, tama na. Ipasok mo na ang mga gamit mo sa kwarto mo at tumulong ka sa
paghahanda ng pagkain natin.
RALPH: Mga anak, lumapit kayo sa akin (ngunit hindi agad lumapit ang tatlo dahil abala sila sa
kanilang panonood ng TV) Ano ba ang sabi ko sa inyo, na bawal humarap sa TV kapag
nagsasalita ako.
JAYSON: Kapatid? Meron kaming kapatid sa iba nyong nagging asawa? Ibig sabihin niloko nyo si
Mama? Kaya naman pala kinabahan ako kanina habang pasahero ko sila sa Bangka.
Janelle: Gawan nyo sya ng sariling kwarto o kaya dun sa tabi ng mga aso. Ayaw ko syang katabi.
SARAH: Tama na po, kahit saan po okay ako sanay naman po ako na matulog sa sahig. Huwag
nyo na po syang pagalitan. Tama naman po sila wala po ako karapatang matulog sa tabi nya.
Napansin rin niSARAH na iba ang mga tingin ng mga kapatid nito sa kanya na halatang naiirita.
Dahil maging sila hindi makapaniwalang may kapatid sila sa labas.
Camera to Janelle galit nag alit sa balita ng Ama.
Camera to Joshua and Jayson.
Camera to SARAH.
Cut
SEQ. 36 SA BAHAY NILA RALPH / DAY SHOOT
Hindi naging madali kay SARAH ang pagtira sa bahay ng kanyang ama, ang inaakala nyang
magkakaroon sya ng magandang buhay ay kabaligTARAn sa inaasahan nya.Hindi naging
maganda ang pakikitungo ng mag-iina ni RALPH sa kanya. Inalila sya ng mga ito.
SABEL: SARAH! Ano bang bata to, ang kupad-kupad mong kumilos, saan na ba ang pagkain
namin ha? (pasigaw)
JANELLE: Para kang pagong kung kumilos, aba’y gutom na kami ah. (maTARAy nitong sabi)
SABEL: Anong kulang? Tama ang perang binigay ko sa’yo ah. Siguro kinukupitan mo na ako ah.
RALPH: Anong kaguluhan na naman ito, aba’y kanina ko pa naririnig ang ingay nyo ah.
(kagigising lang nito)
Isang galit na Sabel ang tinaTARAyan na naman si SARAH isang araw. Nasa likod ng bahay si
SARAH habang naglalaba ng mga kurtina.
SABEL: Eto ulitin mo! (sabay hagis ng mga damit sa mukha ni SARAH) Kapag hindi mo pa ‘yan
inayos, ewan ko na lang sayo!
Minsan isinama ni Janelle ang tatlo nitong kaklase sa kanilang bahay na sina Janice, Flordeliz,
Abby at Marjorie.
JANELLE: SARAH, nagugutom kami ng mga classmates ko, handaan mo nga kami ng meryenda.
SARAH: (habang naglilinis ng kusina) Sige, sandali lang, tatapusin ko lang ito.
JANELLE: Tatapusin mo pa yan? Aba’y gutom na kami! Pakibilisan naman!
JANELLE: Ganun talaga e. Maraming nahuhuling isda si Tatay, kaya dumarami benta namin, at
dadami na rin pera namin.
FLORDELIZ: Mabuti pa kayo yayaman na. Oy, huwag mo kaming kalimutan kapag yumaman na
kayo ha, Janelle.
ABBY: Asaka pa Marjorie no, ang hirap ng buhay magsasaka, baka kuba na mga magulang natin
mahirap parin tayo.Hindi tulad ng Japan ang Pilipinas. Doon mag magsasaka ka ikaw na ang
pinakamayaman ditto sa atin kung magsasaka ka o mangingisda ka ikaw ang pinaka mahirap,
hays buhay talaga!
SARAH: Kumusta ka na kaya? Sana okay ka lang. Miss na miss na kita CJ. Miss na miss na kita
kapatid ko. Gustong-gusto na kitang makita.
Maya-maya’y napatingin ito sa kanyang suot na friendship bracelet na bigay ni JEROME, mas lalo
syang napaluha. Miss na miss na nito ang kaibigan.
Cut.
Sa kabilang dako, sa isang lumang bodega, may ilang mga batang ipinasok roon. Naka-blindfold
ang mga ito. Sila ang mga biktima ng isang sindikato. Maya-maya’y pinatanggal sa kanila ang
blindfold. May takot at pangamba ang mga mukha ng mga bata nang makita sa harap nila ang
mga armadong mga lalake.
Camera to a Van.
Camera to the kids.
Cameda sa mga sindikato.
TAUHAN: Kayong mga baguhan. Makinig kayo sa sasabihin namin. Mamamalimos kayo sa
lansangan at sa bawat mapaglilimusan ninyo ay ibibigay nyo sa amin. Gusto namin ibigay nyo ng
buong-buo! Ayaw na ayaw namin ang pasaway dito! Nagkakaintindihan ba tayo?
MGA BATA: Opo!!!
Nag-aral ng mabuti si SARAH, kahit hindi sapat ang baon nito, kahit kalam ang sikmura ay hindi
alintana sa kanya. Nasa student lounge sya at nagbabasa ng libro nang biglang may dalawang
batang lalake ang lumapit sa kanya. Mga kaklase nya pa ito.
SARAH: Sorry, pero paano kayo matututo kung nangongopya lang kayo ng ibang assignment?
BATA 3 : Akin na nga yan! (pilit na inaagaw ang libro ni SARAH, habang ang isang bata naman ay
inagaw ang bag nito)
Biglang may isang batang lalake ang lumapit sa kanila. Halos kasing-edad lamang ito niSARAH.
Norbert ang pangalan nito.
NORBERT: Ano ba yan! Babae na pala ang pinapatulan nyo ngayon. Ako kaya ang harapin nyo.
(matapang ang boses nito)
NORBERT: Bakit naman hindi makikialam e mga palaaway kayo. At babae pa yang pinagtri-tripan
nyo
NORBERT: Kapag hindi pa kayo tumigil sa ginagawa nyo, isusumbong ko kayo sa Principal.
Nagsialisan na lamang ang dalawang bata matapos marinig ang salitang ‘’principal’’ Lumapit
naman si Norbert at pinulot ang librong nahulog at ibinigay kay SARAH.
NORBERT: Ayoko kasing nakakakita ng mga batang binu-bully lalo na kapag batang babae pa.
Ako nga pala si Norbert. (nakangiti pa ito habang nakalahad ang kamay para makipag-shake
hands sa kanya.)
At agad itong umalis. Napatitig na lamang si SARAH sa papalayong si Norbert. Samantala nakita
naman ni Janelle ang eksenang iyon, iisang paaralan lamang sila ni SARAH. Napatingin si Janelle
sa kinaroroonan ni Norbert.
Minsan, pag-uwi niSARAH, nakita nyang nasa sala at naglalaro ang tatlong kapatid, bago kasi
ang mga laruan nito.
JANELLE: Kawawa naman ang iba dyan, walang bagong laruan. (halatang nagpapa-inggit)
JOSHUA: Binilhan kami ni Papa ng bagong laruan, hindi ka ba naiinggit?
SARAH: Hindi naman ako maiinggit, masaya naman ako para sa inyo.
JANELLE: Kunwari ka pa, ang sabihin mo naiinggit ka kasi ni hindi mo pa maranasang magkaroon
ng mamahaling laruan.
JAYSON: Ano ba kayong dalawa, hayaan nyo nga si SARAH, naku kapag naiinggit yan baka
maiyak pa yan.
Camera to Manika.
Camera to SARAH habang naka-upo sa gilid ng kama.
Cut.
SEQ. 45 SA BAHAY NI RALPH / NIGHT SHOOT
SABEL: Pinatira mo na nga dito ang bastarda mong anak, tapos ngayon gusto mo pang dalhin
dito ang isa mo pang anak? Para ano? Dagdag palamunin? Talaga bang sinusubukan mo ang
pasensya ko ha?
RALPH: Ako pa rin ang ama sa bahay na ‘to, ako ang kumakayod para maibigay ang
pangangailangan ninyo. Kaya may karapatan akong magdisisyon.
SABEL: Kaya ba ilang beses kang nagtaksil at niloko ang pamilyang ito dahil gusto mong ikaw
ang nasusunod, dahil sa ikaw ang ama ng tahanang ito, ganun ba?
Natahimik si RALPH.
SABEL: Alam mong labag sa loob ko ang patirahin ang anak mo sa bahay na to pero ginawa mo
pa rin. Hindi ka na nahiya sa akin at sa mga anak mo, kaya huwag kang magtataka kung bakit
hindi namin sya gusto, dahil siya ang bunga ng kataksilan mo!
BATANG: Wala ito Hon ito kasing mga batang ito an gaga-aga pinapainit ang ulo ko. Magsialis
nga kayo sa harap ko baka kung ano pa magawa ko sa inyo.
BATANG: Hoy, ako ang magdidikta kung kelan kayo kakain o hindi! Ayokong binabawasan nyo
ng malaki ang perang pinaglilimusan nyo! Alis!
ALMEDA: Hon relax ang puso mo. Samahan mo na lang ako mag shopping please!
Sandaling lumayo si ANGEL at tumabi sa dalawang bata sa isang sulok. Ito ang magkapatid
naIAN at TARA.
Tulog na ang lahat ng mga bata sa lumang bodegang iyon maliban kay ANGEL.Panay ang iyak
nito, narining sya ng ibang bata.
BETONG: Ayos ka lang ba? Siguro nami-miss mo na ang pamilya mo ano?
ANGEL: Wala na akong pamilya, iniwan na rin ako ng kapatid ko. Kaya mag-isa na lang ako.
Nami-miss ko lang ang Manila at ibang mga kaibigan ko roon.
ANGEL: Sige, matutulog na ako ha? Ano nga pala pangalan mo?
CASTRO: Ako si Castro.Sya naman si Barbie at Betong magkapatid sila.
ANGEL: Sige Castro, matulog ka na rin, maaga pa tayo bukas bago tayo mapagalitan ni bosing.
CASTRO: Basta, tandaan mo lang na palaging nakabantay sayo ang kapatid mo sa langit. Sige
good night.
Camera to ANGEL, Castro, TARA and IAN habang namamalimos at nagtitinda ng sampaguita sa
daan.
TEYA: Hoy! Sino kayo?! Bakit nandito kayo sa teritoryo namin ha?
BOY HAMOG: Oo nga! Umalis nga kayo dito.
Matapang na humarap si ANGEL sa kanila.
ANGEL: Hoy din kayo!! Bakit, sa inyo ba itong lugar na to ha? Pagmamay-ari ito ng Pilipinas!
ANGEL: Oo aalis kami, hindi nyo na kami kailangan takutin, kahit malaki kayo kaysa sa amin, hindi
kami natatakot sa inyo! Mga mukhang palakang ito.
At nagmamadaling umalis.
ANGEL: (Lilingon sa mga kalalkihang nagpaalis sa kanila at makikitang sumisinghot ng rugby ang
mga ito)
Cut.
SEQ. 49 SA PALENGKE / DAY SHOOT
GANDARA PAK: Hoy! Ibalik nyo ang paninda ko anak ng lintik mga batang ito wala pa akong
benta.Tulungan nyo ako ninakawan na naman ako ng batang kalye nay an.
GANDARA PAK: Ay Hello Gandara Pak ang pangalan ko, tinder ako ditto yung mga batang paslit
ninakawan na naman ako. Hindi lang isang beses yan nila ginawa sa akin.
GANDARA PAK: Yung Puso ko! Ay I mean yung mga paninda kung karne. Tulungan mo naman
ako oh!
TONY: Pwede bang mas malaki ang sa akin kasi inaalala ko ang tatay ko baka paluin ako kung
wala akong dalang pang-ulam.
RALPH: Gusto kitang ipasyal syempre, at gusto rin sana kitang makausap, anak. Gusto kong
malaman kong masaya ka pa ba sa pagtira mo sa bahay?
SARAH: Aaminin ko po ‘tay, nahihirapan na po ako dahil sa trato nila sa akin, pero dahil gusto
kong makapag-aral at makatapos, kaya’t kinakaya ko na lang po.
RALPH: Anak, hindi ganitong klaseng buhay ang gusto kong ibigay sa’yo pero naiintindihan mo
naman di ba?
SARAH: Naiintindihan ko naman po e, may magagawa pa po ba ako? Sila ang una nyong
pamilya, at anak nyo lamang ako sa labas.
RALPH: Anak!
SARAH: Ayoko na po sanang pag-usapan pa kung bakit nyo kami iniwan, kung bakit nyo kami
niloko, tapos na yun e. Pero sana naman po, kahit ngayon lang, kahit isang beses lang,
ipagtanggol nyo naman po ako sa pamilya nyo, kahit minsan lang po, maramdaman ko naman
na naging ama kayo sa akin.
Napaluha si SARAH. Natahimik naman si RALPH, nahabag ito sa anak, at hindi maitago ang guilt
na nararamdaman.
SARAH: Alam nyo po ba na si Nanay ang nagturo sa akin na maging matapang. Marami na po
kaming napagdaanan ‘tay. Sa lahat ng hirap at sakit, nakaya namin, natiis naming kahit wala ka.
SARAH: Kaya kung ako po ang dahilan ng madalas nyong pag-aaway ni Tita Sabel, mabuti pa po
sigurong ibalik nyo na ako sa Maynila.
RALPH: Hindi, ayokong malayo ka ulit sa akin anak. Nangako ako sa Nanay mo na aalagaan kita,
kayo ni CJ hangga’t nabubuhay ako. At inuulit ko anak, patawarin mo ako, mahina ang loob ng
Tatay. Pero kahit mahina ako, tutulungan ko pa rin kayo dahil mahal ko kayo.
Patuloy sa pagluha si SARAH, yayakapin sana sya ng ama pero umiwas sya dito. Hinawakan na
lamang nito ang kamay ng anak.
Cut.
Sakuta ng mga sindikato, heto at nakapila na naman ang mga bata para ibigay sa boss ang
kanilang pinaglimusan. Nagkataong maliit lang ang perang nalimos ni IAN
BATANG: Kulang ito! Ako ba’y dinadaya nyo ha? (sabay sapak kay IAN)
TARA: Huwag nyo pong sasaktan ang kapatid ko.
ANGEL: Huwag po! May sakit po si IAN. (Lumapit rin it okay IAN)
BATANG: Ang sabihin mo nagsasakit-sakitan lang yan para makaiwas sa trabaho.Umalis kayo
dyan baka kayo ang masaktan ko!
Lumapit na rin ang ilang bata para ipagtanggol si IAN. Kabilang si Castro.
Ngunit sa halip na maawa, tinulak ng BATANG ang mga bata kaya bumagsak ito sa sahig.
Nagsipag-iyakan ang mga ito.
BATANG: Huwag nyong sasabihin kung anong gusto kong gawin sa inyo, ako pa rin ang
masusunod dito, nagkakaintindihan ba tayo?!!
LAHAT: Opo!!!
Nagulat si SARAH.
Darating si Norbert.
NORBERT: Kaya kapag narinig ko pang inaasar nyo ang kapatid ko, malilintikan kayo sa akin!
Ano?
NORBERT: Ano ka ba? Wala iyon. Di ba sabi ko naman sayo ayoko ng nakakakita ng mga batang
binu-bully.
SARAH: Salamat ulit Norbert, dahil dyan ililibre kita ng pang-recess mamaya, kaso banana-q lang
ang kaya kong bilhin.
NORBERT: Kahit isang pirasong fishball pa yan, choks lang sakin (Kikindat kay SARAH). Pero di
mo na ako kailangang ilibre, makatulong lang ako sa’yo at sa mga batang nabu-bully, masaya na
ako.
SARAH: Napaka-bait mo, sana nga totoo kitang kapatid.
NORBERT: (napangiti, medyo nahihiya) Ay, ayoko namang maging kapatid mo ako.
SARAH: Bakit naman?
NORBERT: Basta sige male-late na ako sa klase ko, bye!
Napangiti na lamang si SARAH habang papaalis ito.Sa may di-kalayuan naman ay nakamasid
lamang si Janelle sa kanila, ito kasi ang nagpakalat sa ilang mga bata na anak lamang sa labas si
SARAH.
Araw ng Sabado. Madaling araw. Paalis na sana si RALPH papuntang laot para mangisda nang
lapitan sya ni SARAH.
RALPH: Ang aga mong nagising ah? Pero hindi pwede anak, mahihirapan ka lang sa laot. At saka
isa pa, hindi ka sanay sa gawaing ito.
RALPH: Sa isang canteen, tindera sya doon. Maganda ang Inay mo at nahulog ang loob ko sa
kanya. Dumating ang panahon na kailangan ko na kayong iwan kaya nagawa ko ang
magsinungaling.Sinabi ko sa Inay mo na maaassign ako sa malayong lugar at matatagalan bago
makabalik. Puno ng pangako at pag-asa ang iniwan ko sa Inay mo. Pero lahat ng iyon ay
kasinungalingan.
RALPH: Anak, nagsinungaling ako sa Inay mo at sa inyo. Gumawa ako telegrama na nagsasabing
ako ay naaksidente at namatay. Hindi na maiuuwi ang aking bangkay at doon na rin inilibing.
Masakit para sa akin ang iiwan kayo sa ganong sitwasyon pero natakot ako anak. Natakot sa mga
posibleng mangyari at pinili ko ang pamilyang kinabibilangan mo ngayon.
RALPH: (Yayakapin ang anak) Pinagsisihan ko ang lahat anak. Sana mapatawad ako ng Inay mo
at ikaw anak sana mapatawad mo ako. Habang buhay kung dadalhin ang bigat na
nararamdaman ko dahil sa mga kasalanang nagawa ko sa inyo.
SARAH: Itay! Pinapatawad kona po kayo. Isa lang po dalangin ko sa ngayon, sana masaya na si
Inay kung saan man sya ngayon naroon. Mahirap ang mawalan ng Inay pero naging matapang
po ako para sa kapatid ko at sa mga pangakong binitawan k okay Inay. Hindi po ako titigil Itay
hanggat hindi ko natutupad lahat ng pangarap ko. Hindi po ako susuko. Lalo po lumakas ang
loob ko kasi nandyan kayo. Sana po hindi na kayo mawala sa akin ulit.
Cut.
Pagdating sa bahay, pumasok sa silid si SARAH at napansin si Janelle na suot ang bracelet na
bigay sa kanya ni JEROME.Biglang sumama ang loob nito.
SARAH: (bumulong sa sarili) Kalma lang SARAH, kalma lang. Hangga’t mahal ka ni Itay at nandito
si JEROME sa bracelet na ito, walang sinumang makakasira ng mga pangarap mo.
Isang umaga, nadatnan niRALPH si SARAH na mag-isang naglalaba kanilang mga damit. Habang
sina Sabel at ang mga bata ay nasa sala at nanonood ng TV. Halata sa itsura ng anak ang pagod.
Hindi na nakasagot si SARAH nang biglang ihagis ng ama ang mga labahin sa sahig. Narinig ni
Sabel ang ingay na iyon. Pinuntahan nila ito.
RALPH: Walang kasalanan si SARAH, walang kasalanan ang anak ko. At hindi sya katulong sa
bahay na ito. Hindi ko sya pinatira dito sa bahay ko para alilain nyo lang! (galit na ito)
SABEL: Anong gusto mong mangyari sa anak mo? Ang maging buhay prinsesa, ha?
RALPH: At anong gusto mong mangyari sa tatlo nating anak? Ang maging batugan? Ang turuan
na kamuhIAN ang kapatid nila wala namang kamalay-malay ang bata kung bakit nangyayari ito.
SABEL: Kasalanan mo kung bakit kailangan nya pagdaanan ang lahat ng ito.
RALPH: Hanggang kaylan mo ba ipapamukha sa akin ang kasalanang iyon ha, Sabel? Walang
kasalanan si SARAH pero sya ang pinapahirapan nyo!
JAYSON: Tay, tama na po, huwag nyo naman sigawan ang nanay.
RALPH: SARAH, ihanda mo na mga gamit mo, aalis na tayo dito anak.
SABEL: Sige umalis kayo!! Lumayas kayo sa pamamahay ko!
Napaiyak naman sina Janelle, Joshua maliban kay JAYSON nang malamang aalis ang kanilang
ama.
CUT.
Heto naman si ANGEL, nasa gitna ng lansangan at namamalimos kasama ang ilang mga batang
nagtitiis sa gitna ng init ng araw. Kasama ang magkapatid na sina IAN at TARA.
Malungkot na sinubo ni ANGEL ang tinapay. Baon ang alaala nong nakakasama pa nito ang
kapatid. Bumalik sa kanyang alaala nang kasa-kasama nya pa ito habang magkasalo sa ilang
pirasong tinapay.
TARA: Ang lungkot ng buhay natin ano? Kaylan kaya natin malalampasan ang lahat ng ito.
ANGEL: Siguro ang magdasal. Tama, kaylangan nating magdasal. Siguro naman walang
imposible sa Diyos di ba?
IAN: Tama, sige magdasal tayo. Teka, ang dami ko kasing gustong hilingin sa Diyos, ano kayang
dapat mauna?
TARA: Diyos ko, sana po makauwi na kami ni IAN kasi miss na miss na po namin ang pamilya
namin. Alam po naming nag-aalala na ang mga magulang namin sa amin. Sana po magkita-kita
na po kami ulit.
IAN: Sana po mapalaya na kami mula sa mga sindikato kasi nahihirapan na po talaga kami, kami
ang naghahanap ng pera, pero sila po ang nakikinabang.
ANGEL: Lord, hindi po ako paladasal noon, pero sa ngayon po, sa tingin ko kailangan ko ng
magdasal. Kasi naniniwala ako na Kayo lamang po ang makakatulong sa sitwasyon namin
ngayon. Kailangan po namin ang tulong nyo.
Sa isang bukid na bahagi ng General Santos. Nakilala niSARAH sina Aling Belen, ito ang ina ni
RALPH. Ipinaliwanag na rin ni RALPH ang lahat sa kanyang mga magulang.
LOLA BELEN: Ikaw ang aking apo. Ang ganda-ganda mong bata (sabay yakap kay SARAH at
hinalikan pa ito sa noo) Bukas ang bahay na ito para sayo apo.
ALLIYAH: Ate Sarah pwede ko ba hawakan ang mukha mo? Sabi kasi ni Lola maganda ka raw eh.
LOLA BELEN: Teka, nagugutom ka na ba, ipaghahanda kita ng makakain ha? Mamaya darating
na rin ang Lolo Cardo mo, kasama ang pinsan mong si TANYA. Naku makakasundo mo rin ang
batang yun.
SARAH: Ang ganda naman po dito, ang presko ng hangin. Ngayon ko lang po naranasan ang
manirahan sa probinsya.
RALPH: Ito na ang magiging bagong tahanan mo anak. At mas maalagaan kang mabuti ng Lolo
at Lola mo.
SARAH: Bakit Tay? Aalis po ba kayo? Iiwan nyo na naman ba ulit ako? (may hinanakit sa boses
nito)
RALPH: May aayusin lang akong mga ilang bagay, pero babalik rin ako.
SARAH: Pangako? Babalikan nyo ako?
RALPH: Pangako.
SARAH: Aasahan ko po ang pangako na yan, sana po huwag nyo na ulit akong iwan, tatay.
Napayakap si RALPHsa anak. Pero katulad ng dati, umiiwas pa rin si SARAHsa yakap nito.
Hanggang magpaalam na si RALPH sa kanila. Hinatid lamang nito ng tanaw ang ama.
LOLA BELEN: TANYA, ALLIYAH,SARAH! Mga apo, tama na yang laro, kain na muna kayo.
LOLO CARDO: Wow, ang sarap naman ng luto ng asawa ko. Inihaw na tilapia at maraming
kamatis.
LOLA BELEN: Asus! Nambola ka pa, ito nga lagi ang ulam natin di ba?
LOLO CARDO: Kahit ito ang palaging ulam natin, okay lang basta ikaw ang nagluto.
TANYA: Hay naku Lolo, Lola, Nagpapakilig na naman kayong dalawa dyan, natatawa si SARAH o.
SARAH: Nakakatuwa nga po e, nakakainggit rin kasi Masaya at buo ang pamilyang ito. Ang saya
ko po dahil nakilala ko kayo. Nakatagpo ako ng bagong pamilya. Sana po palagi tayong ganito
ano?
LOLA BELEN: Hay naku, apo. Kung alam ko nga lang na may iba pa akong apo sa tatay mo, e
sana matagal ko na kayong nasa poder namin. Sabik na rin kaming makita at makilala si CJ.
LOLO CARDO: Mula ngayon apo, hinding-hindi ka na mag-iisa at mahihirapan pa, kaya huwag
ka ng mahiya magsabi kung anong kailangan mo ha?
SARAH: Salamat po sa inyo Lola. Sana nga po matagal ko na kayong nakilala. Pero ang swerte ko
pa rin dahil may ganito akong pamilya sa Gensan. Mga taong hindi mahirap mahalin.
NORBERT: Yung Mama ko kasi, ang daming pinadalang baong kanin at ulam, gusto mo share
tayo?
NORBERT: Hindi naman ako malakas kumain e. Mas masarap nga lang talagang kumain lalo na
kapag may kasalo, sige na saluhan mo na ako, please?
SARAH: Sige na nga, pasalamat ka mukhang masarap yang baon mong ulam.
NORBERT: Yes! Masarap talaga to, luto yata ito ng Mama ko!
Natahimik si SARAH, muli nitong naalala ang ina. Ngunit sandali nyang isinantabi ang lungkot
lalo na’t natutuwa sya sa bagong kaibigan.
CUT.
Mas lalong nainis si Janelle sa sinabi ng mga kaibigan at bigla itong nag-walk out.Pumunta pa ito
sa mesa nina SARAH.
NORBERT: Salamat sa concern mo, pero mas magsisisi siguro ako kapag hindi ko sya NAGING
kaibigan. (nakangiti nitong sabi)
Natahimik si Janelle at nag-iwan ng masamang tingin kay SARAH at bigla itong umalis na tila’y
napahiya.
CUT.
SEQ. 63 SA DAAN / MALAPIT SA BUKID / DAY SHOOT
Pauwi na si Norbert sa kanilang bahay isang hapon nang mapansin nito si SARAH na naglalakad
sa bandang likuran niya. Agad nya itong nilapitan.
NORBERT: Hi. Alam kong gwapo ako pero hindi mo na ako dapat sinusundan ng palihim (biro
nito)
SARAH: Ha? Bakit naman kita susundan, e dito rin ang daan pauwi ko.
NORBERT: Ibig sabihin, magkapit-bahay lang tayo?
SARAH: Dito rin ba ang uwi mo?
NORBERT: Oo, naku mas madalas pa yata kitang makakasama nito. Ang galing naman!
CUT.
Naging matalik na ring kaibigan ni SARAH si Norbert mula ng iligtas sya nito sa mga bully na
classmates, madalas nya itong kasama sa bukid at kalaro kasama si TANYA. Masaya silang
nagtatakbuhan sa tabi ng palayan nang madapa si SARAH, nasira ang tsinelas nito. Agad
namang sumaklolo sina Norbert at TANYA
NORBERT: Okay ka lang ba? (habang nakaalalay ito sas likod at napalingon si SARAH sa kanya)
Natigilan si SARAH, napayakap sa tsinelas na iyon, dahil ang tsinelas na iyon ang tanging alaala
na iniwan sa kanya ng kaibigang siMargareth. At naalala nya rin si JEROME. Miss na miss na nito
ang mga kaibigan.
NORBERT: May sugat ka sa tuhod, SARAH. Halika gamutin natin.
SARAH: Okay lang ako, nag-aalala lang ako sa tsinelas ko.
TANYA: Ha? Mas nag-aalala ka pa sa tsinelas mo kaysa sa sugat mo?
SARAH: May sentimental value kasi sa akin ang tsinelas na to. Bigay ito sa akin ng kaibigan ko,
pero wala na sya. Nasa langit na sya.
TANYA: Alam mo, bukod sa tsinelas, may alaala rin namang iniwan sayo ang kaibigan mo. Iyon
ay ang inyong pagkakaibigan. Ang inyong samahan.
Natahimik si SARAH.
NORBERT: Tama si TANYA, saan ka man dalhin ng tsinelas na yan, darating ang oras na masisira
at mapupudpud rin yan, pero ang samahan nyo bilang magkaibigan, magiging masayang alaala
na kahit kaylan hindi mo malilimutan.
COL.RAMON: Men doon sa likod ang iba magbantay ditto sa harap. Talasan nyo mga mata nyo.
Mahimbing na natutulog sina ANGEL nang biglang magkagulo sa loob ng bodega, may ilang
ingay ang kanilang narinig. Natakot sila at mabilis na nagkubli. May mga sumugod na pulis sa
kuta ng mga sindikato.
Magkakayakap naman sina IAN at TARA habang nagtatago sa mga lumang mesa.
Nagtakbuhan ang ilang mga bata roon, ang iba’y umiiyak at ang iba’y nagtago na lamang.
Hindi nakuntento ang sindikato ng makitang gumagalaw si Castro ay kumuha ito ng hollow
blocks at ibinagsak sa ulo ng bata.Hindi nya magawang magpaputok ng baril dahil malalaman
kung nasaan siya.Ngunit hindi sya nagtagumpay sa kagustuhang makatakas, nahuli rin sya ng
mga pulis.
Napasuko rin ng mga pulis ang grupo ng mga sindikato. Lumabas sa pinagtataguan si ANGEL at
nakita nya si Castro na nakadapa sa sahig, duguan at mahinang-mahina dahil sa pagkakatama
ng hollow blocks sa ulo.
ANGEL: Castro!!! Castro!!! Gumising ka!! (tila’y bumalik sa kanyang alaala ang pagkamatay ni
Aljon.)
CASTRO: (hirap na dinilat mga mata nito at hirap na nagsalita) ANGEL…mabuti naman… at ligtas
ka…
ANGEL: Ligtas na tayo, Castro, nandito na ang mga pulis, kaya ligtas na tayo.
CASTRO: Hindi na…yata ako aabot e. Pagod na ako..ANGEL…
ANGEL: Hindi pwede yang sinasabi mo, lumaban ka, dadalhin ka namin sa hospital!
CASTRO: Huwag na…basta kapag nagkita kami ng kapatid mo sa langit, ikukumusta kita…(sabay
pikit ng mga mata nito)
Napaiyak ang ilang batang nakakita sa tagpong iyon, lalo na sina IAN at TARA.
May ilang bata rin ang namatay dahil sa bakbakang iyon.
Dinala sa DSWD ang mga batang nakaligtas kabilang sina ANGEL at mga kaibigan nito.
IAN: Ligtas na tayo. Totoo nga ang dasal. Pinakinggan tayo ng Diyos.
TARA: Oo nga, makakauwi na rin tayo sa atin IAN. Babalik na tayo sa bahay.
ANGEL: (umiiyak ito) Bago nawala si Castro, tinulugan nya pa ako kaya malaki ang pasasalamat
ko sa kanya. At Maraming salamat din sa inyo ha? Binigyan nyo ako ng lakas ng loob. Makakauwi
na rin kayo sa bahay nyo. Ako hindi ko alam kung saan ako uuwi. Wala naman na ako
mauuwIAN. Wala naman na ako pamilya at walang matatawag na bahay.
IAN: Doon magkakaroon ka ng masayang pamilya, makakapag-aral Karin kasi Teacher ang
Nanay naming.
Napatingin si ANGELsa mga paa nito, doon na lamang niya nabatid na wala na pala syang suot
na tsinelas dahil sa nangyari. Sugatan rin ang paa nito dahil sa pagtatago. Napatingin rin si IANsa
kanya. Tinanggal nito ang tsinelas at binigay sa kaibigan.
IAN: Mas kailangan mo ito.
Nasa tabi ng isang puno si SARAH at nakamasid lamang sa malayo. Nasa tapat sya ng palayan.
Palaging laman ng isip nito ang mga mahal sa buhay. Si CJ, si JEROME, ang yumaong kaibigan
na si Margareth, ang kanyang yumaong ina at ang kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi
pa rin sya binabalikan.
SARAH: Tay, saan ka na ba? Sabi mo babalik ka agad? (bulong ng isip nito)
LOLO CARDO: Kawawa naman ang bata, hinihintay pa rin ang ama. Bakit kaya hindi na
tumatawag si RALPH?
LOLO CARDO: Susubukan ko syang tawagan. Alam ko namang hindi rin matitiis ni RALPH ang
anak.
LOLA BELEN: Oo nga naman, aba’y masuwerte sya sa anak nyang iyan, bukod sa
napakagandang bata, mabait na, masipag pa. Isang anak na hindi nya dapat ibalewala.
BEGINNING OF TSINELAS 3.
Camera to Bag.
Camera to Pier and Barko.
Camera to a guy walking.
Camera to Angel.
ANGEL: (Lilingon sa Pantalan)
Fade Out.
Cut.
THE END