You are on page 1of 10

HARAYA

Narrator: Tunay ngang pag-ibig ay makapangyarihan na kahit sino't ano pa man ay


hindi ito mapipigilan. Ating tunghayan ang kuwento tungkol sa pag-iibigan ng
dalawang taong nagmamahalan.
SCENE 1

Latrize:
"Ikalabing-anim ng hulyo, araw ng kapakanakan ko. Palakat ang tanging narinig
matapos ako'y isinalang sa loob ng apat na sulok na silid.Almaya, nabuong ngalan na
lubos na pinag-isipan ng aking minamahal na magulang. Dalawang pung taon nang
naninirahan sa mundong ginagalawan at nagdudusa sa katahimikan."

Latrize:
"Marahan kong sinuwelyuhan ang plumang hawak at isinara ang talaarawang sinulatan .
Maya maya'y nakarinig ng katok mula sa pintuan."

Erika:
"Mahal kong Prinsesa, paumanhin kong ika'y naabala. Ipinababatid ng iyong amang
hari na magsisimula na ang pagdiriwang at kayo na lamang ang hinihintay."

Latrize:
"Pakisabi'y ako'y susunod na."

Latrize:
"Tumayo sa inuupuang silya't tinungo ang harap ng salamin. Pinakatitigan ang wangis
ng sarili hanggang dumapo ito sa matang walang kabuhay-buhay. Walang nakakaalam at
'di maiintindihan ng kahit sino man ang mga emosyon nitong nilalaman."

Latrize:
"Matapos ayusin ang sarili'y,hinawakan ang segundurya ng pintuan at binuksan ng
dahan-dahan.Marahang naglalakad hanggang umabot ng hagdanan. Habang bumaba'y
maayos ang tindig, bawat tapak ng paa'y may ibayong pag-iingat, at iniiwasang
makalikha ng kahit anong ingay dahil ito'y kabastusan para sa mga bisita."

Shemuel:
"Tila ika'y natagalan."

Narrator:
Mahihimigan ang gali't inis sa himig ng kanyang ama na si Haring
Krisanto.Nanatiling tinikom ni Almaya ang kanyang bibig at tinungo ang silyang nasa
may entablado.Umupo na lamang sa silyang katabi ng trono ng kanyang ama't ina na
ngayo'y namayapa na. Silyang sumisibolo sa kanyang katayuan at kapangyarihan.
Makalipas ang ilang sandali'y pinagmasdan ni Almaya ang mga bisita't buong
bulwagan. Nang dumapo ang mata ni Almaya sa mga bisita'y pinakatitigan niya ang mga
ito. Ang bawat pares ng mga mata nila'y nakatingin sa kaniya na may paghanga't
paggalang. Gayun pa man, batid niya ang mga ito'y pagbabalat-kayo lamang, kalakip
ang inggit,inis at galit na nararamdaman ng mga ito sapagkat, nais nilang makuha
ang kinatatayuan niyang trono't hawak na kapangyarihan.

Latrize:
"Naputol ang aking pag-iisip ng tumayo si ama mula sa kaniyang silya. Pinukaw niya
ang mga atensyon ng mga bisita sa pamamagitan ng pagsasalita."
Shemuel:
"Ngayong nasa wastong gulang na ang aking anak. Nararapat na siya'y humanap ng
kasintahan.Magsisimula na rin ang paghahanap ng karapat-dapat na binata para maging
kaniyang kabiyak. Dahil dito'y magsisimula na ang paligsahan upang patunayan ang
inyong mga sarili bilang karapat-dapat na tumayo't umupo sa entabladong ito."

Narrator:
Napintig ang tainga ni Almaya sa tinuran ng kanyang ama. Lalo sumama ang kaniyang
naramdaman nang magpaskil ng malademonyong ngiti ang kaniyang ama.

Latrize:
"Tila isang liyon ang kanyang ngiti, isang mapusok at mapanglinlang,kahit ano mang
sandali'y walang pag-aalinlangan na sakmalin ang biktima sa oras na kumilos na
taliwas sa kaniyang kagustuhan. Napukaw ng aking atensyon nang marinig ang ilang
bisitang nagbubulungan. Kita ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng ilang
kalalakihan. Sapagkat, mayroon na silang pagkakataon mas lalong umangat at
magkaroon ng kapangyarihan.Mga gahaman sa kapangyarihan.

Narrator:
Napatigil at napatahimik ang bulong-bulungan sa loob ng bulwagan ng magsalita si
Haring Krisanto.

Shemuel:
"Tila'y hindi na kayo makapaghintay, kung gayon sisimulan ang pagligsahan bukas. Sa
oras ng magpalit ng gabi't liwanag."

Narrator:
Sumilay ang kasiyahan sa mga kalalakihan, samantalang, nanatiling tinikom ni Almaya
ang bibig kahit ito'y labag sa kabiyang kalooban.Wala siyang karapatan upang
hadlangan o tutulan ito.Matapos ang anunsyo ni Haring Krisanto'y tinungo niya ang
mga bisita.Prenteng nakaupo si Almaya sa silya't hinihintay nag oras ng pagtatapos
ng kaniyang kaarawan.

Latrize:
"Sa labis na pagka-inip,napiling lisanin ang bulwagan kahit ito'y mahigpit na
pinagbabawalan ni ama dahil ito'y kabastusan sa mga bisita. Pinagmasdan muna kung
nakatingin si ama't humanap ng pagkakataon upang isagawa ito.
Napiling pumunta na lamang sa aking loob ng silid."

SCENE 2

Narrator:
Sa pagpapalit ng gabi at liwanag,sinumulan na ang paligsahan sa malawa na bakuran
ng palasyo.Halos isang daang kalalakihan ang naririto upang sumali at masungkit ang
tagumpay. Samu't saring kalalakihan ang naroroon mayroong may mas bata kay Almaya,
mayroong mas matanda at mayroong kasing edad niya. Mayroon silang bitbit na iba't
ibang uri ng armas kagaya ng sibat,espada at palakol.Samantalang si Almaya at ang
kaniyang ama'y nasa itaas ng entablado.

Shemuel:
"Bago magsimula ang paligsahan nais kong ipabatid sa inyo ang sino mang mananaig sa
pinakahuling yugto ng paligsahan, ang siyang hihirangin bilang kabiyak ng aking
anak."

Narrator:
Matapos sabihin ito ni Haring Krisanto'y tila nabigay inspirasyon sa mga
kalalakihang susubok na makuha ang tagumpay.

Shemuel:
"Almaya, hindi ko nagustuhan ang iyong biglang pag-alis sa pagdiriwang kagabi."

Latrize:
"Patawad ama, hindi na ito mauulit muli."

Shemuel:
"Iyo lamang siguruhin, hindi kita pinalaki bilang lapastangan. Maaari ka nang
bumalik sa iyong silid."

Latrize:
"Huminga mo na ako ng malalim at nagpaalam kay ama. Mabibigat ang hakbang na
tinungo ang papasok ng palasyo. Magmula ng mamayapa si Ina,sinumulan na kontrolin
at manipulahin ni ama ang mga taong kanyang nasa paligid. Kaniya itong itinuturing
bilang isang laruan na maaaring paglaruan kahit anong oras niya gustuhin. Hindi ko
nagugustuhan ang kaniyang pagmamanipula at pagkontrol sa akin, ngunit labag ito sa
aking kalooban ay wala akong karapatan upang hindi ito sundin. Hindi ko
nagugustuhan ang takbo dito sa loob ng palasyo at lalong-lalo na ang paghahanap ng
mapapangasawa ko't nobyo. Siya ang may kagustuhan niyan,kung gayun bakit hindi siya
ang magpakasal sa mga ito?"

Narrator:
Simula sa murang edad ay namulat na ang isipan ni Almaya. Patungkol sa buhay ng mga
maharlika. Reputasyon at kapangyarihan ang pinakaiingatan upang hindi madumihan ang
kanilang ngalan. Isa na roon ang kaniyang Ama,bilang isang duke napilitan siyang
pakasalan ang ina ni Almaya para sa kapangyarihan at karangyaan. Tunay na minahal
ng kaniyang ina hanggang sa huling hininga nito ang kaniyang ama.Gayun pa man, sa
tagal ng kanilang pagsasama'y batid ni Almaya na kahit kailan man hindi minahal ng
kaniyang ama ang kaniyang ina. Nang pumanaw ang kaniyang ina na nag-iisang anak ng
hari't reyna ng kahariang Larsiska, kaya't bilang kabiyak ng reyna si Haring
Krisanto. Ito ang pumalit sa kaniyang posiston bilang isang Hari't pinuno ng buong
bansa.

Latrize:
"Pagpasok ko sa silid, mayroong planong nabuo sa aking isipan.Hindi ako maaaring
makulong rito. Kailangan kong humanap ng paraan upang makatas rito. Ilang araw na
lamang ako'y nakahandang itatali sa hihiranging ginoo bilang aking kabiyak. Hindi
ko hahayaang hawakan ako ni ama sa leeg at paikutin sa kaniyang palad."

SCENE 3

NARRATOR:
Katulad ng plano ni Almaya'y sinimulan niyang ligpitan ang mga kagamitan at
inilagay sa loob ng kaniyang aparador. Samantalang nilagay naman niya ang
mahahalagang kagamitan katulad ng kasuotan, pagkain, pluma, tinta at talaarawan sa
loob ng tela at binuhol ito.Nagulat siya na biglang mayroong kumatok sa kaniyang
pintuan. Pinakiramdaman niya muna ito at dagliang inilagay ang tela sa ilalamin ng
kaniyang kama. Mabibigat ang hakbang na tinungo niya ang pintuan.

Erika:
"Mahal na prinsesang Almaya kayo'y ipinatatawag ng iyong ama."

Latrize:
"Pakisabi'y ako'y susunod na."

Erika:
"Tila ika'y balisa, anong iyong nararamdaman? Ayos lamang ba ang iyong kalagayan?"
Latrize:
"Wala lamang ito Mara, maaari ka nang umalis."

Erika:
"Magsabi ka ng katotohanan, alam kong mayroong bumagabag sa iyong isipan?Sa tagal
nating pagkasama'y kabisado ko na ang iyong kinikilos."

Narrator:
Pinakatitigan ni Almaya ang katiwalang si Mara bago nagpakawala ng bunting-hininga
bago dahan-dahang hinila ito papasok sa loob ng kaniyang silid. Kaniyang sinabi ang
kaniyang planong nabuo. Walang labis at walang kulang, mga dahilan ay kaniyang
isiniwalat.

Erika:
"Naiintindihan kita Almaya, nais kong ika'y mag-ingat sa desisyong iyong nabuo.
Palagi kang magpapadala ng liham at ako mismo ang magiging espiya mo sa loob
nitong palasyo."

Latrize:
"Maraming salamat Mara,ako'y lilisan na bago pa sumapit ang liwanag. Hanggang sa
muli, Mara, paalam."

Narrator:
Matapos magpaalam ni Almaya sa katiwalang si Mara'y lumabas muna si Mara at
nanatili sa labas ng pintuan upang magmatiyag sa paligid. Samantalang, pinagbuhol-
buhol naman ni Almaya ang telang nakita niya sa loob ng kaniyang silid at
pinagtagpi-tagpi ito.Matapos pagtagpi-tagpiin ay inihagis niya ito sa labas ng
kaniyang malaking bintana. Nang masigurong umabot ito hanggang sa ibaba, sinimulang
bumaba ni Almaya. May ibayong pag-iingat ang kaniyang ginawa upang hindi makalikha
ng kahit anong tunog. Nang siya'y makababa, dagliang tinungo ang bakuran kung saan
siya lamang ang nakakaalam. Matapos makalabas ng bakuran, napatigil muna siya at
naging emosyonal sapagkat, sa unang pagkakataon napagmasdan niya ang labas ng
palasyo naglakad siya ng naglakad hanggang makarating sa kung saan.

SCENE 4:
Latrize:
"Sa aking paglalakbay, tiyak kung ako'y nakalayo na sa kaharian at ako'y nasa ibang
bayan. Nang makaramdam ng kapaguran ay huminto mo na ako sa isang kuweba't napiling
doon magpalipas ng gabi. Inilatag ko ang aking nakuhang isang yarda ng tela at
pansamantalang inilatag sa lupa. Patag ang napiling latagan at latagan kaya't
natitiyak kong hindi ako masusugatan. Matapos kong ilatag ito'y inilabas ko ang
maliit na banga na naglalaman ng tubig.
Matapos kong uminom ay napiling umupo na lamang at hindi mapigilan mag-isip na
maaaring maganap sa akin sa susunod na panahon. Hanggang sa bumigat na ang talukap
ng aking mata."

Narrator:
Sa pagsapit ng liwanag, nagkakagulo sa loob ng palasyong Larsiska sapagkat, batid
na ng hari na nawawala ang kaniyang anak. Dahil dito'y mabilis na kumalat ang
nangyari sa buong bansa. Ideniklarang nawawala ang mahal na Prinsesa mula pa
kagabi. Nagpadala ng mga kawal si Haring Krisanto sa iba't ibang sulok ng bansa
upang ipahanap ang kaniyang anak at ipagtanong it. Malaking suliranin sa mga
mamayanan sapagkat, kailanman hindi nila natanaw ang hitsura ng Prinsesa.

Latrize:
"Nagising ako dahil sa kaluskos na aking naririnig mula sa paligid, tila ito'y
isang mabangis na hayop. Naghahanap ng kaniyang biktima.Dagliang akong naalerto at
kinuha ang maliit na patalim sa telang aking dala."

Narrator:
Lingid sa kaalaman ni Almaya'y nasa kaniyang likuran ang sapantaha niyang mabangis
na hayop.

Roy:
"Binibini, wari ko'y 'di ka tagarito, sino ka at anong pakay mo sa lugar na ito?"

Narrator:
Nagulat ng bahagya si Almaya ng maramdaman ang taong nasa kaniyang likuran at
nakaramdam ng pangamba dahil nasa kaniyang leeg ang patalim na hawak nito. Gayun pa
man, hindi niya ito pinahalata sa taong ito.

Latrize:
"Sa tingin mo'y sasabihin ko sa iyo ang totoo?Sino ka sa akala mo? Para pagbataan
ako ng ganiyan."

Roy:
"Itikom mo na lang ang iyong bibig at sagutin ang aking katanungan.Nais ko lamang
malaman kung ika'y isang kalaban ng sa ganoon mapaslang na kita ngayon din."

Latrize:
"Nilalang ang dami mong satsat, kahit anong gawain mo hindi ko sasabihin kung sino
ako."

Roy:
"Kung ganoon ay tila'y hindi mo na maaabutan ang iyong kaarawan sapagkat, natitiyak
kong ngayong araw ang iyong kamatayan."

Latrize:
"Nilalang, 'di wari ko'y iyan ay purong kasinungalinganang sapagkat, ito'y ating
pagkikita at sa palagay kao'y magiging huli't matatanaw mo na si kamatayan."

Narrator:
Napuno ng galit at inis sa kanilang puso, kaya't hindi mapigilan ang magkaroon ng
matinding tensyon sa pagitan nila. Dagliang inapakan ni Almaya ang paa ng nilalang
kaya't napadaing ito sa sakit. Kinuha ito ni Almaya bilang pagkakataong sugurin
ito. Napatigil siya sandali dahil kaniyang napagmasdan ang hitsura ng nilalang,
ito'y isang lalaki't may takip na tela ang kaniyang mukha. Nagkaroon ng matinding
labanan sa pagitan nila hanggang sa...
'Di sinasadyang napigtal ang telang suot ng lalaki dahil sa pagdapo ng patalim ni
Almaya rito.

Latrize:
"Dahan-dahang naalis ang telang tumatakip sa kaniyang mukha. Napatigil sa era ang
kamay ko kalakip ang hawak na patalim dahil dumapo ang aking mga mata sa mata ng
ginoo. Ako'y natigilan at umurong ang tapang ko sapagkat nasa aking harapan ang
isang mikisig na ginoo.Mahahabang pilik mata,mapupulang labi't kaakit-akit niyang
mga mata. Na
kakahipmotismong pakatitigan ang kaniyang mga mata. Tila'y ito'y nangungusap.
Dahan-dahang bumaba ang kamay, sa sandaling ito'y nakatitig lamang sa isa't isa.
Hindi ko maipahiwatig ang nangungusap niyang mata."
Narrator:
Sa sandaling pagkakatitigan ng dalawa'y, napukaw ng atensyon nila ng mga kaluskos
at yapak sa paligid. dali-daling pumnta sa madilim na bahagi ng kuweba't
nagtago.Pinakiramdaman nila ang paligid, may naririnig silang mga yapak tungo sa
iba't ibang direksyon. Makalipas ang ilang sandali'y nawala na ito, nagkatitigan
ang dalawa.

Roy:
"Inuulit ko ang aking katanungan kanina lamang bakit ka naririto binibini?anong
pakay mo, ikaw ba'y isang kalaban?"

Latrize:
"Hindi mo na kailangan malaman kung sino ako at para iyong malaman hindi ako isang
kalaban at hindi rin ako kakampi. Itigil na natin ang sumbatan na ito't ako'y
lilisan na."

Narrator:
Inayos ni Almaya ang kaniyang kagamitan at umalis sa loob ng kuweba. Nagpatuloy
siyang maglakbay at sinunod kung saang direksyon pupunta ang kaniyang mga paa.
Samantalang, ang ginoo'y umalis na rin matapos ang sandaling pag-iisip ng malalim.
Sa paglalakbay ni Almaya'y kahit isang pagkakataon ay hindi siya nakaramdam ng
gutom. Patuloy lang siyang naglalakbay habang malalim ang iniisip. Dinala ng
kaniyang mga paa sa isang napakarikit na lugar. Biglang nakuryosidad si Almaya
tungkol dito kaya't tinungo niya ito hanggang sa...

Latrize:
"Napakagandang pagmasdan, kariktan nitong tila'y hardin. Maraming makukulay na
bulaklak, malalagong puno't puno ng mga prutas ang mga ito gaya na lamang ng
mansanas, mangga, saging at iba pa. Napatigil ang pagmamasid ni Almaya ng makarinig
muli siya ng yapak. Dagliang siyang humanap ng mapagtataguan. Nang makilala ang
nilalang na ito'y lumabas siya sa pinagtataguan."

Latrize:
"Wari ko'y masama ang loob sa akin ni Bathala, sapagkat, laging nakakatagpo ang
ating landas."

Roy:
"Ako'y iyong ginulat binibini, sa palagay ko'y ako'y malas sapagkat, sa pangalawang
pagkakataon ikaw ay nakita."

Narrator:
Patuloy lamang ang sumbatan ng dalawa parang sila'y tunay na magkaaway. Malapit
nang lumubog ang araw ng hindi umaalis ang dalawa sa may hardin.Nanatiling nakaupo
sa ilalim ng malaking puno.

Roy:
"Binibini, ikaw ba'y mananatili hanggang sa pagsapit ng dilim?"

Latrize:
"Wala akong matutulayan kaya't sa aking palagay pansamantalang mamamalagi rito.
Ikaw ginoo wala ka bang balik lisanin ang lugar na ito?"

Roy:
"Sa katunayan, ako'y walang matutuluyan kaya't ilang araw, linggo't buwang
naglalakbay sa kagubatan."

Latrize:
"Magkatulad pala tayo ng nararanasan, batid ko'y tayo'y magkakasundo sa paglipas ng
panahon."
Roy:
"Sa aking palagay, hindi mangyaysri iyon dahil ako'y panandalian lamang sa mundong
ito."

Latrize:
"Anong ibig mong sabihin ginoo, sapantaha mo na ba ang iyong kamatayan kaya't
nabibigkas mo iyan?"

Roy:
"Hindi, ngunit ito'y walang halong kasinungalinganang kundi purong katotohanan."

Narrator:
Sa papalapit ng pagsapit ng gabi, napagdesisyonang manatili ng dalawa sa hardin.
Naghanap ang ginoo ng mga pansigang kahoy. Matapos makahanap at makakakuha dinala
niya ito patungong ilalamin ng puno kung saan naroon si Almaya. Sinumulan niyang
paapoyin ang mga ito hanggang siya'y matapos. Kinuha naman ni Almaya ang tinapay
niyang dala't binigyan ang ginoo. Tahimik lamang silang kumakain habang nakatitig
sa sigang nag-aapoy. Naputol ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila ng
magsalita si Almaya.

Latrize:
"Ano ang ngalan mo ginoo?"

Roy:
"Ako'y si Magnus.Ikaw binibini ano ang ngalan mo?"

Latrize:
"Almaya."

Narrator:
Marapos magpakilala sa isa't isa'y namayani ang katahimikan, naputol muli ito ng
magsalita si Almaya.

Latrize:
"Ang daming pagkakataon sa ating buhay na hindi mapigilan mag-isip tungkol sa iba't
ibang bagay. Ang buhay ay puno ng misteryoso at hindi alam kung paano. May
hangganan ngunit hindi alam ang patutunguhan. Laging sumasagi sa aking isipan bakit
ako nabuhay sa mundong ito. Kung purong pighari at paghihirap ang nararansan ko.
Anong silbi't nabuhay pa ako kung sa ganoon ay ganito ang sasapitin ko. "

Roy:
"Wari ko'y may mga dahilan, maraming dahilan ngunit hindi masasabi ng sino
man,walang nakakaalam. Bagkus ito'y iyong matutuklasan at mauunawan mo ang dahilan
kapag ito'y iyong natuklasan. Ang buhay ay panandalian lamang, karamihan ay
masuwerte dahil nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundo sa kabila noon may mga
pinagkaitan ng pagkakataong mabuhay. Sa panahon ngayon, karamihan gustong mamatay
ngunit sila'y binibiyayaan ng mas mahabang buhay. Samantalang, ang ibang
kagustuhang mabuhay sila ang pinagkakaitan ng kapalaran."

Latrize:
" Naalala ko ang aking ina, kagustuhan niyang mabuhay ng matagal kasama ako at ang
aking ama. Ngunit pinagkaitan siya ng kapalaran, hindi ko manalang naramdaman ang
pagmamahal ng isang ina, na kailaman ay hindi ko naranasan."

Narrator:
Hindi mapigilang bumuhos ang emosyon ni Almaya at ito'y napaluha na. Kaya't kusang-
loob siyang nilapitan ni Magnus upang patahanin, patuloy pa rin sa pag-iyak si
Almaya hanggang sa makatulog ito sa balikat ni Magnus."
Roy:
"Almaya, konting sandali na lamang ako'y lilisan na."

Narrator:
Lumipas ang mga araw, nanatiling naninirahan si Almaya at Magnus sa hardin. Matapos
ng gabing iyon, naging tulay upang mabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nila.
Nakagaan ng mga kalooban sa isa't isa. Samantalang, sa loob ng palasyo'y patuloy pa
rin ang paghahanap kay Prinsesang Almaya, naudlot na rin ang paligsahang naganap
ilang buwan na ang nakalilipas. Hanggang sa isang araw, naisipang puntahan ni
Almaya ang katiwalang si Mara sapagkat, pinangako nitong hahanapin siya. Lubos ang
pagtataka ni Almaya kung bakit ilang buwan na ang nakalilipas, wala ni aninong
nahagilap niya ang katiwalang si Mara. Kaya't bumuo ang pangamba sa kaniyang
kalooban. Nagpagdesisyonang tumungo sa palasyo upang hanapin ito.

Latrize:
"Magnus, may nais lamang akong puntahan, ako'y babalik din."

Magnus:
"Almaya, alam ko na ang katotohanan na ika'y isang prinsesa kaya't lubos na
mapanganib kung ika'y aalis sa lugar na ito."

Latrize:
"Ngunit, nais kong malaman ang kalagayan ng aking kaibigang katiwalang si Mara
sapagkat, kanyang sinabi na hahanapin niya ako upang magbigay-alam tungkol sa
pangyayari sa palasyo. Nangangamba ako dahil sa aking palagay may hindi magandang
nangyari sa kaniya."

Magnus:
"Kung sa ganoon ako'y sasama sa iyo."

Narrator:
Buong tapang at lakas na naglakbay ang dalawa patungong palasyo. Hindi alintana ang
panganib na darating. Inihanda nila ang kanilang mga patalim kung sakaling may
hindi kaaya-ayang mangyayari. Sa ilang oras na paglalakbay, natanaw ng dalawa ang
napakatayog na palasyo. Tinungo ni Almaya at Magnus ang bakuran ni pinagdaan ni
Almaya noong siya'y tumakas. Nagpasikot-sikot sa sulok ng palasyo, maiingat ang mga
galaw. Ngunit 'di sinasadyang matuklasan ang isang lagusan, sa kanilang palagay
ito'y daan patungong loob ng palasyo. Maingat na pinasok ito, patuloy lamang nilang
sinusundan ang tuwid na daan hanggang sa... Makaamoy sila ng masangsang na amoy
tila ito'y dugo ng tao. Hanggang sa paglalakad natanaw nila ang mga dugo sa sahig,
sinundan ang mga mantsa ng dugo. Ngunit napatigil sila ng makarinig na tila'y
nagsasalita.

Shemuel:
"Mahal kong asawa't reyna, patawad dahil ikaw ay aking pinaslang ngunit alam mo
namang 'di kita mahal pero pinagpipilitan pa rin ako ng mga magulang kong ipakasal
sa iyo. Para sa kapangyarihan at trono kaya't wala akong nagawa kung hindi sundin
na laman sila. Hindi ko sinasadyang ika'y mapaslang dahil hindi ko makukuha ang
trono kung hindi ko kaya papatayin ng mahal mong asawa. Buti nga't inaruga ko ang
inyong anak, ngunit masyadong siya lapastangan, masyadong mapusok. Sa pagkakataong
siya'y makita, paalam sa kaniya."

Narrator:
Napintig ang tainga ni Almaya sa naeinig,tila'y naubusan siya ng lakas dahilan
upang mapaluhod at mabitawan ang patalim na hawak. Dahilan upang makalikha ng
tunog. Kaya't nagtaka si Haring Krisanto sa narinig dali-dali niyang kinuha ang
patalim at tinungo ang paroroonan nito.

Roy:
"Almaya, umalis ka na rito, lumabas ka na mapanganib dito!"

Latrize:
"Hindi maaari, sasama ako sa iyo, papaslangin ko ang lapastangan kong ama."

Narrator:
Tinungo ni Almaya ang karoroon ng kanyang itinuturing na ama.Hanggang sa nagtagpo
ang landas nito,napunta ang mata ni Almaya sa mga katawang punobg-puno ng dugo,
labi na nanlumo si Almaya sa nakita, ang kaniyang ama,ina at kaibigang si Mara'y
nakahandusay sa sahig.

Shemuel:
"Mahal kong anak, narito ka pala, pagmasdan mo, wari ko'y mas maganda kung ika'y
dito'y kasama."

Narrator:
Dahil sa galinna naramdaman biglang sinugod ni Almaya si Haring Krisanto na walang
halong dalawang pag-iisip. Dagliang namang pinigilan ni Magnus Si haring Krisanto
ng muntikan ng padaplisan ng patalim si Almaya.Nagkaroon ng labanan sa pagitan ni
Magnus at Haring Krisanto hanggang sa tulayan nang natamaan ng patalim si Haring
Krisanto. Dahan-dahang humandusay sa sahig ito. Samantalang, niyakap ni Almaya si
Magnus. Nagsimulang umiyak si Almaya kaya't hinigpitan ni Magnus ang pagkakayap
dito.

Roy:
"Tahan na Almaya,tigil na mahal ko. Tapos na ang kuwento."

Narrator:
Nabigla si Almaya sa tinuran ni Magnus kaya't lalo siyang napaiyak at hinigpitan
ang yakap dito.

Latrize:
"Tapos na ang kuwento, Magnus, mahal ko.Maraming salamat sa iyo."

Narrator:
Makalipas ang sandaling ay tumahan na si Almaya kaya't naputol ang pagyayakapan ng
dalawa. Nagkatitigan ang dalawa na tila'y kinakabisado ang hitsura ng isa't isa.
Hanggang naputol ang titigan ng magsalita si Magnus.

Roy:
"Ngunit, Almaya hanggang dito na lamang ako, lisanin mo na ang mundo ko, hindi
nararapat na ika'y manatili rito.Kailanman hindi tayo magkakatagpo sapagkat, ako'y
tauhan lamang sa libro."

Latrize:
"Hindi kita maunawaan Magnus, anong kasinungalinganang sinasabi mo?"

Roy:
"Hindi ito kasinungalinganang Almaya, kailanman hindi ako nagsinungaling sa iyo."

Narrator:
Ang lito na nararamdaman ni Almaya ay napalitan ng kaba sapagkat may unti-unti
lumiwanag.Rumehisto ang takot sa mukha ni Almaya at Magnus.
Latrize:
Hindi totoo itong nakikita ko.
Panaginip lamang ito.
Hindi niya ako iiwan--

Latrize:
"Magnus!!!"

Roy:
"Patawad, paalam, mahal ko."

Narrator:
Mahinang sabit ni Magnus, dali-daling hinawakan ni Almaya ang kamay ni Magnus at
hindi ito pinakakawalan.Ngunit malakas ang puwersa ng liwanag. Ang kamay na
magkahawak ay unti-unting naghiwalay.Tuluyan ng nilamon ng liwanag si Magnus.

Present time:

Latrize:
Nagising akong namumugto ang mata habang pilit na inaaninag ang paligid. Nang
matauhan ay hinagilap ang presensiya ni Magnus.Naglibo-libot ang aking mga mata sa
kapaligiran, napagtantong ako'y nasa ilalim ng puno. Pilit hinahagilap si Magnus
ngunit hindi ko mahagilap si Magnus.Napukaw ng atensyon ko ang nasa tagilirang kong
libro.HARAYA, ang pamagat ng libro. Dala ng malakas na indak ng hangin, kusang
bumuklat ang libro hanggang ito'y napunta sa ikahuling pahina. Aking itong binasa't
nakasad dito ang...

"KUNG ANG PAG-IBIG NG DALAWA'Y TULUYAN NILANG KIKILALANIN.ANG NAKATAKDANG


PAGBABALIK NG ISA SA KANIYANG TUNAY NA MUNDO'Y MANGYAYARI RIN.SAPAGKAT, HINDI
KAILANMAN MAAARING UMIBIG ANG ISANG TUNAY NA TAO SA TAUHANG NAGMULA SA LIBRO.

NARRATOR:
TUNAY NGANG ANG PAG-IBIG AY MAKAPANGYARIHAN NA KAHIT SINO MAN AY HINDI
MAPIPIGILAN.DITO NA NATATAPOS ANG KUWENTO. SANA'Y MAY NAPULOT KAYONG ARAL SA AMING
SIMPLENG PRESENTASYON.

You might also like