You are on page 1of 8

"Ang ating pag-iibigan ay muling magpapatuloy, sa araw ng ika-apat na pagkakataon.

"

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito
Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang
mag-ibigan na pinagtibay ng isang kasunduan. Nakatakda silang ikasal sa ika-dalawampung kaarawan ni Carmelita.

Ngunit sa mismong araw ng kanilang engrandeng kasal ay binaril si Juanito. At hindi na nalaman pa kung sino ang
may sala nito. Inakala ng lahat na doon na nagtapos ang kanilang masaklap na kuwento. Na gaya ng kanilang mga
kaluluwa ay sumasalangit na rin ang naudlot na pag-iibigan nilang dalawa. Ang hindi nila alam, may ibang plano ang
tadhana.

The laws of nature will bend. After more than 104 years, Carmela, the fourth generation of the Montecarlos clan will be
born on a leap year—sa parehong araw na ipinanganak si Carmelita. A short trip to San Alfonso for her 20th birthday
will give her rebellious life a whimsical twist. Through a diary, she'll go back in time. And the Carmela of 2016 will meet
Juanito of 1892.

1st scene: (Bahay)

Emily: "Ate, gising na!"


Carmela: "Emily, leave me alone. (tinatamad)
Jenny: "Ate, ano ‘yan? Facial mask?" (nang aasar)

(kinuha ang glue kay Emily at hinabol si Jenny)


Jenny: Ate, ano ba?! Dad oh!
Dad: Tama na ‘yan! Mag-prepare na kayo. We need to leave at 7:30.
Carmela: Dad? Where are we going? Bakit may maleta? (nagtataka)
Dad: Hindi ba sa’yo sinabi ni Jenny kagabi?
Jenny: Ah, she's already sleeping when I went upstairs e
Dad: Nevermind, basta maligo na kayo. Ang lalagkit n’yo na at para kayong mga bata. Lalo ka na, Carmela.

(Pagkalabas, nagsimula na naman ang giyera sa pagitan ng tatlo.)

2nd Scene: (Bahay/ ancestral house)

Emily: Wow, bagong pintura ang bahay ni Lola ah


Jenny: May wifi ba dito?
Lola Carmina: Pasok kayo, mga apo!
: Ang gaganda naman ng mga apo ko.
:Emily, Jenny…at Carmela….
Lola Carmina:Dapat matutunan niyo ang pagluluto ng caldereta ala Montecarlos style. Ito ang isa sa
ipinagmamalaki ng ating pamilya.

(tsismis………………………)

3rd scene: (kwarto)

Carmela: ( nakaupo sa tapat ng lumang salamin)


(may kumatok) (kinabahan)
Lola Carmina: Carmela, apo? Hindi ka pa tulog, apo? Hindi ka ba makatulog dito? ‘Yung kwarto mo na lang ang
bukas ang ilaw, sina Jenny at Emily, mahimbing nang natutulog.
Carmela: (tiningnan ang cellphone)
Okay lang po ako, Lola. Hindi pa lang po ako inaantok
Lola Carmina: Ay siya nga? Kung gano’n, halika. May ipapakita ako sa’yo. (sumunod si Carmela)

4th scene:

Lola Carmina: Dito ka lang, apo


(May hinugot siyang kulay itim na libro at laking gulat ko nang gumalaw ang isa sa mga shelve at lumitaw ang
isang madilim na parang hallway sa dating kinatatayuan nito.)
(Carmela; “namangha”)
Lola Carmina: Nandito na tayo.
:Tuloy ka Carmela, huwag kang mahiya sa sarili mong pamamahay

( Carmela: Napanganga nang libutin ng tingin ang kabuuan ng secret room.)


Carmela: Ah, Lola, b-bakit niyo po ako dinala rito?
Lola Carmina: May gusto sana akong ipakilala sa iyo. (hinila ang tela na nakatakip sa painting)
: Pasensya na, apo, ilang taon na rin ang lumipas nung huli kong linisin ang lugar na ‘to.

(Nang mawala na ang makapal na alikabok sa ere, kinusot ko ang mga mata ko. Saka unti-unting luminaw ang paligid
at ang pinakaunang tumambad sa paningin ko ay ‘yung painting na natatabingan kanina ng kulay pulang tela. Portrait
painting iyon ng isang magandang dalaga, nakasuot ito ng puting baro at saya at nakapusod ang kulay itim nitong
buhok. May headpiece itong suot na sabi ni Lola, peineta raw ang tawag doon. Para itong suklay na nasuksok sa
nakapusod na buhok ni Carmelita, may beads ito at pearls. At ganun na lang ang pangingilabot ko nang ma-realize ko
na…Ako ‘yung nasa painting.Kung hindi man ako ‘yun…Holy Mother Queen, kamukhang kamukha ko siya!)

5th scene: (kwarto)

Carmela: (nag- iisip) ( binuksan ang diary)


“ Ang pag-iibigan natin ay muling maisusulat sa araw ng ikaapat na pagkakataon”

6th scene: (Bar)

Carmela: One vodka, please.


Barista: Here you go.
(napapa indak sa musika)
Stranger: Hi. I haven’t seen you here before. Ngayon lang ako nakakita ng napakagandang babaeng katulad mo.
Carmela: Thanks.
Carmela: (Binitawan ang iniinom na vodka at dumiretso sa dance floor)
Stranger: Alam mo, malungkot magparty mag-isa. Willing akong samahan ka.
Carmela: ( di pinansin ang lalaki)

(Almost 3 AM na. I need to go back to the ancestral house bago pa nila malaman na wala ako sa kwarto ko. Lumabas
ako sa maingay na bar at natigilan ako sa paglalakad nang biglang umikot ang paningin ko. Shocks, I think I am
drunk!)

Stranger: Hey, where are you going? Masyado pang maaga para umuwi. C’mon, let’s go back inside.
Carmela: (nagtaray), (parang nasusuka)
Stranger: Okay ka lang?

(Biglang nawalan ng malay si Carmela)

7th scene: (Bahay)

Carmela: ( nagising; napansin na pamilyar sa kanya ang kumot at nakitang wala na siya sa bahay ng kanyang
lola)
Emily: Daddy!! Gising na si ate!!!!
Dad: Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?
Jenny: Wala ka bang naaalala ate?
Carmela: A-ang huli kong natatandaan, naghihintay ako ng taxi sa labas ng YOLO Bar. Tapos andun si
F-Boy—este, a stanger approached me. Ang kulit-kulit niya. Tapos—
Dad: Carmela Isabella!! Alam mo bang muntik ka nang mapahamak dahil diyan sa mga kalokohan mo?
Carmela: Hindi ko naman po sinasadya e. Gusto ko lang maglibang kasi bored na bored na ako sa bahay ni Lola
Carmina
Dad: From now on, hindi na kita papayagan mag-party kung saan-saan!
Carmela: Dad I’m not a kid anymore. (sabay walk out ng dad niya)
Jenny: Ate, kung hindi dahil dun sa lalaking nagligtas sa’yo, baka rape victim ka na ngayon
: May tumawag sa bahay ni Lola, nasa ospital ka raw at walang malay. Buti na lang may mga ID ka sa wallet mo
at kilala ang pamilya natin sa San Alfonso. Nalaman nila agad na apo ka ni Lola Carmina. Nakita rin nila doon ang
calling card ni Dad. May lalaki raw na naghatid sa’yo sa ospital. Akala nga ni Daddy, hindi totoo e kasi ang alam namin,
nasa kwarto pa lang. Sa presinto kami unang pumunta. Kasi sabi nung tumawag kay Lola, andun daw ‘yung lalaking
rapist na dapat bibiktimahin ka. Hay, buti na lang talaga, ate, may nakakita sa’yo nung natumba ka. At nakilala
nung lalaki ‘yung rapist na ‘yun na tinatawag nilang Paolo. Modus daw talaga nun na tumambay sa bar at
mambiktima ng mga babaeng mag-isa lang na pumupunta sa party. Pasimple raw nitong nilalagyan ng gamot or
whatever ‘yung drinks ng babae, tapos saka niya ‘yun babantayan hanggang mawalan ng malay.

(Carmela; habang nag- iisip biglang…………)

Emily: Ate ano to? Nangongolekta ka na rin ng mga old stuffs? (sabay pakita ng diary)

(Bumalik ako sa pagkakahiga at nagdesisyon akong tatawagan ko muna si John para makapagpasalamat ako sa
kanya. Ida-dial ko na sana ‘yung number niya, but I got a call from Pat. Siya ‘yung leader ng group namin sa Philippine
History. It only dawned on me na Monday nga pala bukas. Kung hindi lang sana ako gumimik, baka na kina Lola pa
kami ngayon. Boring man do’n, at least hindi ko nakikita dun si Shae. At dahil sa nangyari, malamang, wala na akong
birthday party.)

Pat: Na-move a few days early ‘yung presentation natin sa History. You need to do your part, Carmela. I know it’s
your birthday tomorrow, sa’yo naka-assign ‘yung research pati Q and A. Sa’yo nakasalalay ang grades ng
grupo natin.
: Sorry ha? But I really need to remind you para hindi ka rin magulat. We can do this!

8th scene: (Library)

(naghahanap ng libro)

James: Hi babe!
Carmela: (umirap)
James: Sungit mo naman, na-miss lang kita
Carmela: (di parin pinansin si James)
James: Are you free later? Let's grab a bite. For old time’s sake.
Carmela: I'm sorry, marami pa akong gagawin. Kay Shae ka na lang magpasama.
James: Hindi naman si Shae ang gusto kong makasama e. Hindi naman siya ‘yung birthday girl e.
Carmela: (Babarahin ko na sana siya pero natigilan ako nang may umagaw ng atensyon ko. May pamilyar kasing
cover ng libro na nakalagay sa bookshelf na nasa likuran ni James.)
James: So, are you coming with me?
Carmela: ( nagtataka; papaanong napunta dito yung diary?)
( dahan dahang nilagpasan si James)
James: "Anong gagawin mo d’yan? Sobrang luma na niyan ha, baka hindi na relevant ang laman niyan ngayon.

(biglang may umagaw ng diary)


Carmela: Lola, sa'kin po— ( di natapos ang sasabihin ng mahablot ng matanda ang diary)
Matanda: Hindi sa iyo ang diary na ito. Hindi mo kwento ito, at kailanman, hinding-hindi ito mapapasaiyo. (sabay
walk out habang dala-dala ang diary)
James: Sino yun? ( sabay takbo ni Carmela para habulin ang matanda)
: Carms! Go out with me! Please!
: Susunduin kita mamayang 5 PM. I'll call you ( pahabol niya)
Carmela: Teka lang po lola!!

9th scene: ( infront of the arch of the century)

(tumigil ang matanda sa may arch of the centuries)

Carmela: (Matagal na nakatitig doon ‘yung matanda pero nung nakita niya ako na malapit na sa kinaroroonan
niya, bigla nilang tinawid ‘yung bakod. Holy Mother Queen! Bawal pumasok dun e!)
( hingal na hingal na tumigil habang ang matanda ay nakatingin sa kanya)

: L-lola, please, give it…back to me.


Matanda: Hija, hindi mo ito maaaring makuha. Mayroon nang may-ari nito. (sabi niya sabay umiling)
: Ngunit maaari kong ipahiram ito sa iyo kahit sa ilang sandali ( sabi niya sabay ngiti)
Carmela: Magagalit po kasi ang lola ko kapag naiwala ko ang diary na ‘yan.
Matanda: Wag kang mag-alala, hindi siya magagalit dahil alam na niya ang nakatakdang mangyari
Carmela: Wait lang, Lola, bawal dumaan— (naputol ang sasabihin ng may maalala), Anyway, para sa'ming mga
students nga lang pala ang myth na ‘yun (sabay pulot ng diary)
Matanda: Ang pag-iibigan ninyo ay muling maisusulat sa araw ng ikaapat na pagkakataon
Carmela: ( napaisip; )
Matanda: Ngayon ang araw na iyon…….. (tuluyan ng pumasok sa arch of the centuries)
Carmela:…………………………..
Matanda: Hindi ako aalis ng hindi ka kasama. (sabay tulak kay Carmela)

10th scene: (arch of the century at Intramuros)

Nasubsob yung pisnge ko sa sahig at dahan-dahan akong tumayo pero nagulat ako nang narealize ko na… NAGIBA
NA ANG BUONG PALIGI. Nasa UST parin ako, pero baki prang kakaiba ang lahat? Karamihan sa nakikita ko puro
lalaki na naka suot ng puting polo na may mahabang manggas at may mga sombrero, parang kasuotan noong
panahon ni Jose Rizal.

Carmela: (siguro pinagtitripan lang ako ng mga schoolmates ko, mahilig pa naman sa prank ang mga iyon.)
Tsk! Wag nyo nga akong lokohin duhhh! Lumang style na yan, don’t fool me or else…
Madre: saan mo natutunan ang linggawaheng iyan? Hindi itinuturo dit ang wikang iyan.
Babae: ipagpapaumanhin niyo po ang guro, dahil kulang po sa tulog at nasobrahan po sa pag-aaral kagabi si
Carmelita kaysa po masama ang pakiramdam niya.
Carmela: (ako si carmelita? Yung bbaeng kamukha ko sa painting! So ibig sabihin…. nandito ako sa panahon nila?!
sa taong 1892)
Madre: Magpahinga ka muna sa iyong silid binbining Montecarlos. Mauna na kayo sa simbahan ihahatad ko muna si
Carmelita sa kanyang silid.
Carmela: (nakita ko yung matandang nakaitim na nakatayo sa ilalim ng malaking puno, hawak pa din pa din yung
luamng diary, at nakita kong tumalikod na yung matanda, kailangan ko syang makausap!)
Sandali laaaaannnggg!! (hahabulin ang matanda)
Madre: Camelita! Bumalik ka rito! Ano bang ginagawa mmo?
Carmela: wait! Lola hintayin mo ko!
Ginoo: Binibini!

Muntik masagasaan ng karwahe si carmela nang masagip siya ng isang lalaki at nawalan siya ng malay.

11th Scene (Madlim na paligid)

Carmela: waaahhh! Tulong, wala akong makita! Hindi ako pwedeng mabulag.
Madre: sshhh.. Carmelita, huwag kang mag alala nandto lang ako sa tabi mo.
Madre2: ano bang nangyare sayo? Masama dw ang pakiramdam mo sabi ni helena, nagpadala ako ng sulay kay
ina ta ama kanina, siguradong pauuwiin ka nila sa bahay.
Carmela: M-magkapatidd tayo?
Josefina: oo naman, ano bang pinagsasabi mo Carmelita? Ako ito si Josefina.
Carmela: waaahhh! Daddy help meee!!
Maria: Carmelita, anong nangyayare sayo?
Carmela: Waaahhh! Ayoko na dito!! (dali-dali tong tumakbo)
Josefina:Carmelita!
Carmela( umaakyat sa bintana, may balak na tumalon)
Josefina: Carmelita! Bumaba ka diyan)
Maya-maya dumating na rin yung iba pag madre at nagdasal ng Ave Maria
Madre: Diyos ko, ingatan niyo po ang batang ito, CArmelita! Bumaba ka na diyan.
Carmela: Hindi ako si Carmelita, kaya pwede ba tigilan niyo na ako, mind your own businesses duuhhrr!
Madre: Lumayas ka demonyo (sinampal si Carmela)
Carmela: How dare you!
Maria: lumayas kang demonyo ka sa katawan ng aming kapatid!
Madre: Ave maria napupuno ka ng grasya …. ( biglang dumating ang isang matandang babaeng kumuha ng lumang
diary)
Madam olivia: Bitawan niyo siya.
Madre: Pero madame olivia, nasasapian po siya ng masamang demonyo
Madam olivia: paano mo naman nasabi? Natasha.
Natasha: Nagsasalita po siya ng ibang linggwahe at balak niya pong tumalon sa bintana para patayin ang katawan ni
carmelita.
Madre: at sinabi din po niyang hindi siya si carmelita.
Madam olivia: totoo ba ang lahat ng ito josefina? Na may kakaibang nangyayari sa kapatid mo?
Josefina: opo, inang madre
Natasha: helena, may kakaiba na bang kinikilos si carmelita noon paman?
Helena: wala naman, matagal ko ng kilala si carmelita at kailanman ay hindi siya nag kaganyan.

(Sinampal ako ni madam olivia)


Carmela: ouch, what’s wrong?
(Sinampal niya ako ulit)
Madam olivia: Iwan niyo muna kami.
Natasha: Pero Madam Olivia delikado po ang gagawin niyo. (hindi na nakapag react dahil tiningnan sila nang
masama ni Madam Olivia, sabay alis).

(inabot ni madam olivia ang kanyang kamay upang tulungang makabangon)


Carmela: Ano ba ang nangyayari? Una ninakaw mo ang lumang diary tapos dinala mo ako dito tapos ngayon
sinasabi nilang sinasaniban ako, I WANNA GO HOME NA! (tiningnan lang siya ni madam olivia)
Madam Olivia: Una sa lahat hindi ko ninakaw yung diary ibabalik ko iyon sa may ari, pangalawa hindi ako ang
nagdala sa iyo dito at pangatlo ikaw ang may kasalanan kung bakit inakala nilang sinapian ka ng demonyo.
Carmela: Okay fine, gusto ko nang umuwi! Paano ba ako makakabalik sa panahon ko? (napangiti si Madam Olivia
sabay ngiti)
Madam Olivia: Walang ibang daan pabalik sa panahon mo kundi ang matapos mo ang misyon mo dito.
: Kailangan mong pigilan ang tadhana, kailangan mong baguhin ang nakasulat dito. (sabay abot ng
lumang diary. Hindi kayo dapat magkatuluyan ni Juanito, kailangan mong pigilan na mahulog ang loob
niya sayo at hindi ka rin maaaring umibig sa kanya nang sa ganon ay hindi siya mamatay sa araw ng inyong
kasal. (sabay alala nung kwento sa kanya ng kanyang lola Carmina)
Carmela: Pano kung ayoko? Sasabihin ko sa lahat ang totoo na hindi ako si Carmelita at galing ako sa future.
(sabay crossed arms)
Madam Olivia: Sige, ikaw ang bahala, tingnan natin kung maniwala sila sayo, dalawa lang ang posibleng mangyari
sayo, una pagkamalan kang nasasaniban at ipatapon sa isang isla o kaya naman pagkamalan ka nilang
baliw at ipatapon sa kulungan ng mga baliw. At isa pa hindi ka makakabalik sa panahon mo pag nangyari
yon.
: Kunin mo na to ikaw na ang bagong may ari niyan. (sabay abot ng diary)
Carmela: (binasa ang nakasulat sa front page: ANG PAG- IIBIGAN NATIN AY MULING MAISUSULAT SA ARAW
NG IKAAPAT NA PAGKAKATAON.
Madam Olivia: Nasa taong 1891 tayo ngayon… may pitong buwan ka upang tapusin ang misyon mo bago sumapit
ang nakatakdang araw.
Madam Olivia: Sa ngayon wala pang nakasulat diyan kasi hindi mo pa nakikita si juanito pero nakita ka na niya.
Carmela?
Carmela: Nakita na niya ako pero di ko pa siya nakita? Ang labo naman.
Madam Olivia: Iniligtas ka niya sa papasalubong na karwhe kaninang umaga.
Carmela: K-kelan ko siya makikita?
Madam Olivia: Ngayon na, papunta na siya dito.
Carmela: WHUUT AS IN NGAYON NA TALAGA? (napasigaw ako dahil sa gulat)
Madre: Madame Olivia, nasa ibaba po si ginoong juanito alfonso nais po niyag kamustahin si binibining carmelita.
Madame Olivia: Sabihin mo sa ibang araw na lang, hindi maganda ang pakiramdam ni carmelita ngayon.
Carmela: Ano? Okay lang ako. Kakausapin ko siya, kailangan ko na siyang makita.
Madame: Hindi pa pwede, ailangan ko pang ipaliwanag sa iba pang madre na nakakta sa kadramahan mo kanina na
hindi ka sinaniban ng masamang espiritu. Matulog ka na, wag kang magalala malapit na kayo magkita, gawin mo ng
maayos ang misyon mo.
Juanito: Sige po, maraming salamat po at magandang gabi
Madam Olivia: Ma-iingat ka hijo. ( sabay alis ni juanito)

12th Scene: Teresa

Juanito: Sampaguita huwag kang maingay, baka mahulog ang akyat-bahay (sabay tingin kay carmela), wag kang
mag-alala binibini, nandito ako para saluhin ka. ( sabay ngiti)
Carmelita: (nadulas ang paa at nahulog, sumemplang yung pwet s matigas na semento) ouch.
Juanito: Binibini, ayos ka lang? Ano bang ginagawa mo sa itaas?
Carmela: (pilit tumayo) wala kang balak tulungan ako?
Juanito: (nagulat) ngunit binibini, hindi dapat ko magpadalos-dalos hawakan ka
Carmela: Dali! Buhatin mo ko!
Juanito: (nanglaki ang mga mata) ha? Pero-
Carmela: tsk! Hindi niya ko pwede mahuli, dali dalhin mo ko doon (halos pabulong)
(wala ang nagawa si juanito kundi sumunod na lang,bakas sa mukha niya na nahihiya siyang ewan)
Carmela: Dito! Dito! (sabay lapag ni juanito sa kanya) whew! Muntik na tayo dun ah! (sabay hawak sa puso, at
napatingin kay juanito) Juanito ayos ka lang?
Juanito: (nagulat at biglang bumitaw sa pagkakahawak at umusog konti) P-paano mo nalaman ang pangalan ko?
Carmela: U’hmm…basta mahabang kwento, Juanito makinig ka sa sasabihin ko. (sabay hawak sa mukha ni juanito
at tinitigan sa mata)
Juanito: S-sandali lang..P-paano mo nalaman ang pangalan ko?
Carmela: Tsk, angarte naman nito, narinig ko kanina nung nagpaalam ka kay madame olivia. Juanito kase, basta
kahit anong mangyare wag na wag kang maiinlove sa akin ah!
Juanito: H-ha? Inlove?
Carmela: Ahh-Ang ibig kong sabihin, wag na wag kang iibig sa’kin (napatingin kay juanito na medyo natatawa) H-hoy!
Anong tinatawa-tawa o diyan?
Juanito: (tumayo at pinagpagan ang damit) Binibini, wag mong mamasamai dahil may iba na akong napupusuan.
Madame Olivia: Sino ka? Lumabas ka diyan.
Carmela: Hindi niya ako pwede makita dito (bumubulong kay juanito)
(Sumulyap kay carmela at humakbang papalabas at nagpakita kay madame olivia)
Madam Olivia: Ginoong Alfonso, ano pong ginagawa niyo diyan? Anong meron diyan?
Juanito: W-wala po. Hinahanap ko lang si sampaguita.
Madam Olivia: ahh yung aso mo? Nandito siya. Tumakbo siya kanina papunta sa tapat ng pinto, kaya nagtaka kami
kung bakit hindi ka niya kasama. Gabi na, umuwi ka na sa iyong dormitoryo juanito.
(tumango si juanito at hinawakan ang kanyang aso, tumingin muna siya sa’kin bago siya tumalikod at umalis.)

13th scene (Kwarto)

Josefina: (nag-iimpake) magandang umaga carmelita, maligo at magbihis ka na


Carmela: B-bakit saan tayo pupunta.
Josefina: Uuwi na tayo sa san alfonso, isang linggo pa naman ang bakasyon pero binigyan aman tayo ng pahintulot ni
madame olivia na umuwi ng mas maaga dahil nagbigay ng sulat si ama at ina, nag-aalala sila sayo tungkol sa
nangyari kahapon hindi na pinasabi ni madame olivia na sinapian ka, sabi niya nalulungkot ka lang daw at gusto mo
ng umuwi (sabay tingin kay carmelita) ginamot ko na yung pilay mo, wag ka mag-alala ako lang ang nakakita sa inyo
ni ginoong juanito kagabi. (napangiti siya na parang kinikilig)
Carmela: (nanglaki ang mga mata) omayghassh! Teka! Nagkakamali ka… ano kase-
Josefina: (lumaki ang ngiti) akala ko hindi mo makakalimutan si Leandro, kaya nga sumama ka sa akin dito sa
kumbento diba. Ang puso nga naman, hindi mo sigurado kung kailan muli ito titibok sa pangalawang pagkakataon
(sabay alis na may ngiti sa labi)
Madame Olivia: (pumasok sa kwarto ng naka poker face) handa ka a ba? Nandiyan na ang karwahe na maghahatid
sa atin sa daungan. Bilisan mo na, magbibihis ka na, paalis na ang barko. Ayokong guluhin mo ang ang mga
nakatakdang mangyari kaya sasama ako para bantayan ka.

14th scene ( Barko)

Josefina: akala ko ba ayaw na ayaw mong bumabyahe sakay ng barko.


(papasok sa kalaki, kaganda at kabonggang silid sa barko) alam kong magrereklamo ka kay ama dahil sa sobrang
engrande ng silid na ito alam niyang ayaw mo ng mga magarbong bagay binibigay pa din niya, kaya nga ikaw ang
pinakapaborito niya sa ating tatlong magkakapatid eh.
Carmela: Uhmm… hindi kayo nagseselos?
Josefina: (natawa) bakit naman kami magseselos? Mahal na mahal ka din namin ni ate Maria, ikaw ang nagbuo ulit
ng pamilya natin.
Carmela: huh?
Josefina: hayaan mong si ina ang mapaliwanag sa iyo.
Madame Olivia: mukhang sinusulat mo sa diary na yan ag lahat ng sama ng loob mo ah
Carmela: Pano ka---
Madam Olivia: Hindi mo dapat ginawa yun, hindi mo dapat sinabi sa kaniya at hindi ka dapat nagpakita sa kaniya
nung gabing iyon.
Carmela: uhmm.. yug tungkol nung isang gabi..n-nakita mo pala?
Madam livia: wala kang maitatago sa akin carmela!
Carmela: uhh- oo nga pala, bakit mo pala ako tinulak sa aro? Gosh! Ang sakit nun ah. Sabi ko nga tatahimik nako
hehe.
Madam olivia: at dahil sa ginawa mo asahan mong araming nakatakdang mangyari ang magbabago, dahil sa ginawa
mo mas mahihirapan k sa misyon mo t dahil sa ginawa mo maraming buhay ang mawawala. Humanda ka na, nandito
na tayo. (sabay talikod)

15th scene ( Fiesta Feliz)

Maria: Maligayang pagbabalik Josefina at Carmelita!


Josefina: Maraming salamat at maligayang fiesta ate maria, nassan s ama’t- ina?
Maria: abala sila sa paghahanda gayong fiesta, marami kasing mahahalagang bisita si ama na katulong iya sa ating
negosyo. (biglang napatingin kay carmelta) carmelita, hindi ka ba masaya na makita ako? Halos anim na buwan din
kitang hindi nakita, kapatid ko. (nagyakpan ang magkakapatid) tara na, hinihitay na nila tayo.
Maria: madame olivia, kamusta na po? Nagpapasaway po ba sa inyo ang aking mga kapatid?
Madam Olivia: wala naman akong problema kay josefina, matiyag niyang pinag-aaralan ang kaniyang mga aralin..
samantalang si carmelita naman… (sumulyap kay carmela)
Maria: bakit po? May problema po ba kay carmelita?
Madam Olivia: Wala naman… napakabait at masunuring bata ni carmelita.
Maria: mabuti naman po, kailanman ay hindi po kami binigyan ng sakit sa ulo ni carmelita.

16th scene (karwahe)

Madam Olivia: Huwag mong kakalimutan na ikaw si Carmelita ngayon, carmela.


Carmela: Yeah, magkatunog naman yung pangalan namin kaya keri na yun.
Madam Olivia: Hija, ayusin mo ang pananalita mo, hindi ganyan magsalita ang mga tao sa panahong ito.
Carmela: -pano ba magsalita katulad niyo?
Madam Olivia: Hangga’t maari wag ka na lang magsalita, itikom mo muna yang madaldal mong bibig dahil baka isipin
nilang sinasapian ka na naman ng masamang espiritu. At isa pa ayusin mo ang kilos mo hindi magaslaw o siga ang
kilos ng ga kababaihan sa panahong ito. Kaya na-weirduhan sayo si juanito noong isang gabi dahil sa kilos mo.
Dito sa panahong ito, hindi naghahawakan ng kamay ang babae at lalaki kapag hindi sila magkasintahan. At
hinding-hindi pwedeng magkatitigan at tumingin ng matagal ang mga babae sa mga mata ng lalaki.
(TULALA SI CARMELA NG MAALALA ANG LAHAT NG ANGYARI NUNG GABING IYON)
Madam Olivia: Nangyari na, wala na tayong magagawa pa.

17th scene ( salas ng mansiyon)

Josefina: Carmelita, natatapon ang iyong pagkain-- (bumubulong)


(pagkatapos ng kainan)
Carmela: Hindi pa ba tayo uuwi?
Maria:Carmelita, ayusin mo nga ang iyong saya, at taas mo din ang iyong abaniko upang hindi matitigan ng mga
kalalakihan dito ang iyong mukha.
(may biglang papel na napadpad sa paanan ng dalawa)
Carmela: patingin nga--
Maria: (nagngingiting itingo ang papel) hindi mo to sasabihin kay ama o kahit kay ina gaya ng dati ha, carmelita.
Carmela: pero--
Maria: Naalala mong pinagtakpan din kita noon kay leandro. Aalis muna ako, dito ka lang, pag hinanap ako ni ama
sabihin mong nagtungo lamang ako sa palikuran, (nagmamadaling umalis at hindi namalayang nahulog ang papel)
(*insert record)
Josefina: Carmelita, nassan si ate maria?
Carmela: huh? A-ano kase--
Josefina: (huminga ng malalim) kasama niya ba si eduardo ngayon? Makinig ka, malapit na tayong umuwi, puntahan
mo na si ate maria at bumalik na kayo dito bago siya hanain ni ama, bilisan mo! Lilibangin ko muna sila.
Carmela: bakit di nalang natin sabihin ag totoo? Malalaman din naman nila--
Josefina: (hinawakan ang braso ni carmela) hindi maari, mapapatay ni ama si eduardo! Alam mo namang nagmula
lang sa mahirap na pamilya si eduardo kaya’t hindi makakapayag si ama na magkaroon sila ng relasyon, hindi tulad
ng sitwasyon niyo ni leandro, buti na lamang at nagmula din sa mayamang angkan. Sige na, humayo ka na, puntahan
mo na sila bago pa magkagulo ang lahat.
(naglakad na palabas si carmela para hanapin ang kapatid na si maria)
Guardia civil: Binibining Carmelita, saan po kayo pupunta?
Carmela: Magpapahangin lang po sana
Guardia Civil: Hindi po maaari....
Juanito: Kahit kasama niya ako? Hindi mo papayagan?
Guardia Civil:Ipagpaumanhin niyo po Señor Juanito ngunit...
Juanitto: (nakangiting matamis) ako na ang bahala.

You might also like