SCRIPT SA CPAR
Cast:
Bida * Businessman #5: Lyka Padasas
Ron Masangcay Businessman #6: Jaymar Ponegal
Johnna Surio Businessman #7: Mark Buban
* Dancers
Mga Tindera/o Maria Amor
Tindero #1: JC Abude Roanne Castro
Tindero #2: DJ Gavina Shekinah Chua
*Tindero #3: DJ Omol Micaella Suello
*Tindera #4: Janina Jacinto
Tindera #5: Angela Batulan Pamilya
Tindera #6: Patrick Reyes Tatay: Eric Jardin
* Dancers (Mamimili) Nanay: Joy Labanda
Mark Buban Kapatid #1: Myke Benitez
Jaymar Ponegal Kapatid #2: KM Gallardo
Raymond Rabaya Kapatid #3: Raquel Mazo
Azhley Ador Tatay: Edrick Aguro
Mga Businessman Extra
Businessman #1: Mark Padua Maid: Stephanie Bello
Businessman #2: Abby Batiancila Secretary: Paula Bautista
* Businessman #3: Phia Suratos Narrator: Allen Vega
* Businessman #4: Aisha Daigo
Narrator: Dito magsisimula ang kwento.
( Sayaw )
[ FOUNTAIN ]
Johnna & Ron: Ayoko na, sawang sawa na ko!
Johnna: Sawa na ko sa gantong buhay, May pera nga ako, di naman ako
masaya! eto eto (turo sa mga gamit at pera) ano bang halaga nito?
(bagsak gamit o tapon)
Ron: Ayoko na ng ganito, lagi nalang ako yung nagtitiis, hirap na hirap na kong
di nakukuha yung mga gusto ko kahit minsan, ano pa bang kwenta ng
buhay kung mahirap naman ako?!
Johnna: Nakakapagod na...
Ron: Nakakasawa talaga...
Johnna & Ron: Sana mag-iba nalang buhay ko, di na ganito!
Narrator: Tila ba may kakaiba sa gabi na iyon. Napakahaba at napakalamig.
May kung anong naramdaman ang ating dalawang bida. Nakakakiliti
na may kaunting sensasyon. At sa paggising nila, may isang maliit na
detalye ang gugulat sa kanilang dalawa.
[ BAHAY NI RON ]
Ron (katauhan ni Johnna): uminom ba ako kagabi? Kaninong kwarto ba ito. My
god something smells awful. Bakit ang kalat at ang gulo? At kailan pa
nabutas ang bubong namin?!
[ BAHAY NI JOHNNA ]
Johnna (Ron): hayyyyyyy sarap ng tulog ko. Wait lang. Asan ba ako? Takte ang
lambot ng kama. Laptop ba to. Ganda ah. Putek ang gagarbo naman
netong mga damit na to. Takte tiba-tiba ako dito ah. (kukuha bag)
: (lakad papuntang salamin) Anak ng... sino ka?? (kapa katawan) ako
ba to? (panic) Bakit nawala? (kapa sa puson) Ano itoooo?! (dibdib)
(Sigaw)
[ BAHAY NI RON ]
(Papasok si Joy)
Nanay: Hoy Ron!!!! Aba bumangon kana dyan. Tirik na araw oh! Kumilos kana
dyan at maghain wala kayong katulong ah.
Ron: Are you raising your voice at me? I am Johnna Surio! The daughter Edrick
Surio, CEO of Surio Enterprises! Bakit ako nandito? Kinindnap niyo ako no?
Kidnapper!
Nanay: Aba loko kang bata ka! Ako wag mo ako pinaglololoko ah. Nanggigil
ako sayo. Bilisan mo na dyan. Magttrabaho ka pa sa palengke!
(Umalis na)
Ron: Magtrabaho sa palengke? Did you even hear what I said? My
goooooosshh! And sikip-sikip naman ditooo! Hayyyyy sino ba kasi si Ron.
Gusto ko nang umuwiiiii.
: (Tumayo at nakita ang sarili sa salamin) What theeee! Sino ka?!
(napahawak sa bibig) (kinapakapa ang katawan) Oh my god (nakahawak
sa dibdib) Ano ito?!!! (napatingin sa baba) (Tapos tili lang)
Nanay: Anak ka talaga ng.. Di ka talaga kikilos? Halika nga dito. Bilisan mo!
(Tapos piningot si Ron)
[ BAHAY NI JOHNNA ]
Maid: Maam? May kailangan po kayo? Bakit po kayo tumitili?
Johnna: may ano-- bakit-- eto, eto, eto-- babae huh??!
Maid: Ma’am Johnna ayos lang po ba kayo?
Johnna: Ma’am Johnna? Anong Ma’am? Hindi ako si Johnna! Ako si Ron! Hindi
ako babae! Bakit ako babae? (tatapat kamay ni pane sa noo ni johnna) Anong
ginagawa mo?
Maid: Wala ka naman pong lagnat. Baka po nagugutom lang kayo. Nakahain
na po ang agahan. Kumakain na rin po si sir edrick.
Johnna: sino si sir edrick? Saka bakit mo ako pinaghandaan ng pagkain?
(makikita si edrick)
Edrick: Oh Johnna, bakit ka nakatayo jan? Kumain ka na.
Johnna: Ako ba tinatong nun?
Maid: maam kumain na lang po kayo malelate na po kayo sa trabaho niyo.
Johnna: Ate mali talaga to. Ron talaga pangalan ko, hindi ako si Ma’am
Johnna mo.
Edrick: Johnna bakit di ka pa kumakain? Its 7:30 na. You’re going to be late for
work.
Johnna: um tay-- ay pa-- ay dad, saan ba ako nagtatrabaho?
Edrick: Sa kumpanya natin. Johnna what’s going on? Is this a prank?
Johnna: Anong kumpanya? Ano ba? Asan ba talaga ako?
[ PALENGKE ]
Narrator: Naninibagong dumating si Johnna sa palengke at bakas sa mukha
nito ang pagkailang at pagkairita sa sarili n'yang kasuotan
(Maingay ang mga tindero/ tindera)
(Papasok si Ron.)
T#1: Bili na bili na mga suki!! Bentesingko lang isang tumpok oh. Murang- mura
na!
T#2: Hoy! Ikaw, kanina pa kita hinihintay bat ngayon ka lang?
Ron: (Nairita sa suot at paligid. Kamot ulo) Bakit ba? Tsaka bakit ganito dito?
Ambaho. Are these fishes really clean?
T#4: Aba, wag mo kaming inaartehan ha? Parang kahapon lang hinahalikan
mo pa nga yung isda eh.
Tatay: Sinabi mo pa, oh dalhin mo na to sa tiya mo, pang buena mano mo.
Ron: (hirap na hirap na iangat yung planggana, ayaw mabuhat, napaupo) Aw,
why is this so hirap naman, parang mababali na mga buto ko oh!? Huhuhu
(hinila na lang planggana)
T#3: (mapapansin si Ron) Hoy, anong ginagawa mo? Wag mo hilahin yan,
buhatin mo!
Ron: Duh? can't you na I have no muscles oh? See?
(tawa mga tindera/ tindero)
T#5: Hahahahhaha, mukha kang nagdadalaga ngayon ah?
T#7: (lapit kay Ron) ayos ka lang ba pre? Tulungan na kita.
Ron: a-ah o-oh sige hihi (hawi ng buhok papuntang tenga at pabebeng
ngumiti)
T#4: Baklang to, bilisan nyo dyan baka wala tayong mabenta dito!
[ OFFICE ]
Narrator: Sa kabilang banda, naiilang naman at naguguluhang dumating si Ron
sa opisina na pinagtatrabahuhan nito.
(Nag-uusap ang mga tao sa loob ng opisina)
BM#6: (napalingon pagpasok ni Johnna sabay siko sa kasama) Uy uy!! (bulong)
andyan na si madam.
(Dadaan si Johnna then random na babatiin ng BM's)
Johnna: Good morning din (masaya)
(kukunot ang noo ng mga BM's)
BM#7: (bulong) uy good mood si maam ngayon ah.
BM#6: (bulong) oo nga eh, 'di kaya sinapian ng anghel yan?
BM#7: (bulong) Baliw, malay mo naman ngayon lang natapos dalaw, 'di ba?
(lalapit secretary kay Johnna)
Sec: Madam, eto na po yung sched nyo for today and parating na rin po yung
mga representative ng ibang kompanya para sa presentation n'yo
ngayon. (Ipinakita ang sched)
Johnna: ah okay. Uhm, saan ba yun? hehe
Sec: Ay maam nandon po. (ituturo)
Johnna: Sige, kitakits mamaya. (kaway to sec)
[ MEETING ROOM ]
BM#1: So, the sales have decreased since last month. Do any of you have
suggestions how to improve this?
BM#2: Right. If this continues, posibleng mawalan ng malaking pera ang
kompanya natin.
(tango-tango)
BM#3: That can't happen, Miss Surio, do you have any suggestion to solve this
issue?
Johnna: Ha?
[ BAHAY NI JOHNNA ]
Narrator: Pagkatapos ng kani-kanilang trabaho, pagod na umuwi si Johnna sa
mansyon habang si Ron naman ay sa kanilang simpleng tahanan.
Johnna: Nay! Tay! Nandito na 'ko!? Tignan nyo may dala akong pasalubong--
(Napatigil sa pagsasalita, pagkakita kay Edrick). ay hello po.
Edrick: Bakit dami mong dala? Did you went shopping again? Halos mapuno na
closet mo ah.
Johnna: Wala po ta—dad. Ay! May dala rin po pala akong lechon.
Edrick: May ulam naman tayo jan ah, bakit ka pa bumili ng lechon?
Johnna: ‘Di pa po kasi ako nakakain ng lechon eh. Kaya po bumili ako.
Edrick: What do you mean Johnna? Last week lang nag-ulam tayo ng lechon.
Johnna: Ay—wala po tay—dad. Gusto ko lang po kumain ng lechon.
Edrick: Sige. Magpahinga ka na ‘nak, you must be tired from work.
Johnna: Mamaya na lang po dad. May nakalimutan pala ako sa opisina.
Edrick: Sige, stay safe okay?
[ BAHAY NI RON ]
Ron: (Malungkot na papasok)
Tatay: Musta anak? kumain ka na ba?
Ron: (magugulat) ah, ako po ba? h-hindi pa po eh.
Nanay: Oh hindi pa pala eh, hala kain ka na dito oh, tara na.
Kapatid#1: Oo nga kuya, kundi uubusan kita ng ulam.
( Magkakagulo yung mga magkakapatid sa pagkain )
Ron: Sardinas? Isang latang sardinas para sa atin lahat?
Nanay: Mejo gipit kasi tayo ngayon nak eh. Pasensya ka na ah.
Ron: (pinagmasdan mga kumakain) Uhm, lalabas lang po ako.
Kapatid#2: Hindi ka ba nagugutom kuya?
Tatay: Oo nga nak, kumain ka muna.
Ron: Hindi na da-tay. May nakalimutan lang po ako sa stall natin. Babalik din po
ako. (china oil)
[ FOUNTAIN ]
Johnna: (upo) Hays, Ano ba ‘yan. Ang laki nga ng bahay, nandito nga lahat,
wala namn sila nanay at tatay (gusto ko tinapay). Ayoko na ng ganto,
gusto ko na bumalik sa ako!
Ron: (sandal sa isang tabi) Paano kaya nila nagagawang maging masaya kahit
ganito lang yung kaya nila? Sana, simple na lang din yung buhay ko, pero
hindi eh. This is not my body. Gosh! Gusto ko na bumalik sa katawan ko! But
this time, magbabago na ako! Namimiss ko na rin si Dad. My gosh. Please
lang, sana mabalik at mabago na ulit to.
Narrator: At sa pagkakataong iyon, biglang nagliwanag ulit ang paligid
kasabay ng pagbalik sa totoong katawan nila Ron at Johnna.
Ron and Johnna: Bumalik na ako sa dati! (uuwi)