You are on page 1of 12

UNANG SENARYO

" ANG PAMILYA"

: Umuwi ng lasing si Aling Gloria galing sa sugal, kasama ang kanyang mga kaibigan at tila galit na galit.

(Bahay)

Marie: Nay lasing na naman kayo. (sinasamahan umupo ang nanay)

Aling Gloria: Pakialam mo ba! Asan na ang tatay mong magaling ha!

Elmo: Wala pa po! (pagalit niyang sabi)

Aling Gloria: Anong problema mong bata ka? Asan na yung mga napalimos mo!

Elmo: Sumusobra na po kayo nay ginagawa ninyo kaming alipin! Anak nyo rin kame, puro kayo sugal at
alak.

Aling Gloria: Napakadrama mong bata ka akin na mga pera. (kinuha ang pera)

( Dumating ang kanilang Ama na si Mang Emong)

Mang Emong: Bakit kayo umiiyak?

Marie: Si Nanay po kasi...

Mang Emong: Sinaktan na niya na naman kayo.(at biglang may kumatok sa pinto-mga pulis)

Marie:Sino po ya?

Pulis: Nasaan na ang tatay mo?

Mang Emong: Bakit po?

Pulis 2: Tumalikod ka!?(at nakakita ng pakete ng shabu)

Pulis 3: Bakit meron ka nitp ha!? Sumagot ka! (tinulak)

Mang Emong: Hi..hindi ko po alam, hindi po ako gumagamit nyan.

Pulis 1: Nagsisinungaling kapa ha! Kitang kita na ang ebidensya. Sumama ka saamin.

Mang Emong: Hindi ako sasama dahil hindi naman saakin yan. (pumalag si Mang Emong dahil alam
nyang hindi sakanya ang shabu)

Pulis 2:(sinuntok sa tiyan at kinaladkad palabas ng bahay saka binaril)

(Umalis na ang mga pulis)


Nasaksihan ng magkapatid ang nangyari sa kanila ama.

Marie: Itay!!! (umiiyak)

Elmo: Napakasama nila Itay (umiiyak)

Dumating si Aling Gloria sa lugar kung saan pinatay ang asawa.

Aling Gloria: Jusko! bakit nila ginawa sa'yo ito?

Marie:Wala po kayong karapatan umiyak dahil wala kayong ginawa para mailigtas ang itay, puro kayo
sugal at alak hindi nyo nga po kamr pinag aral e.

Aling Gloria: Wala ka ring karapatan sabihin yan hindi mo alam ang pinagdaanan ko. I Patawarin mo ako
na anak, babawi ako sainyo.

(Hindi makapaniwala si Marie sa sinabi ng ina na magbabago na ito. )

Elmo: Ate, naniniwala ka ba kay inay?

Marie: Hindi ko nga alam e. Pero sana totoo yung mga sinabi niya.

Mang Jun: Marie! Marie! Yung nanay mo nakikipag away!!!!

Marie: ha! (nagulat si marie)

(KOMERSYAL)

IKALAWANG SENARYO

"PAG HIHINAGPIS"

(Nakita ni Marie at Elmo na nakikipag away ang kanilang ina (inawat)

Marie: Nay! nay! Tama na po yan!

Elmo: Tama na po iyan.

Marie: Ano po bang nangyari Aling Cora?

Aling Cora: Aba! akalain mo nga naman hindi mo alam ang ginagawang kababuyan ng Nanay mo? Aba
ineng iyang nanay mo nilalande ang Asawa ko! (galit na galit)

Marie : Totoo ba iyon anak? Akala ko po ba babawi kayi saamin? Pero ganito ginagawa nyo?

Aling Grolria : Ginagawa ko'to para sainyo mga anak

Aling Cora : E bobo pala itong nanay nyo e.

Elmo : Sabi kona nga ba nag sisinungaling ka. Hinding hindi ka talaga mag babago, halika na ate
(KOMERSYAL)

IKATLONG SENARYO

" ANG HULING HANTUNGAN"

(Ililibing na ang ama ni Marie at Elmo

Sementeryo (si marie at Elmo nalang ang natira sa harap ng puntod ng ama At nag pa iwan naman ang
kanilang ina)

Elmo: itay, patawad at hindi kita naipag tanggol (umiiyak)

Marie :itay bakit mo kame iniwan

Elmo :tay! Ipinapangako saiyo na hahanapin ko ang mga tinaling pulis na pumatay sayo mga wala silang
awa.

Marie :pangako itay mag aaral kami ng mabuti ni elmo.

(KOMERSYAL)

IKA-APAT NA SENARYO

"PAG TATAKSIL"

Umuwi si aling gloria na may kasamang lalake at lasing na lasing ito. Hindi umimik ang mag kapatid

Aling Gloria: Hoy! Kayong dalawa eto si Emil sya ang bago nyong ama .

Elmo: Hindi naman namin kailangan ng bagong ama. Naghanap kapa.

Emil: aba! Bastus to ah (muntik ng sapakin)

Aling Gloria : hayaan mona sya ganyan talaga yan kulang sa aruga e. (habang kumakain)

Emil: oh, marie halika kumain kana rin.

Marie :(nagulat si marie at hindi alam ang sasabihin) hindi napo tapos na po ako.

Aling Gloria : simula ngayon ay dito na sya titira kaya bigyan nyo sa ng unan at kumot .

Senaryo 7: Isang umaga naiwan mag isa si Marie sa bahay at biglang dumating si Emil. Tumingin si emil
kay marie ng may pag nanasa. Hinila ni emil si marie at tinakpan ang bibig dinala nya ito sa kanilang
kwarto.

Marie : tulungan nyo ako (umiiyak)


Emil: tumahimik ka kung hindi papatayin ko ang kapatid mo. (at hindi na nakakalas si marie kay emil at
ginahasa na ni emil si Marie)

Matapos ang nangyari nakita ni elmo si marie na umiiyak

Elmo: Marie bakit ka umiiyak?

Marie : elmo (sabay yakap) ginahasa ako. (umiiyak)

Elmo: ano!? Sinong gumawa sayo nito?

Marie : si emil (habang umiiyak)

( sa galit sinuntok ni elmo ang pader. )

( Dumating ang nanay nina marie at emil

Aling Gloria : marie ikuha mo nga ako ng tubig bilisan mo!

Aling Gloria: Bakit ang tagal ng babaeng to! Marieeeeeeee!

(sabay pinuntahan sa kwarto)

Aling Gloria : ano bang ginagawa mong! (sabay sabunot kay marie) bata ka! Ha! Kanina pa kita tinatawag
dun! Sabi kong ikuha mo ako ng tubig!! (galit)

Marie : pasensya na po pasensya na nay.

Aling Gloria : bilisan mo!

(Dumating si emil ng lasing) binuksan ni emil ang takip ng ulam at nagalit)

Emil: bat ganto ang ulam wala nabang iba! (sabay tapon ng ulam)

Aling Gloria: Oh! nandiyan ka na pala, Marie! ibili mo nga ng sardinas ang tiyo emil mo, bilis.

Aling Gloria: Marie! ano ba? na bibingi ka na naman.!!

(Nakailang tawag na si Aling Gloria ngunit walang marie na lumabas ng kwarto kaya Pinuntahan niya ito)

Aling Gloria: Hoy babae, Kanina ka pa ah. May sakit ka ba, Ha? Bingi ka ba?

(umiiyak si Marie)

Aling Gloria:Napaka drama mo, anong iniiyak-iyak mo? Artista ka ba para umiyak? (Sabay tulak kay
Marie)
(Lumabas ng kwarto si Aling Gloria para utusan si Elmo, Sabay punta sa banyo)

( Pumasok si Emil sa kwarto kung na saan si Marie at ito ay pinagbantaan)

Emil:Huwag na huwag kang magkakamaling mag sumbong sa nanay at sa kapatid mo,kundi papatayin ko
sila.

(Galit na galit na sabi ni Emil)

Marie: Napaka sama mo. (Pabulong at umiiyak)

KOMERSIYAL

IKALIMANG SENARYO

" BUNGA "

Part 1

(Dumating ang kaibigan ni marie na si Ericka upang mangamusta)

Ericka:

Kwentuhan mo naman ako tungkol sa'yo, Kasi matagal na tayong hindi nag kita.

Marie:

May sasabihin ako sa'yo, Atin-atin lang 'to ha?

Ericka: Sige, Ano ba iyon?

(Hinila ni Marie si Ericka papuntang banyo)

(Biglang tumulo ang luha ni Marie)

Ericka: Anong nangyayari sa'yo? Ha? sabihin mo sa akin.

(Nang hindi inaasahang nag suka si Marie)

(Saktong nag banyo naman ang kanyang ina at na kita niya si Marie na nag susuka)

Aling Gloria: (Biglang hinablot ng ina ni Marie ang kanyang buhok) Malandi kang bata ka!

Marie: Ano pong sinasabi niyo? Masama lang po ang pakiramdam ko.

Aling Gloria:Siguraduhin mo lang kung hindi ay malilintikan ka.


(At lumabas na ng banyo si Marie at si Ericka, Ngunit hindi inaasahang bigla na lang na walan ng malay si
Marie)

Ericka: Marie! Marie! Gumising ka!

Aling Gloria: Marie! Marie!

(Saktong dumating si Elmo at na gulat sa kanyang na kita)

Elmo: Anong nangyari sa kanya inay! (At binuhat si Marie)

KOMERSIYAL

IKA-ANIM NA SENARYO

"BUNGA"

PART 2

(Nasa hospital na sila Marie, Elmo at ang kanilang ina na si Aling Gloria)

Elmo:Oh! Nay si Marie gising na po! Marie, kumusta ang pakiramdam mo?

Aling Gloria:Mahirap na nga lang tayo, binigyan mo pa ako ng problema at ng isipin!! Buti at nakahiram
ako kay Aling Pepay! Hay nako bwisit kang bata ka!

(Dumating naman ang doktor ni Marie)

Doktor:Ma'am itigil mo po iyan. Makakasama po 'yan sa anak mo!

Aling Gloria: Ano ba?! Wala kang karapatang utus-utusan ako! Doktor ka lang dito! At saka ano bang
pakialam mo?! Ha?!

Doktor:Misis! Buntis po ang anak mo! Kaya bawal po sa kaniya ang maistress.

(Na gulat si Aling Gloria sa kanyang na laman)

Aling Gloria: Sinasabi ko na nga ba!!! Malandi ka talagang bata ka!!

Marie:Inay! Mag papaliwanag po ako, 'nay!

( Inawat ni Elmo ang kanilang Ina)

Elmo:Inay! Tama na, Nasasaktan ang ate! At saka kasalanan mo ito eh! Kung hindi niyo pinatira si Tiyong
Emil sa bahay hindi sana mangyayari ito!! (GALIT NA SABI NI ELMO)

KOMERSYAL

IKA-PITONG SENARYO
"ANG PAG LALAYAS"

Matapos ang nangyaring iyon napag desisyunan ni marie at elmo na umalis ng bahay nila at iwan nalang
ang kanilang ina.

Ericka : hali kayo, tuloy!

Marie : maraming salamt ericka sa pag papatuloy mo samin.

Elmo : maraming salamat ericka! Kung hnde dahil sayo baka sa lansangan kami pupulutin

Ericka : nko wala yon basta kayo .

KINA GABIHAN

Niyaya ni ericka si marie sa kanyang pinagtatrabauhan at upang ipakilala ito sa kanyang boss.

Ericka : mag bihis ka at sumama ka sakin ipakikilala kita sa boss ko para hnde masayang yang boses mo.

Marie : Sige sige, para din makapag ipon na ako. (sabay hawi nito sa kaniyang tiyan)

KOMERSYAL

IKA-WALONG SENARYO

"SI ELMO"

(Napag desisyunan ni elmo na mag hanap ng trabaho upang maka tulong ito sa kanyang kapatid. )

Elmo : san kaya ako hahanap ng trabaho.

(nang biglang may tumawag saknya)

Patrick : elmo! Psst! Pare! San ka? Mukhang problemado ka?

Elmo : naghahanap kase ako ng raket e (sabay kamot sa ulo) baka meron ka namang alam dyan?

Patrick : meron akong alam kaso... Baka diml tanggapin.

Elmo : kahit ano pa yan sige

Patrick : osige sinabi mo e. (may kinuha sya sa bulsa nya at patago nyang inabot kay elmo)

Elmo : nako pare hnde ko matatanggap yan, illegal yan pare

Patrick : napaka hina mo naman pala,akala ko ba kailangan mo ng pera? Ito napaka dali ibibigay mo lang
may pera kana.

Elmo : hnde kakayanin ng konsesya ko pre.


Patrick : osige ikaw din

(Habang naglalakad si elmo may nakita syang grupo ng kabataan na sumasayaw. Pinanuod muna ni elmo
ang mga sumasayaw nang biglang may tumawag saknya)

Carlo : hoy! Boy! Gusto mo sumale?

Elmo : a-ah Oo sana kung pwede

Carlo : pakitaan mo nga kame sige

*sumayaw si elmo *

Carlo : wow ang solid ng sayaw mo pree ang galing mo! Tanggap kana.

Elmo : talaga po salamat,kailangan kailangan ko 'to.

KOMERSYAL

IKA-SIYAM NA KABANATA

"SI MARIE"

Natanggap na si marie sa pinag tatrabauhan no ericka.

Ericka : nako! Napakasaya ko Marie dahil natanggap kana, yess at makakapag simula kana.

Marie : oo nga e buti't mabait ang boss mo.

Boss b : Marie, halika isasalang nakita

(hinatid ni boss b si Marie sa entablado kasama ang banda.)

KOMERSYAL

IKA-SAMPU

"PANIBAGONG BUHAY"

Makalipas ang ilang buwan, guminhawa naman ang buhay ng magkapatid at lumalaki narin ang tiyan ni
marie

Marie : ericka, salamat sa pag papatuloy mo saamin ng kapatid ko lilipat nakami sa makalawa

Ericka : talaga bang lilipat nakayo? Diko naman kayo pinapaalis e mamimiss kita marieee (sabay yakap
kay marie) magiingat ka don.

Sa kabilang banda si elmo ay naging masaya sa larangan ng pagsasayaw

Carlo : ano talaga bang last mo na to kasi sayang ka pre.


Elmo : oo e, pero babalik den ako hintayin nyo

Mark : a antayin ka namin pare.

Carlo : tara, paractice na tayo may laban pa tayo mamaya

*sasayaw*

Ken : hay nakakapagod,sigurado ako mananalo tayo neto!

Lahat : :tatawa)

Carlo : o sya magkita kita na nalang tayo mamaya

IKA-LABING ISANG SENARYO

"ANG PAG KIKITA"

Isang gabi sa pinag tatrabauhan ni marie ay mabubunggo nya ang isang costumer sa bar

Marie : maraming salamat po (kakatapos lang kumanta )

(nang Bumaba si marie hnde nya sinasadyang mabunggo ang isang costumer.)

Marie : ay sir sorry po, pasensya na.

Clark : no its okay, just be careful nextime.

(biglang dumating si ericka)

Ericka : ay sir pasensya napo kayo hehe.marie halika na mag iingat ka sa susunod ah buntis kapa naman.

(umalis na sina marie at ericka)

(saktong dumating si elmo)

Ericka : o elmo sakto anjan kana pala

Marie : o bakt may dala kang ganyn.

Elmo : ah eto napanalunan namen to kanina sa dance kontes na sinalihan namen at saka yung perang
napanalunan namen ibinigay nila saken

Marie : ang babait naman ng nga kaibigan mo. Halika na umuwi na tayo.

Ericka: tara na.

KOMERSYAL

IKA-LABING DALAWANG SENARYO


"HINDI INAASAHAN"

Araw ng check up ni marie ngayon kaya dadalaw sya sa doktor na dahil kabuwanan na nya.

(nag hihintay si Marie saknyang doktor pero hnde nya alam na ang doktor nya e ang lalaking nabunggo
nya sa bar)

Marie : magandang umaga po dok!

Doktor Clark : magandang umaga din po misis, oh ikaw pala yan! Yung babaeng singer sa bar.

Marie : doktor po pala kayo! Pero pumupunta kayo ng bar?

Doktor Clark : hm? Bawal ba pumunta ang ganto kagwapong doktor sa bar? Ha?

Marie : hmm. Hnde naman po.

(natawa si marie sa sinabi ng doktor)

Doktor Clark : osya ,ilang buwab na nag dinadala mo?

Marie : 9 months na po ngayon dok.

Doktor Clark : ah 9 months na, osige mahiga kana doon.

*isasara ang kurtina *

Doktor Clark : maupo kana dahan-dahan.

(umupo ang doktor sa harapan ni Marie)

Doktor Clark : sya nga pala, asan na yung tatay ng dinadala mo?

(biglang tumulo ang luha ni marie dahil sa naalala nya ang masasakit na pangyayari sa buhay nya)

Doktor Clark : bakt ka umiiyak?

(itinaas ni Clark ang ulo ni Marie)

Doktor Clark : tignan moko, marie wag kang sususko ha? marami na akong natulungan mga katulad mo.

*isasara ang kurtina*

KOMERSYAL

(katuloy)

Di inaasahan ni Marie ang sinabi ni doktor clark


Marie : nako salamat nalang po dok. Diko po matatanggap iyan.may nahanap narin po kase akong
matitirhan namin.

Doktor Clark : osige, dikita pipilitin pero hayaan mo akong puntahan ka sa bahay nyo upang matignan
ang sitwasyon mo dahil kabuwanan mona

Marie : nako nakakahiya naman po pero sige kung para sa baby ko naman bkt hnde.

Doktor Clark : osige magkita nalang tayo sa mga susunod na araw.

Marie : sige po.

KOMERSYAL

IKA-LABING TATLONG SENARYO

"PAGBABALIK"

Isang umaga nag uusap ang magkapatid tungkol sa pagbabalik aral ni elmo.

Marie : elmo,may gusto akong sabihin sayo, gusto ko sana bumalik ka sa pag aaral

Elmo : talaga ate?? Makakapag aral na ulit ako??

Marie : Oo, gusto ko kase na kahit isa lang saatin e makapag tapos

Elmo : e pano ka naman?

Marie : saka na kapag nanganak naako

(at biglang nay kumatok,sabay bukas ni elmo)

Elmo : sino pong hinahanap nyo?

Dok. Clark : hinahanap ko si Marie? Dito na sya nakatira?

Elmo : ah opo ate ko sya pasok po kayo tatawagin ko lang sya.... Ate! Ate! May bisita ka!

Marie : o dok kayo po pala, hindi man lang kayo nagsabi na ngayon kayo pupunta.

Dok. Clark : hindi ko kase alam ang number mo address mo lang ang alam ko.

Marie : ay ganon po ba upo muna po kayo ,ikukuha ko kayo ng maiinum.

(nagpunta ng kusina si marie at sumunod naman si elmo)

Elmo: nako ate sino yan? Manliligaw mo? (panunukso ni elmo)

Marie : hnde no, doktor sya at ang gustong tumulong saken.


Elmo: hmm talaga ba?

KOMERSYAL

IKA-LABING APAT NA SENARYO

"ANG PAG PAPATAWAD"

Makalipas ng ilang buwan ay nanganak nasi marie at bibisitahin nila ang kanilang ina.

Elmo : tao po? Tao po!

Aling gloria : sino yan? Teka lang,

(nabigla si aling gloria sa kanyang nakita)

Aling gloria : elmo!? Marie! Mga anak ko.

Marie : opo nay, kamusta na po kayo? Anong nangyari sainyo?

Aling gloria : sino yan?? Apo konaba iyan?

Marie : opo inay.

Aling gloria : alam ko na ang buong nangyari patawarin moko marie,gusto ko den humingi ng tawad
sainyong dalawa.napaka wala kong kwentang ina dahil diko man lang kayo napag tanggol at
naprotektahan.

Elmo: wala po yin nay, sa katunayan po nyan e may magandang balita ako sainyo, makakapagtapos
naako.

(nag yakapan)

KOMERSYAL

"IKA-LABING LIMA"

ANG PAG TATAPOS"

Graduation day ni elmo

Elmo delos reyes, Cum Laude

(umakyat nang entablado si elmo upang tanggapin ang kaniyang diploma at medalya

"YES NAKA GRADUATE NAAKO!"

You might also like