You are on page 1of 4

Introduction

Minelle: (nanonood)

Girls: Aerobics

Boys: F4 sumasayaw

Minelle: (Ililipat ang channel)

MTRCB RATED G

Host 1: Muli nanaman pong nagbabalik ang pinakaaabangan na programang pantelibisyon!

Host 2: Na magpapasakit ng iyong tyan sa kakatawa hanggang sa ikaw ay mapa

SFX FART SOUND EFFECT

Host 1: na dulot polusyon!

Host 2: Mukhang handa na sila, kaya wag na nating patagalin pa.

Lahat: Kami ang mga makukulit!

SFX EMOTIONAL DRAMA SAD CONTEMPORARY MODERN PIANO

Host 1: Ang nakaraan sa “Dakilang Ina Mo!” dahil sa pagmamahal ng isang ulirang ina sakanyang
pamilya, kinakaya nyang hamakin ang lahat. Ano pa kaya ang mga susunod na mangyayari sa buhay ni
Onay bilang pagiging nanay.

Onay: Hayyy nako! Napakahirap din talaga maging isang nanay, biruin mo kakatapos ko lang maglaba at
maglampaso, nakakapagod! Anong oras na puyat na nanaman ako. Pero sa wakas, Salamat naman at
makakatulog na ako. Hayy umusog nga kayo mga anak at matutulog din si na……

COMMERCIAL SHOPEE

SFX ALARM CLOCK


Onay: Nako! Nako! Nako! Magsigising! Magsibangon kayo! Mga anak… Boyet.. Tinay… anak gising na!
Victor bangon na…. aba baka nakakalimutan mo duty mo para magtanggol.

Boyet: Opo, Nanay gigising na po ako eh.

Onay: Huwag na kayong magpabagl bagal, magsikain na kayo. Ay magsipilyo muna pala kayo, oh ito na
(abot ng toothbrush na may toothpaste) dali na dali na mahuhuli na kayo sa klase at ikaw Victor
mahuhuli ka na sa trabaho mo. Bilisan nyo!

Boyet: Na-nanay madami po yung toothpaste na nilagay nyo po saakin eh

Victor: (Laughs) Dali na, may dahilan yan kung bakit madami anak.

Onay: Huwag na kayong umalis diyan sa pwesto nyo, ito na ang gatas mo tinay… kape mo mahal.. at
gatas mo boyet… Oh tama na yang pagsisipilyo nyo. (pinagmumog ang mga inumin na inabot ni onay)

SFX CROWD LAUGHING

Onay: Magsibihis na kayo.

Victor: Bihis? Sige magbihis na daw tayo mga anak.

Tinay: Nay nasaan po ang unipoerme ko?

Onay: Ito na, isuot mo na anak. (isinuot sa anak ang palda)

Victor: Mahal anong mas maganda ito o ito?

Boyet: Nay! Wala din ako uniporme eh. Di ko mahanap sa lalagyan eh.

Onay: Oh ito na! ito na! Dalian mon a. (isinuot ang palda)

Boyet: Hala pambabae yan nanay eh.

Onay: Ay oo nga, hayaan mon a uniporme din yan!

Boyet: Pero lalaki ako nanay eh.

Onay: Anak mahuhuli ka na, wala nang oras, dali!

Tinay: Nay! Yung blouse ko po?


Onay: Ay oo nga, yung blouse ng anak kong babae. Sandal, hindi pa tuyo! Kakalaba ko lang. Pasensya na
ha, pagsinuot mo naman ito mamaya matutuyo na ito.

Tinay: Ay! Nanay ang lamig naman po nito.

Onay: Pagpasensyahan mona anak, basta ang gawin mo gumalaw ka ng gumalaw para agad matuyo ha.

Boyet: Nay! Yu-yung polo ko wala pa eh.

Onay: Polo? Ayy! Oo ng apala yung polo mo marumi pa! ah ayun may polo! Oh anak may polo kana, ito
na ang polo mo.

Boyet: Nay, pang opis naman po ito eh, hindi naman po ako pumupunta ng opis eh.

Onay: Ha! Teka oo nga. Sige sandal lang (ginupit ang polo)

SFX CROWD LAUGHING

Victor: Anong nangyari? Akin yan mahal!

Onay: Okay! Okay! Bilisan natin ang mga kilos at mahuhuli na kayo.

Boyet: Sandali nanay, paano yung pangalan ng school? Wala po nakalagay eh.

Onay: Ha? Kailangan pa ba talaga yun boyet? Sige sandal lang ulit ha (sinulatan ng marker ang polo) oh
ayan, pwede na siguro yan anak.

Victor: Tara na, umalis na tayo, bilisan nyo na. Sige na mahal, alis na kami.

Onay: Sige, mag-iingat kayo ha!

COMMERCIAL (MASTER SIKRETO NG MGA GWAPO)

SFX DOOR KNOCKING

Tinay: Nay! Nay! May tao po.

Onay: Ay! Bakit po ano ang sadya nyo?


Bisita: Nais lang naming kayong imbitahan para sa Sunday mass mamayang gabi na gaganapin sa
barangay natin.

Lahat: (GULAT) Ano??!! Ibig sabihin walang pasok???

You might also like