You are on page 1of 12

HuH!! Bakit! Bakit Ano ‘Yun?!

Ni: Juan Pablo

Hindi maiikukubli sa lalaki ang ‘di malilimutang alaala ng nakalipas, kasiglahan ng kanyang

kapanahunan. Sa kasalukuyan, meron na itong dalawang anak, isang lalaki at isang babae,

mababait at bibo pagdating sa kakulitan, masunurin at napapalaki naman nang maayos. Si

Carmela, ang kanyang butihing maybahay, ang nag-aalaga sa tuwing pumapasok ang kanyang

asawa sa trabaho. Ang kanyang asawa ay isang computer technician sa malaking kompanya.

Nakapanlulumong isipin na sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan hindi pa rin maaninag

ang nakaririnding pangyayari sa kanyang buhay. Tila nakasuot pa rin ng maskara na pilit nitong

ikinukubli sa harap ng lipunan, sa mundong kanyang gingalawan.

Sa tuwing aalis ang asawa, kasama sa dalangin ni Carmela sa ang kaligtasan nitong

makarating at makauwi. Bukang liwayway kung makaalis si Badang sa kanilang bahay. Sasakay

sa mga nagbibilisang mga sasakyan. Naaninag niya ang mga batang lansangan, mga kalakaran sa

mga palengke, ang ingay ng mga nagtitinda sa bangketa at mga nagsusumikap magtrabaho upang

makaahon sa hirap. Alas-otso na nang makarating sa kompanya si Badang. At umuuwi naman ito

ng alas-singko ng hapon kaya lamang nakakarating ito sa oras ng Alas-sais. Ilang oras ang biyahe

niya sa bahay papuntang trabaho.

Galing sa may kaya ang pamilya ni Badang, natatangi anak kung kaya’t kadalasan nakukuha

ang gusto. “Momay at Popay. . . .bili mo ko nyan, bili mo ko nun” ang parating sambitla ni

Badang sa kanyang ama’t ina. Pumapasok si Badang sa pribadong paaralan sa kanilang siyudad

sa Dagupan sa antas ng sekundarya. Matalino si Badang, laging nangunguna sa klase, mahilig

makipagkaibigan sa mga babae. Isa sa mga matalik nitong kaibigan ay si Carmela, maganda,

maputi at Maria Clara kung kumilos. Dahil laging silang magkasama, umuwi man o pumasok,
kumain man o maglaro, kambaltuko kung tawagin. Kaya nga hindi maiiwasan ang panunukso ng

kanilang mga kaklase “uyyy bagay sila!”. Subalit may ibang gusto si Badang. “Badang”, ani ng

kanilang guro. “Y. .ee. . .ss mam?” ang sagot ni Badang na parang may halong kaba sa dibdib at

‘di mawari kung bakit. “May namamagitan ba sa inyo ni Bb. Carmela, kung meron man mas

mabuting putulin niyo na at masyado pa kayong bata”, ang tugon ng guro sa dalawa. “Marami pa

kayong kakaining bigas” dagdag pa ng kanilang guro. Sa ‘di inaasahang pangyayari may tumayo

sa klase sabay sabing “Mam! Para kayong ampalaya! Bitter!” at naghagikhikan ang mga

estudyante ni Ginang. Paetan.

Nasa unang taon pa lamang sila sa sekundarya at malalim na ang kanilang pagkakibigan

hindi maikakaila na talagang mahilig silang pagtripan ng kanilang mga kapwa mag-aaral.

“Kumain ka na ba?” ang tanong ni Carmela na may halong tamis na ngiti sa mga labi. “Hindi pa,

marami pa kasi akong tatapusing mga takdang aralin at pinapa check ni Mam”, ang sagot ni

Badang. “Napakasipag mo naman talaga sa pag-aaral at pagtulong sa ating mga guro.. Siguro

maswete ang magiging kabiyak mo”.ang patuloy na pangungusap ni Carmela sa kanyang

kaibigan. “Naku! anu ba naman yang pinagsasabi siyempre lahat tayo.. Ano ka ba?! Sabay

hampas sa balikat ni Carmela. O siya siya makakain na nga at ng tumigil ka na. Teka saan ba

tayo kakain ang”, wika ni Badang kay Carmela. “Ehh ‘di. . .sa bunganga! saan ba tayo

kumakain? sa mata ?”, ang banat na pambara ni Carmela. Nagtawanan ang dalwa. “Kaw talaga!

Gutom lang yan”, ang ibinatong salita kay Carmela. “Sabay tayong umuwi mamaya ahh”, ang

muling sabi ni Carmela.

Dapit-hapon na kung magsiuwian ang dalawa. Habang naglalakqd sa may koridor ng mga

freshmen. Napansin ni Carmela ang pagsilip ni Badang sa kwarto ng 1-Delta. Ngunit hindi nito

natiyak kung sino ang tinitignan nito. Nakaramdam si Carmela ng konting hinanakit sa
nangyaring iyon. Hindi lang minsan kundi madalas niya na itong ginagawa.

Makalipas ang isang taon, nasa ikalawang taon na ang dalawang magkaibigan na hindi pa

naghihiwalay. “Ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa” ang paulit-ulit na tanong na kanyang

mga kaklase. Walang ibang naririnig kay Badang kundi, “Ahh, kaibigan lang kami”. “Oo nga

naman, kayo talaga pinagpipilitan ninnyo ang mga gusto ninyo!, ‘di ba besfren.” Habang

nasasaktan naman si Carmela sa sinabi ni Badang.

Habang pauwi si Badang sa kanyang trabaho sakay ng bus. Hindi niya maiwasang mag-isip

sa mga nangyari sa kanya ilang taon nang nakalipas. Tumatak lahat ang kanyang pagkakamali.

“Sampung taon na rin mula nang mangyari iyon.... Masarap din pero tama ba yun? Matamis at

parang nakakagigil gawin.” Hay... ang buntong hininga ni Badang. Malayo pa ang bahay nila.

“Makatawag na nga lang kay misis baka naman kasi ako’y inaalala niya. O ‘Ma, kumusta

ang araw ng mga bata nakauwi na ba sila?, sabi ni Badang na may ngiti sa kanyang labi. “Oo

naman, heto nga’t nag-aaral sila”, sagot ni Carmela, O ingat ka sa biyahe ha?, dagdag ni misis

nito na may tunog ng isang paghalik.

Ang pagmumuni-muni ay nagpatuloy...

Lumipas ang isa’t kalahating taon at magtatapos na ang dalawa sa sekundarya. “Advance

Happy Graduation fren..” ang bati nila sa isa’t isa. Noon pa ma’y may lihim na itong pagtingin sa

kanyang kaibigan subalit hindi nito masabi-sabi sapagkat lagi namang sinsabi ni Badang na

magkaibigan lang sila.

“Suntok sa buwan ang pag-ibig na nadarama ko sa kanya, ano ang gagawin ko” ang laman

ng isip ni Carmela.
Dumating nga ang hudyat ng pagtatapos sa sekundarya. “Maari ko bang tawagin si Ginoong

Badang Delos Santos para sa kanyang inspirational speech for his fellowmen” ang sabi ni Mrs.

Garema.

“Si Badang ang nagkamit ng unang gantimpala sa akademya at mahusay sa larangan ng

Kasaysayan, Filipino, Ingles, Sipnayan o bilang pagpapaikli hakot award”, ‘yan ang pinag-

uusapan ng dalawang tsismoso at tsismosa nyang mga kamag-aral na sina Tin-tin at Jackie.

“Talaga??” ang sagot naman nung isang tsismosang bakla, si Elmer.

Nagtapos ang lahat sa iyakan. “Paano na ‘yan baka di na tayo magkita” umiiyak na sabi ni

Carmela sa kanyang matalik na kaibigan at ka-i-bigan.”Ano kaba anupa’t nauso ang facebook,

selfon at ang skype” sagot nito. “Iba pa rin yung nagkikita tayo!... Baliw!.” Ang biro ni Carmela.

“Oo na.. Pag may time”, sabay hagikhik ni Badang.

Madlim na at magsisiuwian na ang lahat. Tila may hinahanap si Badang, ‘di mawari kung

sino. “Asan na ba siya at ‘di ko siya makita….”, ang sabi nito sa kanyang sarili. “Ayon!!!” ang

napalakas na sabi nito.. Dali-dali nitong pinuntahan, kung sino-sino na ang kanyang nakabunggo,

kumakaripas pa rin ang kanyang takbo. “:Mahal kita”, agad na sabi nito sa kanyang hinahanap

na tao.

Malapit na si Badang sa kanilang bahay. Ang pagkakauntog sa upuan ng bus na kanyang

sinasakyan ang nagsilbing hudyat para ito’y maghanda at ayusin na ang kanyang sarili pati na rin

ang kanyang mga gamit na bitbit. Halatang balot na balot ito sa tuwa, maaliwalas ang ngiti nito

sa kanyang labi.Walang ano-ano’y bababa na ito sa kanyang sinasakyan. Sasakay muli sa mga

kaskaserong dyip papunta sa kinatitirikan ng kanyang mumunting bahay.

Pagkauwi nito’y, agad na sumalubong ang asawang naghihintay sa harap ng kanilang

bahay.”Mga anak andito na si Papa niyo” sigaw na sabi ni Carmela. Dali-daling tumakbo ang
mga bata sa ama upang magmano. “Kaawaan kayo ng Diyos” ang sabi ng ama. “Teka lang,

maghahanda lang ako ng makakain natin” ang sabi ni Carmela. Handa na ang lahat at sila’y

kakain na. “Hmmmm... ang sarap naman magluto ng misis ko” ang bolang sabi ni Badang subalit

totoo. “Ikaw talaga! mahilig ka mabola” tugon naman ni Carmela. “Hahahahahaha!” ang bulalas

ng mga bibig ng mga bata. “Tignan mo tuloy pati mga bata natatawa dahil sa’yo” pangiting sabi

ni Carmela.

Tapos na ang lahat. Oras na para matulog. Ang dalawa’y nagtungo na sa kwarto nila at tuloy

ang kanilang paglalambingan. “Hmm.. wala pa ring nagbabago” ang sabi ni Badang kasabay ng

paghalik sa mapupulang labi ni Carmela. Nilalasap ang bawat pagdampi ng kanilang dila.

Ninanamnam ang bawat pagkakadikit ng kanilang mga labi tila nilagyan ng pandikit na ayaw

maalis mula sa pagkakadikit. Ilang saglit lang, natapos din ang kanilang matamis na

pagmamahalan. Habang nagkwe-kwentuhan ang dalwa’y . . . . .ginunita ang matagal nilang

pagsasama noong sila’y nasa guhit ng kabataan pa lamang.

“Akala ko hindi tayo magkakatuluyan” ang sabi ni Carmela sabay tawa. Bigla tuloy naalala

ni Badang ang buhay kolehiyo.

Ikaapat na taon na ito sa kolehiyo nang magkaroon itong kinalulugdan. Sino nga ba ito?.

Panay lumalabas sa bar at sa hotel ang dalwang ito. Hindi alam kung bakit, nagmahal siya na

alam naman nitong isang kamalian o isang kasalanan.

“Naalala mo pa ba nung nasa hayskul pa lamang tayo, lagi talaga kitang sinisilip bago kani

umalis ng bespren ko” .. ang sabi ni Badang sa kinakasama nito. Pareho silang nasa higaan,

pareho rin silang nasa hotel. “Talaga”, ang sagot naman nito. “Matagal na kitang gusto hindi ko

lang masabi-sabi sapagkat... ahh basta iyon na ‘yun.


Malalim na ang gabi pero wala na atang balak umuwi sa kanilang bahay ang dalawa. Tuloy

pa rin ang kanilang pagkukwentuhan. “Masarap din pala ng ganito no” ang sabi ni Badang

habang nakayakap ang mga kamay nito sa kinakasama pati ang ulo nito’y nakapatong sa

kanyang dibdib. “Gusto mo ehh.. araw-araw tayong ganito” ang tugon nito kay Badang.

“Kailangan ko ring mag-aral no, baka patayin ako ng mga magulang ko ‘pag nalaman nito

pero...... sige kaw ang bahala itext mo na lang ako kung gugustohin mo”, tugon ni Badang.

“Okay”, agad na sagot nito.

“Matulog na nga tayo at maaga pa tayo bukas”, sabi ni Carmela. Pinutol ang nakatulalang

mukha at lumilipad na pag-iisip ni Badang. “Goodnight Ma” pahabol na sagot ni Badang.

Bukang liwayway na nang magising si Badang. Handa na ang lahat ng kanyang mga

kakailanganin. “Magandang araw sa’yo mahal ko” ang sabi ni Carmela. “Oopps” sabay turo ni

Badang sa bunganga nito dahil hindi pa nagmomomog..“Teketeketekek . . . . ayan nag-mouth

wash na ako”, ang sabi ni Badang. . . “pwede ko na bnag mahagkan at mahalikan ang aking

pinakamamahal na asawa”, dugtong nito.

Tapos na ang lahat. Papasok na ang asawa pati ang mga anak na inihahatid ni Carmela. Nasa

parehong biyahe bagama’t taliwas ang kanilang mga sinakyan. Sa ‘di inaasahang pangyayari,

nakasakayan ni Badang ang taong napagsabihan nitong I love you nung hayskul pa lamang sila.

Katabi nito at para bang gusto niya pa ring ibalik ang nakaraan na hindi pa nababaon sa limot.

Maya-maya pa’y biglang ng nagpalitan ng mga salita ang dalawa. “Kamusta ka na?”, ang sabi ng

katabi nito. “Eto mabuti kaysa sa dati, may anak, may asawa kumpleto na nga ehh”, sagot ni

Badang na parang ipinamumukhang nagbago na ito. “Ganun ba, buti ka pa” tugon muli ng

katabi. Maaninag sa kanyang mukha na may kasamang kalungkutan. “Bakit ba?”, ang tanong

naman ni Badang. “Walang asawa, walang anak, wala pang trabaho” ang tuloy-tuloy na sabi ng
katabi nito. “Kung sana”. . . , sa ilang sandali binigkas ng lalaking katabi nito ang “kung

maibabalik ko lang ang nakaraan ayoko nang umalis sa iyong tabi.” Napaisip ng malalim si

Badang ng mga oras na iyon waring may tira pamkahit katiting ang pagmamahal sa kanyang

nakaraang nakasama noong ayos pa ang lahat.

“Jerick! Jerick! Gising ka na! umaga na! at wala pa ako sa bahay.... patay!”, ang nag-

aalburotong sabi ni Badang. “Ano ka ba okey lang ‘yan”, sagot nito. “Anong okey ka diyan!

Hindi okey no! hahanapin ako sa bahay at madadatnan nila na wala ako doon”, sabi ni Badang na

tumataas na ang boses. “Akala ko ba mahal mo ako?, tanong ng kasama nito na halos buong

araw, buong magdamag na magkasama.”Mahal kita pero”. . . ., hindi na tinapos ang pagkakasabi

ni Badang. Dali-dali na itong lumabas ng hotel. “Hayy! Ano ba ‘to! ako nanaman ang iniwan”

sabi ni Jerick. “Putres na buhay to oh! makatulog pa nga!”, dagdag pa nito.

“Naalala mo pa ba ‘yun Badang” ang sabi ni Jerick kay Badang. “Ang alin??, kunwaring

walang alam sa nangyari. Ikinukubli, na tulad ng isang paang marumi na pilit nililinis ng mga

iba’t ibang panilis sa paa patuloy pa rin itong kukupas at lalabas ang totoong anyo ng paa.

Nang makauwi na ‘to sa bahay ang alam niya ay tulog pa ang kanyang mga magulang ngunit

nakaalis na ng kanialng bahay ang kanyang mga magulang, pumasaok na rin sila sa kanilang

trabaho. Ang kabang nararamdaman sa kanyang kaloob-looban ng kanyang katawan ay tuluyan

ng naglaho parang isang bula. Laking pasasalamat niya at itinulog na lamang niya ito. Hindi siya

pumasok ng buong araw.

Matapos ang pangyayaring iyon. Hindi na inalintana kung may magagalit ba o wala basta

ang mahalagay Masaya sila sa kanilang ginagawa.

Nagpapaulit-ulit ang ginagawa nila ni Jerick sa hotel pagkatapos sa eskwela diretso sila sa

hotel na kung saan nagaganap ang madilim at masayang gabi. “Hmmm..sige lang!”, sarap na
saarp ang dalawa sa kanilang ginagwa. “Oh my.. oh my..”, walang humpay ang pagsambitla ng

mga salitang nakakarindi ngunit sa ilan magandang pakinggan.

Ang paulit-ulit ng pangyayaring iyon, ang akala ni Badang walang kaalam-alam ang

kaniyang magulang. Subali’t isang araw, nakita ng kanyang ina ang kanyang anak na kasama si

Jerick. Ang alam nito’y barkada niya lamang ito at naglilibang lamang ang dalawa. Datapwat

nakita nitong pumasok sila sa isang hotel. Sinundan naman nito ng kanyang ina hanggang sa

loob. “Oh! Ano na ang gagawin natin Jerick?”, ang tanong ni Badang na para bang nanghahamon

na... “Ikaw naman masyado kang nagmamadali para diyan”, ang sagot ni Jerick, “Maliligo muna

ako at ng presko nating gagawin ang”. . , dagdag pa nito. “Sabay na lang din ako”, ang sabi ni

Badang na kiti-kiti. Nangyari ang nangyari, ang inaasahang pangyayari. Naligo habang gingawa

ang kagimbal-gimbal na gawain. Ipinagpatuloy nila ito sa labas ng banyo ng walang saplot. Sa

pagbukas ng pinto ng marahan ay sumambulat sa kanilang dalawa ang ina nitong nanlalaki ang

mga mata at para bang hihimatyin o aatakhin sa puso hindi alam ang gagawin. “Naku po! Diyos

ko! ano itong pinaggagawa ninyo! Hindi na kayo nahiya sa inyong mga sarili! Habagin ninyo

ang mga tulad nila!”, ang bulalas ng kanyang ina. Tumago si Jerick sa banyo habang si Badang

ay lumuluha dahil nakita mismo ng kanyang ina ang kanyang gingawa. “Taha na po Mamang,

patawad po”, Sambitla ni Badang sa kanyang ina. Dali-daling nagsuot ng damit si Badang.

Umuwi ang mag-ina at galit na galit pati ang ama sa narinig niyang balita sa kanyang ina.

“Walang hiya ka! Bakla ka pala!”, sabay suntok na may kasamang tadyak ng kanyang ama.

Inilublob sa tubig at halos patayin ito ng kanyang ama, “ang akala ko’y magkakatuluyan kayo ni

Carmela! ‘yun pla papatol ka sa lalaking walang kwenta! na. . . . sumisikip ang dibdib ko sa’yo

bakala ka!”, nanghihingal ang kanyang ama di matanggap ang pangyayari. Wala nang masabi si

Badang sa pangyayaring iyon. Hiyang-hiya siya sa ginawa niyang pagpatol sa taong tulad ni
Jerick. Matapos ang sermon ng magulang na puro masasakit sa kalooban ni Badang. Nagkulong

ito sa kwarto, “wala akong kwentang anak”, ang patuloy na sigaw ni Badang. Sa sobrang

depress, uminom ito nang lason, nagbubula na parang binadbadan ng pulbos ng isang sabong

panlaba ang kanyang bibig. Nang kumatok sa pintuan ang ina at pilit na pinabubukas, hindi

mapakali kaya kinuha ang dupliket ng susi. Bagama’t nang makita ng kanyang ina na

nakahandusay ang anak, agad nagpatawag ng ambulansya upang itakbo sa malapit na ospital. Sa

kabutihang palad, naagapan naman ito at binigyan muli ng pangalawang pagkakataon ang buhay

ni Badang. Magmula ‘nun hindi niya na nakita si Jerick sa Unibersidad ng kanyang pinapasukan.

Nagtapos siya ng Cum Laude sa kanyang Unibersidad. Laking tuwa ng kanyang magulang ang

nakamit niyang parangal. Nakamit niya at tuluyan nang nag-asawa si Badang at ‘yun ay kanyang

ang matalik na kaibigan, si Carmela.

“Kung sa bagay matagal na rin ng panahon tumatanda na ang pag-iisip”, wika ni Jerick.

Pumasok na si Badang at ‘dun nakita niya kung saan nagtratrabaho. Makalipas ang umaga at

sasapit na ang dapit-hapon ay pauwi na sana si Badang nang salubungin siya nito ni Jerick.

“Gusto mo bang magkape muna tayo kahit saglit lang?”, ang alok ni Jerick kay Badang. “Ahhh...

Kasi...” hindi pa tapos magsalita si Badang hinarangan na ito ni Jerick “sige na ngayon lang

naman na ‘to ehh at baka huling pagkikita na natin ito. . sinsamantala ko lang ang pagkakataong

ito at baka hindi na maibigay sa akin ng Diyos”, ang mahabang sabi ni Jerick na para bang

namamaalam at nagmamakaawa. “Oh, sige na nga kung sa bagay huli naman na ito ‘di ba?.

“Oo”, ang sabi ni Jerick. Umupo sila sa isang coffee shop at doon itinuloy ang kwentuhan nilang

dalawa. “Mahal mo pa ba ako?” ang walang pakundangan na tanong ni Jerick. Hindi makasagot

si Badang sa tanong ni Jerick ngunit biglang tumibok ng mabilis ang puso nito para bagang

nagtatakbuhan ang mga kabayo na dinig na dinig ang mga yakap ng mga ito. “Ano ba namang
tanong ‘yan?, isang tanong din ang ibinato ni Badang kay Jerick na pilit ipahinuha na may

pamilya na ito at kalian man hindi na sila pwedeng magkabalikan. “Sagutin mo lang ang tanong

ko”, sabay hawak sa kamay ni Badang. “Hindi napigilan ni Badang ang . . . “alam mo sa totoo

lang may pagtingin pa ako sa’yo at ramdam kong mahal pa rin kita”. Walang paligoy-ligoy ay

niyaya ni Jerick si Badang sa isang apartment na kung saan, doon siya tumutuloy. Naulit ang

pangyayari kung saan muntik ng mamatay si Badang. Pumasok ang dalawa sa isang munting

apartment na parang kakaunti lang ang umuupa doon kaya wala masyadong tao. Nagsimula

nanaman ang paglalapit ng kanilang mga katawan, wala na talagang makakapigil pa.

Namamawis sa kaba. Hindi alam ang tama at mali sa kanilang ginagawa. Ngunit nangyari

nanaman ang nangyari noon. Natapos ng alas-dose ang dalawa. Habang ang asawa nitong si

Carmela hindi pa natutulog. Hinihintay ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nagtatanong sa kanyang

sarili, “ano kayang nangayari doon?, nasa mabuti ba siyang kalagayan?, “siguro nag-overtime

lang siya para bukas maaga siyang uuwi kasi anniversary namin?, ang maraming tanong sa

kanyang isip ay wala sa nabanggit.

Kinabukasan, nakatulog na sa sofa si Carmela at di niya namalayan ang pagdating ni

Badang. “Good morning Ma!, ang sabi ni Badang na kitang-kita ang puyat sa kanyang mata.

“Anong oras kanang umuwi?” agad na tanong ni Carmela, “Mga alas-tres di na kita ginising

ehh” ang mabilis na sagot ni Badang. .., “siya nga pala, anniversary natin bukas saan mo gustong

pumunta?” ,dagdag pa nito. Nangiti na lamang si Carmela na parang walang kasalanan ang

asawa. “Kahit saan basta kasama kita..”palambing na sabi Carmela, namumula at kinikilig ang

kanyang dalawang mata.

Ayos-Biyahe-Trabaho.

“Napakabilis ng oras tila ‘di ko yata namalayan hapon na pala” ang sabi ni Badang.
Tinawagan nito si Carmela na magkikita sila sa restawrant malapit sa pinagtratrabahuan niya.

Dali-daling nagbihis si Carmela at pumunta agad sa tinutukoy na restawrant. Kasabay nito tinext

ni Jerick na magkikita sila sa malapit na restawrant ng kanyang pinagtratrabahuan. Walang pag-

aalinlangan ang pagsasabing “okey”. “Nakalimutan na yata niya na may date sila ng asawa niya.

Nagkita nga ang dalawa sa isang restawrant na malapit sa kanyang pinagtratrabahuan. Nawala sa

kanyang isipan ang asawa. Papaalis na ang dalawa patungo sa dating pinangyayarihan ng himala.

Nakita ni Carmela ang dalawa na magkasama at nagtataka bakit umalis si Badang. Tuloy

napaisip siya baka isusurprisa nila si Carmela. “Saan kaya pupunta si Badang kasama pa ata ang

katrabahuan niya.?”, ang tanong ni Carmela sa sarili. Hindi na mapakali sinundan na niya ito

hanggang nasa malayo na sila at parang wala nang balak pumunta sa pinagusapan ng dalawa.

Nakita nito na pumasok ang dalawa sa apartment, may kalayuan sa restawrant sa lungsod ng

kanyang kompanyang pinagtratrabahuan ni Badang.

Habang ang dalawa, sina Jerick at Badang ay hindi alam na sinusundan pala sila ng asawa ni

Badang. Nakarating na rin sila sa kanilang pupuntahan. Tuluyan ng pumasok ang dalawa. Sabay

hablot ng mga suot. Sumilip si Carmela at nalaman nitong may nagaganap na pangyayaring hindi

niya mawari. Galit, pagsisisi, takot , halo-halong emosyun ang naramdaman nito. “Bakit

ganoon?” umiiyak na tumakbo at nagmadaling umuwi sa bahay si Carmela. Wala pa ang

kanyang anak dahil inihatid nito sa kanyang mga magulang upang doon muna matulog. Hindi

alam ni Badang ang nagyaring iyon. Gulong-gulong ang pag-iisip ni Carmela. Gumagaholhol sa

sakit na nararamdaman, nagsitilapon ang ang mga plato at nakita nito ang matalim na tabak.

Nagdilim ang paningin nito, tila sinapian ng labin-tatlong diyablo. Ilang sugat ang naiwan sa

puso ni Carmela, ang tinig ng tabak ay kasabay ng pagkitil sa kanyang buhay, pagtatapos ng

pangyayari na ginawa nila Jerick at Badang na ayaw niyang maging dahilan ng pag-aaway kung
kaya’t pinili na lamang niya na ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa pagmamahalan nilang

dalawa. Nang tumawag si Badang kay Carmela walang sumasagot. Marahil ay tapos na ang

pangyayaring ayaw na niyang balikan. Kaya naman nagpaalam na it okay Jerick at

nagmamadaling umalis. Pagkaway ng kamay ay ang bagong araw ang sasalubungin. Sumakay ng

bus si Badang. At ang salitang nimitiwan ni Badang ay ang paalam ni Jerick, hudyat rin ng

pagpapaalam ni Carmela. Tawag ng tawag si Badang sa kanyang asawa ngunit kasama sa

pagkitil ng buhay ni Carmela ay lakas-loob na pagtalon ni Jerick sa ikaapat na palapag ng

apartment . Sa ilang oras ng pagbiya-biyahe nakarating na si Badang. Ngunit huli na nang

dumating si Badang. Laslas ang pulso ni Carmela. Wala na tong nagawa kundi yakapin at

kandungin. Patuloy sa pag-iyak na tulad ng malakas na paragasa ng tubig mula sa batis . At ang

kanyang unang patak ng luha, kasabay ng pagtalon ni Jerick mula sa apartment.

You might also like