You are on page 1of 6

Kabanata 8

(Nagising si Juli, tumayo, mag krukrus, at magdadasal ng taimtaim at pupunta sa harap ni mama mary na
may nakasulat na letter na humihingi ng limandaang piso para s pantubos)

Juli – Marahil ay natutulog pa ang Inang Birhen

(pupunta sa kusina at iinom ng kape)

Hindi naman malayo ang aking pagtratrabahuan, maaari akong dumalaw sa aking nuno tuwing
makalawang araw. Sa akin namang minamahal na kasintahan, matagal na niyang alam ang kasawiang
kalagayan ng aking amain. Madalas pang isambit ni Basilio sakin

Basilio – Kung ako’y ganap na manggagamot at tayo ay makasal, hindina kakailanganin ng iyong ama ang
bukirin.

(tatayo si juli at pupunta sa kwarto, magiimpake, at luluha.)

Juli – ano ba ang kadahilanan ng aking pagluha

(kukunin ang laket, hahalikan, at pupunasan ang bibig na parang natatakot mahawa sa ketonging
nagbigay nito kay basilio.)

Juli – kinabukasan ay lilisanin ko na ang aming tahanan, Mabuti ay magpahinga na ako ng maaga

(gigising si juli, lalabas ng kwarto, makikita si tandang selo at magmamano)

Juli – pagbalik ni ama, sabihin mong pumasok ako sa paaralan sa wakas at marunong mangastila ang
aking amo

(malulungkot si tandang selo at dali daling kukunin ang kaniyang gamit at aalis ng bahay)

(lilingunin ni juli ang bahay, makikita niya sa bintana si tandang selo na nkatingin sakanya, aalis si juli na
umiiyak)

Narrator –Araw ng pasko nang maupo si Tandang Selo sa may bintana upang panoorin ang mga taong
dumaraan patungo sa misa mayor

(uupo si tandang selo sa bintana habang nakatanaw sa baba, may daraan na mga tao)

Tandang selo – Ang aking apo, hindi man lang ako binati ng Maligayang pasko, kinalimutan na ba niya
ako o sadya ang pagkalimot niya sakanyang lolo?

(tatayo si juli at pupunta sa kwarto, end of scene)

Kabanata 9
Narrator – Sa pamumuno ng teniente ng guardia civil, lumusob ang mga guardia civil para hanapin ang
nag-aaklas na si Kabesang Tales, ang mga pinaghinalaang magbubukid ang nakatikim ng bugbog sa palo
para lang mahanap ang nagrerebeldeng magsasaka

(scene na pinapalo mga magsasaka)

Tinyente ng Guardia Civil – Mga puta! Kayong mga tulisan ay sakit ng ating lipunan!
(sabihin habang sinisipa ang mga tulisang nakagapos)

Tinyente – Walang personalan, ito ay utos lamang saakin ng mga taong tinitingala ng lipunan.

(hihigitin yung ulo ng isang magsasaka)

Tinyente – Ah! Mga walang kwenta!

(aalis si tinyente)

(next scene, opisina)

Padre clemente – Wala akong kasalanan, tumutupad lang ako sa aking tungkulin, gayon din ang
teniente.

Kausap ng padre – Padre, umugong ang balita tungkol sa pagmamalupit ng tinyente sa mga
pinaghihinalaang magbubukid, ikaw padre bilang tagapangasiwa ng mga prayle ang maaaring madiin ng
mga taong mapagmatyag.

Padre- Hindi ko tungkulin ang mang-usig, ito ay tungkulin ng mga guardia cibil.

Padre- pinagtatanggol lang natin ang ating sarili! Kaparusahan ng langit sa mga lumalaban sa hinihingi ng
korapsyon ang makukuha ng mga taong mapag-aklas laban satin.

(next scene)

(nagcecelebrate ang mga pari)

Pari 1 – Isang napakasayang balita! Tunay na pinagpala tayo ng panginoon!

Pari 2 – Gaano man kahaba ang proseso ay tayo ang tunay na magwawagi, tayo ay ang mga prayle,
pinagpala sa lahat ng pinagpala!

Pari 3 – ang bukirin ng tulisan ay tuluyang napasaatin,.sa lahat ng ginawa niya upang maipaglaban ito,
akalain mo may indio na naghahangad na matalo tayo!

Pari 2 – Ang mga indio ay puro lamang tahol, mga langgam na pilit lumalaban at kumakagat sa mga
magigiting na mga leon.
Pari 1 – Walang kwentang usapan, tayo ay pari, sila ay mga mangmang, huwag na natin pag-usapan ang
mga indio, hinding hindi sila makakalaban sa ating korporsayon. Maari pa ay pag-usapan nalamang natin
kung kanino natin ipapaupa ang bukirin

Pari 3 – (Tango tango) magandang ideya pari, mas mabuting pag-isipan nalang natin ang ikalalago ng
ating Negosyo.

(Next scene)

Narrator – Sa kabilang dako, si Kabesang Tales na ngayon ay pinalaya na ay bumalik sa kaniyang bukirin

(papasok si kabesang tales, titingin sa bukirin na may nagsasaka na, at luluha)

Kabesang Tales – ang aking bukirin! Ang bukirin na sanhi ng pagkamatay ng aking asawa at anak ay
pagmamay-ari na ng iba!

(luluhod at hahagulgol)

Kabesang Tales – Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan!

(more hagulgol)

(manghihinang tumayo, papasok sa bahay)

Kabesang Tales – ama! Juli! Ako ay nagbabalik!

Tandang Selo – ang iyong anak ay umalis na, siya ay naninilbihan ngayon sa isang mayamang tao

Kabesang Tales – para saan? Ang aking anak ay hindi kinakailangang magtraaho

Tandang Selo –Tinatamasa mo ngayon ang iyong Kalayaan dahil sa panilnilbihan ng iyong anak

(Aalis si tandang selo)

(matutulala si tandang selo at ilang sandali ay mapapaupo sa isang upuan na nakayukyok)

Narrator – Pagkatapos ng pag-uusap ng mag-ama ay hindi na makausap si Tandang Selo, ang desisyon ng
hukuman na iwan ni Kabesang Tales ang kaniyang bahay sa loob ng tatlong araw ay nakarating na din
kay Kabesang Tales

Narrator – Sa huli, naisipan ni Kabesang Tales na tumabi sa kaniyang ama habang nakatanaw sa kalayuan
(sabay sa scene na tatayo si kabesang tales at tatabi kay tandang selo na nakaupo sa bintana)

Kabanta 10

(papasok si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales kasama ang dalawang kasambahay na itatabi ang maleta,
magpretend na nag uusap habang nagsasalita ang narrator)
Narrator – nanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales kasama ang kaniyang dalawang katulong. Sa
kabila ng pagkalugmok ni Kabesang Tales sa karalitaan ay malugod pa rin niyang tinanggap ang
pagdating ni Simoun

Simoun – ang lagay ng mga daan? Kabesang Tales, ano ang kanilang lagay

Kabesang Tales – maayos naman sila ginoo

Simoun – tignan mo itong rebolber na aking dala, sapat na ba ito upang mapagtanggol ang aking sarili
laban sa mga tulisan

Kabesang Tales – ang rebolber ay maganda ginoo, mapagtatanggol mo ang iyong sarili gamit iyan.

(next scene)

(papasok ang mga bibili ng alahas habang nagsasalita ang narrator)

Narrator – Isa isang dumating ang mga taong titingin sa napabalitang mga alahas ni Simoun. Handa
silang gugulin ang mga naiipon sa mga batong galing sa Europa

(iaayos ni Simoun sa mesa ang mga alahas)

Sinang – nais ko ng mga brilyanteng sinauna, babayaran iyan ni Ama dahil mahiligin siya sa mga antigo at
matatandang bato

Simoun – Tignan mo ang kuwintas ni Cleopatra, Sinang, mga sadyang tunay na nakuha sa mga piramide,
mga singsing na natagpuan sa mga guho ng cartago

Kapitan Basilio – marahil ay ipinadala ang mga iyon ni Hannibal pagkatapos ng labanan sa Canes

Simoun – may mga dala rin akong mamahaling hikaw ng mga babaung taga roma na nakuha ni Annio
Mucio Papelino sa Pompeya, baka nais mong makita Kapitan Basilio

(tatango si kapitan Basilio)

Simoun – Heto ang mga antigong alahas, ang singsing ay dating pag-aari ng Prinsesa De Lambelle, at ang
mga hikaw sa dama ni Maria Antoinette

Hermana Penchang- nais ko ang hikaw na iyan, naiibigan kong ihandog sa birhen ng Antipolo. Ginoong
Simoun, magkano ang halaga ng pares ng hikaw na iyan

Simoun – nagkakahalagang tatlong libo ang hikaw na yan, Hermana Penchang

Hermana Penchang – Diyos ko (napakrus)

Simoun – Narito ang dalawang brilyanteng negra, ang pinakamalaki sa lahat, napakahirap nitong
tapyasin dahil sa katigasan. Binabayaran iyan ng anim na libong piso ng intsik na si Quiroga. Ang birey ng
India ay binibili nang di bababa sa labindalawang libong libras esterlinas para sa batong ito
Sinang – nakamamangha! Malaking kayamanan ang dalawang bato na iyan!

Hermana Penchang – isipin mo, ang dalawang bato na iyan ay nagtataglay ng kayamanang hindi maiisip
ng isang tao, maaari pang pakainin ng halaga ng isang bato na iyan ang libo-libong tao.

Narrator – Bawat isa ay pumili ng kani-kaniyang naiibigan, may kumuha ng singsing, relos, at laket. May
bumili ng relikaryong may maliit na bahagi ng batong kinadiinan ng Panginoong Hesukristo. Naibigan
naman ni Sinang ang isang pares ng hikaw at bumili ang ibang mag-anak sa Tiyani upang makapantay ng
taga San Diego. Nakipagpalitan din si Siomoun sa pamamagitan ng pagbili ng mga alahas ng matatanda

Simoun – kayo, ginoo, wala ba kayong ipagbibili?

Kabesang Tales – naipagbili nang lahat ang mga alahas ng aking anak at wala nang mahalagang natira pa

Sinang – ang laket ni maria clara? Iyon ay isang laket na may brilyante at Esmeralda

Kabesang Tales – sandali, ang alam ko ay nandirito ang laket

(ibigay laket kay Simoun)

Simoun – nais ko ang disenyo, tatanggapin ba ninyo ang isang daan….. limandaang piso> ibig ba ninyong
ipagpalit sa iba?

Kabesang Tales- kung ako;y papayagan ninyo ay isasangguni ko muna ito sa aking anak sa bayan

(aalis si kabesang tales, makikita ang kaniyang bukid na may prayle at magsasaka na tinatawanan siya)

(babalik sa bahay agad)

(next scene)

(magigsing si simoun, tatayo, at biglang mapapansin na nawawala ang rebolber sa lalagyanan, nang
buksan niya ang lalagyanan ay may kapirasong papel na kinabibilutan ng laket)

(scene ni Kabesang Tales na nagsusulat habang may nagbabasa ng sulat)

Ginoo, ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong bahay ay pagnakawan ko kayo Kapalit ng rebolber ay ang
relikaryong alam kong maiibigan ninyo. Pangangailangan ang nag-udyok sa akin. Lumisan ako upang
sumama na sa mga tulisan. Pinapayuhan ko kayong huwag nang magpatuloy dahil kapag bumagsak kayo
sa aming mga kamay ay hindi ko na kayo ituturing na panauhin at hihingan naming kayo ng malaking
tubos

Telesforo Juan De Dios

Simoun – at sa wakas ay nagtagpuan ko na rin ang aking tauhan, may katigasan ngunit lalong magaling,
hindi siya magtataksil sa kaniyang sinabi
Narrator – dumating ang apat na guardia civil upang dakpin si Kabesang Tales at nang hindi makita ay si
Tandang Selo ang isinama, tatlo ang napatay kinagabihan, ang prayleng tagapamahala at ang lalaking
kasama sa dating lupain ni Kabesang Tales ay natagpuang patay, ang asawa ng lalaking kasama ay patay
na rin. Sa tabi ng mga bangkay ay may kapirasong papel na iginuhit ng dugo sa pamamagitan ng daliri
ang pangalang “Tales”

You might also like