You are on page 1of 10

SCENE 1 (Classroom)

Prof Hermios: 1892 ang taon kung kailan naitatag ang katipunan, ito rin ang taon kung saan dinakip at
pintapon si Dr. Jose Rizal sa dapitan.

Tinatamad si Carmela habang nagle-lecture ang kanyang prof habang nanguya ng gum, halatang inaantok
sa klase

maya maya pa si Shae ay kinalabit siya at may binigay na papel sa kaniya

Shae: Read and pass

bulong ni Shae at taas kilay na tinignan siya ni Carmela

Carmela: Party @James house at 8 pm

naguguluhang tinignan ni Carmela si Shae at nakuha niya agad na gusto siya bwisiten ni Shae kaya
nginisian niya ito at pinunit sa harapan at dahil duon nagulat si shae at galit na galit

Shae: Ano bang problema mo?!

pa sigaw na sabi ni Shae agad naman napaharap si Prof hermios sa kanilang dalawa galit ren dahil na
istorbo siya sa pag lelecture

Prof Hermios: Kung magsasabunutan man kayo, dun nalang kayo sa Guidance Office.

Agad na kinuha ni Carmela ang bag niya at Nakita niya si shae nagagallit paren kaya natuwa siya dahil na
bwiset niya ito pero dahil sutil nga siya ay tinanggal niya yung gum na nginunguya niya at dinikit sa table
ni shae
Shae: Nananadya kaba?!
Sigaw nanaman ni Shae na akmang susugurin niya na si Carmela pero nangibabaw ang sigaw ni Prof
Hermios
Prof Hermios: Ms. Carmela ano tingin mo ang gagawen mo?saan ka pupunta???
Carmela: Guidance Office sir
Blangkong sabi ni Carmela na parang wala lang sa kaniya ang sinabi niya at tuluyan na siyang umalis ng
classroom
Si Shae at Carmela ay matalik na mag kakaibigan at nag simula lamang ang pag aaway sa kanila ng dahil
sa lalaki ang ex ni Carmela na si James sinulot kase ito ni Shae at dahil dun nasira ang pag kakaibigan
nilang dalawa

SCENE 2 (Bahay nila Carmela)


Nakauwi na ng gabing gabi si Carmela sa kanilang bahay kaya as always dahan dahan siyang pumasok sa
pintuan ng madilim na ang paligid at tila ilaw nalang ng buwan ang masisilayan nagulat siya ng biglang
bumukas ang ilaw sa kanilang sala at nakita niya ang ama niya na alalang alala sa kaaniya na tipong
medyo galit naren

Emilo: san ka naggaling???uwi paba ito ng isang matinong babae???


Nagulat si Carmela at dipa nakaka process sa nangyayare dahil buong akala niya tulog na ang tatay niya
kaya nagising lamang siya ng sigawan ulit siya ng tatay niya
Emilo: Carmela! Naririnig mo bako??
Carmela: Ah nag punta lang ako sa birthday ng tatay ni Shae
Agad na nakampante ang ama ni Shae dahil matalik na kaibigan ng tatay niya iyon at ang alam nito na
hindi Nawala ang pag kakaibigan nila Shae at Carmela
Jaymee: Kelan pa kayo nag ayos ni Shae?
Sabat naman ng ikalawang kapatid ni Carmela na si Jaymee, tinignan niya lang ito ng masama pero nag
tuloy paren ito sapag sasalita habang nakatutok sa cellphone niya
Jaymee: Balita ko pa nga ay muntinkan na kayo mag rambulan at mapunta sa Guidance office
Agad na napatingin ang ama nila kay Carmela at nagagalit sa mga tinuran ni Jaymee pero ngumiti lng si
Carmela
Carmela: Dad alam mong diko papatulan si Shae
Pag aasure niya sa ama niya pero may nilabas itong papel na may seal ng school sa harapan na ito palang
ang grade niya sa 1st semester na alam niyang mabababa ito
Emilo: Eh anong tawag mo dito??
Carmela: D-Dad
Nauutal na sambit n ani Carmela dahil nagulat siya at di niya alam anong mga salita ang masasabi niya
Emilo: Ano ba naman ito Carmela??hindi kaba nadadala??bakit puro pasang awa ang laman ng Card
mo??
Galit nag alit na sinabi ni Emilo at napaupo pa sa upuan nila
Emilio: simula ng namatay ang mama mo-
Di na natapos ang sasabihin ni Emilio at agad na umakyat na si Carmela sa kaniyang kwarto dahil ayaw
niya marinig ang sunod na sasambitin ng tatay niya
Nung nasa kwarto na siya ay napatulala nalang siya sa pintuan at naalala nanaman niya ang nanay niya na
pumanaw na na namimiss niya ito kaya pumunta siya sa kama niya kung saan nakatabi duon ang picture
ng nanay niya kasama siya nung siya ay bata palamang (sisingit na isang kanta) niyakap niya ito habang
naiyak hanggang sa nakatulog nalamang siya.

SCENE 3 (Kinabukasan)
Elisa: ATE!!!GISING NA!!!

Pasigaw na pag gising ni Elisa kay Carmela pero parang walang naririnig si Carmela at tinakip pa ang unan
sa mukha niya

Elisa: ATE!!!

Sigaw nito sa tenga na ng ate niya dahilan para tumayo na ito pero agad na tumakbo palabas ang kapatid
niya sa kwarto ni Carmela

Nag ayos na siya ng sarili niya at pumunta naren sa sala at kumain naabutan niya na kumakain ang dalawa
niyang kapatid sumali naren siya sa hapag at kumain, sumali naren yung tatay niya

Emilio: Handa naba mga gamet niyo?

Tanong nito naguhan naman si Carmela

Carmela: Bakit?san tayo pupunta?

Emilio: hindi ba sinabi sayo ni Jaymee?

Tinignan ni Emilio si Jaymee na nakain dito kaya napatingin naman si Jaymee at napangiti

Jaymee: tulog na siya pag pasok ko dad hindi kona nasabi

Tinignan ng masama ni Carmela si Jaymee na tinuloy nalang ang pag kain

Emilio: sige na mag impake kana ng pang tatlong araw pupunta tayo sa lola Carmen mo

Carmela: Sa San Alfonso??pero walang internet duon dad kailangan ko tapusin yung pinapagawa ng Prof
namen

Jaymee: wag mo na irason yan ate nagawa kona yan kanina

Pag sabat ng kapatid niya at tinignan ng masama ang kapatid niya

Carmela: pero totoo-

Naputol ang pag sasalita ni Carmela dahil nag salita na agad ang tatay niya

Emilio: wag kana mag dahilan parang may nag bago naman sa mga grado mo isa pa gusto kayo makita ng
Lola Carmen mo lalo na ikaw

Nalilito man bat gusto siya makita ng lola niya

Carmela: Bakit daw po?

Emilo: wala siyang sinabi, isa pa taon narenang dumaan mula ng bisitahin naten lola Carmen niyo at mas
maganda kung duon kanaren mag hahanda ng kaarawan mo bukas

wala na siyang nagawa pa at tinapos nalang ni Carmela ang pag kain at nag punta na siya sa kwarto niya at
nag empake maya maya pa ay tinawag na siya ng papa niya para umalis na at natulog nalang si Carmela sa
sasakyan
SCENE 4 ( San Alfonso)
Nakarating na sila ng San Alfonso agad naman sinalubong sila ng Lola Carmen nila

Carmen: Mga apo ko!

Tuwang tuwang bungad ni Carmen kila Elisa at Jaymee at ng yayakapen niya na si Carmela ay natulala
muna siya saglit at niyakap ito

Carmen: Natutuwa ako na makita ka ulit Carmela apo

Masayang sabi nito at kumalas na sa yakap

Carmen: sige na at pumasok na kayo nagluto ako ng paborito niyo

Masayang sabi nito

Emilio: Afritadang ala Montecarlos bayan Mama???

Tumango naman si Carmen at sabay sabay na sila pumasok sa tahanan nito

Elisa: wow lola ang ganda paren ng bahay niyo pooo

Magiliw na sabi ni Elisa at nilibot ang buong bahay

Emilio: oo nga mama tulad paren ng dati

Carmen: salamat hala sige kumain na kayo at alam kong gutom na kayo sa byahe

Sabay sabay na nag upuan sila sa hapag si Jaymee asa phone paren si Carmela ay oinili nalang manahimik
ang ang mag amang Emilio at Elisa ay tuwang tuwa halatang excited na kumain ng handa ni Carmen kaya
agad naman sinita ni Emilio si Jaymee sa pag gamit ng Cellphone sa hapag na agad naman sinunod nito

Carmen: oo nga pala Carmela Bukas na bukas ren ay kaarawan mo mainam at dito ka mag cecelebrate ng
birthday mo natutuwa ako

Masayang sabi nito at agad namang sinuklian ng ngiti ni Carmela

Carmela: salamat po lola

Carmen: naku mas mainam kung mag ka piging tayo!

Jaymee: si lola talaga ang lalim lagi ng word haha you mean party

Carmen: oo yun na nga!Hahaha pag pasensyahan mona apo at matanda na

Pag bibiro nito at natawa ang nga tao sa hapag

Emilo: mama hindi mo na kailangan gawen yun kaunting salo salo lamang ang gusto ni Carmela

Carmen: pero debut niya iyon isang napaka espesyal na kaarawan para sa mga babae

Carmela: masaya nako na kayo po ang makakasama ko sa birthday ko sapat napp yun
Pag sisigurado nito sa lola niya na agad naman ngumiti sa kaniya nagtuloy lahat sa pag kain hanggang sa
naubos na nila ito

Emilio: ahh nakakabusog talaga ang luto mo mama lagi akong madaming nakakain kapag iyo ang niluluto
mo

Tuwang tuwang sabi ni Emilio na ikinatuwa ni Carmen

Carmen: mabuti naman at nagustuhan niyo halah sige at mag pahinga na kayo sa inyong mga kwarto sila
Sesil na ang bahal sa mga ito

Tumango naman ang mag kakapatid at pumunta na sa sari sarili nilang mga kwarto at nag paiwan nalang si
Emilio para tumulong

SCENE 5 (Secret room)


12:00 am na gising paren si Carmela tila hindi siya mapalagay sa kinahihigaan niya parang di siya
komportable na nandito parang may iba siyang nararamdaman na kakaiba kaya bumangon nalamang siya at
pumunta sa kusina baka sakaling pag nakainom siya ng gatas ay makatulog siya

Kumuha na siya ng gatas mula sa kusina ng bigla siyang may narinig na kaluskos kinakabahan siyang
tumingin sa likod niya at nagulat siya ng makita niya ang lola Carmen niya

Carmela: AY PISTING YAWA!

Gulat na gulat si Carmela

Carmen: ano ulit iyon apo?

Carmela: ay pusang gawa po kase ayun oh parang may nakita akong pusa kanina may ginagawa hehehe

Pag papalusot niya na agad namang tinanggap ng lola niya ang palusot nito, at ininom nalamang ni Carmela
ang gatas

Carmen: hindi kaba makatulog apo??

Carmela: medyo po eh

Carmen: Naiinitan kaba?

Carmela: hindi po hindi lang poko makatulog

Carmen: kaarawan mo na pala apo Happy Birthday!

Pag bati nito sa kaniya at napatingin si Carmela sa orasan niya hindi niya namalayan na Birthday na niya
pala kaya agad niyang niyakap ang lola niya ay humalik sa pisngi

Carmela: salamat po lola

Carmen: ngayung 18 kana sa tingin ko ay oras na

Naguguluhang tinignan siya ni Carmela


Carmela: oras po para saan?

Nginitian lang siya ni Carmen at nag lakad nalang ito papunta sa may isang naka lock na pintuan na agad na
sinundan ni Carmela may kinuha itong susi at binuksan ng makapasok sila ay makikita dito ang kalumaan ng
ibang gamit dahil sa mga agiw agiw na naka sabit dito at mga alikabok

Carmela: lola asab po ba talaga tayo?ang dilim dilim po dito

Agad naman nilabas ni Carmen ang bitbit niyang flashlight papasok sa kwarto at binuksan nag lakad pa sila
papasok sa looban ng kwarto at tumigil sila sa isang painting hindi mo makikita agad toh dahil sa dilim kaya
flinashlightan ni Carmen ang painting na ito at nagulat naman si Carmela na tila hindi na ito makapag salita

Carmen: apaka ganda niya diba apo tulad mo

Masayang sambit ni Carmen sa apo niya ba hanggang ngayun ay hindi paren ma process ang lahat sa utak

Carmela: B-Bakit po and-diyaan ako sa Painting?

Utal utal na sambit na ni Carmela dahil gulat na gulat siya na kamukhang kamukha niya ang nasa painting

Carmen: siya si Carmelita Montecarlos ang bunsong anak ng mag asawang Doña Solidad at Don Amorsolo
Montecarlos

Pag papaliwanag nito na agad naman naka hinga ng unti si Carmela

Carmen: si Carmelita ay bunsong kapatid nila Josephine Montecarlos at Martha Montecarlos ang aking lola

Agad napatingin si Carmela sa lola niya

Carmela: pero bakit kopo siya kamukha??

Gulong gulo na tanong ni Carmela

Carmen: simple lamang apo dahil kapamilya at kadugo naten siya

Kaswal na sabi nito kay Carmela

Carmen: Si Carmela ay namatay na kaedaran mo lamang

Nagulat si carmela at parang natakot sa sinambit ng lola niya

Carmen: ngunit wag ka mag alala apo ikaw ay mabubuhay pa ng mas matagal kaysa kay Carmelita

Pag tawa nito na agad na kina hinga ni Carmela

Carmelita: pero ano pong nangyare sa kaniya?bakit po siya nag pakamatay?

Tanong nito kay Carmen na ikinatango ni Carmen at bumuha ng buntong hininga

Carmen: siguro nga ay kailangan mo na marinig ang kwentong ito

Carmela: wait lang lola gising ko sila Elisa at Jaymee sure ako mas gusto nila marinig ang kwento mo
Ngunit umiling si Carmen ay pinigilan si Carma sa gustong gawen

Carmen: hindi maaari dahil tanging mga panganay na babae lamang na nag mula sa angkan naten ang dapat
nakakaalam nito

Tumango nalamang si Carmela at muling umupo sa tabi ng lola niya

Carmen: isang dekada na ang nakalipas ang pamilyang Montecarlos ay isang mayaman at angat na pamilya
sa Bayan ng San Alfonso at ang namamahala naman sa lugar na ito ang Pamilyang Alfonso dalawang
pamilyang mag kaibigan at kaparehong angat sa buhay kaya naman napag desisyonan ni Don Amorsolo
Montecarlos at Don Manuel Alfonso na ipag kaisang dibdib ang kanilang mga anak si Carmelita at si
Juanito.

Huminto ito at napatingin sa painting ni Carmelita

Carmen: dinaman nag laon ay agad na nag karon ng nararamdaman ang dalawa sa isa't isa kaya agad ren
naganap ang kasalan ngunit sa araw ng kasal nabaril at tuluyan ng namatay si Juanito sa mismong araw ng
kasal nila at isang linggo lang ang lumipas ay natagpuan reng palutang lutang ang katawan ni Carmelita sa
lawa ng Luha.

Nalungkot si Carmela dahil sa nangyare kay Carmelita hindi niya akalain na magagawa yun ng mga
kaedaran niya na mag papakamatay dahil sa pag ibig

Carmen: kaya nga nung nakita kita ay nagulat ren ako at kamukhang kamukha ka ni Carmelita siguro nga
ay hindi lamang nag kataon na mag ka mukha kayo dahil mag ka pareho ren kayo ng kaarawan

Nagugulat si Carmela sa mga nalalaman niya dahil indi lang mukha ang mag kapareho sa kanila maging ang
kaarawan nito ay mag kaparehas, maya maya pa ay tumayo na si Carmen at may kinuha na isang notebook
sa lamesa sa tabi ng painting at bumalik sa kaniya at binigay ito kay Carmela

Carmela: Lola ano po ito?

Carmen: Iyan ang Diary ni Carmelita basahin mo apo para malaman mo ang kwento ng dalawang nag
kasintahan

Carmelita: salamat po lola opo babasahin koto

Carmen: alam moba na binigay payan ni Lola Martha sa anak niya si Carmi. Siya ang aking Ina at
pinangalan niya saken ay Carmen at pinangalanan ko naman ang iyong ina na Carmenia at di nag laon ay
ikaw Carmela

Nagugulat at naamaze si Carmela dahil buong buhay niya nag tataka siya bakit Carmela ang pinangalan sa
kaniya eh hibdi naman ito nababagay sa tulad niyang pasaway

Carmen: Mahigpit na binilin ni Lola Martha na ihango sa pangalan ni Carmelita ang mga panganay na
babae na ipapanganak sa ating lahi, pero sa apat na henerasyon na nag daan ikaw lamang ang parehong araw
na pinanganak si Carmelita at kamukha pa niya

Natulala saglit si Carmela at di kinakaya ang mga nalalaman niya patungkol sa sarili niya at pamilya niya
hanggang sa di niya na namalayan na nasa kwarto na niya siya

Humiga na siya sa kama niya habang binabasa ang diary ni Carmelita at duon nalaman niya kung gaano
kawagas ang pag iibigan ng dalawa

Sinarado na niya ang diary at pinatong sa side table ang libro

Carmelita: siguro nga iba ang nagagawa ng pag ibig sa panahon nila, masasabi ko talaga na yun ang wakas
na pag mamahalan hanggang kamatayan ay mag kasama, pero sorry sila di ako tanga at martir kaya hinding
hindi ko gagawen yun itaga pa nila sa pwet ko!

Maya maya ren ay nakaramdam na ng antok si Carmela at tuluyan ng nakatulog

SCENE 6 (School)
Isang linggo naren simula ng nakauwi sila Carmela sa kanila bahay at nag karoon lamang sila ng kaunting
salo salo nung kaarawan niya at heto siya ngayun nabalik sa ordinaryong paulit ulit na buhay niya

James:Carms!!

Tawag nito pero di siya pinapansin nito at nag tutuloy lang sa pag lalakad

James: teka sandali lang Carms!

Hanggang sa naabutan na nga siya neto

Carmela: ano ba ang kailangan mo

James: bakit hindi mo inaaccept at siniseen ang mga calls at messages ko?

Pero inikutan lang siya ng nata ni Carmela

Carmela: hindi pa ba obvious na ayaw lang kita makausap?at wala lang ren ako pake sayo?

Sarkastikong sabi nito at nag lakad ulit pero andun pala si shae at tanaw na tanaw na ni Carmela si Shae na
nag uusok na ang tenga dahil alam niya paniguradi na nag seselos ito dahil nilapitan ni James na kasibtahan
niya si Carmela kaya napangisi nalang siya at nilagpasan ang nga ito rinig na rinig la niya mula sa likod niya
ang pag dadabug ni Shae sa hallway bagay na nakapag pangiti sa kaniya

Habang nag lalakad siya sa Campus ay may nakabanggaan siya at nahulog lahat ng gamet niya kabilang na
ang diary ni Carmelita ng pinulot niya lahat ng gamet niya at nag tuloy naren sa paglalakad pero napansin
niya bigla na nawawala duon ang diary ni Carmelita!! Agad tinignan niya ang pinanggalingan niya at nakita
niya na hawak hawak ng isang babae ang libro ni Carmelita kaya agad at hinabol niya ito hanggang sa
nakapunta na ang babae sa Arc of the Centuries at dun tuluyan ng huminto

Madre Olivia: Hindi sayo ang libro na toh!, bakit nasa iyo toh????

Carmelita: sino ka po ba ren??? At bigay saken yan ng lola ko!

Ngumiti ang babae at hinawakan ang libro

Madre Olivia: Ang pag iibigan ninyo ay muling maiisusulat sa araw ng ikaapat na pag kakataon

Biglang nagulat si Carmela at napaka pamilyar ng salitang iyon parang na de javu


Madre Olivia: At ngayun ay magaganap na ito

Naguguluhan man ay pupunta na sana siya dito ng biglang pumasok na ang babae sa Arc of the centurie at
biglang nawala ito!

Gulat na gulat siya at parang kabang kaba ang dibdib niya alam niyang kitang kita niya sa mata niya ang pag
kawala ng matanda

Nakita niya ang diary na nakalagay sa baba ng mismong arco alam.niyang bawal dumaan ang mga
istudyante dito dahil indi daw makaka graduate pero ginawa paren niya

Carmela: Bahala na hindi ko pwede ma disappoint ang Lola ko apat na henerasyon na ang nag daan saken
pa masisiraa

Tuluyan na niyang pinuntahan ito at kinuha pero biglang nanghina ang katawan niya at bigla nalamang siya
nahimatay

SCENE 7 (1892 kumbento)


Madre: gising, gising anak gumising ka

Nagising si Carmela at naalimpungatan ngunit naguguluhan at nagulat siya sa kaniyang nakita dahil parang
iba nakikita niya dahil nasa isang bahay siya! Napabangon agad si Carmela sa kama niya dahil sa gulat

Josephine: ingat ka baka mapano ka sa iyong pag tayo...

Carmelita: Sino ka??at asan ako???

Gulong gulong sambit ni Carmela


Josephine: Carmelita ano ba ang sinasabi mo?
Pati si Josephine ay gulong gulong sa sinasabi ni Carmela, at si Carmela naman ay gulong gulong dahil sa
sinabi nito
Carmela: Carmelita????anong Carmelita ang sinasabi mo???
Josephine: Ano bang nangyayare sayo nahimatay ka lamang tila nabagok ang iyong ulo at tuluyan ng
nakalimot
Carmela: Hindi ako si Carmelita pero not to be offensive oo mag ka mukha kame pero duhh mas maganda
akoo
Naguguluhang tinignan siya ni Josephine at tila ba di maintindihan ang sinasabi nito ng biglang may
pumasok
Madre Olivia: Hayaan mo muna mag pahinga si Carmelita masama lamang siguro ang pakiramdam niya
Josephinhe: Masusunod Madre
Tumango si Josephine at tuluyan ng umalis ng silid habang si Carmela ay hindi mapinta ang itsura dahil
batid niyang kilala niya ang babaeng nasa harapan niya
Carmela: IKAW! Ikaw yung babaeng kumuha ng diary ko at yung naglaho sa Arc of the centuries
Panunuro ni Carmela sa kaniya na tila walang pake elam at relax paren ang itsura
Madre Olivia: Diary ni Carmelita hindi ikaw

You might also like