You are on page 1of 11

Isang araw dumalaw si Martin sa puntod ng kanyang tatay na si Alfonso at siya ay emosyonal

Martin: Tatay sayang no, sana magkakasama pa tayo kung nagsabi ka lang saken. Tatay
matanong ko lang ayaw mo na ba kaming makasama. Kasi bakit hindi mo sinabi namin na may
sakit ka. Ginawa naman naming ang lahat tay pero ikaw yung bumitaw

Habang siya ay umiiyak nakita siya ng babaeng nagngangalang Maribel at nilapitan ito upang
usisain kung ano ang nangyari

Maribel: Ay, ang gwapo naman pero bakit umiiyak, matanong nga.
Maribel: Uy!, Pogi bakit ka umiiyak gusto mo usap tayo?
Maribel: Teka lang, sino kaba? Baka naman may masama kang pakay saken
Maribel: Uy, wala ito naman ang sungit sungit bahala ka nga dyan! (Siya na nga tong tutulungan)
Martin: Saglit lang, sige na usap na tayo
Maribel: Bakit kaba umiiyak ano bang problema mo?
Neil: Problema ko ba kamo? Naku baka problema ng buong barangay mo eh pinagsama-sama at
ibinigay sa akin ng diyos. Alam mo minsan nakakainis rin yung Diyos ano bakit ba kelangan pa
tayo bigyan ng napakaraming problema!
Maribel: Ayy, naku mali yan! MALI! M-A-L-I!, maling-mali!. Bakit mo sisishin ang diyoss, alam mo
magpasalamat ka pa na ayan lang yun problema na binigay nya sayo, alam mo kung bakit? Kasi
kahit gaanong hirap pa yan madali lang yan kasi Diyos ang nagbigay. Be Thankful!!!. Teka ano
bang pinagdaraanan mo kwentuham mo naman ako baka sakaling matulungan kita
Neil: Yung tatay ko kasi namatay, eh sya yung lakas ko bukod sa nanay at mga kapatid ko mahal
na mahal ko yang mga yan.

Nag-umpisa nang magkwento si Martin kay Maribel ng lahat lahat

Act 2
Ang nanay ni Martin na si Carmela ay palaging sinusundan ng tatay nitong si Alfonso. At dito
nagumpisang mamuo ang kanilang pagmamahalan. Habang naglalakad pauwi si Carmela ay
napansin nitong may sumunsunod sa kanya

Carmela: Naku! kinakabahan na ako may sunod ng sunod sa akin

Alfonso: Booom!

Carmela: Ano ka ba ha? Alfonso kung may masama kang balak sa akin huwag mong tangkaing
ituloy pa dahil sinasabi ko sa iyo hindi lang sa ate ko ikaw mananagot

Alfonso: Ito naman galit agad sinisigurado ko lang naman na ligtas kang makakauwi sa inyo kaya
sana huwag mo itong masamain. Ako na nga tong nagmamagandang loob

Carmela: Sus! hindi ko kelangan ng aaligid sa akin pauwi ng bahay. Kaya ko ang sarili ko!

Alfonso: Oo na carmela, Saglit lang pwede ba akong manligaw sayo?

Carmela: Kung gusto mong manligaw sa akin kaya mo dapat magantay

Hindi tinigilan ni Alfonso si Carmela hanggang sa unti-unti silang magkamabutihan. Umakyat


narin ng ligaw si Alfonso kay Carmela.

Alfonso: Ate Venice, Naydan po ba si Carmela


Venice: Ah oo, naku manliligaw ka na naman ba. Naku! Eh ngayon palang binabalaan na kita pag
itong anak ko iniyakan ka maghahalo ang balat sa tinalupan
Alfonso: Kayo naman po hinding-hindi po iiyak sa akin si Carmela pinapangako ko po.

Venice: Carmela halika nga ayan bang si Alfonso eh mabait. Siguraduhin mo sa akin wag kang
puro patol pag aralan mo rin yang tao maging matalino ka
Carmela: OO ate ano kaba

Hindi nagtagal ay sinagot na rin ni Carmela si Alfonso ngunit sila ay nakalimot sa kanilang mga
gampanin

Nagkita si Alfonso at Carmela sa isang lugar upang sabihin ni Carmela na buntis siya

Alfonso: Bakit mo ba ako tinawagan? Ano bang ginagawa natin ditto?


Carmela: Eh kasi, buntis ako alam kong magagalit si Ate nito saken lalo na at ilang buwan nalang
eh gagraduate na to
Alfonso: wag kang matakot na ipagtapat sa ate mo. Sasamahan kita
magkasama natin itong haharapin.

Kaagad nila itong ipinagbigay alam kay Vernice

Alfonso: Ate Venice may sasabihin po kami sa inyo ni Carmela


Vernice: Buntis ang kaparidko? Tama ba? Tama ba ha?
Alfonso:Opo
Venice: Sinasabi ko na nga ba tama ang hula ko. Huhulaan ko ang susunod mong sasabihin
pananagutan mo ang kapatid ko?, Tama diba? Sumagot ka!
Alfonso:Opo
Venice: Oh eh mukhang pwede ko ng paltan si Madam Auring sa galling kong manghula.
Matatalino kayong tao. Hindi ba kayo makatiis? Aba naman! Carmela ngayon pa kung kailang
gagraduate kana
Carmela: Ate sorry po ginusto naman po naming ito parehas
Alfonso: Ate Venice wag po kayong magalala sisiguraduhin ko po na hindi magugutom ang
kapatid ninyo at ang magiging pamangki nyo hahanap po kaagad ako ng trabaho pagka
graduate
Venice:Ang tanong ba eh makaka graduate ba kayo? Kung oo aba eh maganda, kung hindi anong
ipapalamon mo rosas at tsokolate ha?
Alfonso: Ate Vernice nangangako po ako mairaraos ko po ang magiging pamilya ko

Nagkaroon sina Alfonso at Carmela ng babaeng anak nairaos nilang pareho ng maayos ang
pamilya nila kahit hindi sila nakagraduate. Pinagalanan nila ang una nilang anak na si Emma

Laganap na laganap ang terorismo noong panahong iyom sunod sunod na pagsabog at
pangrerape sa mga babae ang nangyayari. Samantala, ang mga terorista ay nagpaplano na
mangrape ng babae dahil sa trip lamang nila.

Terorista1: Mga brad, ayan yung nakikita ko ngayong magagandang babae


Terorista2: Itong isang ito oh napakaganda mag-eenjoy tayo nito
Terorista3: Mukhang magiging maganda ang celebration naten sa pagkakabomba natin sa bayan
nung isang araw ah
Terorista4: Naku eh tama ka dyan

Magkakapit dilim na at kakaunti na ng tao noong si Carmela ay pauwi galing sa trabaho nito.
Napansin niya na may sumusunod sa kanya at pagkatapos noon ay hindi na niya alam ang
sinapit niya. Nagising na lamang siya sa isang kwarto. Walang wala siyang maalalaat doon na
niya napagalaman na siya ay nagahasa na ng terorista

Terorista: Oh ikaw babae! Pwede ka ng umuwi


Carmela: Walanghiya ka, bastos ka. Anong ginawa mo sakin ang baboy baboy mo!
Terorista: Hoy ikaw babae subukan mo lang na magsumbong papatayin kita kasama na ang
pamilya mo

Labis ang iyak noon ni Carmela. Napagdesisyonan niyang itago ang nangyari sa kanya para na rin
sa kabutihan niya at pamila niya. Makalipas ang ilang buwan ay napagalaman niya na buntis siya
at ang alam ni Alfonso ay siya ang ama nito. Nanalig na lamag si Carmela sa Diyos na bigyan siya
ng lakas

Carmela: Panginoon, nawa po ay tama po ang naging desisyon ko iniisip ko lang naman po ang
kapakanan ko at ng pamilya ko. Gabayan niyo po ako

Kambal ang naging anak ni Carmela sa terorista ito ay sina Martin at Teresa. Parehong matalino
ang magkapatid at ni isang beses ay hindi nila binigo ang mga magulang nila gayon narin si
Emma na naging isang DSWD worker

Kakauwi lamang ng mag-anak galing sa graduation ng kambal at halos mahakot na nila ang lahat
ng medalya

Alfonso: Nakakaproud talaga kayong kambal at ikaw Emma. Kayong kambal ipagpatuloy ninyo
ang kahusayan ikaw naman Emma ipagpatuloy mo ang mabuting gawain.

Emma: Salamat tay, nagmana lang talaga kami sa inyo ni nanay.

Carmela: Ano ba tara ng kumain lumalamig na ang pagkain.

Tinawagan ni Carmela ang kaibigan niyang si Ashley at Kristine upang sabihin ang totoo dahil
hindi na niya ito kayang itago pa

Carmela: Hello Kristine, si Carmela ito pwede ka bang dumaan sa bahay? May sasabihin lang
sana ako

Kristine: Ano ka ba naman! Hindi ba pwedeng dito nalang sa tawag

Carmela: Ano ka ba dumaan kana dito sige na please. Isama mo na rin si Ashley

Kristine: Sige na nga. Intayin mo ako dyan

Nang dumating ang kaibigan ni Carmela na si Kristine ay inamin nito ang buong katotohanan

Carmela: Kristine, Ashley napakatagal ko ng tinatago ito. Hindi ko na kayang itago pa ito sa
pamilya ko. Nakokonsensya na ako. Ano bang gagawin ko

Kristine: Eh teka lang, ano ba yang pinakatatago mo?

Ashley: Tomboy ka?, Hindi kay Alfonso ang mga anak mo, ano ba?!

Carmela: Oo

Kristine at Ashley: Anong oo?


Carmela: Yung kambal ko .. hindi sya kay Alfonso

(Hindi alam ni Carmela na noong panahong iyon ay nakikinig na pala si Alfonso sa usapan nila)

Kristine: Ang ibig mo bang sabihin eh.. Nabuntis ka ng iba

Carmela: Oo, pero nagahasa ako. Nagahasa ako dati pa ng mga terorista tinakot nila ako na
papatayin nila ako at ang pamilya ko kung magsusumbong ako sa ginawa nila sa akin

(Bigla na lamang pumasok si Alfonso)

Alfonso: Anong ibig mong sabihing nagahasa ka

Carmela: Alfonso... Sandali magpapaliwanag ako

Alfonso: Pamilya tayo dapat sinabi mo sa akin

Carmela: Pero inisip ko lang naman ang kapakanan ninyo ni Emma noong panahong ayon. Sana
maintindihan mo ako Alfonso. Patawad Alfonso patawad..

Alfonso: Carmela... Aaray ko carmela

Bigla na lamang natumba si Alfonso. Kaagad humingi ng tulong si Carmela upang maisugod si
Alfonso sa ospital. Laking pasasalamat na lang at naiabot pa ng buhay si Alfonso sa Ospital.
Kaagad sumugod ang tatlong magkakapatid sa ospital upang makita ang kondisyon ng kanilang
Ama.

Teresa: Nay! Anong nangyari kay tatay? Nasaan sya

Carmela: Mga anak huwag na kayong mag-alala ayos na ang tatay nyo ha. Magtiwala lang tayo
mga anak

Samantala....

Kristine: Ano mare may balak ka bang sabihin din yan sa mga anak mo?

Carmela: Baka hindi na muna lalo na at sa panahon ngayon sa sitwasyon namin

Kristine: Sige mare mauna na ako ha. Pakatatag ka

Kinausap ng Doktor si Carmela

Doktor: Misis hindi na po kinakaya ng suporta ang asawa ninyo kailangan na po natin siyang
isabak sa operasyon

Carmela: Naku dok eh magkano po ba ang kailangan

Doktor: Malaki laki rin po misis nangangailangan kayo ng mahigit isang milyon

Carmela: Wala na po bang iba pang paraan dok? Eh sa ngayon po eh bitin pa po kami sa pera eh

Doktor: Misis may mga option pa naman po tayo. Una po ay kung lalapit po tayo sa mga
foundation pero pahirapan pong makalapit doon. Pangalawa po ay kung ipapatanggal ninyo ang
mga aparato ng mister ninyo. Kung ako sa inyo misis ipapatanggal ko na lang ang aparato ng
asawa ninyo dahil pag naopearahan sya hindi pa po natin masisigurado na gagaling siya. Pero
pagisipan nyo rin po misis hindi po ako ang magdedesisyon
Carmela: Sige po dok pag-iisipan ko po

Doktor: Sige misis aantayin ko nalang po ang desisyon ninyo

Dumaan si Carmela sa simbahan

Carmela: Diyos ko, tulungan po ninyo ako nadito na naman po ako sa punto ng pagdedesisyon
kung ano man po ang magiging desisyon ko sana po ay maging mabuti ito kung hindu po
maganda ang magiging desisyon ko patawad po.

Kinabukasan

Carmela: Dok, nakapagdesisyon na po ako

Doktor: Kung ganon po ay tara na po

Carmela: Patawad Alfonso... patawad


Tumawag si Carmela sa magkakapatid para ipaalam ang nangyari sa kanilang tatay pero ililihim
niya na pinatanggal nito ang aparato ng kanilang tatay

Carmela: Mga anak ang tatay ninyo wala na

Martin: Nay wag kang magbiro ng ganyan hindi susuko ang tatay nay diba

Carmela: Anak mabuti pa pumunta kana dito haaa

Dumating na si Martin sa ospital at nakita ang walang buhay na mahal niyang ama

Martin: Tataaaayyyy, bat mo kami iniwan tayy. Tayy gumising ka gumising ka tayyy

…..
Ashley: Carmela nabalitaan ko yung nangyari kay Alfonso nakikiramay ako

Carmela: OO mare, pero mare ako na kasi ang tumapos sa bahay niya
Ashley: Ha?
Carmela: Pinatanggal ko yung aparato niya wala rin kasi kaming pangsuporta
Ashley: Naku eh alam bay an ng mga anak mo?
Carmela: Hindi mare, ikaw lang pinagsabihan ko sana wag na itong lalabas ha
Ashley: Sige mare

Habang nakalamay ang kanilang ama ay may nalaman silang sikreto na itinatago nk Teresa

Emma: Teresa ano yan ha? Anong ibig sabihin nito ha? Kailan pa to?

Carmela: Teresa naman anak, huwag naman ngayon ano ba to, nabibiro kaba anak huwag kang
magpakamatay

Teresa: Nay nabuntis ako at ipinalaglag ko yung bata nay nagsisisi ako gusto kong bayaran yung
pagkakamali. Nay pasensya nay nilihim ko sa inyo

Carmela: Naku anak ano ka ba naman. Anak mabigat na kasalanan yan

Martin: Nay anong nangyayari dito


Carmela: Anak itong kapatid mo si Teresa

...

Martin: Diyos ko, bakit sa pamilya ko pa po. Una tatay ko pangalawa yung sanang magiging anak
ng kapatid ko. Ano bang kasalanan ko. Kasalanan namin. Bakit ako pa. Bakit kami pa.

Makalipas ang ilang araw ay nailibing na si Alfonso at ditto pa lamang maguumpisa ang mga
problema ni Martin. Matapos mamatay ang tatay ni Martin na si Alfonso ay sumunod naman
ang kapatid ni Alfonso na si Domeng.

Maribel: Naku kawawa ka naman pala pero hayaan mo alam ko malalampasan mo yan dakila
ang diyos
Martin: Salamat ha, ano nga palang pangalan mo?
Maribel: Maribel
Martin: Ako nga pala si Martin, oh sya mauna na ako ha
Maribel: Sige pogi, mag-iingat ka este Martin

…..
Emma: Napaka walang puso naman ng pumatay kay tiyo Domeng. Napakabait kaya niyang tao
Teresa: Ate hindi moba nabalitaan napagtripan lang si Tiyo ang alam ko eh ninakawan ata sya
tapos hinabol tapos ayun napatay sya
Emma: Nakita na ba yung gumawa nito sa kanya?
Teresa: Nakakulong na raw Ate

Nagulat na lamang si Emma sa kanyang Nakita na ang pumatay pala sa kanyang Tiyo Domeng ay
ang batang kanyang tinulungan

Emma: Diba ikaw yung batang tinulungan ko? Anong nangyari sa iyo? Naku po sinayang mo ang
pangalawang pagkakataon

Bata: Pasensya na po gusto ko lang naman pong magaya sa mga mayayaman na tao at tsaka
hindi ko naman poi to ginusto naimpluwensyahan lang po ako at dahil na rin sa walang-wala ako

Emma: Bata, hindi pa huli ang lahat hindi pa huli

Samantala….

Si Martin ay hindi pa rin matanggap ang nangyari sa kanyang ama. Siya ay nagmumuni-muni
hanggang sa dumating ang isang hindi niya kilalang babae at sila ay nag-usap

Babae: Hi, mukhang pareho tayong may pinagdaraanan no?

Martin: Ikaw may pinagdaraanan? Hindi halata sayo ha

Babae: Oo, hindi ko lang pinahahalata dapat you need to always keep smiling kahit na ano pang
problema ang pinagdaraanan mo, Spread Positivity kumabaga, diba bongga

Martin: Namatay ang tatay ko, sya yung lakas ko at ang pamilya ko. Yung kakambal ko muntik ng
magpakamatay dahil pinalaglag nya yung sana eh magiging anak nya, hindi kona rin alam
Babae: Yun na yon? Biro lang ako naman nagpositive sa HIV at muntik na rin akong
magpakamatay nalulong din ako sa droga dahil sabi nila masaya daw magdrugs but I choose to
smile at all times no matter what kahit na sad ako I still smile I want to spread positivity and
positivity starts with me. Enjoy life biyaya sayo yan ng panginoon. At ayan ang yaman mo.

Martin: Alam mo napakapositive mong tao! Hanga ako sayo, Salamat ha. Oh paano ba mauna na
ako ha

Babae: Sige mag-iingat ka and don’t forget to spread positivity and to smile

Sa kanyang pag-uwi ay malalaman na niya ang lahat lahat sa kaibigan ng kanyang ina na si
Kristine at Ashley.

Ashley: Kristine alam mo ba yang si Carmela. Hindi ginamit ang utak napakatalinong tao eh hindi
nag-iisip.
Kristine: Pano mo naman nasabi tungkol bay an doon sa kambal? Yung hindi niya sinabi ang
totoo
Ashley: Hindi lang yon yung pagkamatay ni Alfonso. Hindi Diyos ang bumawi ng buhay sa kanya.
Si carmela
Kristine: Paanong si Carmela? Aba e kainaman
Ashley: Mare alam mo ba na pinatanggal ni Carmela ang mga aparato na nakakabit kay Alfonso
dahil di umano hindi na raw nila kaya ang gastos
Kristine: Eh alam ba ng mga anak niya?
Ashley: Ayun na nga hindi pa nila alam at mukhang walang balak ipaalam ni Carmela dahil
nagdesisyon syang mag-isa
Kristine: Minsan hindi ko na nga rin maintindihan eh kung yan bang kaibigan naten eh may
pagpapahalaga pa bas a pamilya mukhang wala nga
Ashley: Naku tumataas lang ang dugo ko dyan kay Carmela
Martin: Anong ibig sabihin ninyo tungkol sa aming kambal
Kristine: Martin nadyan ka pala naku wala yon ito naman. Kamusta ka
Martin: Alam kong hindi lang wala yon. At tsala ano yung sinasabi ninyong si Nanay ang bumawi
ng buhay kay tatay, Sabihin ninyo sakin!
Ashley: Martin mas Mabuti siguro kung sa Nanay mo nalang manggagaling

Carmela: Oh, Martin kumain kana


Martin: Nay, ano yung tungkol saming kambal at kay tatay
Carmela: Ha? Wala anak bakit mo naman natanong
Martin: Eh nay ano! Wala lang yung pinagtsitsismisan nina Aling Ashlet at Kristine. Nay umamin
kana. Ano ba yun nay??
Carmela: Anak wala, wala akong sikretong tinatago sa pamilya natin, anak mahal na mahal ko
kayo
Martin: Nay ano ba!!
Emma at Teresa: Anong nangyayari ditto?
Martin: Oh ayan nay ngayon nyo na aminin si Tatay nalang kulang. Sige umpisahan mo ng
ikwento ang mga kasinungalingan mo
Carmela: Mga anak wala akong tinatago
Martin: Nay ano ba!!!!
Carmela: OO na oo na anak, nagkamali ako, napakarami kong pagkakamali pero hindi ko ginusto
na itago yun sa inyo
Martin: Ah hindi nyo ginusto. So bakit hindi naming alam ha nay? Bakit?
Carmela: Mga anak patawad, patawad patawad
Teresa: Eh, ano bang sinasabi ninyong sikreto?
Carmela: Martin at Teresa mga anak, hindi ang tatay Alfonso ninyo ang tunay nyong ama. 3 taon
noon ang ate ninyo nang magahasa ako ng mga terorista. Tinakot nila ako na papatayin nila ako
at ang tatay nyo at si Emma kaya nanahimik nalang ako. Patawad Martin at Teresa kung ang
tagal kong itinago. Patawarin nyo ko

Martin: Nay, kung Malaki ang kasalanan nyo samin mas Malaki kay tatay, paano nyo nagawang
ipatanggal ang aparato nya? Ha nay? Ni hindi nyo man lang sinabi sa amin, Nay kayang kaya
naming ipanghingi si Tatay. Bakit ka nagpadalos dalos ano nay, ayaw na bang kasama si tatay?
Ganon ba yon?

Emma: Totoo ba yun nay? Nay naman tanggap kona itinago sa amin ang tungkol sa kambal pero
nay, yung kitilin mo ang buhay ni tatay, para mo na ring pinutol ang kasiyahan ni tatay at
kasiyahan naming

Martin: Nay alam nyo bang sa ginawa ninyo. Masasabi ko na napaka walang kwenta mong
nanay

Carmela: Walanghiya ka, ano bang nagging basehan mo ha? Wala akong ibang inisip kundi ang
kabutihan ninyo. Yung nangyari sa tatay niyo. OO alam kong mali. Pero alam ko na doon sya
magiging komportable. Hindi nyo ako naiintindihan.

Martin: Pero nay mali kapa rin hindi mo man lang kami natanong

Carmela: Dahil ayaw ko rin kayong mahirapan. Sinubukan ko lang na maging mabuting ina sa
inyo. Tinago ko ang katotohanan na nagging dahilan ng pagkamatay ng tatay nyo

Emma: Anong dahilan nay?

Carmela: Nagtalo kami ng tatay niyo dahil nalaman niya na anak kayo ng terorista nagalit sya sa
akin at inatake sya sa puso

Martin: Nay ano sisirain mo nalang tong pamliyang to. Sana pinatay mo nalang kami isa-isa

Carmela: Martin san ka pupunta anak, Emma anakkk. Teresa.

Sa paglalakad ni Martin mula pag-alis sa kanyang bahay ay siya ay nahimatay at tinulungan ng


isang di kilalang lalaki. Siya ay nagising sa isang kwarto

Martin: Sino ka? Anong ginagawa ko ditto?

Lalaki: Nahimatay ka sa daan tinulungan kita

Martin: Bakit armado ka?

Lalaki: Terorista ako pero nagbabago na ako pinagsisihan kona lahat ng nagawa ko. Marami
akong napatay minsan pumatay ako dahil sa kagustuhan ko sa isang bagay at minsan dahil sa
selos. Kung nabalitaan mo yung bankong hinostage kami yon dahil gusto naming ng maraming
pera.Mga kagubatan na walang nakatira sinusunog namin at mga planta dati pinapasabog
naming dahil sa pera Hindi ko lang labis maisip na dahil sa mga kagustuhan ko gumagawa ako ng
masama. Ikaw ba? Mukhang may pinagdaraanan ka rin

Martin: Marami hindi kona iisa isahin pa sige na mauna na ako Salamat sa pagbabanntay
Lalaki: Ganon ba sige mag-iingat ka
Salamat kahit isang beses nakasama kita anak ko

….
Carmela: Hoy Ashley at Kristine akala ko ba sa atin lang ang usapan pero bakit nakarating kay
martin??
Ashley: Carmela pasensya na, pinagkukwentuhan ka lang naman namin eh, hindi naman naming
alam na nadyan na pala si Martin
Carmela: Kahit na napakawawalang kwenta ninyong kaibigan
Kristine: Aba! Aba! At kami pa ikaw nga tong walang kwentang ina at asawa. Huwag mong sa
amin yan isisi dahil ikaw tong walang kwentang ina
Carmela: Huwag kayong kung makapagsalita ha. Hindi nyo ako naiintindihan mga walang
kwenta!

….
Ilang araw ding hindi inuwian ng magkakapatid si Carmela. Muling nagkita si Maribel at Martin

Maribe: Uyyy Martin, kamusta ka? Malungkot ka na naman ba? Mukhang mas malungkot ka
ngayon ah
Martin: Oo, tama ka. Nalaman mo ba naman na yung nanay ko ay sya pa mismong pumutol sa
buhay ng tatay ko. Tapos ako pala hindi yung iniiyakan ko ngayon yung tatay ko. Anak pala ako
ng terorista mula sa pagkakagahasa ng nanay ko dati
Maribel: OMG kawawa naman yung nanay mo, at ikaw rin pati narin tatay mo
Martin: Bat ka naman maaawa sa nanay ko eh para nya na ring pinatay yung tatay ko dapat nga
sa kanya nawawala na rin sa mundo eh
Maribel: Ayyy naku! Shut up! Pssst! May dahilan kung bakit yun ginawa ng nanay mo. Alam
kong mali pero forgive her give her another chance. Diyos nga marunong magpatawad dapat
ikaw din.
Martin: Ikaw talaga di moko naiintindihan
Maribel: Bahala ka nga dyan mauna na ako

….
Nakatanggap si Neil ng tawag mula sa kanyang kapatid na si Emma na isinugod ang kanilang ina
sa ospital dahil naaksidente ito sa bahay

Emma: Martin ang nanay


Martin: Anong nangyari?


Doktor: Kritikal ang kondisyon ng nanay ninyo maraming dugo ang nawala sa kanya kailangan
niyang Salinan ng dugo.
Emma: Ganon po ba sige po dok

….
Nagbabantay si Martin sa kanyang ina sa Ospital hanggang sa parang may narinig itong bulong
na nagtutulak sa kanya na gumawa ng masama siya ay matutukso at muntik na niya itong
magawa

Martin: Ikaw wala kang kwenta. Walang kwentang nanay dapat sayo namamatay kaya heto ang
sayo.

Maribel: Martiiiin, ano bang gagawin mo


Martin: Ah Maribel wala may aayusin lang ako kanina ka pa ba?

Maribel: Ngayon lang din kararating lang kukumustahin ko lang sana ikaw at nanay mo

Martin: Saan mo nalaman?

Maribel: Ah, wala nabalitaan ko lang

Makalipas ang ilang araw ay nagising na si Carmela at laking pasasalamat nila sa Diyos at kaagad
itong nakalabas

Carmela: Uhmm mga anak, aalis paba ulit kayo? Ayo slang din naman

Martin: Nay hindi na po

Emma at Teresa: Ganon din po kami nay

Carmela: Ganon ba, naku Salamat mga anak ha. Galit pa ba kayo sa akin

Martin: Nay, narealize po namin na lahat tayong tao nagkakamali, kaya nay patawad po.

Carmela: Patawad din ..

Emma: Nay, napakarami ng sorry ang nabitawan nyo hindi na po kelangan

Martin: Nay kayo po ang nanay naming dapat po namin kayong igalang at doon po kami
nagkulang patawad po

Carmela: Salamat mga anak Salamat..

..
Nangumpisal si Carmela, Martin at Teresa dahil sa kanilang mga nagawa

Ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Alfonso sa puntod nito

Carmela: Maligayang kaarawan mahal!

Martin: Tay maligayang kaarawan mahal na mahal ka naming

Carmela: Oh mga anak magsikain na tayo

Martin: Maribel??
Maribel!!

Maribel: Oh Martin, Kamusta ka? Mukhang maginhawa kana ah. Masaya ako para sayo

Martin: Naku oo Salamat sayo ha

Napalingon lamang ng saglit si Martin ay nawala na kaagad si Maribel

Carmela: Anak sino bang kausap mo dyan tara kain na tayooo!

Martin: Sige nay ayan naaa!

You might also like