You are on page 1of 63

KONTEMPORARYONG PANITIKAN

(FIL 124)

GROUP 5

Reporter # 3

Ipinasa Kay:

Dr.Debbie M. Cruspero

Ipinasa Nina:

Cristelle Kisha Labrador

Samirah B. Coro

Rahman Dalundong

Donnie Tunggo

Nilda Nazareno

Jerryl Alegre

Ivershan Bodegas
TULA
“Sa Aking Mga Kababata”
Jose P. Rizal

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Talambuhay ni Rizal

Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang bayani ng Pilipinas. siya ay


isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. anag kaniyang mga
magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora Alonzo.nag-
aral siya ng Medisina at Pilosopiya noong 1885nsa Unibersidad ng Santo Tomas
at Unibersidad Central de Madrid. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi siya ng
Pilipinas at nagtatag siya ng samahan na tinawag na La Liga Filipina. Ang
Layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang
pag-unlad ng komersiyo, industriya ng agrikultura. bago siya namatay ay naisulat
ang “Mi Ultimo Adios” (ang huling paalam) upang mamulat sa mga susunod pang
henerasyon na maging makabayan. ang isa sa pinaka tanyag niyang akda ay
ang EL FILIBUSTERISMO at ang NOLI ME TANGERE na ang layunin ni Riza sa
pagsulat nito ay upang mapukaw ang reboludyonaryong damdamin ng mga
Pilipino.

PAGSUSURI______________________________________________________

I. Kayarian

 Uri - Tulang Liriko o Tulang pandamdamin (Lyric Poetry)

 Pagpapaliwanag

Ito’y tulang liriko sapagkat ang makata ay nagpapahayag sa


kaniyang damdamin ukol sa pagmamahal sa wika.
nanghihikayat din ito sa lahat ng Pilipino na mahalin at
tangkilikin ang sariling wika.

 Ritmo/Indayog
A. Sukat
Unang saknong - ito ay may sukat na lalabing dalawahin
bawat taludtod.
Ikalawang Saknong – meron din itong sukat na lalabing
dalawahing pantig bawat taludtod.
Ikatlong Saknong - meron din itong sukat na lalabing
dalawahing pantig bawat taludtod
ikaapat na saknong – Ang una hanggang ikatlong taludtod
ay may l alabing dalawahing sukat samantalang ang sa
ikaapat na taludtod ay meron lamang labing isa sukat.
Ikalimang Saknong - meron din itong sukat na lalabing
dalawahing pantig bawat taludtod.
B. Tugma
Ang mga tugma sa bawat saknong at taludtod

 Unang saknong
Ang uri ng tugma ay “ Tugma sa kayinig o consonance
(Di-ganap) sapagkat ang mga salita sa huling pantig ay
nagtatapos sa katinig
Umiibig
Langit
Masapit
Himpapawid
 Ikalawang Saknong
Ito ay tugmang katinig o conssonace (D-ganap) sapagkat
nagtatapos sa katinig ang huling pantig.

Kahatulan
kaharian
kabagay
kalayaan
 Ikatlong saknong
Ito’y tugmang Patinig o Assonance (ganap) sapagkat
nagtatapos sa Patinig ang nasa hulihang salita ng taludtod.

Saalita
isda
kusa
nagpala
 Ikaapat na saknong
Ito ay tugmang katinig o conssonace (D-ganap) sapagkat
nagtatapos sa katinig ang huling pantig.

Latin
Anghel
tumingin
atin
 Ikalimang saknong
Ito’y tugmang Patinig o Assonance (ganap) sapagkat
nagtatapos sa Patinig ang nasa hulihang salita ng taludtod.
Iba
Letra
sigwa
una

II.Anyo

 Tono
 pagiging makabayan
III. Pagsusuri
 Paksa
 Pagmamahal sa sariling wika
 Simbolismo
 Ibon - sumisimbolo sa pagiging malaya
IV. Istilo
 Ang istilo ng may akda ay pangkaraniwan sa iba. gumamit lamang
ito ng konteng mga salita na matalinghaga.

tayutay

Pagwawangis (Methapor)

Ang pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang dalawang


bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay ng iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito
sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian o gawain ng isang
bagay sa bagay na inihahambing.

Patunay:

Ang hindi magmahal sa kaniyang salita


mahigit sa hayop at malansang isda

Paliwanag

inihambing ang taong walang pagmamahal sa wika sa isang hayop at


malansang isda. direkta itong hinambing at hindi gumamit ng mga salitang gaya
ng tulad, gaya abp.

Pagtutulad (Simile)

Ang pagtutulad o simile ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang


magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa.

Halimbawa:
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan

paliwanag
Ang pahayag na ito ay isang pagtutulad sapagkat itoy
ginamitan ng salitang “tulad”
V. Paglalapat ng Teorya

1. Pagdulog Moralistiko

 Tumutukoy at tumatalakay sa pagpapahalagang ginagamit.


Pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang
nakapaloob sa kakda. dito ang tao ay makatwiran. nilikha na may
malawak na pag-iisip at kaayusang loob. Gabay sa atin kung ano
ang mabuti, tumpak at ktwiran batay sa batas ng Diyos at tao. ito’y
nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan, isipan at damdamin ng
tao (Pama, 2012)

Halimbawa:

Bisa sa kaasalan

 Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga


kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa (Pama, 2012).

“Pagkamakabayan”

Patunay

Kapagka ang baya'y sadyang umiibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Paliwanag

Sa talatang ito ng tula, makakakintal sa isipan ng mambabasa na hindi


imposibleng makamit ng isang lipunan ang kalayaan pag ang tao’y nagmahal sa
kaniyang sariling wika.

Isyu
ayon sa abs-cbn news noong January 15, 2017, naging makahulugan
ang instagram post ni Robin Padila kasunod ng pinag-usapang pambabatikos
niya sa 20 anyos na Korean sa Pilipinas Got Talent(PGT) noong sabado, Enero
13, 2017

Sa instagram post ni Padilla, tampok ang retrato ni Apolinario Mabini at ang


bandila ng katipunan. kalakip nito ang mensaheng “Filipino Hospitality is different
from slavery and stupidity. mahalin mo ang bayan mo at ang lahi mo lalo na ang
wika mo bago ang lahi at bayan ng dayuhan”

Always fight for your freedom to gain respect, never allow a forein power
to intimidate you in your country just because they are rich. Be a proud Filipino!!!
mabuhay ang lahing kayumanggi, mabuhay ang tagalog Republic.!!

Bisa sa Damdamin

Tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong


damdamin matapos mabasa ang akda (Pama, 2012)

“Mapagmahal”

Patunay

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala

Paliwanag

Sa Talatang ito, kapag iyong basahin ay mapapaisip ka at magkakaroon


ka ng hiya sa iyong sarili sapagkat malalagay sa isipan mo at matatanong ang
sarili kung Pilipino ba ako?, minamahal ko ba ang sariling wika ko? anu bang
klaseng pagmamahal meron ako sa sariling wika ko? at dito ka magkakaroon ng
hiya sa iyong sarili.
Isyu

(July 1) Nagtipon ang mahigit 200 na mga guro, manunulat, mananaliksik


at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan para sa talakayang “Bantay
Wikang Filipino: Ang Pagtuturo ng Filipino sa Kolehiyo” noong Hunyo 23 upang
suportahan ang pahayag na inilabas ng Departamento ng Filpino at Panitikan ng
Pilipinas (DFPP) na tumututol sa pagpapatupad ng Commission on Higher
Education Memorandum Order (CMO) Blg. 20 Serye 2013.

Sa pahayag ng DFPP ay mariin nitong tinututulan ang naturang


memorandum kung saan sa bagong General Education Curriculum (GEC), mula
sa dating siyam nay unit na kahingian sa wikang Filipino sa kolehiyo ay ibababa
na sa hayskul ang pagtuturo ng wika at panitikan.

(http://upd.edu.ph/updinfo/jul14/articles/mga%20guro%tutolsa/%20utos%20CHE
D%)

Bisa sa Kaisipan

Tungkol ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga


pangyayaring naganap sa binasa (Pama, 2012)

“Pagkakapantay-pantay”

Patunay

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Paliwanag
Pag basahin mo ang talatang ito naman ay maiisip mong “tama! lahat
naman talaga ng wika sa mundo ay magkatulad!” kaya naman maiisip mong
hindi ka naman pala inferior sa iba at dahil diyan. magagawa mo nang mahalin
ang iyong sariling wika.

Isyu

Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Pantay-


pantay ang tingin ng BOL sa lahat ng tao anu paman ang kanilang paniniwala at
lahi.

Bukod sa pagsunod sa mga pangunahing Prinsipyo ng 1987 Philippine


Constitution, Katangian din ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ang pantay-
pantay na pagtingin nito sa lahat, Muslim man, Kristyano o Lumad.

(http://upd.edu.ph/updinfo/jul14/articles/mga%20guro%tutolsa/%20utos%20CHE
D%)

Iba pang kahulugan

 Gamit ang pagdulog-moralistiko, itinuturing na Sang mga akdang


pampanitikan ay may layuning magbigay-aral sa mga mambabasa.
masasabing ang pagdulog na ito ay ekstensyon ng pagdulog-humanismo
dahil sa pagbibigay halagang mga humanista sa pagpapanatili ng
integridad at dignidad ng tao bilang nilalang.
(http://www.coursehero.co/file/p1baka5/moralistikong-pagdulog)

 Ang tulang Sa “Aking mga Kabata” ni Rizal ay may layuning magbigay


aral sa mga mambabasa lalo na ang mga Pilipino na mahalin ang sariling
wika sapagkat ang pagmamahal ng sariling iyo ay pagpapaangat din sa
sariling integridad at sariling dignidad.
Mensahe
Ang ibig ipahiwatig ng tula ay nanghihikayat sa bawat Filipino na
payabungin, paunlarin at ipagmalaki ang sariling wika sapagkat ito ang
magpapalaya sa bayang kinatatayuan ng mga Filipino.
SANAYSAY
Ang Bayan at ang mga Pinuno
ni Emilio Jacinto

l. Talambuhay ng Awtor

Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang


niya ay sina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San
Juan de Letran, at lumaon at lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang
mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito sina Manuel
Quezon at Sergio Osmeña. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na
17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa lihim na samahan na tinawag
na katipunan.

Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andrés


Bonifacio. Lumaon ay nakilala siya bilang Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni
Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng mga akda tulad ng A Mi
Patria at ang Kartilya ng Katipunan. Siya rin ay isa sa mga sumulat ng
pahayagan ng Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa pangalang
"Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian" sa Katipunan. Namatay sa sakit
na malarya si Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Magdalena, Laguna.

III. BAHAGI

a. Simula
Pasaklaw na pahayag

Patunay:

Ngayong bumanag na sa langit na ating sinisilangan ang liwayway ng


Kalayaan, at ang landas ng tunay na ligaya ay siyang naging panatang lalakaran,
hanggang sa masapit ang hanggana ng nais, ngayong nga dapat na tantuin ng
Anak ng Bayan ang maraming bagay na di maaaring kanyang natanto sa
kapanahunang inaalipin ng Kastila.”
Pagpapaliwanag:

Pasaklaw sapagkat sa panimula ay inilahad ng may-akda na ang kanilang


mga nais ay kanilang nakamit at may mga nais na hindi naman nagawa at
pinagsunod-sunod niya ang pangyayari sa kasalukuyan at naganap na
nangyayari.

b. Katawan

Paanggulong pahayag

Patunay:

Kaya nga’t ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay na matwid


ay sa bayan lamang at sa kanyang mga tunay na pinaka-katawan dapat na
manggaling. Sa madaling salita,di dapat natin kilalanin ang pagkatao ng mga
pinuno na mataas kaysa sa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil
sa kapangyarihang ipinagkaloob ng bayan, sama-katuwid, ang kabuuan ng mga
kapangyarihan ng bawat isa.
Pagpapaliwanag:

Paanggulo sapagkat makikita sa patunay na ang may-akda ay nagsabi ng


kanyang hinuha o opinion tungkol sa paano kilalanin ang mga pinunong dapat
natin sundin, nagpapakita lamang ng paanggulong pahayag.

c. Wakas

Pabuod na pahayag

Patunay:

Ang kayamanan ng Gobyerno ay nanggaling sa mga Anak ng Bayan; ang


laki at tibay ng kapangyarihan ay sa pagkilala at pagsunod ng sa Bayan
nagbubuhat; at ang tungkol ikinabubuhay ay ibinibigay na lahat ng Anak ng
Bayan na nagpapabunga ng lupa, nag-aalaga ng hayop, at gumagawa ng mga
sangkap at gamit na lahat sa kabuhayan.
Pagpapaliwanag:

Pagbubuod sapagkat sa patunay makikita ang ilang salaysay na makikita


sa ibang talata at ang kaisipan ay hindi nalalayo sa mga naunang kaisipang
ibinigay ng mga naunang talata na nasa ibang bahagi.

III. Uri ng sanaysay

 Uri ng sanaysay

Di-pormal o tuluyan- Dahil base lamang ito sa opinyon ng may-akda noong


panahon ng kastila.

 a. Sangkap

• Tema at paksa

Ang Bayan at ang mga Pinuno ni Emilio Jacinto ay napapatungkol sa


maling pamamalakad ng mga pinuno sa bayan at ang dapat na pagkakapantay-
pantay ng mga pinuno at mga mamamayan.

• Anyo at istruktura

Ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang payak.

• Wika at istilo

Matalinghaga ang mga ginamit na mga salita.

V. Simbolismo

Timbangan- sumisimbolo sa mga karapatan ng mga tao at diskriminasyon sa


mga taong mababang uri.

Marayang hibo- mga salitang ipinaglalaban ng mga pinuno sa ating bayan.

Sasakyang itinutugpa ng bihasang piloto- sumisimbolo sa taong totoong


mamumuno sa tuwid na landas.
Binhi ng lakas at kabuhayan- mga taong may kapangyarihan na kayang
manipulahin ang mga taong walang kamuwang-muwang sa katotohanan

Bayan- Mga taong umaasa sa mga pinunong akala nila tama ang pamamalakad
ngunit dinadaya lamang sila.

Pinuno- mga taong nasa itaas na nagmamanipula sa mga taong nasa ibaba
lamang.

Ulo- Sumisimbolo sa mga tinatawag na panginoon ng bayan at magaling ang


lahat nilang pasya at gawa pati ang kanilang salita na mabulaklakin.

 MGA PAGDULOG

 Sosyolohikal- Ang sosyolohikal na pagdulog ay nakatuon ang pagsusuri


sa kamalayang panlipunan. Binibigyang-diin ang ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa-tao, sa lipunan, sa kapaligiran at sa iba pang aspektong
panlipunan.

Patunay:

O, anak ng bayan! Dili-dilihin mong palagi ang iyong pinuhunang duho at


kahirapan, ang inubos mong lakas at pagpupumilit na ang puri at katwirang
nakalugmok ay napabangon sa panibagong buhay. Iyong dili-dilihin, at ikaw ay
manghihinayang, kung muling maagaw ang iyong mga matwid sa kaylangan mo
at kahinaan ng loob.
Paliwanag:

Kinakailangan na magkaroon ng pagkakaunawaan sa ating sariling bansa


at pagkakaisa ng bawat Pilipino. Sapagkat bago natin nakamit ang ating
kalayaan marami ang nagbuwis ng buhay para lamang makamtan natin kung
ano ang ating kalayaan ngayon. At ipinapahiwatig ditto na hindi dapat sayangin
kung ano ang ibinuwis n gating mga bayani para sa ating bansa.
Mga Katangian:

Kurapsyon

Patunay:
Sa katahimikan ng bawat panig ng Bayan at kaalwanan ay hindi maaaring
di pamagitanan ng isang kataas-taasang kapangyarihang hango sa kabuuan at
laan sa laging pagkakaisang binhi ng lakas at kabuhayan.

Paliwanag:

Isa sa mga isyu na hinaharap ng ating lipunan ngayon ay ang korupsyon


maraming mga Pilipino ang nagdurusa dahil sa mga kurakot na gobyerno na
namamalakad sa ating bansa. Hindi natin maipagkakaila na isa tayo sa mga
naapektuhan dahil sa maling mga taong namumuno sa atong bansa. Isa ng sa
kamangmangan din natin ay ang pagboto natin sa maling tao.

Kontemporaryong Isyu

Korapsyon
Bilyon-bilyong pondo para sa 'Yolanda' rehab, saan napunta?
ABS-CBN News
Posted at Nov 08 2017 11:18 PM

Bumuhos ang tulong mula sa iba't-ibang bansa matapos manalasa ang


bagyong ‘Yolanda’ apat na taon na ang nakakaraan. Sa mga dokumento ni
dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky
Soliman, umabot sa P73.3 bilyon ang international donations pero hindi napunta
sa gobyerno ang lahat ng ito.

Base sa dokumento, P17.2 bilyon lang ang aktuwal na natanggap ng


nakaraang administrasyong Aquino. Ibinigay ang karamihan sa United Nations at
international organizations. Nasa P2 bilyon lang din sa P17.2 bilyon ang napunta
sa gobyerno dahil ibinigay sa mga local non-government organization ang halos
P15 bilyon. Tig-isang bilyong piso ang napunta sa Department of Health at
DSWD, at sa iba pang ahensiya ang natira.
Ginastos ang P1.1 bilyon ng DSWD sa konstruksiyon ng mga emergency
at transitional shelters, cash for work, livelihood assistance, pagbili ng mga
bangka at pedicab, feeding program, civil registry, at marami pang iba. Pero sa
pananaliksik ng IBON Foundation, trahedya pa ring maituturing ang
rehabilitasyon sa ‘Yolanda.’Sa 86 na resettlement sites sa Eastern Visayas, lima
lang umano ang may tubig habang 27 ang wala pa ring kuryente. Sa 282,000
ektarya ng niyugang nasira, 41,149 ektarya pa lang ang natataniman. “‘Yung
distribution ng tools ay hindi rin nagawa, the farming tools. So wala talagang
natira doon sa gamit nu'ng magsasaka,” ani Rosario Bella Guzman, executive
director ng IBON Foundation. May pondo pang para sa Yolanda ang inilipat ng
gobyerno sa Marawi ngayong taon. “Very criminal kung titingnan natin. Medyo
scandalous siya considering that both victims, whether national hazard or war,
are really reeling from poverty and other miserable situation," ani Guzman.

Ayon sa isang kongresista, pinag-aaralan na ang pagsasampa ng isang


class suit laban sa mga opisyal ng dating administrasyon. Pero hindi rin umano
lusot ang kasalukuyang gobyerno.

Mapagpuri o Mapagmataas

Patunay:
Ang pinakaulong ito ay siyang tinatawag na Pamahalaan o Gobyerno at
ang gaganap na kapangyarihan ay pinangangalanang mga Pinuno ng Bayan.
Ang kadahilanan nga ng mga Pinuno ay ang Bayan, at ang kagalingan at
kaginhawahan nito ay siyang tanging dapat tunguhin ng lahat nilang gawa at
kautusan.

Paliwanag:
Ipinapahiwatig dito ang kataasan ng katungkulan ng Gobyerno na kung
saan ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan upang manipulahin ang mga
Pilipino dito sa ating bansa. Kaugnay nito ang pagmamalupit at pang-aabuso nila
sa kanilang kapangyarihan, kung kaya’t masyado silang nagiging mataas ang
tingin sa kanilang posisyon at sarili.
MAPANGHIKAYAT

Patunay:

Kailan pa ma’t dili ito ang siyang mangyayari ay nalilihis ng daan, at ang
lalong magagandang nasa at akala ay pangarap na mistula, at ang maririkit na
talumpati’t pangungusap ay marayang hibo.

Paliwanag:

Ang mga pulitiko ay maraming mga platapormang pinapangako sa mga


mamamayan kung kaya’t pabanguhan ng mga pangalan,patamisan ng pangako
at pagandahan ng salita makuha lamang ang hinahangad nilang suporta ng mga
mamamayan.

Isyung Kontemporaryo

PANGAKONG NAPAKO: Isang pagtatasa sa dalawang taong panunungkulan ni


Benigno Simeon Aquino III
POSTED BY KALASAG (OPISYAL NA PAPEL PAMPAHAYAG NG KOLEHIYO
NG ARTE AT LITERATURA, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS) ⋅ JULY 11, 2012
Sa Pagsugpo ng Kahirapan
Unang kwarto ng taon nang iulat ang 6.3% na pagtaas ng Gross Domestic
Product, lagpas sa target batay sa Philippine Development Plan (PDP) 2011-
2016 ng administrasyong Aquino. Ngunit para lang sa mga malalaking
negosyante ang pagbuti ng kalagayan ng ekonomiya. Nitong Marso, umabot
sa 32.4% ang walang trabaho katumbas ng 13.8 milyong manggagawa.
Pinakamalala ang kahirapan sa ilalim ng administrasyong Aquino kumpara sa
mga nagdaang rehimen. Ang average unemployment rate sa unang dalawang
taon ni Aquino ay 26.8%, higit na malaki kaysa 19.6% ni Arroyo, 9.2% ni Erap,
ayon sa survey ng Social Weather Station.
Imbes na lumikha ng trabaho, pawang pamatidgutom ang solusyon ng rehimeng
Aquino. Halimbawa ang Conditional Cash Transfer (CCT) na prayoridad sa
badyet, mula P12 bilyon noong 2010, halos dumoble ito sa P23 bilyon noong
2011 at umakyat pa sa P39 bilyong ngayong 2012. Kung tutusin ay paglustay ito
ng pambansang badyet at walang pang-matagalang lunas sa kahirapan ang
pamahalaan-manipestasyon ng hindi sinserong paglutas sa problema ng bansa.

Dagdag sa atrasadong ekonomiya ang lumulobong utang panlabas ng bansa.


Mula P4.7 trilyon noong 2010 ay umabot sa P5.1 trilyon ngayong taon,
pinakamataas sa kasaysayan. Lapat sa mandato ng International Monetary Fund
(IMF) at World Bank (WB) ay inilaan ng administrasyon ang P738.6 bilyon,
katumbas ng 85% ng kabuuang kita ng gobyerno ng nakaraang taon.
Sa usapin ng langis, kimid-balikat pa rin ang pamahalaan sa pagbabasura ng Oil
Deregulation Law na nagbibigay laya sa mga kartel ng langis (Shell, Petron at
Caltex) na magdikta ng labis na tubo sa mga produktong petrolyo. Nitong Mayo,
napako sa P7.80 kada litro na overpriced ang Diesel. Samantala, nasa 61-
71% ang patong sa presyo ng krudo dulot ng manipulasyon at pandaigdigang
monopolyo.

KAWALAN NG HUSTISYA

Patunay:

“At kung ang nagkakasala sa isang tao ay pinarusahan, ano kaya ang
nararapat sa nagkasala sa Bayan, sa yuta’t yutang mga kapwa? Sakali’t ang
pagkaligaw ay dahil di nababatid ang daan, ano’t hindi pinabayaang mag-akay
ang isang nakaaalam”?

Paliwanag:
Sa panahon natin ang mga tao’y nawalan na ng pakialam sa ating bansa
ang iba naman kahit may alam ay na natiling tikom ang bibig at pinapanigan ang
mali. Maaring takot sa kalalabasan kung sila’y mag ingay, ang iba naman
maaaring tinakot.
PAGTRABAHO SA IBANG BANSA

Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba't ibang panig ng


mundo, na kinikilala at ikinararangal ng Pamahalaang Pilipinas bilang mga
Bagong Bayani, ang marahil (bagama't di opisyal na inihahayag) ay
pinakamainam na produktong pang-export ng bansa. Sinasabi din na ang
kabilang paa nila ay nasa hukay dahil hindi sigurado ang pagiging ligtas nila lalo
na at sila ay malayo sa kanilang mga kilala at sa pamilya. Sa kasamaang palad,
sila ay napapagdiskitahan na gumawa ng krimen. Ang halimbawa nito ay si Flor
Contemplacion.

Si Flor Contemplacion ay isang OFW na nagtratrabaho upang mabuhay ang


kanyang pamilya, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari siya ay nakasuhan ng
pagpatay sa kanyang kaibigan at sa alaga ng nasabing kaibigan. Makikita dito
ang kawalan ng hustisya dahil walang sapat na ebidensya sa kaso ni Flor. Hindi
lang si Flor ang nagiisang OFW na napagbintangan sa mga kaso, kundi marami
na ring mga Pilipino ang napatay o nakulong, tulad ni Jennifer Dalquez. Ang
pinakabagong balita tungkol kay Jennifer ay ang pagpunta ng kanyang magulang
sa kanyang selda.

Sinasabing papunta ng dubai ang magulang ni Jennifer Dalquez, isang overseas


Filipino worker (OFW) na hahatulan ng kamatayan sa buwan ng Mayo ayon sa
hukuman ng United Arab Emirates (UAE).Nahatulan siya ng kamatayan dahil sa
pagpatay ng kanyang employer. Sinabi ni Jennifer na siya ay rarapin ng kanyang
amo, kaya't napilitan itong mag depensa at makapatay.

Ayon sa nabasang isyu, makikita natin na parehong may pananagutan ang


dalawang panig. Ang employer ay nagtangkang manggahasa, si Jennifer naman
ay dumepensa upang mapaglaban ang kanyang sarili at ang kanyang dignidad.
Masasabi na mali ang employer dahil kung hindi niya tinangkaan na gahasain si
Jennifer, hindi mapapatay ng pinay ang nasabing employer sa Dubai.

Maaaring masaya ang magulang ni Jennifer dahil makikita nila ang


kanilang anak, ngunit kinakabahan din dahil sa desisyon sa kasi ni
Jennifer.Hinihiling ng magulang ni Jennifer ang mga dasal, upang magbago ang
ispip ng hukuman sa UAE Nagtatrabaho ang mga OFW para mabuhay ang
kanilang mga pamilya. Hindi sila gagawa ng anmang bagay na nakakasama sa
kanilang kapwa. Ipagdasal natin ang kalagayan ni Jennifer at hilingin natin na
umapela ang kaso niya upang mamuhay ng mapayapa at mahustisya ang pinay
at ang pamilya nito. "Sana pag-uwi namin, makasama na namin siya. Gagawin
namin ang lahat para i-apela ang kaso niya, dahil hindi habol ng anak ko ang
pumatay sa abroud. Ang habol niya doon ay trabaho," sabi ng tatay ni Jennifer.

Ayon din sa DFA ginagawa na ng pamahalaan ang lahat upang ma suportahan


si Jennifer at ang pamilya niya. Sa likod ng malulungkot na pangyayaring ito,
may magandang epekto sa ating ekonomiya. Paano nagkakaroon ng pakinabang
ang ating bansa? Simple lang yan, dahil ito sa remittances.Ang remittance ay
ang pagpapadala ng pera galing sa OFW para sa kanyang pamilya. Dahil sa
pagdaloy ng remittance na natatanggap ng pamilya, ang ekonomiya nito ay
nanginginabang din. Sa pagunlad ng ating bansa, naaayos natin ang problema
sa bansa tulad ng kahirapan. Sa tulong ng mga OFW, nataas ang dolyar ng
Pilipinas at sa pagtaas naman ng dolyar, naasenso ang ating mga kababayan
lalo na sa pinansiyal na pangangailangan. Tunay nga namang mga bayani ang
OFW. Hindi biro ang mga ginagawa nilang paghihirap sa ibang bansa upang
maitaguyod ang pamilya at maiangat sa kahirapan. Araw-araw hindi natin alam
kung anong nangyayari sa kanila, kahit sila walang malay kung anong
mangyayari sa kanilang sarili. Kaya't saludo ako sa mga OFW, sila ang
nagpapatunay ng mga bayaning buhay!

DISKRIMINASYON

Patunay:

“Ang mga bagay na ito ay kinakailangang maalaman, pagkat siyang


bulaklak kung baga sa bunga, ang hangin kung baga sa layag, at dahil sa
nagtuturo na kung ano ang Bayan at kung ano ang Gobyerno upang maging
tunay at manatili sa isa’t isa ang bigat na dapat taglayin sa timbangan ng
katwiran”
Paliwanag:

Ang pahayag na ito ay nagpapahiwatig na ang bawat tao sa ating lipunan


ay may kanya-kanyang karapatan ngunit may mga taong mapang abuso sa
kanyang kapwa. Na ang nais lamang ay maghari sa lipunan.

Diskriinasyon

Philippines: LGBT Students Face Bullying, Abuse

Discrimination and Lack of Support Undermine Right to Education

(Manila, June 22, 2017) – Students across the Philippines experience


bullying and discrimination in school because of their sexual orientation and
gender identity, Human Rights Watch said in a report released today. While
Philippine law provides protections against discrimination and exclusion in
schools, lawmakers and school administrators need to take steps to ensure they
are fully implemented.

The 68-page report, “‘Just Let Us Be’: Discrimination Against LGBT Students in
the Philippines,” documents the range of abuses against lesbian, gay, bisexual,
and transgender (LGBT) students in secondary school. It details widespread
bullying and harassment, discriminatory policies and practices, and an absence
of supportive resources that undermine the right to education under international
law and put LGBT youth at risk.
MAIKLING KWENTO
TALABABA SA KABATAAN
Ni: Jose Garcia Villa

TALAMBUHAY

Si JOSE GARCIA VILLA (5 Agosto 1908-7 Pebrero 1997), kilala rin sa


kaniyang alyas sa pagtula na “Doveglion,” ay isang pangunahing makata at
kritikong Modernista sa Ingles. Isinilang siya sa Singalog, Maynila ngunit mula
nang masuspende sa Unibersidad ng Pilipinas dahil sa kontrobersiyal na tulang
Man Songs noong 1929 ay nagdestiyero-sa-sarili sa Estados Unidos at doon
namatay sa kaniyang apartment sa Greenwich, New York. Gayunman, hindi siya
naging mamamayang Amerikano. Nagpatuloy siyang hinahangaan bagaman
kontobersiyal sa kanyang mga eksperimentong pampanulaan at sa kaniyang
kritisismo sa pagtula at sa prosa. Nalathala ang aklat niya ng mga kuwentong
Footnote to Youth noong 1933 ngunit higit nang nagsulat ng tula. Lumabas ang
kaniyang mga aklat ng tulang Many Voices (1939), Poems by Doveglion (1941),
Have Come, Am Here (1942), Volume Two (1949), at Selected Poems and New
(1958).Noong 1959, binigyan siya ng doktorado honoris causa ng Far Eastern
University at sinundan ito ng University of the Philippines. Noong 1937, iginawad
sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan. Nalathala ang
Kuwentong “Footnote to Youth” saPhilippines Herald (26 Enero 1930).

Paglalapat ng teorya

Pananaw Sosyolohikal

Sa pananaw na ito makikita ang ugnayan ng panitikan at ng lipunan. Ang


akda ay iniluwal sa isang partikular na panahong kinamalayan ng manunulat. Sa
pagsusuri ay hindi sapat na tingnan lang ang akda kundi gayundin ang lipunan
kung saan nagkahugis ang kaisipan at mga karanasan ng manunulat upang
ganap na maunawaan ang mensaheng taglay ng kanyang akda.
PATUNAY:

Pero wala siyang magawa.Wala siyang magagawa.Dapat mangibabaw


ang Kabataan... ngayon.Dapat na mangibabaw ang Pag-ibig...ngayon.
Pagkatapos...ang Buhay naman.

PAGPAPALIWANAG: (base sa pangyayari sa akda)

Teoryang sosyolohikal dahil ito ay nagpapakita ng realidad kung saan


mas nangingibabaw ang pag-ibig kaysa sa isip na hanggang ngayon ay
nangyayari pa rin sa mga kabataan.

PAGPAPALIWANAG: (base sa kontemporaryong panahon)

Nagpapatunay lang na ang pag-iibigan na ito ay nakabase sa realidad


kung saan makikita o masasaksihan natin hanggang ngayon ang maagang pag-
aasawa ng mga kabataan.

Teoryang Romantisismo - ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t


ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan.

PATUNAY:

Ipinagtapat ni Dodong na pakasalan niya si Teang habang wala ang ina


niya. Sa wakas nailabas na niya ang sasabihin, ang matagal na niyang pinag-
isipan. Sinabi niya ito nang walang hirap at walang pag-aalangan. Guminhawa
ang pakiramdam ni Dodong at sabik na hinintay ang sasabihin ng ama. Ang
papaliit nang buwan ay naghatid ng malamlam na liwanag sa labas ng bintana,
nagpaabuhin sa itim pang buhok ng ama. Mukha nang tumanda ang ama.
Mukha nang tumanda ang ama.

PAGPAPALIWANAG: (base sa pangyayari sa akda)

Teoryang romantisismo ang ginamit dahil ipinapakita rito ang pag-iibigan


ni Teang at Dodong. Makikita sa patunay ang pagmamahal ni Dodong kay Teang
kung saan naglakas loob siyang ipagtapat sa kanyang ama na pangangasawain
niya si Teang kahit sila ay na sa murang edad pa lamang.
PAGPAPALIWANAG: (base sa kasalukuyan)

Ang pag-iibigan sa kuwento ni Teang at Dodong ay ipinagbabawal sa


kasalukuyan dahil alam ng mga magulang natin ngayon ang bigat ng
responsiblidad ng isang batang ama at ina.

Mga tauhan

Tauhan - tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring


pangunahing tauhan at pantulong na tauhan. Mayroon itong dalawang uri: ang
tauhang bilog at tauhang lapad.

MGA TAUHAN SA KUWENTO:

Dodong – ang pangunahing tauhan

-nangasawa sa edad na labimpitong taon

-asawa ni Teang

-maituturing na tauhang lapad dahil nagbago ang pananaw ni Dodong sa


huli ukol sa maagang pangangasawa at gumanap na isang ama mula sa
pagkabata.

Tauhang Bilog - may multi-dimensyonal o maraming saklaw na personalidad .


Nag-iiba ang ugali sa kwento

MGA PATUNAY:
Nagsimulang lumakad pauwi si Dodong, inisip kung paano sasabihin sa
ama ang balak. Gusto na niyang mag-asawa, gusto na ni Dodong. Labimpito na
siya, may mga taghiyawat sa mukha, maitim na ang balahibong pusa sa
kaniyang labi-ibig sabihin nito’y hindi na siya bata. Nagiging binata nasiya-binata
na. Nakadama ng pagmamalaki si Dodong sa naisip niyang ito gayong hindi siya
kataasan. Inakala ang sariling tigulang na, pakiramdam ni Dodong ay kaya na
niyang gawin ang kahit ano.
“Anak...h-hindi ...” (Ngunit sakatotohanan, Panginoon, ayaw ko munang
mag-asawa si Blas...hindi pa. Ayaw ko munang mag-asawa si Blas...)

PAGPAPALIWANAG:
Makikita sa patunay ang pagbabago ni Dodong mula sa pagkabata bilang
isang ama. Nag-iba rin ang kanyang pananaw sa maagang pangangasawa kung
saan sumalungat siya sa kagustuhan ng kanyang anak na si Blas na mag-asawa
sa edad na labingwalo.

Teang – ang babaeng napangasawa ni Dodong

-munti at kayumanggi ang mukha nito, maliit at itim ang mga mata, at
tuwid ang kumikislap na buhok.

Maitururing na tauhang bilog, nagbago ang kanyang pananaw ukol sa


maagang pag-aasawa at gumanap bilang isang ina mula sa pagkabata.

Tauhang Bilog - may multi-dimensyonal o maraming saklaw na personalidad .


Nag-iiba ang ugali sa kwento
PATUNAY:

Hindi nagreklamo si Teang, ngunit halata ang ginawa sa kaniya ng


panganganak. Umimpis ang katawan niya gayong bata pa.Hindi pa natatapos
ang Gawain.Pagluluto.Paglalaba.Ang bahay.Ang bata. Umiiyak minsan, iniisip na
hindi lamang sana siya nag-asawa. Hindi niya sinabi ito kay Dodong, ayaw
niyang magtampo ito sa kaniya. Ngunit hiling niyang hindi nga sana siya nag-
asawa. Kahit pa kay Dodong na mahal niya.

PAGPAPALIWANAG:

Makikita sa patunay ang pagbago ni Teang mula naging isang bata at


naging isang ina. Nagbago rin ang kanyang pananaw sa maagang
pangangasawa kung saan siya ay umiiyak at nagsisisi.

Ama – ang ama ni Dodong


-walang-kibo, masipag na magsakang mahilig sa nganga, na natutuhan
niya sa ina, ang lola ni Dodong

-maituturing na tauhang lapad dahil mula sa simula hanggang sa wakas


siya ay hindi nagbago.

Tauhang Lapad - nagtataglay ng iisang katangiang madaling matukoy o


predictable. Hindi nagbabago ang katangian o pag-uugali mula sa simula
hanggang sa huli.

PATUNAY:
Hinawakan ng ama ang kaniyang kamay at marahang kinuyom ito.
“Anak,” sabi ng ama niya.
At ang ina niya; “Dodong...”
Mapagmahal ang kanilang tinig. Dumaloy ito sa kaniya, nagpalakas
sa kaniya.
“Teang?” sabi ni Dodong.
“Natutulog siya. Pero pumasok ka...”
PAGPAPALIWANAG:

Makikita sa patunay na kung saan ang ama ni Dodong ay hindi nagbago


ang pagtingin nito sa kanyang anak kahit hindi siya sinunod. Patuloy pa rin ang
pagiging mapagmahal nito sa kanyang anak.
Ina – ang ina ni Dodong

-nagpaanak kay Teang

-maituturing na tauhang lapad dahil mula sa simula hanggang sa wakas


siya ay hindi nagbago.

Tauhang Lapad - nagtataglay ng iisang katangiang madaling matukoy o


predictable. Hindi nagbabago ang katangian o pag-uugali mula sa simula
hanggang sa huli.
PATUNAY:

-Hinawakan ng ama ang kaniyang kamay at marahang kinuyom ito.


“Anak,” sabi ng ama niya.
At ang ina niya; “Dodong...”
Mapagmahal ang kanilang tinig. Dumaloy ito sa kaniya, nagpalakas sa kaniya.
“Teang?” sabi ni Dodong.
“Natutulog siya. Pero pumasok ka...”

PAGPAPALIWANAG:

Makikita sa patunay ang hindi pagbago ng Ina ni Dodong at patuloy pa rin


ang pagmamahal nito sa kanyang anak kahit ito’y naging isang batang ama.

Blas – labingwalong taon, anak na lalaki ni Dodong

-Maituturing na tauhang lapad dahil hindi siya nagbago

PATUNAY:

Gusto mong pakasalan si Tona,” sabi ni Dodong. Ayaw pa niyang mag-


asawa si Blas. Napakabata pa ni Blas. Napakahirap ng buhay pagkatapos ng
kasal.

PAGPAPALIWANAG:

Hindi nagbago ang pagkatao rito ni Blas sapagkat inilahad lang dito ang
pag-ibig niya kay Tona.

Tona - ang babaeng iniibig at napapangasawa ni Blas

-Maituturing na tauhang lapad dahil hindi siya nagbago.


Tauhang Lapad - nagtataglay ng iisang katangiang madaling matukoy o
predictable. Hindi nagbabago ang katangian o pag-uugali mula sa simula
hanggang sa huli.

PATUNAY:

Mahal ko po si Tona at...gusto ko siya.”

Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.


Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang
makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.

• Bukirin

PATUNAY:

“Nabasag ang bukid na tulad ng mga sariwang sugat at humahalimuyak


sa isang mtamis na amoy ng lupa. Maraming mahahaba at malalambot at
bulateng lumitaw sa linang at muling sumuot nang mas malalim sa lupa. Isang
mapusyaw at maikling bulate ang tila bulag na dumako sa paa ni Dodong at
hirap na gumapang nang paibabaw dito. Nakiliti si Dodong at napaigtad, humagis
tuloy ang bulate. Hindi inalam ni Dodong ang kinabagsakan nito, sa halip ay
inisip ang gulang niya, labimpitong taon, at sinabi sa sariling hindi na siya bata.”

PAGPAPALIWANAG:

Sa tagpuang ito umiikot ang kuwento. Ang lahat ng pinangyarihan ay nauugnay o


bahagi ng isang bukirin.

Panahon at Klima - ito’y paglalarawan sa kalagayan at katangiang


pangkallikasan. Tumutukoy sa kainitan at kalamaigan depende sa pagbabago ng
panahon.

• Araw

• Gabi
PATUNAY

KULAY-SALMON AT MAY lambong ang araw sa kanluran. Nakikinta ni


Dodong ang sarili na nagsasabi sa ama hinggil kay Teang pagkauwi sa bahay,
pagkaraang alisin ang singkaw sa kalabaw, maisilong at mapakain ito. Nag-
aalangan siya sa pagsasabi, ngunit nais niyang ipaalam ito sa ama. Seryoso ang
sasabihin niya dahil tanda ito ng isang rurok sa kaniyang buhay. Nakapagpasiya
na si Dodong sa pagsasabi, ngunit naisip din niyang baka hindi ito sang-ayunan
ng ama. Ang ama niya ay walang-kibo, masipag na magsakang mahilig sa
nganga, na natutuhan niya sa ina, ang lola ni Dodong.

NAKATAYO SA KASAGSAGAN ng init ng tanghali si Dodong, pawis na


pawis, kaya basa ang kanyang kamiseta. Para pa rin siyang tuod at naguguluhan
ng isip. Huwag siyang aalis sabi ng ina niya, ngunit umalis pa rin siya. Gusto
niyang lumayo sa lahat nang walang malinaw na dahilan. Takot siya, nadama
niya. Takot siya sa bahay. Tila binilibid siya nito, pinikot ang isip niya ng mahigpit
na kalupitan. Takot din siya kay Teang. Nagsisilang si Teang sa bahay;
kinilabutan siya sa mga pagtili nito. Ayaw niyang tumili ito nang ganoon, tila
dinuro siya. Gulong-gulo siya sa kaiisip kung talagang masakit ang
panganganak. May mga babae, nang nanganak sila, hindi umiiyak.

Isang gabi, habang nakahigang katabi ni Dodong ang asawa, tumayo siya
at lumabas ng bahay. Tumayo siya sa lilim ng buwan, pagod at maraming
hinanakit. Nais niyang magtanong at nais niyang may sumagot sa kaniya. Nais
niyang maging maalam sa maraming bagay.

PAGPAPALIWANAG:

Ang mga panahon at klima ay nagpapakita ng iba’t bang emosyon sa


kuwento na siyang naghahatid patungo sa iba’t ibang pangyayari. Ang araw ay
sumisimbolo sa init ng paghihirap ni Dodong sa bukid at gabi naman ay
kalungkutan mula sa pagkakamali ng batang mag-asawa.

c. Banghay – balangkas o istruktura ng mga pangyayaring kinapapalooban


ng mga kilos, pagkakalinang ng katauhan, tunggalian at mga hadlang na
kinahaharap ng pangunahing tauhan.
Bahagi

a. Simula – dito matatagpuan ang tauhan, tagpuan kasama na rito ang


panahon at ang suliranin. Kung saan iikot ang kasaysayan ng kuwento. Ito rin ay
maaaring naglalarawan, usapan, patumbalik, pagsasalaysay o makatangpansing
kilos.

PATUNAY:

KULAY-SALMON AT MAY lambong ang araw sa kanluran. Nakikinta ni


Dodong ang sarili na nagsasabi sa ama hinggil kay Teang pagkauwi sa bahay,
pagkaraang alisin ang singkaw sa kalabaw, maisilong at mapakain ito. Nag-
aalangan siya sa pagsasabi, ngunit nais niyang ipaalam ito sa ama. Seryoso ang
sasabihin niya dahil tanda ito ng isang rurok sa kaniyang buhay. Nkapagpasiya
na si Dodong sa pagsasabi, ngunit naisip din niyang baka hindi ito sang-ayunan
ng ama. Ang ama niya ay walang-kibo, masipag na magsakang mahilig sa
nganga, na natutuhan niya sa ina, ang lola ni Dodong.

PAGPAPALIWANAG:

Sa simula ay agad ipinakita ang suliraning kakaharapin ng pangunahing


tauhan si Dodong, ang pagpapasyang magpakasal sa batang edad. Ibinanggit
rin dito ang ilang tauhan sa kuwento, si Teang at ang ama at ina ni Dodong

b. Saglit na Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga


tauhang masasangkot sa suliranin.

PATUNAY:

Ipinagtapat ni Dodong na pakasalan niya si Teang habang wala ang ina


niya. Sa wakas nailabas na niya ang sasabihin, ang matagal na niyang pinag-
isipan. Sinabi niya ito nang walang hirap at walang pag-aalangan. Guminhawa
ang pakiramdam ni Dodong at sabik na hinintay ang sasabihin ng ama. Ang
papaliit nang buwan ay naghatid ng malamlam na liwanag sa labas ng bintana,
nagpaabuhin sa itim pang buhok ng ama. Mukha nang tumanda ang ama.
Mukha nang tumanda ang ama.
PAGPAPALIWANAG:

Ipinapakita rito ang pagtatagpo ni Dodong at ang kanyang ama kung saan
ipinagtapat na ni Dodong sa kanyang ama na gustong niyang pakasalan si
Teang sa batang edad.

c. Tunggalian – o gusto o buhol na tinatawag, ang salik na naglalarawan


kung ano ang sagabal na haharapin o kakabakahin ng pangunahing tauhan sa
ikapupunyagi ng kanyang layunin. Ito ang nagsisilbing hadlang sa ikatatagumpay
ng layunin ng pangunahing tauhan na matatagpuan, maaaring sa sarili, sa
kapwa o sa kapaligiran.

• Tao Laban sa Sarili - ang tunggaliang ito ay nagaganap sa isipan ng tao

PATUNAY:

“Pakasalan ko po si teang,” sabi ni Dodong

Tahimik na nakatitig lamang sa kaniya ang ama at tumigil sa pagsipsip sa


sirang ngipin. Umigting at malupit ang katahimikan, at inisip ni Dodong na
sipsipin na lang sana ng ama ang problemang ngipin. Hindi mapakali si Dodong,
at saka nagalit dahil patuloy na nakatingin lamang sa kaniya ang ama nang
walang sinasabing kahit ano.

PAGPAPALIWANAG:

Nilalaban ni Dodong ang takot sa sarili na baka hindi siya payagan sa


kanyang kagustuhang pakasalan si Teang.

d. Kasukdulan – isang bahagi ngunit salik ding matawag, at tulad ng


nabanggit na, ito ang pinakamasidhing bahagi dahil ditto nakasalalay ang
kaalaman ng mambabasa sa sasapitin ng mga tauhan sa bandang hulihan.

PATUNAY:

Hindi sumagot si Dodong at sinubukang matulog.

“Itay...” mahinang tawag ni Blas.


Kumilos si Dodong at nagtanong kung ano iyon.

“Pakakasalan ko po si Tona. Sinagot niya ako ngayong gabi.”

Humiga sa pulang unan si Dodong, hindi gumalaw.

“Itay, pag-isipan n’yo po.”

Nakahigang tahimik si Dodong.

PAGPAPALIWANAG:

Makikita sa patunay ang pinakasidhi ng kuwento kung saan nangyari sa


anak ni Dodong na si Blas yung ginawa niya dati. Ang paghingi ng pahintulot
para mag-asawa sa batang edad.

e. Kakalasan – bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.


Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

PATUNAY:

“Anak...h-hindi ...” (Ngunit sa katotohanan, Panginoon, ayaw ko munang


mag-asawa si Blas...hindi pa. Ayaw ko munang mag-asawa si Blas...)

Pero wala siyang magawa. Wala siyang magagawa. Dapat mangibabaw


ang Kabataan... ngayon. Dapat na mangibabaw ang Pag-ibig...ngayon.
Pagkatapos...ang Buhay naman.

PAGPAPALIWANAG:

Ang resolusyon ng kuwento ay ang pagpayag ni Dodong kahit hindi niya


ninanais na maranasan o magaya sa kanya ang anak subalit wala siyang
magawa dahil mas nangingibabaw ang kabataan at pag-ibig.

f. Wakas – ang nagpapahiwatig na bahagi hinggil sa damdamin at


kahatulang igagawad ng mambabasa, kung masaya, malungkot, makatarungan,
di-inaasahan o ipinauubaya na lamang sa mambabasa ang maaaring kahinatnan
ng pangunahing tauhan.
PATUNAY:

Malungkot na tinignan ni Dodong ang kaniyang batang anak sa lilim ng


buwan. Nalungkot siyang lubha at naawa sa kaniya.

PAGPAPALIWANAG:

Ang pagtatapos ng kuwento ay naging malungkot dahil hindi magawa ni Dodong


pigilang mangyari sa anak ang nangyari sa kanya.

Tema – ang kausapang hangad na ibahagi sa mambabasa ng manunulat.

• Ang pag-aasawa ay hindi minamadali at hindi madali sa isang minor de


edad.

Simbolo – ang mga bagay na di-lantarang pumupukaw – kintal ng mambabasa.

MGA SIMBOLO:

• Dodong at Blas

PATUNAY:

KULAY-SALMON AT MAY lambong ang araw sa kanluran. Nakikinta ni


Dodong ang sarili na nagsasabi sa ama hinggil kay Teang pagkauwi sa bahay,
pagkaraang alisin ang singkaw sa kalabaw, maisilong at mapakain ito. Nag-
aalangan siya sa pagsasabi, ngunit nais niyang ipaalam ito sa ama. Seryoso ang
sasabihin niya dahil tanda ito ng isang rurok sa kaniyang buhay. Nakapagpasiya
na si Dodong sa pagsasabi, ngunit naisip din niyang baka hindi ito sang-ayunan
ng ama. Ang ama niya ay walang-kibo, masipag na magsakang mahilig sa
nganga, na natutuhan niya sa ina, ang lola ni Dodong.

“Anak...h-hindi ...” (Ngunit sa katotohanan, Panginoon, ayaw ko munang


mag-asawa si Blas...hindi pa. Ayaw ko munang mag-asawa si Blas...)

Pero wala siyang magawa. Wala siyang magagawa. Dapat mangibabaw ang
Kabataan... ngayon. Dapat na mangibabaw ang Pag-ibig...ngayon.
Pagkatapos...ang Buhay naman.
PAGPAPALIWANAG:

Mga kabataang sumisimbolo ng pagkakamali dahil sa pag-aasawa ng maaga.


Kung saan si Dodong ay nag-asawa ng maaga na pinahirap ang kanyang buhay
at ang bunga na si Blas na sumunod sa yapak ng ama.

• Labimpito/Labingwalo

PATUNAY:

Nagsimulang lumakad pauwi si Dodong, inisip kung paano sasabihin sa


ama ang balak. Gusto na niyang mag-asawa, gusto na ni Dodong. Labimpito na
siya, may mga taghiyawat sa mukha, maitim na ang balahibong pusa sa
kaniyang labi-ibig sabihin nito’y hindi na siya bata. Nagiging binata na siya-binata
na. Nakadama ng pagmamalaki si Dodong sa naisip niyang ito gayong hindi siya
kataasan. Inakala ang sariling tigulang na, pakiramdam ni Dodong ay kaya na
niyang gawin ang kahit ano.

NANG LABINGWALO NA na si Blas umuwi siya isang gabi na antig at


masaya. Gabi na at tulog na si Teang at ibang mga bata. Narinig ni Dodong ang
mga hakbang ni Blas, dahil hindi siya makatulog nang mabuti sa gabi. Pinanood
niyang maghubad si Blas sa dilim at tahimik na humiga. Hindi mapakali si Blas
sa kaniyang banig at hindi makatulog. Tinawag siya ni Dodong at tinanong kung
bakit hindi natutulog. Sinabi ni Blas na hindi siya makatulog.

PAGPAPALIWANAG:

Edad na sumisimbolo ng kamusmusan at hindi pa kayang panindigan ang


responsibildad bilang isang ama o ina. Edad ng mga kabataang hindi pa
pwedeng mag-asawa. Katulad kay Dodong at Blas.

URI NG BANGHAY:

Ang kuwentong ito ay isang halimbawa ng banghay na Linear na kung


saan nagpapakita ng pag-unlad mula sa simula at hanggang sa wakas.
MGA PATUNAY:

 Nagsimulang lumakad pauwi si Dodong, inisip kung paano sasabihin sa


ama ang balak. Gusto na niyang mag-asawa, gusto na ni Dodong.
Labimpito na siya, may mga taghiyawat sa mukha, maitim na ang
balahibong pusa sa kaniyang labi-ibig sabihin nito’y hindi na siya bata.
Nagiging binata na siya-binata na. Nakadama ng pagmamalaki si Dodong
sa naisip niyang ito gayong hindi siya kataasan. Inakala ang sariling
tigulang na, pakiramdam ni Dodong ay kaya na niyang gawin ang kahit
ano.
 Ipinagtapat ni Dodong na pakasalan niya si Teang habang wala ang ina
niya. Sa wakas nailabas na niya ang sasabihin, ang matagal na niyang
pinag-isipan. Sinabi niya ito nang walang hirap at walang pag-aalangan.
Guminhawa ang pakiramdam ni Dodong at sabik na hinintay ang
sasabihin ng ama. Ang papaliit nang buwan ay naghatid ng malamlam na
liwanag sa labas ng bintana, nagpaabuhin sa itim pang buhok ng ama.
Mukha nang tumanda ang ama. Mukha nang tumanda ang ama.
 “Anak, kung iyan ang gusto mo…oo…,” May kakatawang kislap ng
pagsuko sa mga mata ng ama. Hindi iyon nakita ni Dodong, labis kasing
nakatuon sa sarili.
 Sa ilang sandali pa, magiging ama na siya. “Ama, ama” ibinulong niya
nang mangha, nang may kakaibang pakiramdam. Bata siya noon, nabatid
niya ngayon, kahidwa ng sarili niya siyam na buwan ang nakaraan.
Batang-bata lamang siya…kakatawa ang pakiramdam niya, naguguluhan,
hindi mapakali… “Ang anak mong lalaki,” sasabihin sa kaniya ng mga tao
hindimagtatagal. “Ang anak mo, Dodong.”
 Gusto mong pakasalan si Tona,” sabi ni Dodong. Ayaw pa niyang mag-
asawa si Blas. Napakabata pa ni Blas. Napakahirap ng buhay pagkatapos
ng kasal...
 Pero wala siyang magawa. Wala siyang magagawa. Dapat mangibabaw
ang Kabataan... ngayon. Dapat na mangibabaw ang Pag-ibig...ngayon.
Pagkatapos...ang Buhay naman.

PAGPAPALIWANAG:

Makikita sa mga patunay ang pag-usad ng kwento mula sa paghingi ng


pahintulot ni Dodong sa kanyang ama na mag-asawa sa edad na labimpitong
taon kay Teang. Hanggang ang kanyang ama ay pinayagan siya sa kanyang
naging desisyon. Nang siya’y mag-asawa naranasan niya kung gaano kahirap
ang buhay may asawa.

Nagkaroon sila ni Teang ng maraming anak kabilang na dito si Blas kung


saan ng naging labingwalong taon na ay humingi rin ng pahintulot kay Dodong
tulad ng ginawa niya dati. Subalit noong una siya ay tumanggi dahil ayaw niyang
maranasan ng kanyang anak ang nangyari sa kanya subalit hindi niya nagawang
pigilan dahil dapat daw ay mas nangingibabaw ang kabataan.
Isyung Panlipunan

Pag-aasawa ng maaga

Patunay:

Ipinagtapat ni Dodong na pakasalan niya si Teang habang wala ang ina


niya. Sa wakas nailabas na niya ang sasabihin, ang matagal na niyang pinag-
isipan. Sinabi niya ito nang walang hirap at walang pag-aalangan. Guminhawa
ang pakiramdam ni Dodong at sabik na hinintay ang sasabihin ng ama. Ang
papaliit nang buwan ay naghatid ng malamlam na liwanag sa labas ng bintana,
nagpaabuhin sa itim pang buhok ng ama. Mukha nang tumanda ang ama. (12 na
saknong)

Pagpapaliwanag:

Nababahala ang Population Commission sa pagtaas ng bilang ng teenage


pregnancy sa bansa dahil pabigat umano ito sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon pa sa datos ng Philippine Statistics Authority, 200,000 Pilipinong teenager


ang nabubuntis taon-taon mula 2011 hanggang 2015.

Katumbas nito ay isang milyon sa loob ng limang taon.

Ayon sa PopCom, nakababahala ito dahil magiging pabigat umano ang


sitwasyon sa ekonomiya ng bansa.

Sa katunayan, sa pag-aaral ng United Nations Population Fund, higit P33 bilyon


ang maaaring mawawalang kita sa mga pamilyang Pilipino, at pati na sa kalakal
ng bansa kapag ang pinuno ng tahanan ay isang menor de edad.
(https://news.abs-cbn.com/news/10/03/17/paglobo-ng-bilang-ng-mga-batang-ina-
pabigat-sa-ekonomiya)
Halimbawa:

Isang babae ang naabuntis sa edad na 12, first year high school noon dahil
pagod na raw ito sa pag-aaral nabuntis ito ng kanyang kaklase na asawa din
niya sa ngayon karamihan daw ng kayang kaklase ay nag-aasawa din ng maaga
tulad niya.

Kahirapan

Patunay:

Hindi nagreklamo si Teang, ngunit halata ang ginawa sa kaniya ng


panganganak. Umimpis ang katawan niya gayong bata pa. Hindi pa natatapos
ang gawaing pagluluto paglalaba, ang bahay, ang bata. Umiiyak minsan, iniisip
na hindi lamang sana siya nag-asawa. Hindi niya sinabi ito kay Dodong, ayaw
niyang magtampo ito sa kanya. (37 na saknong)
Pagpapaliwanag:

Umakyat ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa bansa, ayon sa


resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong
Setyembre.
Sa resulta ng survey na inilabas nitong Biyernes, lumabas na nasa 3.1
milyong pamilya o 13.3 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang
nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan.

Pinakamalaki ang naitalang pagtaas sa self-rated poverty sa Mindanao na


tumaas ng 18 points; 13 points naman ang itinaas sa NCR at Visayas at bahagya
naman ang naging pagbaba sa Balance Luzon sa 5 percent.

Dahil dito mula sa 42 percent noong March 2018 ay pumalo na sa 60


percent ang nagsabing sila ay mahirap sa Mindanao. Ito ang pinakamataas na
naitala mula noong September 2015 na mayroong 70 percent.

Samantala, batay din sa nasabing suvey 34 percent ng mga pamilya ang


nagsabing sila ay food-poor. Mas mataas ito ng 5 percent sa 29 percent na
naitala noong March 2018.

Lumalabas sa Self-Rated Poverty Threshold (SRPT) na kailangan ng mga


pamilya kada buwan ng P20,000 sa Metro Manila, P15,000 sa Balance Luzon,
P11,000 sa Visayas at P15,000 sa Mindanao para hindi maikonsidera ang sarili
bilang mahirap.

Isinagawa ang survey mula June 27 hanggang 30 sa pamamagitan ng


face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa
(https://radyo.inquirer.net/129421/bilang-ng-pamilyang-nagsabing-sila-ay-
mahirap-tumaas-ayon-sa-sws-survey)

Halimbawa:
Sa panahon natin sa ngayon ay marami pa ring mga mga tao ang
naghihirap. Kaya ang ibang mga tao ay naging pulubi nalang at ibang ay
nagtrabaho sa ibang bansa para magtrbaho.

No Family planning

Patunay:

HINDI LAMANG SI Blas ang naging anak ni Dodong. Marami pa siyang


naging anak.Sa anim na taong singkad, may batang isinilang. Ayaw niDodong ng
bata, ngunit nagpatuloy sa pagdating ang mga ito. Parang walang makakapigil
sa kanila. Kung minsan, nagagalit sa sarili si Dodong. (36 na saknong)
Pagpapaliwanag:

Nitong darating na taon ay 1.65 milyon na naman ang daragdag sa mga


mamayang Pilipino. Pangalawa tayo sa Indonesa sa pinakamalaking populasyon
dito sa South East Asia. Baka maitanong ninyo ano ba ang kahulugan ng
paglago ng populasyon sa pagsulong ng isang bansa. Pwede nating ihambing sa
isang pamilya. Dati rati ang isang pamilyang may apat ang anak ay may
kaginhawaan dahil sapat ang kaniyang kinikita para tustusin ang mga
pangangailangan nito. Sapat ang pagkain, naiayos bahay at napapaaral ang
mga bata at may natitira pang ipon para mga hindi sinasadyang
pangangailangan kamukha ng pa-ospital kung magkakaroon ng karamdaman
ang sino mang miyembro ng pamilya.

Pero kung walang kontrol at ang alituntunin ng magulang (gobyerno at


simbahan) ay "the more, the merrier," tiyak maghihikahos ang pamilya.
Kukulangin sa mga pangangailangan at magka-ganoon magiging madalas ang
gusot at away sa mag-anak.

Halimbawa:

`Malaking halimbawa itong pamilyang ito na pinalabas ng programang


ratedk na may anak na 24.
NOBELA
TALAMBUHAY NG AWTOR

Unang nakilala bilang matinik na kuwentista sa Benjamin P. Pascual bago


sineryoso ang pagiging nobelista. Nagsimula siyang sumulat noong dekada
1950, sumubok mag-ambag sa komiks, hanggang hiranging maging staffer ng
Liwayway. Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Warads for Literature ang
kanyang kuwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko masilip ang Langit”
(1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines
ang nobelang “Utos ng Hari” noong 1975. Makalipas ang ilang dekadang
dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa
Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng
maiikling kuwento, dula, at nobela.

BUOD NG NOBELA

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas.


Isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng
gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya
makasal kay Margarita, isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang
babaing kahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang kanyang
ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang
boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan. Walang ebidensyang
makapagpapatunay.

Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang


kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng
P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabing sakanya din magpagamot ng
mata upang masingil lamang ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang
kanyang nagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang
pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan. Naging
inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siya ng kanyang sariling anak.
Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si
Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tang kanilang samahan na
humatong din sa hiwalayan. Ang napangasawa niyang si Margarita ay isang
modernong babae. Totally Americanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita
ayos lang na magkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta magkaroon
lang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa.

Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay gumulantang


sakanya ang isang balitang napatay si Margarita at Nick sa isang otel ng isang
babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marina ang asawa ni Nick na matagal ng
nagtitiis sa mga kabulastugan ng asawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at
makapatay ito.

Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Sela ang ina ni
Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sa katawan ni Ligaya.
Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.

SANGKAP NG NOBELA

MGA TAUHAN SA NOBELA

 Rafael “Raffy” Cuevas

Isang mayaman, edukado, tomador, babaero, at mahusay na


opthalmologist. Anak ni Don Benito.

 Don Benito Cuevas

Isang mayamang negosyante. Siya ang ama ni Raffy. Isang bulag sa


katotohanang ang kaniyang anak ay nag-asawa lamang sa turing.

 Nick Cuerpo

Ang matalik na kaibigan ni Raffy . Asawa ni Marina. Ang lalaking nabulag


sa pambababae kung kaya’t di nakita ang responsibilidad sa asawa at mga anak.
 Seto

Ang bunsong kapatid ni Ligaya na naging tulay ni Rafael tungo sa dalaga.


Isang batang hindi nasilayan ang pait na naganap sa kanyang kapatid at
kahirapan na dinaranas ng kanyang buong pamilya.

 Mr. Carrasco

Isa ring mayamang estudyante. Ang ama ni Margarita. Tulad din ni Don
Benito ay bulag sa katotohanang ang kaniyang anak ay nag-asawa lamang sa
turing.

 Ligaya

Isang bulag na dalaga. Siya ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa


kaniyang kapansanan. Isa rin siyang biktima ng gahasa.

 Margarita “Margie” Carrasco

ang asawa ni Raffy na isang opera singer.

 Marina

Ang inaapi-aping asawa ni Nick; nagtaguyod sa mga anak kahit na wala


ang asawa.

 Aling Sela

Ang ina ni Ligaya at Seto.

MGA TAGPUAN SA NOBELA

Quezon City – tahanan nina Don Benito

Makati City – tahanan nina Margarita

Pasay City – bahay na yero nina Ligaya


Night Club – pinagdausan ng party para kay Raf

Klinika

Baguio – kung saan nag honeymoon ang bagong kasal

BANGHAY NG NOBELA

URI NG BANGHAY

Ang nobelang LALAKI SA DILIM ay may anyong Linear na banghay dahil


ang akda ay nakikitaan ng pag-usad mula simula hanggang wakas.

PANIMULA

Patunay:

“ANG ISANG KABUTIHAN niyan e matatahimik ka na,” sabi ng kanyang


ama. “Ang isang ikinaiinis ko sa’yo e wala ka nang ginawa kungdi- magtalaksan
ng girlfriend. Sunggab dito, sunggab doon!”
Paliwanag:

Sinimulan ang nobela sa pag-uusap ng mag-amang Cuevas. Napag-


usapan nila ang nalalapit na kasal ni Raf. Nabanggit din ang kapilyuhan ni Raf sa
mga babae kung kaya’t hinihikaya’t siya ng kanyang ama na ituloy na ang
“paglagay sa tahimik”

SAGLIT NA KASIGLAHAN

Patunay:

“Nang nagbibihis na siya, inisip niya kung ano talaga ang nagtulak sa
kanya upang hangaring makipagkita kay Margarita. May gusto siyang takasan.
Ayaw niyang mamahay sa kanyang isip ang alaala ng naganap sa bahay na yero
nang gabing iyon.”

Paliwanag:
Sa nobela ang bahaging nagsilbing saglit na kasiglahan ay ang paglalaan
ng oras ni Raf kay Margarita upang mapagtakpan ang nagawang kasalanan.

SULIRANIN

Paliwanag:

 Ang pagiging babaero ni Raffy.

 Pagdadalantao ni Ligaya

 Pangangaliwa ni Margie ay Nick

 Pagiging malapit ni Rafael at Ligaya

 Pagiging liberated ni Raf at Margie

 Ang pagkamaralita ng pamilya ni Ligaya

TUNGGALIAN

 Tao laban sa tao

Raf laban kay Margie

Paliwanag:

Ang madalas na di pagkakasundo ng mag-asawa. Dahil sa


pagsisinungaling na nagbunga sa pagkakawala ng tiwala.

Raf laban kay Nick

Paliwanag:

Ang pagsulot ni Nick sa asawa ni Raf.

Margie laban kay Ligaya

Paliwanag:
Ang pagtulak sa kanyang hinala na si Ligaya ay kalaguyo ng kaniyang
asawa.

Marina laban kay Margie at Nick

Paliwanag:

Ang bawi ni Marina sa buhay ng dalawang taksil.

Marina laban kay Nick

Paliwanag:

Ang pagkalimot ni Nick sa responsibilidad niya bilang isang asawa.

 Tao laban sa sarili

Raf laban sa sarili

Paliwanag:

Ang pagharap ni Rafael nang usigin siya ng kaniyang konsensiya


matapos niyang malaman na ang ginahasa niyang dalaga ay bulag.

Ligaya laban sa sarili

Paliwanag:

Ang pagharap ni Ligaya sa kanyang pagkabulag.

Don Benito laban sa sarili

Paliwanag:

Ang kaniyang sariling kagustuhan ang hinayaan niyang manaiig


pagdating sa pagpili ng mapapangasawa ng kaniyang anak.

Marina laban sa sarili

Paliwanag:
Napili niyang na paghigantihan si Nick sa pamamagitan ni Raf.
Hinayaan niya ring kainin siya ng kanyang matinding galit.

Margie laban sa sarili

Paliwanag:

Ang pakikibaka ni Margie laban sa kanyang sariling pagnanasa na


magtaksil sa kaniyang asawa.

Nick laban sa sarili

Paliwanag:

Ang pakikibaka ni Nick laban sa kanyang sariling pagnanasa na


magtaksil sa kaniyang asawa.

KASUKDULAN

Patunay:

“Nagtuloy siya sa kanyang nakaparadang kotse, sa loob din ng


compound ng gusali, at naupo sa likod ng manibela. Doon niya hihintayin
si Margarita at kung sinumang kinatagpo roon.
Matagal siyang naghintay sa loob ng kotse. Pagkaraan ng may isang
oras, nakita niyang nanaog si Nick – si Nick at hindi si Ted, at si Nick
lamang – na pagsapit sa ibaba ay gulilat ang mukhang nagpalinga-linga,
tumingin sa labas ng
maluwang na pinto. Nakauklo ag uli niya sa likod ng manibela. Maya
maya’y nakita niya si Margarita na nananaog, gulilat din ang mukhang
saglit na nagpalinga-linga. Marahil ay napagsabihan n gang dalawa ng
lalaki sa itaas na may humahanap kay Margarita.
Nakita ni Margarita ang pagdaluhong niya. Nakita rin siya ni Nick, na kung
sa anong dahilan ay namalaging nakatayo at hinitay ang kanyang
rumaragasang anyo.
“Hindi ko na itatanong sa’yo kung ano ang ginawa n’yo ni Nick,” sabi niya.
“Nagkakaalam na tayo na ako’y niloloko mo!”
Paliwanag:
Nang matuklasan ni Raffy na si Nick at si Margarita ay parehong
nagtataksil sa kaniya. Nang mahuli niya ito sa isang hotel.

KAKALASAN

Patunay:
“Hindi lang ‘yon ang patatawarin mo sa ‘kin Ligaya,” sabi ni
Rafael.”Higit sa r’on ang nagawa kong kasalanan sa’yo – higit na malaki.”
“Kung pagbibigyan mo ‘ko at makikipagharap sa ‘kin,” sabi niya,
“sasabihin ko sa inyo kung ano ‘yon.”
“Ano ‘yon?” ang tanong.
Hawak pa niya ang sanggol. “Ako ang ama ng batang ito, Ligaya,” sabi
niya.
“Mang Rafael. . .” aniya.
“Ako ho ang lalaking nagsamantala kay Ligaya nang gabing ‘yon,” sabi
niya kay Aling Sela. “Ako ho ang ama ng batang ito.”
“Hindi ho ‘ko nagbibiro.” Kay Ligaya nakatingin si Rafael.
“Sasabihin ko sa inyo ang nagyari nang gabing iyon. Nag-inuman kami ng
dalawang kasma ko nang gabing ‘yon sa nayt klab. Nagkaro’n ng gulo at
tumakas ako, habol ng isang pulis. Sakay ng taxi, dito ako sa inyong lugar
napasuot, dito nagtago sa inyong bahay noon. Nakita ko ang inyong pag-
alis, Aling Sela, kasama ng inyong anak na si Seto. Nang lumente ang
pulis sa silong n’yo na pinagtaguan kok, pumanhik ako . . .at nakita kita,
Ligaya. Nag-iisa ka, at ako’y lasing. Nang pagsamantalahan kita Ligaya,
totoong hindi ko alam na bulag ka.”

Paliwanag:

Ang nagsilbing kakalasan ng nobela ay nang sa wakas nalaman ni


Ligaya na ang lalaking gumahasa sa kaniya at si Rafael ay iisa. Sa
pangyayaring sinunggaban siya ni Raf ay naalala niya ang lahat ng
detalye ng isang gabing gahasain siya nito.
WAKAS

Patunay:
Sa pagkakaupo, naramdaman ni Rafael ang tulo ng mainit na
bagay sa kaniyang hita.
“Inihian ka nan g bata, kumpare!” sabi ni Ligaya at anyong kukunin sa
kanya ang sanggol.
“Huwag,” saway ni Rafael. “Gusto kong maramdaman ang ihi ng anak
ko.” At hinayaan niyang basain ng bata ang kaniyang buong harapan.
Bakas-luha, masaya si Ligaya.
“Akin na nga ang bata at papalitan ko ng lampin,” sabi ni Ligaya.
“Pakisunod mo sa ‘kin sa silid ‘yong tubig na mainit. Nasa termos ‘yon
Kumpare. Magbuhos ka nang kaunti sa palanggana at bantuan mo ng
tubig na malamig kung masyadong mainit.”
“Oo, Kumare,” nakatawang sabi ni Rafael.
Paliwanag:

Tinanggap ni Ligaya ang kapatawarang hiningi ni Raf at naibigay


niya ang ninanais na respossibilidad ni Raffy sa kanilang anak.

PAGDULOG NA GINAMIT

REALISMO

Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layunin ilahad ang


tunay na buhay. Pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad
ng korupsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon madalas din itong
nakapokus sa lipunan at gobyerno.

Mga Katangian

 Panggagahasa

Patunay;
“Nang mapagod sa panlalaban ang babae , nang mandi’y
maubusan ng lakas, ay umiyak na lamang at hirap na nagpaubaya,
umuungol, sisinghap-singhap”
Paliwanag:
Naipakita sa nobelang ito kung gaano ka selan ang
“panggagahasa” sa buhay ng isang tao. Nailarawan ng nobelang ito ang
epekto ng immoral na gawaing ito sa biktima at sa mga taong nakapaligid
sa kaniya.

Mga Kontemporaryong Isyu

1. Sanggol ginahasa ng pinsan sa India

Last updated Jan 30, 2018

Isang 8 buwan na gulang na babaeng sanggol ang ginahasa ng


kanyang pinsan sa New Delhi, India noong Linggo.

Nasa kritikal na kondisyon sa isang local hospital ang biktima, habang arestado
naman ang 28 anyos na pinsan na isang daily wage worker.

Sumailalim sa tatlong oras na operasyon ang sanggol para ayusin ang


tinamong sugat sa internal organs, ayon kay Delhi Commission for Women
chief Swati Maliwal matapos ang pagbisita sa ospital noong Lunes ng gabi.

2. Karahasan Laban sa Kababaihan


POSTED NOVEMBER 21, 2016 ANTON PASCUAL

Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu na tila ayaw


mawala sa ating lipunan. Hanggang ngayon, kahit pa moderno na ang panahon,
marami pa ring mga babae ang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang mga
asawa o domestic partners. Mas dumadami din ang biktima ng rape.
Ang nakakalungkot kapanalig, ayon sa Philippine Commission on Women o
PCW, ang babae pa ang kadalasang nasisi kung sila ay nabubugbog. Maraming
babae ang binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga asawa o di kaya
pabaya sa kanilang mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa
nga, ang panggagahasa ay sa babae pa nasisisi, dahil sila ay “flirtatious.”

Ayon sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang
babae o bata ang nagagahasa. Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay
mga bata. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92% ang mga naitalang rape cases
mula 5,132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014.

Ayon naman sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa
sa limang babaeng may edad 15-49 ay nakaranas na ng pisikal na karahasan
simla pa ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may asawa ay nakaranas
na ng pananakit mula sa kanilang asawa.

Ang pananakit sa kababaihan ay hindi lamang kaugnay ang katawan. Ang


epekto nito ay malawig, kapanalig. Nakakapanliit ng pagkatao ng babae ang
pananakit. Kadalasan, ang pananakit na ito ay sa karaniwang sinisisi pa sa
babae. Wala ng dangal, binibigyan pa ng ibayong “shame” o binabalot ng
kahihiyan ang babae sa tuwing sila ay sinasaktan. Ang nakakalungkot kapanalig,
ang machong kultura na ito ay tila tumitingkad pa sa ngayon.

Kapanalig, ang karahasan ay walang puwang sa ating lipunan, lalo na sa loob ng


ating mga tahanan. Sa ating modernong mundo kung saan parehong kinikilala
na ang kakayahan ng babae at lalake, marami pa ring babae ang nakakaranas
ng pangliliit at karahasan. Kailan ito titigil?

Ang babae ay dapat ginagalang. Ang babae ay dapat inaalagaan at minamahal.


Ngunit tila nagiging “norm” o kasanayan na naman sa ating lipunan ang
panlilibak sa babae. Dapat maisawata ito. Ang pamahalaan ay dapat manguna
sa mga aksyon at programa na magbibigay galang at papuri sa mga Filipina.
Kahit ano pang kaunlaran ang ating maabot, ito ay mawawalang halaga kung
hindi tayo marunong kumilala sa dignidad ng bawat isa. Nawa’y maging hamon
sa ating ang mga kataga mula sa Mater et Magistra: Wherefore, whatever the
progress in technology and economic life, there can be neither justice nor peace
in the world, so long as men fail to realize how great is their dignity; for they have
been created by God and are His children. Kapanalig, ang karahasan sa
kababaihan ay isang pagyurak ng dignidad hindi lamang ng babae, kundi ng
sangkatauhan.

3.

 Panunuhol

Patunay;

“ Ibigay mo ito sa sinumang makikita mo ro’n . Sabihin mong me taong


nagpapabigay. Ibigay mo. Titingnan kita mula rito.”
Paliwanag:

Tama bang bayaran ang isang kasalan gamit ang pera? Sa


nobelang ito ipinakita na ang naging paraan ni Rafael upang talunin ang
kaniyang konsensiya at mabayaran ang kasalanang kaniyang ginawa ay
gumamit siya ng pera. Ngunit hindi niya lubos naisip na ang kailangan
lamang ng kaniyang biktima ay pagsisisi at isang bukal sa pusong
paghingi ng kapatawaran.

Mga Kontemporaryong Isyu

1. 2 lalaki, arestado sa tangkang panunuhol ng pulis


ABS-CBN News
Posted at Dec 06 2018 02:36 AM

CAGAYAN DE ORO – Hinuli ng Philippine National Police (PNP) Highway


Patrol Group (HPG) nitong Miyerkoles ang 2 lalaki dahil sa tangkang panunuhol
nang maharang ang kanilang mga sasakyan.

Unang naharang ang kotse na minamaneho ni Gary Ranalan dahil hindi updated
ang Land Transportation Office (LTO) sticker na nakadikit sa windshield.

Napag-alaman na noong nakaraang taon pa pala ito huling narehistro sa LTO.

Sa sunod na pagpatrolya ng HPG, isang pick-up naman na minamaneho ni


Franklin John Ramos ang kanilang naharang dahil hindi awtorisado ang ginamit
nitong plate number.

Nalaman din na noong Hulyo 2015 pa ito huling narehistro sa LTO.

“Mare-release lamang namin ang kanilang mga sasakyan kung naayos na nila
ang kanilang mga dokumento sa LTO. Sa LTO din nila tutubusin ang kanilang
mga lisensiya,” ani SPO1 Sergs Maceren ng HPG.

Bumalik sa opisina ng HPG sina Ranalan at Ramos kung saan nakunan ng video
ang 2 na nagtangkang mag-abot ng pera sa pulis.

Si Ranalan sinubukang bigyan ng P1,000 ang pulis, habang P4,000 naman ang
ibibigay ni Ramos.
“Gusto nilang magbayad para makiareglo sa amin at mai-release na ang
kanilang mga sasakyan kahit hindi pa nila naayos ang problema sa LTO,”
dagdag ni Maceren.

Hindi na nagbigay ng komento ang 2 suspek na sinampahan ng kasong


paglabag sa Article 212 sa Revised Penal Code o Corruption of Public Official.

Ngayong taon, 8 tao na ang nasampahan ng kaso ng HPG sa Cagayan de Oro


dahil sa tangkang panunuhol.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

 Pangangaliwa

Patunay;

“ ‘Yan ay kung ipinangangako mong di mo na uulitin ang ginawa mo—na


tatapusin mo ang affair niyo ni Nick,” dugtong ni Rafael.”

Paliwanag:

Tama bang ang dalawang taong pinag-isa sa harapan ng Diyos ay


mabuwag dahil lamang sa hindi maiwasang pagnanasa o pakikipag-ugnay
sa iba. Nakita natin sa nobela na ang pangangaliwa ay nagdulot ng
malaking problema sa dalawangtaong pinag-isa sa harap ng Diyos.

Mga kontemporaryong Isyu

1. Legal wife ipinagpalit sa ‘pangit’ na kabit, nag-viral


Usap-usapan sa social media ang panloloko ng isang mister sa maganda
nitong misis at ipinagpalit sa umano’y “pangit” na kabit.

Nag-ugat ang viral photo sa pagitan ng tunay na asawa at kabit nang


ibahagi ni Marian Santiago sa kanyang Facebook account kung paano
siyang pinagtaksilan ng kanyang asawa at nagkaroon ng extra-marital
affair habang nagtatrabaho sa abroad.

Nalaman umano ni Marian ang pangangaliwa ng mister nang isang


concerned friend ang nagpadala sa kanya ng mga larawan kung saan
kasama ng asawa ang lover nitong co-worker.

Nang komprontahin umano niya ang mister ay umamin ito at sinabing


masyado kasi silang malayo sa isa’t isa.

Marami ang nakisimpatiya kay Marian habang ang iba ay inakusahang


“pangit” ang kabit na nakilalang si Maggie Mae de Jesus.

“Pangit ng kabit maski may mke up ano p kya pang d nka mke up.
Saksakan ng pangit. Bwesit n kbit?”

“You’re so pretty… let him go… wherever he wishes…. congratulations!!!


you hold on to your sanity… make it legal for your kid… true love will find
you soon.. God bless…”
“Mas magnda nman ang original kysa kabit……ganun tlga cguro ang life?
Kng d lalaki ang magloko yng babae???? Ibigay muna yan s kabit qng
San xa masaya? Marami kpang mahanap n iba mas better 4 him….”

“Ampangit ni kabit at tumanda itsura ni ni lalaki at pumangit n din nko


artistahin p nman sa ganda c legal pingpalitsa nguso ng susu.”

2.

 Pagpatay

Patunay;
“ Tuluyan na akong nawala ng pagpipigil.” patuloy ni Marina. “ Ang
isiping nawalan na ako ng asawa’y mawawalan pa ng anak e naging
napakabigat sa loob ko. Nang makita ko sila sa masamang ayos e
pinaputukan ko. “

Paliwanag:

Gaano man kalaki ang kasalanan ng isang tao sa iyo. Ikaw ay


kalianman hindi magkakaroon ng karapatang bawian siya ng buhay.
1. Napapanahong isyu tungkol sa Pilipinas ngayon

Korapsyon,polusyon,kakulangan sa mga pasilidad sa ibat


ibang sektor ng pamahalaan tulad sa edukasyon, sa mga ukol sa
pangkalusugan tulad ng ospital, health centers clinic, ang utang
ng pamahalaan sa ibang bansa, ang pagtaas ng mga bilihin at kung
tumataas nga ba ang ekonomiya ng bansa, ang
kahirapan,populasyon at higit sa lahat ang napapanahong
pagpatay ng isang nilalang. Ilan lamang ito sa napapanahong isyu
tungkol sa Pilipinas ngayon.

Ginawa tayo ng Diyos upang masilayan at alagan ang kaniyag mga


nilikha, hindi para gawan ng masama (katulad ng pagpatay) o paggawa
ng isang kaharasan sa isang kapwa mo nilalang. Na siya’ng di natin
karapatan o obligasyon na kumitil ng buhayna siyang lubos na
ikinasasama ng loob ng ating panginoon katulad nalamang nang di ito
makatwiran o magandang tingnan sa paningin ng Diyos. Ngunit bakit
sadyang napapanahon ang pagkakasunod-sunod na tila ba’y nakapila sa
isang pahayagan. Pagpatay na hindi lang isang inosente ang nadadamay
kundi napakaraming inosenteng tao ang nadadamay/ napapatay. Pati na
rin isang pamilya, anak na napanghihinalaan na siyang pumatay sa sarilin
Ina. Tulad nalamang ng isang pangyayari itong nailathala sa sa
pamamagitan ng artikulo sa isang pahayagan;
Makalipas ang mahigit 20 araw na hindi mapagkatulog dahil sa
pagbagabag ng sariling konsensiya, sumuko ang isang 17-anyos na
babae, kasama ang kanyang nobyo, na umano’y tumulong sa kanya
upang patayin ang kanyang lola sa Valenzuela City noong Disyembre 6,
2011.

Ayon kay Senior Supt. Atty. Wilben Mayor, hepe ng Valenzuela City
Police, sumuko nitong Biyernes ng umaga kay SPO2 Boy Delima, hepe
ng Homicide Section, ang mag-nobyo na kapwa 17-anyos. Batay sa
sinumpaang salaysay ng mga suspek kay PO2 Amie Centro ng Women’s
and Children’s Concern Desk, inamin ng magkasintahan na sila ang
pumatay kay Myrna Babaan Fermo, 70, biyuda, sa loob ng bahay nito sa
No. 15 Felomena Street sa Manotoc Subdivision, Barangay Marulas,
madaling araw noong Disyembre 6.

Sinabi ng dalagita na siya ang nagbukas ng pinto ng bahay at


nagpapasok sa kanyang nobyo upang pagnakawan ang biktima.

Ayon sa dalagita, kinuha ng kanyang nobyo ang coin purse ng kanyang


lola na naglalaman ng P200 pero nagising ang matanda, kaya
pinagsasaksak ng binatilyo ang biktima at tumakas.

Nagpanggap ang dalagita na walang alam sa nangyari, pero simula noon


ay hindi na siya mapakali, laging balisa at hindi mapagkatulog, hanggang
sa kumbinsihin niya ang nobyo na sumuko na sila sa awtoridad.

Plano ng magkasintahan na pagnakawan ang biktima at ang perang


makukulimbat ay gagamitin nila sa planong pagtatanan. – Orly Barcala

Ano nga ba ang kanilang dahilan sa paggawa nila ng isang kalunuslunos


na katulad ng ganito, makatwiran na nga ba ito para kumitil ng buhay ng
isang kapwa mo nilalang? Sa tingin ko, kahit na anong mangyari wala
tayong karapatan na gumawa nito, isa na rin dahil labag ito sa 10 tugon
ng Diyos. Sana ay matigil na ang ganitong pangyayari para na rin sa
ikaka-unlad ng ating bansa.

2.

You might also like