Talim ng Pagsisi
CAST:
Mama Tambay 1
Romuel Tambay 2
Apo Kapitbahay
Amo na lalaki Driver
Amo na babae
Anak ng amo
MSC
SCENE 1: SA KUSINA
01. MUSIC (PAGSISI BY: BANDANG LAPIS)
02. Tagapagsalaysay: Nagluluto si nanay Mina ng panghaponan ng
biglang dumating si Romuel na lasing at iba ang mga
tinuturan.
03. SFX ( MGA KULIGLIG)( SINIPA ANG PINTO)
04. Anak(Romuel): Ma!, ma!, nasaan na ba yung pinabibili ko na
sapatos?
05. Mama: nak, sa katapusan pa ako magkapera
06. Romuel: ma naman!
07. Mama: nak, wag ka naman magalit
08. Romouel: ako na nga lang ang nagiisa mong anak, ayaw niyo
pang pagbigyan.
09. Mama: Subukan kong manghiram nak.
10. Romuel: siguradin mo lang!
11. Mama: kumain ka muna
14. Romuel: wag na! nawalan na ako ng gana.
SFX (padabog na naglalakad)
Scene 2:
15. Apo: lola asan si papa?
16. Mama: may pipuntahan lang apo
17. Apo: lola, gutom na ako
18. Mama: ehh, ano ba gusto mo?
19. Apo: chicken joy hehehe
20. Mama: oh sige apo.
21. Apo: thank you lola… muahhh.
22. ………………………………………………………………………………………………………………………………………………
23. Scene 3 (Sa bahay ng kanyang pinagsisilbihan)
24. Tagapagsalaysay: At dahil takot si aling mina sa kanyang
anak naghanap ito ng trabaho kahit may iniinda itong sakit.
25. Music :( ANAK BY FREEDIE AGUILAR)
26. Mama/Mina: ang kati sa lalamonan.
27. Kasambahay 2: Mars,baka iba nayan,ako na muna dito.
28. Mama/Mina: ok lang mars, kaya ko to..
29. Amo(babae): Inuubo ka manang, magpahinga ka muna.
30. Mama/Mina: Sige po maam pagkatapos nito..
31. Mama/Mina: ohoo…[Link]!
32. Anak/Amo: Manang,paki-kuha nga ng tubig sa kusina.
33. Mama/Mina: Sige po ma’am.
34. Anak/Amo: Manang bat ang tagal!
35. Amo/Lalaki: Trixie… Tumigil kana alam mo bang inu-ubo si
manang. Pwede naming ikaw ang kumuha.
36. Anak/Amo: Dad ano bang silbi ng katulong, right manang?
37. Amo/Lalaki: Tumigil kana sumusobra kanang bata ka.
38. Mama/Mina: Ok lang yan sir..
39. Amo/lalaki: manang ito oh kunting pera.
40. Mama/Mina: para saan to sir?
41. Amo/lalaki: Para makabili ka ng gamot..
42. Mama/Mina: Sige sir, maraming salamat talaga sir.
43. Amo/Lalaki: Sige na manang, umuwi ka muna sa inyo.
44. SFX (tunog ng sasakyan)
45. Driver: Tara na manang, ako na nito, ambigat
46. Mama/Mina: Sige Nino maraming salamat.
47. MUSIC: (SAD MUSIC)
48. ……………………………………………………………………………………………………………………………………………
49. Scene 3 ( sa bahay )
50. SFX (TUNOG NG BASO)
51. Tambay 1: Oh shot, Romuel tagay na.
52. Romuel: Ahhh… sige magpa kasaya tayo shot!
53. Tambay 2: Romuel wala na tayong pulutan, paubos nadin alak
natin.
54. Romuel : Sige lang si mama na bahala diyan.
55. Tambay 1: Oh sige sendi muna tayo.
56. Romuel: Ang sarap sa pakiramdan.
57. Tambay 2: Sige sendi pa.
58. Tambay 1: Oh romuel iuuwi kana namin.
59. Tambay 2:Hindi mo pala kaya eh.
60. Romuel: Kaya ko pa!
61. Tambay 1: Oh Romuel andito na tayo.
62. Tambay 2: Uwi na kami, sige na….
63. Romuel: Sige bukas ulit.
64. SFX (binuksan ang pinto)
65. Romuel: Ma! Ma!
66. Mina( MAMA): OH! Anak, andito kana pala.
67. Romuel: Ma bigyan mo ako ng pera.
68. Mina: na, nak.
69. Romuel: Ano ba ma, bigyan mo sabi ako ng pera.
70. Mina: Anak wala akong pera.
71. Romuel: Meron kang pera! Hahanapin ko.
72. Mina: Anak wala nga Riyan.
73. Romuel: Aha… eh ano to?
74. Mina: Anak pambili ko yan ng gamot.
75. Romuel: Wala akong pakialam!
76. Mina: Anak akin na yan, pambili ko yan gamot ko..
77. Romuel: Pang-alak ko to, wag mo akong hawakan!
78. Mina: Anak ibigay mo sa akin yan, bigay yan amo ko.
79. Romuel: Sinungaling kang matanda ka! Sabi mo wala kang
pera.
80. Mina: Anak akin na yan.
81. Romuel: Wag mo sabi akong hawakan eh
82. SFX (Intense Music)
83. Mina: Anak anong ginagawa mo? Ibaba mo yan anak.
84. Romuel: Wala na akong pakialam sayo.
85. Mina: Anak maawa Ka…..
86. Romuel: Wala kang kwenta kaya dapat mamatay kanang matanda
ka.
87. Mina: Anak Wa, wag, wag…
88. SFX(Saksak sound Effect)
89. Apo: Tay anong ginagawa nyo kay lola.
90. Romuel: Wag kang makialam.
91. Apo: Lola gumising ka…,lola….
92. Romuel: Sabi ng wag kang makialam.
93. Apo: aray, tay..
94. Kapitbahay 1: mga kapitbahay si aling Mina.
95. Kapitbahay 2: Tumawag kayo ng Police.
96. Romuel: ma, ma, gumising ka ma.. ma.
97. SFX (Police Background Music)
98. Tagapagsalaysay: At doon nagsimula ang isang talim ng
pagsisi ni romel sa kanyag sarili at napagtanto niya kung
gaano kahirap ang mawalan ng mahal sa buhay.
99. At dito nagtatapos ang ating programa ,JHCSC drama
present “LUBID NG NAKARAAN”
100. MUSIC OUTRO: (KABILANG BUHAY BY : BANDANG LAPIS)