You are on page 1of 26

CHAMBER'S THEATER - PARTIAL SCRIPT

Page 1

Page 1: Chamber's Theater - Partial Script

“Sarah, Ang Munting Prinsesa”

An adaptation from the novel “A Little Princess” by Frances Hodgson Burnett

Characters:

Sarah Crewe

Ms. Minchin

Peter

Maid

Lavinia

Ms. Amelia

Mr. James Cook

Becky Gertrude

Ms. Mollie

Anthony

Ermengarde

Jessi

Señor Francisco
Lotty

Capt. Crewe

Ram Dass

*NOTE* Reader: Characterization. Narration. (Emotion and Things to Do/Remember)

VO: Halaw mula sa sikat na nobela ni Frances Hodgson Burnett at dekalibreng pelikula mula sa Star
Cinema, ipinagmamalaking inihahandog sa inyo ng Speech11-MHE ang isang kwentong pampamilya at
punong-puno ng drama, isang produksyon na tiyak na kapupulutan ng aral, Rated A ng MTRCB. Ito ay
walang iba kung hindi ang…. “Sarah , Ang Munting Princesa”.

(Open Curtain)

Scene 1 - Minahan

Capt. Crewe: Ram Dass, bilis-bilisan mo ang pagtatrabaho. Sa palagay ko’y matutumbok na natin ang
brilyante’t ginto. Malalim-lalim na rin ang nahuhukay natin.

Ram Dass: Opo master, namaste.

Capt. Crewe: Hinahanap ni Capt. Crewe ang kaniyang anak sapagkat naalala niyang kailangan na nilang
mag-usap. Nakita niyang pinalilibutan ito ng mga trabahador niya at siya’y kaniyang tinawag. Sarah,
anak, halika muna sandali!

Ram Dass: Uy, kayo! Balik na dito. Trabaho! Dali!


Sarah: Nang marinig ni Sarah ang tawag ni Capt. Crewe, siya’y lumapit patungo sa kinaroroonan ng
kanyang ama. Alam ko na po ang sasabihin niyo, Papa. Ayaw ko pong umalis, dito na lang po ako.

Capt. Crewe: Mas maraming magagaling na guro sa Inglatera. Marami kang matutunan sa kanila. ‘Yon
ang gusto ko para sa’yo.

Sarah: Pero Papa, ang gusto ko ay parati tayong magkasama.

Capt. Crewe: Ayaw ko rin naman maghiwalay tayo, pero kailangan nating gawin para sa kabutihan mo.
Alam mo bang mula noong maliit ka, puro matatanda ang nakakausap mo at nakakasama? Kaya marami
ang nagsasabi na masyadong magulang ang mga pag-iisip mo at pananalita.

Page 2

Page 2: Chamber's Theater - Partial Script

Sarah: Nagtaka si Sarah sa sinabi ng kanyang ama kaya nagtanong siya. Masama po ba ‘yon, Papa?

Capt. Crewe: (tatawa) Naku, anak, hindi naman. Hindi ko sinasabing masama, natutuwa nga ako’t
binigyan ako ng Diyos ng anak na likas na matalino.

Sarah: Pero Papa, kapag wala na ako, sinong mag-aalaga sa inyo?

Capt. Crewe: Uhm.. si.. si Neru! Si Neru mag-aalaga sakin. ‘Di ba Neru?

Sarah: Ikaw naman papa, nagpapatawa ka pa eh!

(Magtatawanan and maghuhug ang mag-ama)


Scene 2 – Office

Narrator: Napagkasunduan na ng mag-ama na sa Inglatera mag-aaral si Sarah. Makalipas ang ilang araw,
dinala na ni Capt. Crewe ang kanyang anak sa isang paaralan sa Inglatera.

Maid: Tuloy po kayo!

Capt. Crewe: Tayo na, Sarah.

Sarah: Opo, Papa.

Ms. Minchin: Matapos pumasok sa isang silid sina Capt. Crewe at Sarah, agad silang binati ni Miss
Minchin. (nakangiti) Maligayang pagdating, Capt. Crewe!

Capt. Crewe: Maraming salamat, Miss Minchin. Nais kong ipakilala sa inyo si Sarah, ang aking anak.

Ms. Amelia: Agad na humanga ang kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia sa angking ganda ni Sarah.
Napakagandang bata! Masuwerte kayo Capt. Crewe.

Capt. Crewe: Salamat Ms. Amelia, at nasisiguro kong ‘di kayo mahihirapan sa pag-aalaga sa kaniya dahil
mabait at matalino siya. (tingin kay Sarah)

Ms. Minchin: Tinitiyak kong hindi kayo nagkamali sa pagtitiwala sa aming kakayahan Capt. Crewe.
Karamihan sa mga batang naririto ay mula sa prominenteng pamilya. Mga anak ng hari, prinsipe,
emperador, raja, at ministro ng iba’t ibang bansa sa buong daigdig.

Capt. Crewe: (nakangiti habang nakatingin kay Sarah) Narinig mo iyon, Sarah?
Ms. Amelia: Sarah, kung ano man ang mga pangangailangan mo, huwag kang mahiya na magsabi.
Mayroon na kaming nakalaang taong mag-aalaga sa’yo.

Ms. Minchin: Amelia, ang mabuti pa samahan mo na sila sa magiging kuwarto ni Sarah.

Ms. Amelia: Tayo na! Lumabas si Miss Amelia upang samahan sina Capt. Crewe at Sarah papunta sa
isang silid. Ito po ang kuwarto ni Sarah. Maiwan ko po kayo, isusunod ko nalang ang mga gamit niya.
(ngiti)

Page 3

Capt. Crewe: (tatango) Salamat. Matapos umalis ni Miss Amelia, kinausap muli ni Capt. Crewe ang
kanyang anak. (matutuwa) Nakita mo na, Sarah? Pinili ko ang pinakamalaking kuwarto para sa iyo!

Sarah: Papa, hindi naman po importante para sa akin iyon. Ang iniisip ko lang po ay magkakahiwalay na
tayo.

Capt. Crewe: Heto na naman tayo, akala mo ba madali para sa akin ang lahat ng ito? Mahirap. Pero
kinakailangan kong gawin ang lahat ng ito para sa kinabukasan mo. Ang gusto ko, balang araw, ikaw ang
mamahala sa ating negosyo. Kaya kailangan na makatapos ka ng iyong pag-aaral.

Sarah: Eh puwede naman po akong mag-aral sa India, eh.

Capt. Crewe: Oo, naisip ko rin ‘yon. Pero alam mo naman, anak, sa panahong ito, magulo sa India. Kaya
mas mabuti pa na dito ka sa Iglatera mag-aral. Konting tiis lang, anak. Basta susulatan mo ako parati ha?

Sarah: Hindi na sumagot pa si Sarah, bagkus, niyakap na lamang niya ang kanyang ama.

Capt. Crewe: Sarah, mayroon akong sorpresa para sa’yo. (ngingiti at ibibigay ang locket kay Sarah)
Sarah: Hindi alam ni Sarah ang ibinigay ng kanyang ama kaya’t siya nagtanong. Ano po ito papa?

Capt. Crewe: Tignan mo para malaman mo.

Narrator: Isang locket ang iniregalo ni Capt. Crewe kay Sarah.

Sarah: Ang ganda ganda po!

Capt. Crewe: Akin na, isusuot ko sa iyo. (kukuhanin ang locket at isusuot kay Sarah)

Sarah: Maraming salamat po, papa!

Capt. Crewe: Hindi lang yan basta locket, Sarah. May mas mahalaga pang bagay diyan, anak. Buksan mo
ang locket.

Sarah: (Binuksan ang locket) Larawan po natin!

Capt. Crewe: ‘Pag nalulungkot ka, parati mong iisipin na lagi akong nandiyan sa puso mo, at ikaw naman
sa akin, at kahit anong mangyari, anak, hindi tayo magkakahiwalay.

Sarah: Iingatan ko po ito papa.

Capt. Crewe: Matapos ibigay ni Capt. Crewe ang locket kay Sarah, napagpasiyahan na niyang umalis.
Aalis na ko. Hindi mo ba ako ihahatid sa labas?

Sarah: Hindi na po. Ayaw ko makitang umalis ka, papa. Baka maiyak lang ako.
(maghuhug silang dalawa)

Capt. Crewe: Magpakabait ka anak. Parati kang magdarasal ah? Isama mo na rin ako sa dasal mo.

Page 4

Sarah: Siyempre naman papa!

Capt. Crewe: Hinawakan ni Capt. Crewe ang buhok ni Sarah at hinalikan siya sa noo. Matapos
magpaalam, siya’y lumabas na sa silid ni Sarah. Matagal niyang tinitigan ang pintuan ng silid ni Sarah.
Makalipas ang ilang sandal, nagdesisyon na siyang lisanin ang paaralan na may lungkot sa kanyang
mukha.

Sarah: Mahigpit na hinawakan ni Sarah ang kanyang manika na si Emily. Pagkaraan ng ilang minuto,
mabilis siyang lumabas sa kanyang silid upang habulin ang kanyang ama subalit ito’y nakalayo na. Papa!
Papa! Papa! (umiiyak) Papa, ayokong magkahiwalay tayo. (sobs)

Scene 3 – Classroom

Narrator: Kinabukasan, nagpasiya si Miss Minchin at iba pang guro na ipakilala si Sarah kanyang mga
bagong kaklase.

Ms. Minchin: Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago niyong kaeskwela. Siya si Sarah Crewe.

Narrator: Binati at hinangaan si Sarah ng kanyang mga kaeskwela maliban lamang sa ilang bata na
naiingit sa kanya.
Class: Maligayang pagdating Sarah!

Ermengarde: Lotty, ang ganda niya ‘no?

Lotty: Oo, at mukhang mabait!

Gertrude: Baka anak mayaman? Mukhang mamahalin ang kaniyang damit eh. Ano sa palagay mo,
Lavinia?

Lavinia: Tinitigan ni Lavinia si Sarah mula ulo hanggang paa. Hindi niya nagustihan ang kaniyang nakita.
Kung ang iba’y nasasabik para makilala at maging kaibigan ang bagong dating na kaeskwela, siya nama’y
napupuno ng galit. (Iirapan ang kaibigan.)

Narrator: Matapos ipakilala ng mga guro si Sarah sa kanyang mga bagong kamag-aral, siya’y pinaupo na
upang making sa kanilang leksyon.

Ms. Amelia: Sinong makakapagsabi sa akin kung sino si Joan of Arc?

Class: Ma’am! Ako po! Ma’am, ako! (Raises their hands to answer)

Ms. Amelia: Napansin ni Miss Amelia na nakataas ng kamay si Sarah kaya naman ito’y kanyang tinawag.
Sarah? Sabihin mo sa akin kung sino si Joan of Arc.

Sarah: (Tatayo at sasagot) Si Joan of Arc ay nakilala bilang isang Maid of Orleans, kasi ibinalik niya sa
mamamayan ng Orleans ang kanilang katahimikan at kalayaan. Bagama’t si Joan of Arc ay isang babae,
nakilala si Joan of Arc bilang isang mahusay at magaling na mandirigma.

Ms. Amelia: Magaling, Sarah! Napakahusay ng iyong sagot!


Narrator: Pinalakpakan si Sarah ng kanyang mga kamag-aral maliban lamang kay Lavinia na siyang inis na
inis sa kanya.

Page 5

Lavinia: Pinigilan ni Lavinia ang pagpalakpak ng kanyang kaibigan at sinabi… Kanino ka ba kumakampi?!
Sinong magaling? Kung ako lang ‘yong tinawag, masasagot ko rin yon! ‘mas marami pa akong masasabi
kaysa sa kanya! (iirap kay Sarah)

Ermengarde: Lotty, ang galing niya ‘no!

Lotty: Oo, Ermengarde, tama ka!

Scene 4 – Dance Lesson/Class

Narrator: Sa paaralan na pinapasukan ni Sarah, hindi lamang kaisipan ang kanilang hinahasa, maging ang
kanilang talento sa pagsayaw, pagtugtog, at pagkanta.

Ermengarde: Isang umaga, nagsasayaw si Ermengarde. Dahil nasa unahan siya, siya’y kinabahan na
naging dahilan ng kanyang pagkahulog. Aray! Ang sakit. (hahawakan ang papa)

Narrator: Pinagtawanan at niloko ng buong klase si Ermengarde maliban kay Sarah.

Lavinia: (tatawa) You’re a big, fat, and trying-hard dancer!

Jessie: Oink! oink oink! Baboy! Baboy! (tatawa)


Gertrude: Oink! Oink! Ayan! Buti nga! Ang taba kasi!

Sarah: Nilapitan ni Sarah si Ermengarde upang tulungan. Tutulungan na kita. Huwag mo na lamang silang
pansinin.

Ermengarde: Natuwa si Ermengarde sa ginawa ni Sarah kaya siya’y nagpasalamat at nagpakilala. Salamat
ah? Ako nga pala si Ermengarde.

Sarah: Naku, wala yun. Teka, parati ka ba nilang inaaway?

Ermengarde: Oo, lagi nila akong pinagtatawanan kasi hindi raw ako marunong sumayaw at ang taba ko
pa.

Sarah: Hayaan mo na lang sila. Siya nga pala, kapag wala kang gagawin mamaya, maglaro tayo! Marami
akong laruan, bigay sa akin ng papa ko.

Ermengarde: Sige!

PART II

Scene 1 – Spanish Class (classroom)

Narrator: Si Miss Minchin ay nagsusulat sa pisara ng bagong leksyon sa wikang Espanyol.

Miss Minchin: Nabatid niyang hindi kumokopya si Sarah ng kanyang mga isinulat kaya nilapitan niya ito
at sinita. (Mataray) Sarah! Bakit hindi mo kinokopya ang sinusulat ko?
Sarah: Maraming salamat na lang po, Miss Michin. Hindi ko po kailangan ‘yan.

Page 6

Miss Minchin: (galit) Ano? At bakit?

Sarah: Hindi malaman ni Sarah kung ano ang kanyang isasagot. Eh.. Kasi po..

Miss Minchin: Sa eskwelahang ito, Sarah, ako lang ang puwedeng magsabi kung ano ang kailangan mo at
hindi mo kailangan.

Sarah: Magpapaliwanag sana si Sarah ngunit agad na nagsalita si Miss Minchin. Pero, Miss Michin, hindi
po ninyo ako naiin...

Miss Minchin: Huwag kang atribida! At hindi pa ‘ko tapos! Huwag mong ipipilit sa’kin ang gusto mo,
Sarah Crewe. At huwag mo ding ipagmalaki sa’kin kung ano ka at sino ka. Wala akong pakialam kung
anak ka ng kung sinong Pontio Pilato. Ako pa rin ang masusunod (dahan-dahang sasabihin ang bawat
salita) dahil ako ang batas sa eskwelahang ito, naiintidihan mo ba ‘ko? (Manlalaki ang dalawang mata)

Senor Francisco: Panandaliang maaabala ang klase sa pagpasok ni Senor Francisco sa silid-aralan.
Babatiin niya ang mga estudyante at sasagot naman ang mga ito. Buenos dias, Senorita Minchin.

Class: Buenos dias, Senor Francisco.

Senor Francisco: Buenos dias, senoritas.

Senor Francisco: Senorita Minchin, ang aga-aga pa, mainit na ang ulo mo. Cuál es el problema?

Miss Minchin: Matigas ang ulo ng bago nating estudyante, Senor Francisco.
Senor Francisco: Napagpasyahan ni Senor Francisco na si Sarah mismo ang kausapin tungkol dito… Es
esto cierto, la señorita Crewe?

Sarah: No es así en absoluto, señor. No estoy tomando notas, porque ya he aprendido todo lo que Miss
Minchinescribió en la pizarra. Lo siento mucho si me parecía obstinado, señor.

Senor Francisco: Eres muy buena en este idioma, señorita. Puedo preguntarle quién loaprendido?

Sarah: Mi madre es española, mi padre es el Inglés.

Senor Francisco: Cuántos años tienes?

Sarah: Tengo ocho años, señor.

Senor Francisco: Bueno, fue muy agradable para conocerla, señorita Crewe.

Sarah: El placer fue todo mío, señor.

Page 7

Senor Francisco: Matapos kausapin ang batang babae, si Miss Minchin naman ang muling kinausap ni
Senor Francisco. Ganun naman pala, Senorita Minchin. Magaling mag-Kastila ang bata kaya bigyan mo
na lang siya ng ibang leksyon sa oras na ito.

Miss Minchin: Opo, Senor Francisco.

Kaibigan ni Lavinia: Paano na ‘yan, Lavinia? May papalit na sa trono mo. Hindi na ikaw ang bida ngayon.
Lavinia: Heh! Tumahimik ka! Kung hindi sasabunutan kita!

Scene 2 – Sarah’s Storytelling (outdoors)

Sarah: Isang araw, nagkukuwento si Sarah sa kanyang mga kaklase. Napakalalim at napakadilim daw
doon sa loob ng kweba! Marami daw mga ahas at paniki na nakatira roon!

Lotty: Nyee! Nakakatakot naman…

Narrator: Nagbulungan ang mga magkakaklase at sila’y nagpahayag ng takot.

Classmates: (nagbulungan)

Sarah: Lalo kayong matatakot sa sasabihin ko…

Classmate 1: Ano ‘yun?

Sarah: Sabi ng tribo na taga-roon, mayroon daw espirito na nakatira and nagbabantay doon. Alam niyo
ba kung bakit siya nagbabantay?

Narrator: Ang mga kaklase ni Sarah ay sabay-sabay na nagtanong ng…

Classmates: (sabay-sabay) Bakit?

Sarah: Kasi doon sa pinakadulo ng kweba, doon daw makikita ang malalaking ginto at malalaking
diyamante!
Narrator: Dahil sa kanilang narinig, Namangha at natuwa ang mga kaklase ni Sarah.

Classmate 2: Sarah! Sarah! Pag nagkataon, puwede ka pang maging prinsesa ng diyamante!

Lotty: Oo nga, Sarah! At titira ka pa sa isang malaking palasyo!

Classmate 3: Lalo pang dadami ang iyong damit at kagamitan!

Ermengard: Tama! At ang pinaka-importante ay makakatikim ka ng iba’t ibang pagkain buhat sa iba’t
ibang bansa!

Narrator: Muling nagbulungan ang magkakaklase.

Page 8

Classmates: (nagbubulungan)

Lavinia: Biglang dadating si Lavinia kasama ang kanyang mga kaibigan. Mga uto-uto! Naniwala naman
kayo! Hindi totoo ang sinasabi niya!

Sarah: Totoo ang lahat nang sinabi ng Papa ko, Lavinia!

Lavinia: Sinungaling! Hindi ako naniniwala na may mga ginto at malalaking diyamante sa loob ng
kwebang iyon! At mas lalong hindi ako naniniwala na may mga espirito! Kapag nakita na ng dalawang
mata ko, tsaka lang ako maniniwala.
Sarah: (tutungo) Sa bagay, tama rin si Lavinia. Kasi mayroong ibang bagay na mahirap paniwalaan. Lalo
na kapag hindi pa nakikita ng mga mata natin!

Classmate 4: Kagaya ng… Kagaya ng kaluluwa ‘di ba, Sarah?

Sarah: Oo! Pero alam nating nandiyan lang sila, kasi nararamdaman natin sila.

Narrator: Sa mga panahong iyon, biglang humangin ng malakas at naramdaman nila ang ginaw na wala
naman kani-kanina lamang. Nagsimulang magtilian ang magkakaklase at nagsitakbuhan papasok ng
dormitoryo.

Scene 3 – Introcuding Becky (Sarah’s room going to the attic)

Narrator: Habang nagbabasa si Sarah sa kanyang silid, mayroon siyang narinig na ingay sa labas ng
kanyang pintuan.

Sarah: Kinuha niya ang kanyang lampara at sinundan ang pinanggagalingan ng ingay upang tuklasin kung
ano o sino ito. Sa kanyang pagsunod, napadpad si Sarah sa isang silid sa may attic na ngayon niya lang
narating. Tao po? Tao po? Sa pagtatanong ni Sarah ay wala namang sumagot kahit isa. Dahil dito,
napagpasyahan na lamang niya na bumalik sa kanyang sariling silid upang matulog na. Habang siya ay
papunta sa pinto, bigla itong sumara at saka mayroong mga upuang nahulog na nagdulot ng takot sa
kanya. May tao ba rito? Kung sino ka man, huwag mo naman akong takutin! Pasensya ka na kung
nagambala kita. Lalabas na ako… Papaalis na sana si Sarah nang biglang may nagsalita

Becky: Huwag ka matakot. Walang multo rito. (Dahan-dahang magpapakita kay Sarah. Medyo
nakatungo)

Sarah: Nagulat si Sarah ngunit itinago niya at tinanong ang batang babae. Sino ka?

Becky: Ako si Becky. (ngingiti ng kaonti)


Sarah: Ah… Ako naman si Sarah.

Page 9

Becky: Umupo si Becky sa sahig at nagsimulang kainin ang isang piraso ng malamig at matigas na
tinapay. Inalok ni Becky si Sarah. Halika, kain tayo. (ngingiti)

Sarah: Salamat na lang. Sa iyo na lamang iyan, baka kasi kulang pa sa iyo yan. Iyan lang ba talaga ang
hapunan mo?

Becky: Oo eh.

Sarah: Umupo si Sarah sa harapan ni Becky at nagsimulang makipagkwentuhan. Dito ka nakatira?

Becky: Tumango lamang si Becky kay Sarah bilang sagot sa kanyang katanungan.

Sarah: (nagtataka) Eh ba’t ngayon lang kita nakita?

Becky: Ikaw, parati kitang nakikita…

Sarah: Inisip ni Sarah kung saan nakatira si Becky at bago niya matapos ang kanyang hinuha, biglang
bumulyaw si Becky. Siguro… ikaw ‘yung nasa may..

Becky: Hagdan!

Sarah: Oo! At tsaka ‘yung nasa may bintana noong isang araw. Teka, bakit ka nagtatago?
Becky: (Malungkot) Hindi ako puwedeng makihalubilo sa inyo. Bawal. Magagalit ‘yung batang salbahe.

Sarah: Nagtaka si Sarah sa sinabi ni Becky kaya ito’y nagtanong. Sinong salbahe?

Becky: Ayaw sagutin ni Becky ang tanong si Sarah dahil sa takot na siya’y isumbong. Hindi ko puwedeng
sabihin. Baka isumbong mo ako eh.

Sarah: Eh bakit naman kita isusumbong, Becky?

Becky: Kasi hindi mo ‘ko kaibigan.

Sarah: Siguro noon dahil hindi pa tayo magkakilala. Pero ngayong magkakilala na tayo, magkaibigan na
tayo. Iyon ang natutuwang sagot ni Sarah na nagsimula ng pagkakaibigan nila ni Becky.

Scene 4 – Supper (dining hall)

Narrator: Nagdidilim na ang kapaligiran kaya naman nagtungo ang mga bata sa hapag-kaininan upang
kumain ng hapunan.

Ermengard: Napansin ni Ermingard na patakas na kumukuha si Sarah ng mga pagkain sa hapag-kainan at


saka itinatago sa kanyang palda. Tinanong ni Ermingard kay Sarah. Sarah, ano ba ‘yang ginagawa mo?

Page 10

Sarah: Hindi sinagot ni Sarah ang tanong ni Ermingard. Basta, kumain ka na lang.

Ermengard: Para kanino ba ‘yan?


Sarah: Para sa bago kong kaibigan.

Ermengard: Sino?

Sarah: Si Becky.

Ermengard: Si Becky?! Sa sobrang gulat ni Ermingard ay nabulunan ito na siyang nakatawag-pansin kay
Miss Minchin na nasa kabilang lamesa lamang.

Miss Minchin: Tumayo si Miss Minchin at lumapit kina Sarah at Ermingard. Sarah, ano bang nangyayari
diyan?

Sarah: Wala po, Miss Minchin. Nabulunan lang po si Ermingard. Iyon ang sagot ni Sarah habang pilit na
inililihim ang kanyang ngiti.

Scene 5 – Lotty Cries in the Night (room)

Note: The entire time, Lotty never stops crying and screaming in the background.

Lotty: (Iyak nang iyak at tumatalon sa kama.) Gusto ko makita ang mama ko! Gusto kong makita ang
mama ko!

Narrator: Dahil sa sobrang lakas ng hagulgol at sigaw ni Lotty, pati sila Miss Minchin at Miss Amelia ay
nagising at pinuntahan siya sa kanyang silid upang subukang patahimikin.

Miss Minchin: Galit na galit si Miss Minchin at pasigaw na sinabi… Ano ba, Lotty? Tumahimik ka nga! Ano
ba naman ang gusto mong gawin ko?
Miss Amelia: Kung ano ang ikinagalit ni Miss Minchin, siya namang ikinahinahon ni Miss Amelia. Huwag
ka na umiyak Lotty. Gusto mo ba ipagtimpla kita ng gatas?

Lotty: Hindi pinansin ni Lotty ang alok ni Miss Amelia. Ayaw ko ng gatas! Gusto ko ang mama ko!

Miss Minchin: Naubos na ang pasensya ni Miss Minchin kaya naman ito’y kanyang pinalo. (Pinapalo si
Lotty at pasigaw na sinasabi) Ano ba! Sinabi nang tumahimik ka na eh! Pagpahingahin mo naman kami!

Miss Amelia: Pilit na inaawat ni Miss Amelia si Miss Minchin. Minchin, huwag mo nang saktan ang bata.
(Medyo palakas ang boses) Minchin, tama na! Ano ka ba!

Miss Minchin: Patahimikin mo ‘yang batang ‘yan kung hindi ikukulong ko ‘yan sa bodega!

Page 11

Miss Amelia: Matapos paluin ni Miss Minchin si Lotty, agad na nilapitan ni Miss Amelia ang bata upang
ito ay patigilin sa pag-iyak. Lotty, tahan na… Lotty…

Lotty: Mama ko… Mama ko…

Miss Minchin: Ubos na ang pasensya ni Miss Minchin. Tinawag na niya si Miss Amelia upang umalis na at
iwan na lamang ang naglulupasay na batang babae. Tara na, Amelia! Iwan na natin ‘yan! Mapapagod din
‘yan!

Miss Amelia: Pero… Minchin. Ayaw pa sanang umalis ni Miss Amelia ngunit napilitan siyang sumama kay
Miss Minchin.

Miss Minchin: Ano ba, Amelia! Sinabi nang tara na!


Narrator: Lumabas sila ng silid ni Lotty at nagpatuloy na sa kanilang pagtulog. Saka naman dumating si
Ermingard at Sarah upang subukang patahanin si Lotty. Bago tuluyang pumasok ay huminto muna ang
dalawa sa may pintuan upang mag-usap.

Sarah: Kawawa naman si Lotty. Bakit kaya ayaw siya pauwiin ni Miss Minchin sa mama niya?

Ermengard: Wala ng mama si Lotty. Patay na. Hindi lang sinabi sa kanya ng papa niya na ganoon ang
nangyari.

Sarah: Ha? Paano mo nalaman?

Ermingard: Narinig kong nag-uusap sina Miss Minchin at Miss Amelia. Siguro kaya siya laging
nagkakaganyan ay dahil napapanaginipan niya ang mama niya.

Sarah: Lumapit si Sarah kay Lotty upang ito ay patahanin. (Hahawakan sa balikat) Lotty, huwag ka nang
umiyak.

Lotty: (nahikbi/sob) Eh kasi ang mama ko ‘di na ako dinadalaw eh.

Sarah: Ganito na lang ang gawin natin. Lotty, maupo ka muna dito. Habang wala pa siya, ako muna ang
magiging mama mo. Kung papayag ka.

Lotty: (Titingin kay Sarah) Eh kasi ‘yung mama ko kinakantahan ako bago ako matulog eh.

Sarah: Edi kakantahan din kita.

Lotty: Natuwa si Lotty sa sinabi ni Sarah at nakangiting sinabi… Sige.


Sarah: (kakantahin ni Sarah) Tulog na, tulog naIpikit mo ang ‘yong mga mata‘Wag kang
mababahalaMayroong nagbabantay sa’yoNarito’t hindi malalayoKasama mo ako sa buhaySa panaginip
na makulay

Page 12

Tulog naHuwag mag-alala‘Di kita hahayaang mag-isaKung sakali’t may kailangan kaNarito ako’t
nagmamahal sa’yoTuwina…

Scene 6 – Art Class with Amelia (classroom)

Narrator: Isang umaga, ang mga bata ay nasa silid-aralan at nakikinig kay Miss Amelia.

Miss Amelia: Sa kalagitnaan ng talakayan, biglang naalala ni Miss Amelia ang nalalapit na kaarawan ni
Sarah at ito’y kanyang ibinalita sa buong klase. Sinabi rin niya ang kanilang gagawain sa araw na iyon.
Siya nga pala, kaarawan na ni Sarah Crewe sa susunod na Martes, nagbilin ang kanyang ama na
magkaroon ng isang napakalaki at magarbong party!

Narrator: ‘Di naitago ng magkakaklase ang tuwa at nagpalakpakan ang mga ito, maliban kay Lavinia at sa
kanyang mga kaibigan.

Class: Yehey!

Lotty: Mama Sarah, imbitado po ba kaming lahat sa patry mo?

Sarah: Syempre naman!

Lotty: Natuwa si Lotty sa sinabi ni Sarah. Yehey! (Yayakapin si Sarah)


Miss Amelia: Teka lang mga bata, sa isang kondisyon! Kailangan na isuot ninyo ang inyong pambansang
kasuotan.

Scene 7 – Sarah’s Birthday featuring United Nations (outdoors)

Kanta: Tayo na mga kasamaIsa, dalawa, tatloSaan ka man nanggaling dito sa mundoIkaw ay natatangi,
katulad koBasta’t nagmamahal ang puso moHali na mga kasamaLima, anim, pitoTayo’y
magkakaibiganIkaw at akoLaging alalahanin ang aking sasabihinPagmamahal ay kayamang totooHindi
ba’t minsan sabi ni loloMayroong hangganan ang buhay dito

Page 13

Kung magtataloAnim, pito, waloAy tiyak na magkakaguloAng pagmamahala’y daig ang gintoHabang
sinisiwalat, higit ang lagoKaya’t alalahaninAng aking tagubilinSa’yong mga kaibigang buksan ang
pusoAlalahaninSa mundo natinIkaw ay dapat mapagmahalinKung mag-aawayLubus-lubusan ang ating
pagdaramdamLa laLa la laWalo, siyam, sampuHindi marahil na tayo ay magkatagpoAng pagmamahala’y
daig ang gintoHindi kumikilatisKulay o anyoMatapat at tunay ang puso moMaaasahang
lagiPagmamahalang tunayIgaganti ng mundo sa’yo

Scene 8 – Teachers Talk (outdoors)

Narrator: Sa kabilang banda, habang nagkakasayahan ang mga bata, ang mga guro ay nag-uusap sa isang
lugar.

Miss Minchin: Tanging kay Sarah lamang nakatingin si Miss Minchin. Habang ito’y kanyang pinanonood,
mababakas sa kanyang mukha ang pagkainis sa naturang bata. Hay naku. Talaga nga naman.

Miss Amelia: Kung minsan hindi ko maintindihan ang mga magulang ng mga batang ito. Ibibigay ang mga
luho ng mga bata tapos ‘pag lumaking sutil ang mga ‘yan, kung kani-kanino isisisi.

Teacher 1: Kasi kaligayahan na ng mga magulang na makita ang kanilang anak na masaya sa kanyang
kaarawan.
Miss Amelia: Pero iba naman si Sarah, Minchin. Wala kang mairereklamo dun sa bata.

Miss Minchin: Hindi ko hinihingi ang opinyon mo.

Senor Francisco: Huwag na natin hadlangan ang kaligayahan ng mga bata.

Page 14

Teacher 2: Dapat makisaya na lang tayo sa kanila.

Scene 9 – Sarah’s Gifts (Sarah’s room)

Narrator: Matapos ang selebrasyon, nagtungo sina Sarah, Lotty, at Ermingard sa silid. Binuksan nila ang
mga regalo ni Sarah – damit, manika, sapatos, pati keyk! Tila isang mataas na bundok ang mga regalong
natanggap niya.

Lotty: Napansin ni Lotty na malungkot si Sarah kaya naman ito’y kanyang sinubukan na patawanin.
Mama Sarah, ‘di ba mukha din akong manika? (matitigilan) Mama Sarah, pinapatawa lang kita eh. Bakit
hindi ka tumawa?

Ermengard: Hindi na nakatiis si Ermingard kaya siya’y nagtanong na. Sarah, bakit ka nga ba malungkot?

Lotty: Alam mo, Mama Sarah, kung sa akin lang ‘tong magagandang regalo, siguro ang saya-saya ko!

Sarah: Eh kasi kahit anong dami ng mga regalo ko, kung wala naman ang Papa ko, hindi rin ako lubos na
maligaya.
Narrator: Biglang may dumating na mga taga-silbi sa silid ni Sarah at ibinalita na may padala na namang
regalo ang kanyang ama. Agad-agad na lumabas si Sarah upang makita ang regalong ito.

Scene 10 – Introducing Peter (outdoors)

Narrator: Isang aso! Isang napaka-cute na aso ang ipinadalang regalo ni Captain Crewe! At may kasama
pa itong sariling tagapag-alaga!

Peter: Ikaw ba si Sarah Crewe?

Sarah: Oo, ako nga. (ngingiti)

Peter: Ito nga pala ang padala ng papa mo.

Sarah: Natuwa si Sarah sa regalo ng kanyang ama. Wow! Aso! Ang ganda!

Peter: Iniabot ni Peter ang kanyang kamay kay Sarah upang pormal na magpakilala. Siya nga pala, ako si
Peter.

Sarah: Inaabot din Sarah ang kanyang kamay sa batang lalaki. Alam mo ba kung anong breed ng asong
ito, Peter? Uy, Peter! Tinatanong kita, Peter. Sumagot ka naman.

Peter: Hindi kumikibo si Peter kahit anong sabihin ni Sarah.

Page 15

Sarah: Tsk tsk tsk… Kawawa naman! Pipi na nga, baka bingi pa!
Peter: Tila nainis si Peter sa sinabi ni Sarah. Uy! Hindi ako pipi ah?! Hindi rin ako bingi.

Sarah: Ay mali! Ayaw mo kasing kumibo eh. Suplado ka ba talaga o masungit?

Peter: Hindi ako suplado at hindi rin ako masungit.

Sarah: Eh ano bang problema mo?

Peter: Nais nang sabihin ni Peter ang problema niya kay Sarah ngunit siya’y nahihiya. Ah… ano… Wala!
Wala!

Sarah: Hindi nakuntento si Sarah sa sagot ni Peter kaya ito’y kanyang kinulit. Ano na? Sabihin mo na!

Peter: Ano ba! Bakit ba ang kulit mo?

Sarah: Sabihin mo na. Malay mo matulungan pa kita!

Peter: Tsk. Ang kulit talaga oh.

Sarah: Ano na? Sige na! Ano nga?

Peter: (mag-iisip tapos biglang mapapabuntong-hininga) Alam mo, gutom na ‘ko. ‘Yun ang problema ko.
Gutom na gutom na ako. Oh ano? Masaya ka na? (titingin kay Sarah)

Sarah: (Matatawa ng kaonti) ‘Yun lang naman pala eh! Edi kumain na tayo.
Scene 11 – Captain Crewe Dies (outdoors, mining site)

Narrator: Sa kabilang dako, nagkaroon ng problema ang ama ni Sarah sa kanyang minahan. Bali-balitang
nagkaroon ng pagguho sa loob ng kweba at naiwan ang maraming trabahador.

Captain Crewe: Isang umaga, nang papunta si Capt. Crewe sa minahan, napag-alaman niya na nagkaroon
muli ng pagguho at isa sa mga nadaganan ay ang kanyang kaibigan na si Master Fitzborne. Hindi siya
nag-atubiling pumasok kahit na binalaan siyang napaka-delikado sa loob ng kweba. Isinigaw ni Captain
Crewe ang pangalan ng kaibigan hanggang sa matagpuan niya ito. Anthony! Ayos ka lang ba? Tumingin
ka sa akin! Anthony!

Anthony: Umalis ka na rito, Ralph.

Captain Crewe: Hindi! Hindi kita maaaring iwan. Sandali at tatawag ako ng tulong.

Anthony: Huwag na! Umalis ka na.

Captain Crewe: Kaya ko ‘to. Bubuhatin ko lang ang mga bato at tsaka mo ilabas mo ang mga paa mo.
Sabayan mo ang bilang ko… Isa.. Dalawa.. Tatlo!

Page 16

Narrator: Matagumpay na nailabas ni Captain Crewe ang mga paa ng kaibigan mula sa pagkakatabon ng
mga bato. Ngunit sa kasamaang palad, bumigay naman isang bulto ng bato at sa kanya bumagsak ito.

Anthony: Sinubukang iligatas ni Anthony si Ralph katulad ng pagkakaligtas nito sa kanya, ngunit huli na
ang lahat. Wala na ang kaibigan niya. Ibinuwis ni Captain Crewe ang kanyang buhay para sa kanya.
Raaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaalph!

You might also like