You are on page 1of 6

KABANATA 55

ANG KAGULUHAN

Tagapagsalaysay: Oras na noon ng hapunan ngunit ayaw kumain ni


Maria Clara kaya nagdahilan na lamang siya na walang ganang kumain.
Niyaya niya ang kanyang kaibigan na si Sinang sa piyano at doon ay
nagbulungan ang dalawa. Hindi mapakali ang magkaibigan sa paghihintay
kay Ibarra na darating sa ika-walo ng gabi.

Sinang: Makikita mo kung hindi matitira ang fantasmang iyan hanggang sa


a las ocho — kanyang ibinulóng, na itinuturo ang kura; dapat siyang
pumarito pagka a las ocho. Gaya rin siya ni Linares na umiibig.

Tagapagsalaysay: Pinagmasdan ni Maria Clara ng buong panghihilakbot


ang kanyang katotong babae. Hindi napagmasdan nito ang gayong bagay,
kaya’t nagpatuloy ang katakot-takot na masalingata

Sinang: Ah! Nalalaman ko na kung bakit ayaw umalis kahit


pagpasaringgan ko, ayaw magkagugol sa pag-iilaw ng konbento! Nalaman
mo na? Mula ng magkasakit ka, muling pinatay ang dalawang lamparang
dating pinasisindihan… Datapuwa’t tingnan mo kung ano ang guinagawang
anyo sa mga mata, at kung paano ang pagmumukha!

Tagapagsalaysay: Si Padre Salvi naman ay palakad-lakad sa may


bulwagan samanatalang kasalukuyang kumakain noon si Linares.
Ipinagdarasal ng magkaibigan na umalis na sana ang “multong” si Padre
Salvi.

Tagapagsalaysay: Nang sumapit ang ika-walo ay napaupo sa isang sulok


ang pari. Iyon kasi ang nakatakdang oras ng paglusob sa kumbento at sa
kwartel. Ang magkaibigang Maria at Sinang naman ay hindi malaman ang
gagawin.

Tagapagsalaysay: Nang tumunog ang kampana, silang lahat at tumayo


para magdasal. Siya namang pagpasok ni Ibarra na luksang-luksa ang
suot. Tinangka pa siyang lapitan ni Maria ngunit biglang umalingawngaw
ang sunod-sunod na putok.

Tagapagsalaysay: Tinugtog ng sandaling iyon ng relos sa bahay ang a las


ocho. Nangatal ang kura at naupo sa isang sulok.
Sinang: Darating na! Naririnig mo ba?

Tagapagsalaysay: Ani niya at kinurot si Maria Clarb

Tagapagsalaysay: Hindi makapagsalita si Ibarra na napapatda. Si Padre


Salvi ay nagtago sa likod ng haligi. Panay ang dasal ni Tiya Isabel
samantalang ang magkaibigang Sinang at Maria ay nagyakapan na
lamang.

Tia Isabel: Christe eleyson! Santiago, nagaganap na ang hula… sarhan


mo ang mga bintana!—ang hibíc niya

Capitan Tiago: Limampung bombang malalaki at dalawang misa de


gracia! Ora pro nobis!—ang tugon naman niya

Tagapagsalaysay: Unti-unting nananag-uli ang kakilak-ilabot na


katahimikan… Naririnig ang tinig ng alférez na sumisigaw at tumatakbo:

Aktor: Padre kura! Padre Salvi! Hali kayo!

Tia Isabel: Miserere! Humihingi ng konpesyon ang alférez!—ang kanyang


sigaw

Linares: May sugat ba ang alférez? Ah!—ang sa kawakasay itinanong

Tagapagsalaysay: At ngayo'y kanyang nahiwatigang hindi pa pala


nangunguya ang naaa kanyang bibig.

Aktor: Padre kura, hali kayo! Wala nang sukat ikatakot!—ang ipinatuloy na
sigáw ng̃ alférez.

Tagapagsalaysay: Sa kawakasay minagalíng ni Pari Salvi na namumutla,


na lumabas sa kanyang pinagtataguan at manaog sa hagdanan.

Aktor: Pinatay ng mga tulisan ang alférez! Maria, Sinang, pasa kwarto
kayo, trangkahan ninyong magaling ang pinto! Kyrie eleyson!
Tagapagsalaysay: Napasa hagdanan naman si Ibarra, baga man sinasabi
sa kanya ni Tia Isabel

Tia Isabel: Huwag kang lumabas at hindi ka nakapangungumpisal, huwag


kang lumabas!

Aktor: Sa pangaw! Lagyan ng esposas ang mga kamay! Dalawang putok


agad sa kumilo! Sargento, magtatag kayo ng bantay! Walang magpapasyal
ngayon, kahit Diyos! Huwag kayong matutulog, kapitan!

Tagapagsalaysay: Nagtumulin ng pagpatungo sa kanyang bahay si


Ibarra; hinihintay siya ng kanyang mga alila na malakí ang balisa

Tagapagsalaysay: Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay narinig


ang putukan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. Samantala, ang
mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay ang sigaw ng,
“Tulisan… Tulisan…” Kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng
biglaan ay nagpatuloy lamang ang putukan at silbatuhan.

Tagapagsalaysay: Nang matapos ang putukan ay pinapanaog ng Alperes


ang kura. Si Ibarra ay nanaog din samantalang ang magkaibigan ay
pinapasok ni Tiya Isabel sa silid. Hindi na nakapag-usap ang
magkasintahan. Mabilis na naglakad si Ibarra patungo sa kanyang bahay.

Tagapagsalaysay: Pagdating sa bahay, inutusan agad ni Ibarra ang


kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Sa gabinete ay isinilid
niya sa kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at
larawan ni Maria. Isinukbit din niya ang dalawang rebolber at isang
balaraw.

Ibarra: Siyahan ninyo ang lalong pinakamagalíng na kabayo at kayo’y


matulog!—ang sa kanila’y sinabi

Tagapagsalaysay: Nang sandaling iyo'y tatlong kalabog na malalakas ang


tumunog sa pinto.

Ibarra: Sino iyán?—ang itinanóng niya ng tinig na malungkot.


Aktor: Buksan ninyo sa ngalan ng hari, buksan ninyo agad o igigiba namin
ang pinto!—ang sagót sa wicàng castilà ng̃ isáng tinig na mahigpit ang
pag-uutos.

Tagapagsalaysay: Tumingin sa bintana si Ibarra; nagningning ang


kanyang mga mata at ikinasa ang kanyang revolver; datapuwa’t
nagbagong isipan, binitiwan ang mga sandata at siya rin ang nagbukas ng
nangagdaratingan na ang mga utusan. Pagdaka’y hinuli siya ng tatlong
guardia.

Sargento: Parakip po kayo sa ngalan ng Hari!

Ibarra: Bakit?

Sargento: Doon na sasabihin sa inyo, bawal sa amin ang sabihin.

Tagapagsalaysay: Nagdilidiling sandali ang binata, at sa pagkat aayaw


siya marahil na makita ang kanyang mga paghahanda sa pagtakas,
dinampot ang sombrero’t nagsalita

Ibarra: Sumasailalim po ako ng inyong kapangyarihan! Inaakala kong sa


sandaling oras lamang.

Sargento: Kung nangangako kayong hindi tatakas, hindi po namin kayo


gagapusin, ipinagkakaloob po sa inyo ng alférez ang biyayang ito. Ngunit
kung kayo'y tumakas….

Tagapagsalaysay: Sumama si Ibarra, at iniwan ang kanyang mga alilang


nanhalalagim. Samatala’y ano na ang nangyari kay Elias?

Tagapagsalaysay: Paalis na sana siya ngunit bigla na lamang itong


nakarinig ng malakas na pagputok sa pintuan at tinig ng isang kawal na
kastila. Lalaban sana siya ngunit mas piniling bitawan ang kanyang baril at
buksan ang pinto. Isinama siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.

Tagapagsalaysay: Samantala, sa kabilang dako naman ay gulong-gulo


ang isip ni Elias. Pumasok siya sa bahay ni Ibarra ngunit parang sinusurot
ang kanyang sariling budhi. Naaalala kasi niya ang sinapit ng kanyang
angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang
ama. Tila ba lahat sila ay tinawag siyang duwag.
Tagapagsalaysay: Nanikluhod sa buhangin si Elías

Elias: Patí ba naman ikaw!—ang ibinulong na iniunat ang mga bisig.

Tagapagsalaysay: Pagpasok sa bahay ay nadatnan niya ang katulong ni


Ibarra na naghihintay sa kanilang amo. Nang nalaman niya ang sinapit ni
Ibarra ay nagkunwari na siyang umalis. Ngunit ang totoo ay umakyat ito sa
bintana patungo sa gabinete.

Tagapagsalaysay: Doon ay nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat,


alahas at baril. Kinuha niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa
sako saka inihulog sa bintana. Nakita niya ang pagdating ng mga sibil.
Isinilid niya sa isang supot ang larawan ni Maria pagkatapos ay nagtipon
ng mga damit at papel. Binuhusan niya ito ng gas at saka sinilaban.

Tagapagsalaysay: Samantala, ang mga kawal ay nagpupumilit na


pumasok. Ayaw silang payagan ng katiwala dahil wala silang pahintulot
mula sa kanyang amo. Mapilit ang mga ito kaya tinabig ng kawal ang
matanda at mabilis silang pumanik. Ngunit ng makarating sa gabinete ay
sinalubong sila ng makapal na usok ng apoy. Saka nagkaroon ng malakas
na pagsabog kaya dali-daling umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal
kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Tagapagsalaysay: Panahin na nga, iginigiba na ng mga guardia civil ang


pintuan.

Directorcillo: Pabayaan ninyo kaming pumanhic upang aming kunin ang


mga papel ng inyong panginoon !—

Matandang lalaki: May dala ba kayong pahintulot? Kung wala’y hindi kayo
makapapanhik

Tagapagsalaysay: Ngunit pinatabi siya ng mga guardia civil sa


kakukulata, pumanhik sila sa hagdan… datapuwa’t isang makapal na aso
ang siyang pumupuno sa bahay, at pagkalalaking mga dila ng apoy ang
siyang nangagsilabas sa salas at dinidilaan ang mga pinto't bintana.

Mga Aktor: Sunog! Sunog! Apóy!—ang ipinagsigawan ng̃ lahát.


Tagapagsalaysay: Humandulong ang lahat upang mailigtas ng bawat isa
ang makakaya, ngunit dumating ang apoy sa maliit na laboratoryo at
pumutok ang mga naroroong bagay na madadalíng mag-alab. Napilitang
umurong ang mga guardia civil, hinaharangan sila ng sunog

Tagapagsalaysay: Na umuungal at niwawalis ang bawat maraanan.


Nawalang kabuluhang kumuha ng tubig sa balon, sumisigaw ang lahat,
ang lahat ay nagpapagibik, datapuwa't sila’y nalalayo sa lahat.

Tagapagsalaysay: Narating na ng apoy ang mga ibang kabahayan at


napaiilanglang sa langgit, kasabay ng paimbulog ng malalakíng
nagpapainog-inog na aso. Nalilipos na ng apoy ang buong bahay

Tagapagsalaysay: Lumalakas ang hanging nasasalab, mula sa malayo'y


nangagsisirating ang ilang mga taga bukid, ngunit dumarating sila roon
upang mapanood lamang nila ang kagulat-gulat na siga, ang wakas ng
matandang bahay, na pinagpitagang mahabang panahon ng apoy, tubig at
hangin.

WAKAS NG KABANATA

You might also like