You are on page 1of 7

HARAM

hanggang ilang bawal ba ang itatagal ng puso mo?


Ni Doren John Bernasol

Tauhan:
Omar sa entalado – Isang makata na kaibigan ni Macmac. Muslim siyang nilayong kumawala sa
maraming pagtatakda ng sariling relihiyon.
Omar sa restawran – may pilat siya sa mukha. May katandaan. Mahinahon ang dating pero
bigay-todo kung tumula. Inihahayag niya rito ang kwento at hinaing niya. Siya ay magsisilbing
tagapagsalaysay ng kwento.
Macmac – siya ay mahusay na aktor na matalik na kaibigan ni Omar. May dalisay siyang
pagsinta kay Jane.
Jane – isa rin baguhang artista na nakatuluyan ni Macmac. Nagging malapit siya sa dalawang
magkaibigan.

Tagpuan:
Restawran – Dito kasalukuyang nagpeperform ng spoken poetry si Omar.
Entablado ng panteatro – pinapasukan ng tatlong tauhan bilang manunulat at mga artista.
Blangkong Silid – ganapan ng monologo.

Hiwalay sa entabladong may tabing ang isang maliit na entabladong may mikropono. Ito ay
restawrang ganapan ng spoken poetry. Ang tagapanood o audience ay tila mga tao sa loob ng
restawran na naghihintay ng pagtatanghal. Tahimik at madilim ang silid. Sarado ang tabing.
Umakyat si omar sa de-mikroponong entablado. Tinutukan siya ng medyo maparam na ilaw at
nagsimula nang magsalita.

Itinest ang mikropono. Seryoso ang mukha at pasimple ang tono ng isasambit na piyesa.

Omar: magtatalumpati ho ako’t hindi tutula. (ngiti) di tulad ng dati, di tulad noon.
Magtatalumpati ako kahit na alam kong giliw na giliw ka sa mga taludtod na hinango mula pa
rito(kamay sa dibdib). Pero lahat ay wala na(mahinang tinig)… ayaw ko nang tumula(umiiling).
Ayaw ko nang lumuha, ayaw ko nang maniwala. (hawak ang mikropono. Nakayuko.)

Nanatiili sa pagkatitig si Omar habang pinaglalahuan siya ng ilaw. Bumukas ang tabing sa mas
malawak na entablado. Nagsasanay sila sa isang dulang itatanghal. Naroon si Omar na may
hawak na iskrip at nagtuturo ng kilos kay Macmac kung paano ito iarte.

Macmac: (kaharap si Omar) kalian ba makakamtan ang pangako mong payapang bayan Jose?
Omar: (tinititigan si Macmac) konting emosyon pa tol. Siguro pagod lang ‘yan. Inaantok ka ba?
water break muna.(Sigaw niya sa mga istaff.)

Inabutan ng tubig ang dalawa habang nag-uusap. Tinatalakay nila ang tungkol sa audition ng
kukuning leading lady ni Macmac sa dula.

1|Page
Omar: sasama k aba sa pagpili ng pares mo?
Macmac: hindi na siguro. Kailangan ko pang kabisaduhin itong iskrip mo eh. Tiwala naman ako
sa’yo pagdating sa mga chic pre. (pabiro niyang sabi)
Omar: Hwag mo nga akong igaya sa iyo. Porke gwapo, mabilis magpalit. (depensa niya). Di tulad
ko. Banayad magmahal. (puri sa sarili)
Halos mabulunan naman sa iniinom na tubid si Macmac.
Macmac: bakit? Nagka-jowa ka na? sus! Sayang ang tamis ng dila mo sa pambobola dahil
hanggang iskrip ka lang. tatalab pa rin kaya yan sa babae?
(hindi pinansin ang mga bulalas ni Macmac at umalis ng entablado si Omar. Naiwan si Macmac
mag-isang nagsasalita.)
Macmac: kaya hindi ka magka-jowa kasi ang suplado mo. Bitter!
(sunod ding lumabas si macmac sa salungat na direksyon.

Dilim. Saka ibinalik sara ang tabing. Mahinang sumingit ang isang tugtog (instrumental) at
nawala rin agad. Ilaw sa entablado ng restawran.

Omar: Haram – ito ay salitang muslim na ibig sabihin ay bawal. Pero ang iyong puso ba ay
tatagal, sa dinami-raming bawal hangal, puso mo ba ay susugal?
Bawal ang titigan ka lang dahil maraming mga mata
Bawal ang magtapat dahil alam kong ako’y idudura, ipagwawalang bahala
Bawal magmahal, bawal kang akapin lalong bawal kang isiping.

O para lang itong baso na nakatikim ng halik nang nalasing ay nabuwal. Tulad ng puso ko na
nabasag, naging bubog, sinubukan kong pulutin, ako’y nasusug, ako’y wasak.

Sabay ng paglaho ng ilaw kay Omar, ay dagling sumingit ang tugtog. Pagbukas ng tabing ay
naglaho rin ito agad.

May isang audition na nagaganap. Si Omar ay makikitang nakadekwatro at may hawak na iskrip.
Sa gilid niya ay sekretaryang nagbibigay ng instruction sa lahat ng auditionee.
Hanggang tatlong babae na ang nagdaan at wala pa rin siyang mapili-pili.
Napagod si Omar at humingi ng break. Nagtanong si Sol sa talagang babaeng hinahanap niya na
bagay sa papel ng leading lady.

Sol: sir ano po ba talaga ang hinahanap mo? Yung tatlo maganda, matalino, at may talento pa!

Omar: pero kasi parang kulang sila eh. (tumugtog ang isang instrumental na love song)
Hindi lang Maganda, matalino o talentado. Naghahanap ako ng hinhin, ng hiya, ng may malakas
na dating? ‘yung sa mata pa lang, mala-anghel na. tipong kakikiligan ang kanyang mga ngiti.
(pa-cute si Sol habang iniisa-isa ni omar ang katangian ng babaeng gusto nia.)

Omar: Sol?? Sige na. resume na tayo.

Ikaapat: mahinhin siyang pumasok na tila nahihiya.

Insert adlib sa audition.

2|Page
Omar: (pumalakpak.) tapos na! Sol, pauwiin mo na sila. May napili na tayo. (utos niya sa
sekretarya)

Lumabas si Sol at naiwan ang dalawa. Nagkamay sila at maginoong binati ni Omar si Jane.
Pasimpleng bumanat ang binata.
Omar: sa totoo lang itong audition namin ay hindi paghahanap ng perpektong babae para sa
bakante role. Kasi… naghintay ako ng tamang babae. Naghintay ako na dumating ka. (biglang
tugtog at biglang tigil din.)
Ako nga pala si Omar. Ang direktor at writer na rin.

Palabas sila ng entabalado at patay ang ilaw. Bumalik ito nang lumabas agad ang dalawa.

Nagalak naman ang dalaga. Siya si Jane.


Masayang nagkukwentuhan sina Jane at Omar. Katatanggap lang ni jane sa audition at
ipinakilala ni Omar ang lahat tungkol sa Teatro Banaag.

Omar: ang gagampanang papel mo ay si Clara. Siya ay kasintahan ng bidang si Andoy. Ang
eksena mo ay magsisimula sa kalagitnaan nang kwento. Sila pala ang iba pang cast. (itinuro ang
iba pang kasamahan.)
Ito pala ang magiging kapares mo ang …(naputol ang pakikipagkilala ni Omar nang kusang
nagkamay si Macmac kay Jane na tila nabighani sa kagandahan ng dalaga. Ipinakilala ni Macmac
ang kanyang sarili. giliw na giliw naman si Jane sa pagtanggap ng binata. Naiwan sa eksena si
Omar.)

Macmac: ako nga pala si Macmac o Andoy sa mga karakter. (bumitiw siya sa pakikipagkamay).
Ako yung kasintahan mo rito. Magiging kasintahan mo. (malanding ngiti.)

Jane: Ha? Kasintahan?


Macmac: sa Iskrip syempre. Pero… ikaw? Hehe
Jane: Ahh… Marunong ka ha. Hahaha.

Labas ulit si Omar nang may supladong mukha. Nag-abot ng iskrip kay Jane
Omar: oh ito yung papel mo. Madaliin mong kabisaduhin ‘yan ha?
Jane: Ikaw ba talaga sumulat nito?
(tanong kay Omar habang sinusuri ang iskrip.)
Omar: oo bakit?
Jane: Galing mo rin nu?
Omar: di naman masyado. Ako na rin derektor nito kasi hirap nang maghanap pa. Makakasundo
sa una, mag-aaway rin kalaunan. Tapos maghihiwalay. (buntong hininga)Kaya nga nasanay na
ako ritong mamahala nang mag-isa. Pero nice working with you.
Jane: Ako rin, willing ako ng kahit na ano basta ikasasaya mo bos. (may inihabol na malagkit na
tingin kay Omar.)
Omar: Talaga? Kahit na ano?
Jane: oo naman! Kahit na ano basta sa ikagaganda ng play. (paglilinaw niya)
Omar: Ahhh. Okay.
Jane: Bakit pala?
Omar: Wala.(patay malisya) bashin mo na lang ‘yan

3|Page
Jane: Pero hanga ako sa’yo bos kasi mahilig din ako sa mga tula. Nagsusulat k a rin ba nun?
Sumingit si Macmac sa usapan
Macmac:Ahhmmm. Jane gusto mo ipraktis na agad natin yan?
Jane: o sige, yung may drama agad.

Labas nang entablado si Omar. Nagsanay na ang dalawang artista. Konting lapat ng musika.
Nagtatawanan at naghaharutan sila nang malakas. Naglaho ang ilaw at isinara ang kurtina.
Patuloy lang sa pagtugtog ang musika.

Natuon ang pokus ng ilaw sa restawran. Nagpatuloy sa pagtula si Omar. Huminto ang musika.

Omar: Pero pinulot ko pa rin kasi umaasa ako na pwede pang ayusin. Ibalik sana sa dati. Dating
halik, dating tamis, dating lambing, himbing at dating akin. Pero sa halip na maayos, napuwing
pa ako. Kahit na masakit, nakalimutan kong pumikit. Naluha ako hindi sa sakit ng mata, kirot ng
daliri kundi sa hapdi ng puso. Nang napuwing ako, nakalimutan kong pumikit.

Balik sa malapad na entablado nang may sapat na ilaw. Marahang tugtog ng musika. Pagbukas
ng tabing ay makikita sa gitna sina Jane na nakaluhod at mahigpit niyayakap ang paa ni
Macmac. Ilang sandali pa ay binitawan na nila ang yapos na iyon. Magkahawak sila ng kamay na
magkausap.

Clara: Andoy, ipangako mong babalik ka.


Andoy: (hinawi ang buhok sa mukha ng dalaga tungong tainga) pangako iyan Clara. Babalik ako
rito nang buo. Mahintay mo sana ako.
Clara: oo. At walang sandali ng buhay ko na hindi ka iisipin Andoy.
Andoy: (isang sunod na yakap pa ni Andoy bago nagbitaw ng linya) Pakakasalan kita pagbalik ko.
Clara: Kahit saang simbahan Andoy.
Hinawakan ni Andoy ang pisngi ni Clara at hard drama. Akma silang maghahalikan. Dahan-
dahanng naglapit ang labi ng dalawa…

Omar: (sumigaw at padabog na lumapit sa eksena.) Ano ba! Ginagalang ko adlib ninyo pero
pwede bang igalang niyo rin ang iskrip ko? Andaming walang nabigkas na linya oh.
Nagmamadali ba kayong maghalikan? Magsabi lang kayo!

Macmac: (pinaalis sa eksena si Jane para makausap nang masinsinan si Omar.)


Tol sorry naman oh. Medyo nadala lang ako. Binuhos ko kasi ang emosyon ko para ‘dun.
Ang…totoo kasi tol, gusto ko si Jane. Okay lang bas a ‘yo?

Omar: oo. Wala naming problema dun. Una pa lang, halata na kita. Ang akin lang sana,
propesyunal lang tayo rito sa istage.
Macmac: ay, alam mo na pala? Kung ligawan ko kaya sya tol? Wala kang gusto kay Jane?

Omar: (patanggi) sus! Wala tol. Alam mo naman priorities ko di ba? Saka na lang ang lovelife-
lovelife na ‘yan. Bawal sa amin sa Islam tol na mag-asawa ng hindi namin ka-relihiyon.Haram
ang tawag diyan kaya ‘wag ka nang magtaka kung pihikan ako.

Macmac: so, tutulungan mo akong manligaw? Siga na? sumuporta ka naman sa best friend mo.

4|Page
Omar: Bakit? Sigurado ka na ba talaga sa kanya? baka iiwan mo rin lang?
Macmac: Ngayon lang ako nagkandarapa sa babae nang ganito, iiwanan ko pa?
Omar: Sige. Galingan mo riyan sa eksena nyo, tuturuan kitang tumula. Alam ko mga hilig niya.

Tuwang-tuwa si Macmac. Sabay silang lumabas sa entablado. Nagsara ang tabing at dumilim.
Naunang magbanggit ng tula si Omar bago pa siya nailawan.

Omar: nakalimutan kong pumikit nang magkakilala tayo. Ni kisap-mata ay kinalimutan ko.

Nakalimutan kong pumikit nang ako’y unang kinausap mo. Ngingiti-ngiti ako sa pagkukwento
kahit ano. Kahit magulo.
Nakalimitan kong pumikit nang nagkasundo tayo. Lunok ako nang lunok ng laway para tumino.
Nakalimutan kong pumikit nang isang beses nagtagpo ang atin mga mata na tila
nagpapaliwanag ng anong mayroon ka.
Nakalimutan kong pumikit nang tuluyan akong nahulog sa iyo. Nang inakala kong buo itong
puso.
Pero bago pa man nahugot ang puso rito sa dibdib, ay inunahan na ako ng lungkot at lahat ay
pumait…

Biglang dilim. May nangingibabaw na boses na tumutula. Makikita mula sa dahan-dahang


pagbukas ng kurtina si Omar na nagtuturo ng pagbigkas ng tula kay Macmac para
ipagmayabang kay Jane.
May mahinang tugtog at maliwanag na ilaw kay Macmac.

Macmac: Paraluman sa aking paggising


Ngiti mo’y binabalik ako sa paghimbing
Batid mo kaya aking daing?
Habambuhay nawa ika’y kapiling.

Omar: Basta damhin mo lang na ang bawat salita ay parang iyo. Tapos konting pikit. Lasapin mo
ito nang dahan dahan. (itinuon ang ilaw sa kanya. Dumilim ang paligid at tumula si omar nang
malakas. May kasbay pang hampas ng kamay at kaunting kumpas na rin.)

Omar: Paraluman sa aking paggising


Ngiti mo’y binabalik ako sa paghimbing
Batid mo kaya aking daing?
Habambuhay nawa ika’y kapiling.

Habang tumutula, nagkaroon ng dalawang tagpo ang entablado. Sa kabilang sulok ay


sumasambit din si Macmac sa harap ni Jane.(lipsync)

Pumalakpak si Jane na parang kinikilig. Naiwang nakatunganga si Omar na mag-isa.. tinitigan


lang ang dalawa. iling-iling at lumabas sa eksena. Pumagitna ang mag-irog. Nagtapat na si
Macmac.

5|Page
Macmac: una pa lang tayong nagkita Jane naging magaan na loob ko sa’yo. Minsan lang naman
akong dapuan ng ganitong damdamin kaya sasagarin ko na. (marahan at malambing ang
pagkakasabi) Jane, aking clara, Mahal kita.

Tinitigan ni Macmac ang dalaga habangng nagtatapat. Hinawakan nito ang kanyang kamay
habang naghihintay ng sagot.
Jane: Alam ko. At naghihintay lang naman talaga ako. Oo. Macmac. Aking andoy. Mahal din kita.

Natuwa si Macmac at wala nang ibang sinabi. Niyakap niya nang mahigpit ang pares at isinara
agad ang tabing. Kaagad naman itong binuksan. Magkayakap pa rin ang dalawa subalit iba na
ang suot. Nasa entablado na sila ng teatro banaag. Nagwakas ang pagtatanghal nila sa yakap na
iyon. “Mahal Kita.” “Mahal din kita… mahal na mahal kita Andoy.” Nagpalakpakan ang lahat.
Nanatili sila sa likod at tinatawag ang iba pang cast. Huling tinawag si Omar. Pinagitnaan ng
dalawang lalaki si Jane. Pinahinto ni Macmac ang lahat at kumuha ng atensyon para sa balak
sabihin.

Macmac. Nais ko pong ipaalam sa lahat na ako at ang leading lady kong si Jane ay ikakasal na.
totoo ito at hindi arte lang. Sabik na akong makapiling at maging katuwang siya sa
habambuhay. Imbitado ho ang lahat. Direk, tol, bestman ka ha.

Tumango lamang si Omar at bumati sa kaibigan. Kinilig at pinag-usapan sila ng mga taong
nakabatid. Isa-isang lumabas hanggang si Omar na lang ang natira.

Nagmonologo siya: nang malaman kong mayroon ka nang iba, na kayo na, nakalimutan kong
pumikit.
Nakalimutan kong pumikit maging ang huminga nang ipinakilala mong “best, kami na.”

Nakalimutan kong pumikit. Maging ang lamig at tigas ng sahig, ang alak, ang pait. Bakit?

Lumabas siyang umiiyak. Pumasok ulit nang lasing at may bote nang alak sa kaliwang kamay.
Paluray-luray siya hanggang sa gitna. Sumadal siya sa pader. Tumugtog ang “ikakasal ka na.”
Nag-play sa projector ang mga larawang kuha nina Macmac bilang magkasintahan. Sumayaw
ang isang pares ng contemporary na naaayon sa tugtog habang sawing-sawi si Omar.

Isinara na ang tabing. Balik ang tagpuan sa restawran. Nagpatuloy sa pagtula si Omar.

Omar: tulad ng mga bote ng alak na katabi ko noong gabing ikinakasal kayo. Nagkita sa altar,
nagbanggit ng pangako at dasal. Ansaya. Parang fairytale na meant to be. Best wishes.
Walang mag-aakala, walang mag-iisip na may taong sawi, pusong sira. Buti pa nga rito sa
entablado, Malaya akong magsabi nito…
Mahal kita, mahal kita… mahal kita, putang ina! Paano ako? Mahal kita paano ako? Mahal kita,
pero nakikita kong kayo. Mahal kita pero haram na maging tayo.

Dumilim ang lahat. Tumugtog ang isang recording.


Omar: Kring… Kring… hello? Jane? Si Omar ito.
Jane: Oh, Omar, Kumusta ka na? Antagal nang hindi ka nagparamdam ah? Nagtaka nga rin si
Macmac eh.

6|Page
Omar: Mangingibang bansa na ako Jane. Sa huling beses sana pwede ba tayong magkita? May
ipagtatapat lang ako.
Jane: (pabulong) ha? Sige, pero i-text mo na lang. baka marinig tayo ng asawa ko. Toot!

Bukas ang tabing. Si Jane hawak ang shoulder bag na nagmamadali. Tumawid sa magkabilang
dulo ng entablado. Nakasunod naman si Macmac na tila nagduruda.
Sumunod namang tagpo si Omar habang naghihintay kay Jane. Parang sabik din ang dalawa na
nagyakapan agad. Nangamusta si Jane dahil sa biglang paglaho ni Omar. Biglang sumulpot sa
eksena si Macmac at sinuntok siya nang dalawang beses.
dumugo ang ilong ni Omar. Sasaksakin pa sana siya sa mukha pero nakailag at nadaplisan siya
sa pisngi. Duguan si Omar.

Macmac: Tangina ka! Kaya pala wala ang best man sa kasal naming. Hudas ka pre. Kasal na kami
sisingit ka pa. sabi mo Haram? Sabi mo masaya ka para sa akin? Ba’t ka nagtaksil?

Heavy drama ang lahat. Susuntok pa sana ng isa pa si Macmag pero pinwersa na ni Jane na
awatin ang lahat at pumagitna sa dalawa.

Omar: Oo tol. Masaya ako para sa iyo. Ang swerte mo kay Jane. Pero mali ka tol. Mali ang akala
niyong lahat. Oo. Haram. Bawal. Bawal ang magkagusto sa hindi naming ka-relihiyon. Bawal
magmahal ng pareho naming kasarian. Tol gago ka, minahal kita. Kaya ako lumayo, nagparaya.
Mahal kita tol, maliwanag na? ipagtatapat ko sana ito kay Jane bago man lang ako umalis.
Mahal kita…

Mahinang tugtog. Balik ang tagpo sa entablado ng restawran.

Omar:
Haram – ito ay salitang muslim na ibig sabihin ay bawal. Pero ang iyong puso ba ay tatagal, sa
dinami-raming bawal hangal, puso mo ba ay susugal?
O para lang itong baso na nakatikim ng halik nang nalasing ay nabuwal. Tulad ng puso ko na
nabasag, naging bubog, sinubukan kong pulutin, ako’y nasusug, ako’y wasak.

nakalimutan ko mang pumikit pero naalala kong ngumiti. Ngumiti akong sa loob ko’y mga
bubog na naging susog na nagpapuwing, nagpaluha.
Pero oo, ang tulang ito ay pagtatapat. Sinadya kong huwag pumikit at maging dilat. Dilat sa
katotohanang pangarapin ka lang ay sapat. KOTOTOHANANG ANG PAGMAMAHAL MINSAN
TALAGA AY SUKAT. Ito ay totoo… Aminin nating lahat.

7|Page

You might also like