FILIPINO SCRIPT
MUSIC INTRO*
•1ST SCENE
* Nag-uurong ang Nanay Umuwi ang Tatay sa kanilang tahanan
SOUND EFFECT*
DIANNE: O, kamusta ang paghahanap mo ng trabaho? May nahanap ka na ba?
LATRELLE: Meron na, pero pag-iisipan pa daw muna nila ngabuti kung ako ay tatanggapin nila.
LATRELLE: Pahingi nga pala ng pera.
DIANNE: Bakit, pambibili mo nanaman ng alak
LATRELLE: Ngayon lang naman ako hihingi eh.
DIANNE: Ni' wala pa nga tayong ulam mamayang gabi alak na agad inuuna mo. Yan nga ang rason
kung bakit ka nawalan ng trabaho. Di mo manlang isipin ang sarili mong pamilya. Lumayas ka sa
pamamahay na ito! Umalis ang Tatay sa kanilang tahanan
SOUND EFFECT*
•2ND SCENE
* Naglalakad sa labas ang tatay Nakita siya ng mga kaibigan niyang nag-iinuman
BOGART: Uy pre si Tonyo ba yun?
PEDRO: Oo nga noh. Tonyo!
BOGART: Pare ba't di kana sumasama sa inuman?
LATRELLE: Nawalan ako ng trabaho pre eh kaya busy akong naghahanap.
PEDRO: Ah ganun ba? Halika na dito pre tagay na! Nag-inuman ang magkakaibigan
SOUND EFFECT
•3RD SCENE
* Umuwi ang anak at nakita ang kaniyang nanay na umiiyak
MARC: Nay, ba't po kayo umiiyak?
DIANNE: Anak...hindi ko na kaya. Nahimatay ang Nanay
MARC: Nay? Nay! Tulong!! Tulong mga kapitbahay! Dumating mga kapitbahay
KAPITBAHAY: Bakit anong nangyare?
MARC: Si nanay po nahimatay. Tumawag ng ambulansya mga kapitbahay
SOUND EFFECT
•4TH SCENE
* May pumuntang kapitbahay sa Tatay
KAPITBAHAY: Tonyo! Yung asawa mo, si Sassa tinakbo sa hospital! Halika!
TATAY(TONYO): Ano!? Dalin mo ako dun
SOUND EFFECT
•5TH SCENE
* Sila ay nagmamadali papunta kay Sassa
LATRELLE (TONYO): Doc Analyn nandito po ba ang aking asawa?? Kamusta na po siya?
DOC ANALYN: Nasa loob ng Room 21 ang anak at asawa mo. Na high blood at nang hina ang
kanyang katawan
LATRELLE ( TONYO): Sige po Doc, maraming salamat po.
SOUND EFFECT
•6TH SCENE
* Pumasok ang Tatay sa Room 21
SAD SOUND EFFECT
MARC: Tay.
LATRELLE (TONYO): Anak.
MARC: Si nanay po tay.
LATRELLE (TONYO): Oo alam ko anak.
MARC: Paano na po yan tay, pagkain lang natin ang mabibili ng mga pera po natin eh may sakit pa
po si nanay.
LATRELLE (TONYO): Wag kang mag-alala anak. Gagawa ako ng paraan para gumaling ang nanay
mo at may makain pa tayo.
MARC: Tay, ano po ang gagawin mong paraan?
LATRELLE (TONYO): maghahanap ako ng trabaho anak, kahit construction lang at mag dodoble
kayod na lamang ako para matustusan ko ang mga pangangailangan niyo ng nanay mo anak.
MARC: tay, tulungan ko na lamang po kayo para hindi po kayo mahirapan
LATRELLE (TONYO0: hindi na anak, kaya na ni tatay ito, pambawi na rin sainyo ng nanay mo nak.
LATRELLE (TONYO): pasensya na nak kung pinabayaan ko kayo nung una at lagi kong inaaway
ang ina mo para lang mabili ang mga luho ko.
MARC: nangyare naman na iyon tay, pinapatawad na kita tay, pasensya na rin po
SOUND EFFECT
•7TH SCENE
* Umaga na at papasok na ang anak sa eskwelahan
MARC: Tay, punta na po ako.
LATRELLE (TONYO): Sige anak mag ingat ka.
MARC: Sige po Tay.
* Nagsisi ang Tatay sa pag-una lagi sa alak sakanyang isipan Nag notification ang cellphone ng
Tatay
LATRELLE (TONYO): Natanggap ako? Natanggap ako! Sawakas may papasukan na akong trabaho
bukas!
LATRELLE (TONYO): Kamusta na kaya si Sassa? Mabisita nga siya nang maibalita ko ito sakanya.
SOUD EFFECT
•8TH SCENE
* Nasa eskwelahan ang anak at lunch na nila
ANAK: (Paano kaya ako makakatulong sa magulang ko?)
ANAK: (Sabi ni tatay kahit wag na akong tumulong ngunit gusto kong tumulong) May nakita siyang
nagbebenta na bata sa labas ng simbahan
*May nakita siyang nag bebenta na bata sa labas ng simbahan.
ANAK: Ahah! Alam ko na! Magbebenta nalang sa eskwelahan.
SOUND EFFECT
•9TH SCENE
Nakarating na ang tatay sa ospital at pumasok na siya sa room ng kanyang asawa
SOUND EFFECT
TATAY (TONYO): Sassa kamusta ka na? sana magising kana
TATAY : Pasensya na at diko kayo inuna. Hindi rin ako maka paniwala na kaya kong unahin ang alak
bago kayo ng pamilya ko. Huwag kang mal-alala Sassa, gagawa ako ng paraan upang matulungan
kayo..
TATAY: (Magpahinga ka Sassa, para mag kakasama na ulit tayo.
SOUND EFFECT
•10TH SCENE Uwian na ng Anak sa eskwelahan
MARC: (hmm.. Ano kaya ibebenta ko sa eskwelahan?) Naalala niya ang pagtimpla ng kanyang
Nanay sa paborito niyang inumin na Milo
MARC: (Alam ko na! Magbenta nalang ako ng Milo sa eskwelahan at dagdagan ko pa ng gatas)
SOUND EFFECT
• 11TH SCENE Nakauwi na ang bata
LATRELLE: O anak, kamusta ang pag-aaral?
MARC: Okay lang po tay. Kamusta po pala si Nanay? Binisita niyo po ba siya?
LATRELLE: Oo binisita ko siya kanina. Sabi niya masakit parin daw ulo niya. Ipagdasal nalang natin
ang paggaling ng nanay mo anak.
MARC: Sige po tay.
LATRELLE: Halika na dito anak at kain na tayo.
MARC: Sige po.
SOUND EFFECT
•12TH SCENE
* Umaga na at papasok na ang tatay sa trabaho habang ang anak ay sa eskwelahan
MARC: Punta na po ako tay.
LATRELLE (TONYO): Sige anak mag ingat ka ah.
MARC: Sige po tay, kayo rin po.
SOUND EFFECT
•13TH SCENE
*nakarating na ang tatay sa trabaho*
LATRELLE (TONYO): (Sana matulungan ko ang pamilya ko sa paraan na ito)
LATRELLE (TONYO) : (oras na para simulant ko ang trabaho)
*nagsipag ang tatay na mag trabaho
SOUND EFFECT
•14TH SCENE
* (Break time na sa eskwelahan)
MARC: (oras na para magbenta.)
CLASSMATE1: Uy pre ba't may dala kang icebox? Anong laman niyan? Anak: Tinitinda ko to pre.
MARC: Mga pre bili na kayo ng tinitinda kong tubig na pwede natin lagyan ng milo o gatas kung
gusto niyo. Ito ay 20 lamang pero kung tubig lang 15 nalang.
CLASSMATE1: Talaga? Pabili nga pre.
CLASSMATE2: Pabili nga rin pre
CLASSMATE3: Ako rin pre. Lumabas ang anak sa room nila Dumadaan siya sa mga estudyante
habang nag-aalok ng kanyang tinitinda
SOUND EFFECT
MARC: Bili na Tubig, Milo, o Gatas.
ESTUDYANTE: Pabili nga.
MARC: Tubig, Gatas o Milo? Ilan?
ESTUDYANTE: Isang Milo lang.
MARC: Sige, at Nagbenta pa siya sa iba
SOUND EFFECT
•15TH SCENE
*hapon na at uwian na nakauwi na ang anak at hinihintay siya ng tatay sa pinto
Tatay: Anak. Balita ko nagbebenta ka daw sa eskwelahan niyo? Anak: Opo tay.
Tatay: Ba't hindi mo sinabi sa akin. Baka kasi naaabala ang pag-aaral mo dahil dyan eh.
Anak: Sorry po tay, akala ko po kasi ayaw niyo akong magtrabaho.
Tatay: Okay lang naman anak kaso baka mapabayaan mo pag-aaral mo
. Anak: Hindi po tay. Pag breaktime at lunch lang naman po ako nagbebenta.
Anak: Wag po kayo mag-alala tay. Okay lang po ako. Ito nalang po ang paraan na magagawa ko
para sainyo.
Tatay: Sige anak. Salamat sa tulong mo ah.
Tatay: Ano nga pala yang tinitinda mo anak?
Anak: Milo o Gatas po tay. Tatay: Masarap ba yan anak? Patikim nga mamaya.
Anak: Siyempre po tay masarap po ito
. Tatay: Oh siya, tara na at kumain na ng gabihan.
Anak:Sige po tay.
SOUND EFFECT
•16TH SCENE
*kinaumagahan
Anak: Tay mauna na po ako. Ingat po kayo sa trabaho niyo.
Tatay: Sige anak ingat ka rin ah.
( Nagtratrabaho ang tatay habang nagbebenta ang anak)
SOUND EFFECT
•17TH SCENE
*2 buwan na ang nakalipas at nakapag-ipon na sila para sa pambayad sa ospital na gumamot sa
nanay binilang nila ang naipon nila
Anak: Tay sapat na po ba ito pambayad sa ospital?
Tatay: Oo anak. Anak: (Sawakas, pwede na ulit namin makasama si nanay.) •
SOUND EFFECT
18TH SCENE
*Papasok na ang tatay sa trabaho at ang anak sa eskwelahan
Anak: Tay mauna na po ako. Tatay: Sige anak mag-ingat ka ah.
Anak: Kayo rin po Tay. •
SOUND EFFECT
19TH SCENE
*nasa trabaho na ang tatay break time nila sa trabaho
Katrabaho1: Tonyo kasipag mo naman magtrabaho pre.
Katrabaho2: Oo nga pre.
Tatay(Tonyo): Ahh ganun ba pre. Salamat ah. nagkwekwentuhan sila nalaglagan ng bakal sa paa
ang tatay Katrabaho1: Pare! Katrabaho2: Tulong! Tinulungan nila ang Tatay
SOUND EFFECT
•20TH SCENE
*dinala sa ospital ang tatay dumating ang anak sa ospital
SAD SOUND EFFECT
Anak: Doc, nasaan po ang tatay ko!?
Doc ;Anak ka ba ni Tonyo? Nasa operation room siya at nabali ang kaniyang paa.
Anak: Ano po!? Doc: Pasenya na. Ginagawa na nila ang kanilang makakaya. Ipagdasal mo nalang
na sana successful ang operation ng tatay mo.
Anak: Sige po Doc, maraming salamat po. Mauuna na po ako.(malungkot na sinabi ng anak)
Kinaumagahan
Anak:(Hayst, bakit ba ganito ang nangyayari sa amin, puro nalang kamalasan, wala na kaming
biyaya na natatanggap).
Anak:(Si tatay nasa hospital, si nanay nasa hospital din, kahit na ganoon mag sisikap ako na mag
aral para makapasa at mabigyan sila ng magandang buhay). Naka dating siya sa skwelahan
Kaklase 1:Uy pre, mayroon ka bang benta ngayon na milo,
SOUND EFFECT
21 SCENE
Kinaumagahan
Anak:(Hayst, bakit ba ganito ang nangyayari sa amin, puro nalang kamalasan, wala na kaming
biyaya na natatanggap).
Anak:(Si tatay nasa hospital, si nanay nasa hospital din, kahit na ganoon mag sisikap ako na mag
aral para makapasa at mabigyan sila ng magandang buhay).
SOUND EFFECT
22 SCENE
Naka dating siya sa skwelahan
Kaklase 1:Uy pre, mayroon ka bang benta na milo ngayon??
Kaklase 2:Oo nga pre, meron ba? nasarapan kasi kami ehh
Anak: Syempre naman tol, madami ngayon, eto oh bilhin niyo na.
Kaklase 1:maraming salamat pre ah, sige una na kami.
Anak: Sige sige tol, madaming salamat sa pagbili.
SOUND EFFECT
23 SCENE
(Nag bell na at pumasok na ang mga estudyante sa silid-aralan) (Nag benta benta muna ang anak
simula umaga hanggang hapon sa iskwelahan)
Anak: (Bisitahin ko muna si nanay at tatay sa hospital para makamusta ko naman ang kanilang mga
kalagayan) (nakarating na ang bata sa hospital)
Anak: Tay, kamusta naman po kayo?
Tatay:Okay naman ako anak, konti nalang ang sakit ng aking katawan, Ikaw ba? kamusta naman
ang araw mo ngayon sa skwelahan?
Anak: Mabuti naman po tay, madami po kasi akong natutunan sa araw na ito at tsaka madami
naman po akong naibenta sa araw na ito.
Tatay: Mabuti naman kung ganon.
Anak: Tay iwan ko po muna itong mga pagkain dito para po inyong kainin at uuwi na din po ako.
Tatay: Sige anak pero bago ka umuwi kamustahin mo muna ang nanay mo. Anak: Sige po tay.
SOUND EFFECT
24 SCENE
(nagpunta ang anak sa kaniyang inay) (Naabutan ng anak ang doctor sa sa kwarto ng nanay at
tinanong ito)
Anak: Doc, kamusta naman po ang kalagayan ng aking inay?
Doctor: Okay lang naman iho dahil gumagaling na ng pakonti konti ang iyong nanay dahil nakapag
papahinga na ito at naibabalik na ang kaniyang enerhiya.
Anak: Ganun po ba, maraming salamat po sa pag aasikaso sa aking inay.
Doctor:Walang anuman iho.
Anak: Sige po mauna na ho ako at mag gagabi na.
SOUND EFFECT
25 SCENE
(Naglakad pauwi ang anak papunta sa bahay nila) (Pagkadating sa bahay, ginawa ng bata ang
kaniyang assigment na binigay ng guro) (Transition na mag gragraduate na ang bata at ang nanay at
ang kaniyang tatay)
Anak: Di ako makapaniwala na makakamit ko ang diplomang ito, sa dinami ng pagsubok sa buhay,
hindi ako sumuko at nag patuloy kaya eto ang naging resulta ng paghihirap ko
Tatay: Anakkk!, congratsss sobrang proud kami ng nanay mo sayo!
Nanay: Uwi na tayo? at pinag luto ko kayo ng masarap na ulam.
Anak: Tara na!
THE END
GROUP MEMBERS AND ROLES:
NANAY: GARCIA DIANNE
TATAY: GUINTO LATRELLE
ANAK: MIRANDA MARC
DOC : DE GUZMAN PRECIOUS
BOGART: SEBASTIAN , KURT
PEDRO: MIRANDA MARC
KAPIT BAHAY: DE GUZMAN PRECIOUS
CLASSMATE 1: DOAL ANJIKA
CLASSMATE2: SEBASTIAN KURT
CLASSMATE3: BALDONADO CHAD
KATRABAHO1: SEBASTIAN KURT
KATRABAHO2: BALDONADO CHAD
Filipino-8
St.matthew/ols 102
Group#2
Passed to: mr.RHOMEL CIELO VIRAY